c h a p t e r 12

Isolde's POV

Totoo naman ang sinabi ng nanay ko at kasalukuyan nga akong sinusukatan dito sa kwarto ko, madalas sa isang nobility na magkaroon ng personal designer o ng mananahi nh kanilang mga damit siguro ay para maiwasan ang pagkakaparehas ng damit.

Mas prefer din nila ito kesa pumunta sa bayan para mamili, ang mismong mananahi na lamang ang pinapapunta nila sa kanilang tahanan.

".. And for the waist it's 24, young lady do you have any preferred color and design?" Tanong nito, at dahil wala akong kaalam-alam sa mga ito ay kung ano-ano na lamang ang lumabas sa bibig ko.

Ngumiti ito. "Well, that is quite unique my lady." Nagligpit na ito ng gamit at nag bihis naman na ako. Nagpaalam na ito at sinabing mamayang hapon ay babalik ito kasama ang damit.

"Susan is there any agenda for today?"

"No, miss, only preparation for tomorrow."

Naisipan kong mag pa lipas na lamang ng oras sa silid-aklatan.

-----

Itinuloy ko ang pagbabasa sa libro na hindi ko natapos.

"There are plenty of things related to magic, such as alchemy, divination, incantations, sorcery, spirit mediation, necromancy and many more to mention and not discovered. We don't know where magic truly originated from but base on legends, it was the twelve olympian gods who bestowed this incredible but at the same time dangerous act to human kind.... " Time flew by past, at muli hindi ko na naman namalayan na hapon na pala, lumapit sa akin si susan at mukang nandyan na ang mananahi.

Tumungo na ako sa kwarto ko at pag bukas ko ng pinto ay nakalagay na sa mannequin ang magarbong damit.

(pic for reference only)

The dress was very loud but elegant at the same time, ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase ng damit, ito pala ang kinalabasan ng ideya ng bibig ko haha.

Mabilis na lumipas ang hapon at kasalukuyan akong nasa bathtub at nakababad sa gatas, grabe-grabe pala ang pag hahanda para sa isang okasyon dito.

I hope everything will go well tomorrow.

-------

"Hng.." Nagising ang diwa ko ng may tumamang ilaw sa mata ko.

"Young Lady, let us prepare you for todays event." Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at naaninag ang mga katulong na naka hilera sa isang tabi.

Tumayo na ako at mas nakita ko sila ng maigi, mga nasa lima ang maga-assist sa'kin ngayon.

"Susan, what's for breakfast?" May inilapag naman ito sa maliit na lamesa at ngumiti ito pag harap sakin.

"Water, young lady." Nagulat naman ako sa sinabi nito, may balak ba siyang gutumin ako?

"Since there's you're attending the celebration today it's best to not have anything for breakfast since the dress might get too tight for you." Nasagot naman nito ang tanong ko.

I'm gonna starve for sure.

Dali-daling kumilos ang iba pang katulong at halos mahilo na ako sa ginagawa nila.

3 hours later

"Young lady, you can now look in the mirror." Dala-dala nito ang salamin na ngayon ay nakikita ko na ang mala dyosa kong pigura.

The dress is really sophisticated and elegant matching with my stern face, and my emerald eyes seems to be more vibrant today, my golden hair that's tied up prettily goes along with the dress.

(pic for reference only)

Nakarinig naman kami ng katok at pinagbuksan ito ng isang katulong at bumungad dito ang butler na si Janus.
"Miss the Marquess and Marchioness are already waiting for you." He said in a stentorian tone.

Tumango naman ako.

"Thank you everyone." Then I flashed a smile, ngumiti naman ang iba sa'kin.

Nakasunod na ako ngayon kay Janus at binabaybay ang mahahabang pasilyo, pansin ko rin na maraming napapatingin sa gawi namin ang mga napapadaang mga katulong at mga gwardiyang naka toka ay napapalinga.

Nabaling ang atensiyon ko ng magsalita ang butler. "Young lady, you look very beautiful." Napangiti naman ako sa sinabi nito.

I might as well enjoy being in this body, pati rin naman ako kung makakakita ako ng ganto kagandang tao ay mapapabaling din talaga ang tingin ko.

Natanaw ko na ang mga magulang ko at di katagalan ay nakarating na rin kami sa main entrance ng mansiyon.

"Oh god, dear you look so enchanting." Pagpuri ng nanay ko.

"Well, it runs in the genes honey." My fathet said jokingly but with confidence, well tama naman ang sinabi nito.

Sumakay na kami ng isang napaka garang karwahe na may mga gintong disenyo.

Baka makasalamuha namin sa palasyo si Conlaed since isa siya da mga Imperial Knights, tumanaw na lamang ako sa bintana dahil mukhang mahaba-haba pa ang lalakbayin namin.

1 hour later

Tumigil na ang karwahe at pinagbuksan na kami ng pinto ng coachman, unang bumaba ang mga magulang ko at sumunod naman ako.

Namangha ako sa laki ng palasyo, halos nakatingala na ako sa sobrang taas nito. Malayo pa bago kami makapasok sa mismong palasyo dahil tatahakin pa naman ang mahabang daan papunta rito, nakita ko na may iba naring mga nobels ang naglalakad.

"This is where my first battle begins."

___________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top