c h a p t e r 8
Isolde's POV
It's been days at hindi parin ako nakakaisip kung anong dapat kong gawin para pag-aralan ang self-defense, wala naman akong kaalam-alam sa mga physical combat since home-schooled ako. Kung may alam man ako edi sana mas naging wais ako dun sa pagsugod sa sumaksak sa akin.
Thinking about it ano kayang nangyari sa katawan ko?
I sigh. "This is harder than I thought."
Itinabi ko muna ang mga librong nakakalat dito sa kuwarto ko dahil nakaharang na sila sa kama ko.
"Swordsmanship"
"Wield your Dignity"
"Guide to becoming a Knight"
Iilan lamang yan sa mga librong binabasa ko ngunit wala din namang pumapasok sa utak ko dahil masyado itong komplikado, at puro tungkol sa pag aaral lamang ng mga espada ito.
Nalaman ko din na may silid aklatan pala dito kaya si Susan ang pinakuha ko ng mga librong ito, nagtaka naman siya kung bakit dahil wala naman daw akong ka interesa-interesado dito. Itinugon ko na lamang na napukaw na nito ang interesa ko.
Isang araw na akong nakakulong dito sa kwarto ko kasama ang mga komplikadong libro na ito. I need to get some breather.
"Susan, I want to go outside to get some breather." Saad ko dito. Hindi ko pa masyadong nakakabisado ang loob ng bahay na ito, ngunit nung nalaman kong may silid aklatan dito ay agad ko itong pinuntahan, at nakakamangha ang laki nito at sobrang dami ng libro.
Well, as you can remember I was a writer and that place is heaven for me.
"Let's go to Azure Garden." Binigyan naman ako ng balabal ni Susan dahil umaga palang at malamig pa at manipis na tela lamang ng damit ko, hindi katulad ng sinusuot ko tuwing may pupuntahan, kumbaga parang damit na pangbahay lang.
Mas maliit ang Azure Garden kumpara sa Emerald Garden pero mas nagagandahan ako dito at mas tahimik din dahil bihira lamang na may mapadpad na tao dahil nasa pinakalikod ito ng bahay samantalang ang Emerald naman ay sa gilid ng bahay kaya mas tanaw ng mga tao.
Naglakad na kami patungo sa hardin at hindi rin tumagal ay nakarating na kami, tila ba parang kumikinang ang mga tanim doon at ng lapitan ko ito ay may bakas ng tubig. Mukhang bagong dilig lang.
Pumwesto na ako sa paanan ng matayog na dilaw na puno na mapagkakamalan mong ginto ang mga dahon nito sa malayuan.
Inutusan ko naman si Susan na magdala ng mga mangunguya, dahil nadin sa gusto kong mapag-isa at hindi pa ako sanay na laging may nakasunod sa akin at nagbabantay, medyo nakakailang.
Umihip naman ang hangin at damang-dama ko ang pagka sariwa nito, mula dito sa puwesto ko, nakakita ako ng mga katulong na abala sa kanilang mga gawain.
Ngunit napukaw ang pansin ko ng isang matandang lalaki na tila umiilaw ang mga palad nito habang nakatapat sa mga halaman.
"What is that?" Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan ang matanda.
Itinaas nito ang tingin niya sakin at agad-agad na yumukod.
"Magandang umaga, maaari ko bang malaman kung bakit umiilaw ang kamay niyo?" A sign of amusement was evident in my face.
"Gumamit ako ng mahika upang panatilihin ang nutrisyon ng mga halaman." Kalmadong sagot nito na may ngiti sa mukha.
That's it! Magic! Bakit hindi ko naisip iyon?! I can use magic for self-defense!
"Young Lady, ako nga pala ang punong hardinero dito sa estate." Oh so siya ang responsable sa mga halaman dito, siya din saguro ang nagdilig kanina.
"Nagagalak akong makilala ka, puwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Tanong ko.
"Ako si Alejandro Owens ngunit tawagin niyo nalang akong Mang Alejandro, at nagagalak din ako dahil sa tagal-tagal ko ng nagt-trabaho dito ay nagkausap na din tayo Young Lady." Mukhang isang kalmadong tao to si Mang Alejandro, something about him seems to be fresh? And napapalibutan ito ng positibong enerhiya, pakiramdam ko lang.
"Palagi ka sa aking kinukwento ng mga ibang katulong dito na mayroon ka raw taglay na masamang ugali, pero hindi ko naman sila pinaniwalan dahil hindi ka naman namin kilala ng personal, but It seems that that's not the case for our Young Lady, you are very nice hoho." Tumawa siya at pati narin ako ay natawa, natuwa naman ako sa sinabi niya, something about him just screams happiness.
"By the way, are you and Butler Janus related?" Dahil parehas sila ng apelyido.
"Yes, Young Lady, we are brothers." Nagporma 'o' naman ang bibig ko at nginitian si Mang Alejandro.
"Thank you for your time Mang Alejandro." I smiled.
"Naku, walang anuman Young Lady, I should be the one thanking you." Nagpaalam na ako sa kanya na lilisan na ako at kumaway na ako sa kanya, kumaway din naman siya bilang tugon.
Mang Alejandro, thank you talaga, ang laking tulong niyo! Now I know what I have to do.
"Let's get down to business!"
_________________
Question Time!
Ano kaya sa tingin niyo ang gagawin ni Isolde?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top