c h a p t e r 3
Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa Receiving Room kung saan nandoon ngayon ang Duke na sinasabi ng maid na ito at ang aking mga magulang.
"Ano ang pakay ng Duke?" Hindi ko kilala ang Duke na sinsabi nitong babae pero parang pamilyar yung pangalan niya.
"Hindi ko din po alam Miss, inutusan lang ako na iparating sa inyo ang balita" Tumango na lang ako.
Ah, kung hindi nyo pa alam mukhang sa mundong ito, iba ang sistema nila sa 21st century, sa mundong ito nag e-exist ang mga hari at reyna, at may hierarchy na tinatawag, parang estado eto among the nobel's.
May tinatawag na Imperial Family kung saan nabibilang ang Emperor and Empress pati narin ang mga Prince and Princesses, at hindi lang yun may tinatawag na Duke, eto ang pinaka mataas among the nobels, Marquess naman ang pumapangalawa, ang Earl, Baron at Viscount , they are all part of this so called Monarch. They all made an oath to the Imperial Family in exchange of a land and that's how they build their reputation, there are different houses hindi lang kami.
Kung ihahalintulad ito sa 21st century, ang Imperial Family ang Pamahalaan, at ang kabilang naman sa hierarchy ay ang mga alagad ng Pamahalaan.
Nakarating na din kami sa Receiving Room, dito pinapapunta ang mga bisita ng bahay. Kumatok ang maid at pumasok na ako.
Bumungad sa akin ang isang napakalaking kuwarto, at makikitang nakaupo ang mga magulang ko sa kabilang bahagi at ang misteryosong lalaki naman ay nasa kabilang bahagi naman at kaharap ang mga magulang ko, may mga nakahandang pagkain at inumin sa lamesa na pumapagitan sa dalawang panig, napukaw naman ang atensiyon nila sa akin.
"Isolde, anak halika dito." Inaya ako ng ama ko na umupo sa upuan malapit sa kanila.
Nakaupo na ako at kaharap ang lalaking halos kasing edaran lang din ng ama ko, may dalawang pares ng gintong mga mata na nagpapaalala sa akin ng honey, at mayroon din itong taglay na maamong mukha, ngunit ang talagang namangha ako ay sa kulay ng kanyang buhok, buhok na kulay pilak na ngayon ko lamang na encounter sa buong buhay ko.
Tunay ba yan? Hindi niya ba yun pinakulayan? Teka, is there such a thing here in this era?
"Kamusta ka Isolde?" I snapped out from my thoughts.
"Ayos naman, Duke....." Hindi ko nga pala alam pangalan niya.
"Ah, haha, I'll introduce my self again, I am Duke Fynn Agas, kaibigan ako ng mga magulang mo at business partner din." Binigyan ako nito ng isang matamis na ngiti, and I seem to find his smile comforting.
"Kung hindi mo natatandaan anak, parang kapatid na ang turing ko kay Fynn, dahil bago ko pa man makilala ang nanay mo ay magkaibigan na kami." Now I know, tumango ako sa tatay ko at ngumiti.
Naguluhan naman ako sa naging reaction ng mga magulang ko pati narin ng Duke, lahat sila ay tila nanlaki ang mata.
"I-is there a problem?" My mother answered "No, we were just shocked, you should smile more dear, it suits you." Tumango naman ako kahit naguguluhan pa din.
Bumaling na ulit ako sa Duke at nakitang nakangiti ito.
"Hoho this is a rare sight to see, ngayon ko lamang nakita si Isolde na ngumiti." I tilt my head, confused, but he just remained with a happy face.
Our talks go on as time pass by, hindi na namalayan ng mga magulang ko na hapon na.
"I guess our tea time is up." Akmang tatayo na sana kami ng may kumatok. Pinahintulutan naman ng tatay ko at bumungad ang isang guwardiya.
"Duke Agas, hindi parin naman mahanap ang Young Master." The Duke excused his self for a moment and talked to the knight.
"I guess my time will be extended Marquess, is that ok?" He returned to his seat.
"Of course Duke. Isolde, you can go back now." I nod as a response at lumabas na sa kuwarto.
Gusto kong bumalik ulit sa garden para maglakad lakad muna.
Sinamahan naman ako ni Susan, my personal maid.
Hmm, may anak pala ang Duke.
Napaisip naman ako kung sino ito, dahil feeling ko parang kilala ko siya.
Nilagay ko ang dalawang hintuturo ko sa ulo ko para mag mukhang nag iisip ako, I mean, iniisip ko naman talaga, It just that my memory is all blurry.
"Ahh! Feeling ko talag---" bumagsak ako sa lapag at may naramdaman akong matigas sa ibaba ko, at for sure eto din ang dahilan ng pag ka bagsak ko, mukhang napatid ako.
Nagulat ako ng gumalaw ito, minulat ko ang mata ko at nakitang tao pala ito.
"Wait, the Duke?!" May pilak din itong mga buhok.
"No wait, doppelganger ng Duke?!" Minulat nito ang mga mata nito at tumambad sa akin ang ginintuang mga mata niya.
He glared at me and I snapped from admiring him.
Teka, ang awkward ng posisyon namin ngayon, wait wait wait, nakapangibabaw ako sa kanya ngayon.
Sandali lang naman! Sa libro lang ito nangyayari diba?!
My whole system panicked and I started to feel my cheeks blush from the situation.
"Ah, Young Master!" Narinig kong may tumawag mula sa di kalayuan at Young Master?
Wait could it be...
"Urgh, pwede bang umalis ka na?" Agad-agad akong umatras at bumangon na din siya.
"Young Master! Miss Valentia!" Tinulungan akong tumayo ni Susan.
"Oh my.. " Nakita ko naman ang Nanay at Tatay ko sa pasilyo di kalayuan samin kasama ang... Duke?!
Wait so.... etong lalaki na ito.
He looked at me again and he crossed his shoulders.
ETO ANG ANAK NG DUKE?!
Nakita kong nakalapit na ang mga magulang ko at ang Duke sa puwesto namin.
"Yophiel..."
I was... dumbfounded
----------------------------------
Question Time!
hoho, ano sa tingin nyo ang koneksiyon ni Yophiel kay Isolde?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top