c h a p t e r 2
Uh, this can't be, am I dreaming? Nasa realidad ba talaga ako? Paano ito nangyari?
Kasalukuyan akong dinadamitan ng mga katulong dito sa kwarto na pinag gisingan ko, at mukhang ako ang may ari ng kuwarto na ito.
Hindi parin ako makapaniwala na nasa ganito akong sitwasyon at sa hindi pamilyar na katawan, hindi imposibleng na buhay muli ako, pero sa ibang katawan nga lang.
So reincarnation really is real and from the memory of this body's previous owner, mukhang nasa kakaibang kontinente ako na hindi ko pa natutuklasan kahit kailanman sa buong buhay ko.
What a shitty situation I'm in.
At kanina pa ako binibihisan ng mga katulong dito, and this clothing is so frickin uncomfortable, urgh halos mag iisang oras na kami dito.
"Miss it's done." Lumayo sila ng kaunti sa akin para mas makita ko ng maiigi sa salamin ang hitsura ko.
(pic for reference only)
Isang hindi pamilyar na mukha ang nasa harap ko ngayon, magagandang buhok na parang ginto, berdeng mga mata na maihahalintulad sa isang diyamante, at isang napaka gandang mukha, ako ngayon ay nabuhay muli sa katawan ni Isolde Valentia.
I smirked. "What a foreign feeling." Napatangin naman sakin ang mga maid.
"Miss?" Nagtatakang tanong nila.
May pumasok na matandang lalaki na nakadamit na pangkatulong at kung tutuusin para siyang isang butler.
"Miss, tinatawag na kayo ng inyong ama." Tumango ako sa kanya at lumabas na ng kuwarto, may sumunod naman sa aking isang guwardiya habang sinusundan ko ang butler.
I took this opportunity to look around, and without a doubt It seems like I returned to the past, the clothing the interior of the building, it feels like those 90's era it also give that European-ish style?.
The butler lead us to a door along the hallway.
"This is your Father's office." He knocked twice to announce my arrival "Sir, Miss Isolde has arrived." Nagsalita ito mula sa kabilang kuwarto "Let her in."
Pumasok na ako at bumungad sa akin ang dalawang pamilyar na mukha, pinaupo nila ako, so no choice, I guess?
"Isolde, anak, kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ng lalaking mala ginto ang buhok, mukhang sa kanya ko namana ang kulay ng buhok ko at mayroong dalawang naggagandahan na asul na mga mata, siya ay si Tobias Valentia isang Marquess at ang Tatay ko.
"Maayos naman na ang kalagayan ko," I reassure them.
"Anak, nakikilala mo pa ba kami?" Tanong naman ng babaeng may pulang buhok at berdeng mga mata, and you guess right sa kanya ko namana ang kulay ng mga mata ko and she is also my mother, Licia Valentia.
"Yes, you are my parents," I gave them a smile at mukhang natuwa sila sa sinabi ko.
"Akala namin nakalimutan mo na kami" naluluhang sabi ni Licia.
How can this body forget, they both are this body's loving parents, which I never had
Sandali, may kailangan akong itanong sa kanila "Uh, Father? Mother? How old am I?" A sign of concern was shown on their faces, but great fully they recovered fast.
"Ah, it must be because of the amnesia, you are 17 yrs old. " As I've guessed, mukhang 6 years ang agwat namin ng katawan na ito.
I am 17 years old physically but 23 years old mentally, this is absolutely shocking.
"You can rest for now." Tumango ako at umalis din sa kwartong iyon.
Sa pag kakatanda ko merong hardin na malaki dito sa estate ng mga Valentia.
"Pwede mo ba akong samahan papunta sa hardin?" Tanong ko sa isang nagbabantay.
"Saan miss? Sa Emerald Garden o sa Azure Garden?" Wow ang bongga, dalawa pala hardin namin dito.
"Uh, alin ang mas malaki?" Halatang nabahala ang guwardiya sa tanong ko, pero sumagot naman ito kaagad.
"Mas malaki ang hardin ng iyong Ina ang Emerald Garden, pero ang mas lagi niyong pinpuntahan ay ang hardin ng iyong tatay ang Azure Garden," sumagot naman ito ng walang pagaalinlangan.
"Ah, sige sa Azure tayo." Naglakad na kami papunta sa sinasabing hardin at nagmamasid naman ako habang papunta kami doon.
Napakalaki naman ng estate na ito, halatang mayaman ang mga Valentia at mukhang naaalagaan ng maayos, madami din akong nakikitang mga katulong na busy sa mga kanya-kanyang gawain at madami ding mga guwardiya.
"Nandito na tayo Miss." Namangha naman ako sa kagandahan ng hardin, sakto lang ang laki nito at may isang building sa gitna nito, Pavillion ba ang tawag doon? Basta yun.
"Pwede mo na akong maiwan." Tumango siya at sinabing mag babantay lang siya sa malapit, agad akong tumungo sa Pavillion at naupo.
Lumapit sa akin ang guwardiya "Miss, gusto nyo bang tumawag ako ng katulong upang pag handaan kayo ng makakain?" Sakto gutom din ako.
"Sige." Tumawag naman ito ng isang katulong na malapit at nag utos.
Pagkatapos lamang ng mga ilang minuto, dumating na ito.
"Tawagin niyo lamang po ako kung may kailangan pa kayo, Miss." Tumango ako dito at ngumiti, nagulat naman ito sa naging reaksiyon ko.
Uh bakit? May mali ba sa ginawa ko?
Ngumiti din ito pabalik at yumuko, a sign for formality.
Hmm, mukhang matindi ang formalities dito, hindi katulad na nakasanayan ko, tinatawag nila akong Miss dahil anak ako ng isang Marquess, ang pumapangalawa sa may pinaka mataas na ranggo bukod sa Duke.
This feels like, this came out from a novel, pero mukhang hindi naman ako mahihirapang mag adjust, the memories of this body's previous owner will surely help me.
"Pero, hindi ko mapigilang manibago." Lumapit muli yung katulong na nag handa ng pagkain ko.
"Miss, Duke ....... is here." May malaking ngiti ito sa mukha at halatang excited sa balita.
Huh? Have I heard that name before?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top