AWR-Prologue
Napangiti siya nang makita ang repleksiyon niya sa salamin palabas ng klinika ng dermatologist.
Pinatanggal niya ang lahat ng nunal sa katawan niya. Lahat ng maaaring pagkakakilanlan sa kanya.
Bakit nga ba hindi nalang ang mukha niya ang pinapalitan niya kung nais niyang walang makakilala sa kanya?
Simple lang ang sagot: Taglay niya ang kagandahang namumukod-tangi sa lahat ng mga babae.
Humanda ang lahat ng mga lalaki dahil ipapakita niya na kayang paikutin ng isang babae ang mundo gamit ang kanyang talino, alindog at ganda!
Simula sa araw na ito kikilalanin siya bilang 'Claire de Silva'!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top