A Woman's Rage (6)
Lumingon ako para makita siya. Napa-smirk pa ako nang makita ang itsura niya. Bakit parang mas bata yung personal profile na binigay ng imbestigador? Ang alam ko nasa edad singkuwenta lang ito. Ang isang 'to naman ay matandang hukluban. Mas presentable pa si tandang Fajardo sa kanya. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.
"Ikaw ang may-ari ng Villa Gracia resort?" taas-kilay kong tanong.
"Yes, the one and the only." Nakangisi niyang saad. Ngisi pa lang niya at bahagyang pagsulyap sa kabuuan ng katawan ko, alam kong wala na siyang ipinagkaiba sa mga lalaking hayok ang laman na nagtangka sa akin dati.
"Can I talk to you?" I asked smiling. At dahil walang ibang taong makakatanaw sa mukha sa direksyon ng kinatatayuan niya, tinanggal ko ang shades ko at tiningnan siya ng nakapang-aakit.
"At my office," ngumiti ito at tinungo na ang pintuan ng opisina niya. Sabi ko na nga ba.
"Gusto mong i-merge ang resort mo sa resort ko?" tanong niya agad nang makapasok kami sa opisina niya. Tinungo niya ang maliit na bar at kumuha ng kopita at iniabot sa akin.
"Hindi ako umiinom," saad ko. Napangisi naman siya at tinungga ang laman ng basong iniaalok niya sa akin.
"Papayag ako pero may kapalit," nakangisi niyang saad habang hinahagod ng tingin ang aking katawan. Kinagat pa niya ang ibabang labi niya. Ang sagwa ng hayop!
Umupo siya sa may couch sa gilid ng opisina niya. Kumuha ako ng ball pen sa table niya saka sumunod sa couch. Nakasisiguro akong pipirma siya ngayon din.
"Anong kapalit?" tanong ko at umupo sa tabi niya. Gusto kong mapamura nang hipuin niya ang nakalitaw kong hita. Bakit ba ito na lang lagi ang tingin ng mga lalaki sa akin? Minsan tuloy naiisip ko, nakakaenggangyo ba talaga akong halayin?
"Ito ba?" nakangiti kong saad habang inilililis ang suot kong dress para sumilay ang pula kong bikini. At dahil pula ang kulay nito, litaw na litaw ang kinis at puti ng singit ko.
Agad akong kumandong sa kanya at bahagyang umindayog sa matigas niyang kargada. Tangina! Tinitigasan pa pala ang ganito katanda? Hindi ko tiningnan ang itsura niya nang inumpisahan na niyang sinibasib ang aking mga bundok. Tumingala ako. Nakakasuka. Ilang beses na akong inangkin ng yumaong matanda pero parang hindi pa rin nasasanay ang katawan ko sa ganitong eksena. Wala akong maramdamang sarap pero nasanay na akong gumawa ng ungol na nakakapagpabilis sa galaw ng matanda. Napapikit ako nang maramdaman ang paghipo niya sa bawat kaselanan ko habang parang asong ulol na sinisibasib ang katawan ko. Narinig ko pa ang pagtanggal niya ng kanyang sinturon at pagtapon sa kung saan.
Ibababa na sana niya ang bikini ko nang pigilan ko siya. Nakalabas na pala ang alaga niya at handa nang ipasok habang ako'y nakakandong sa kanya.
"Huwag mong sabihing nagbago ang isip mo?" irita niyang tanong sa akin. I smiled seductively at hinawakan ang ari niya na naglaway na yata. Napaungol siya at napapikit ng mariin sa ginawa ko. Yuck!
Binitawan ko ang hawak sa kanya saka inabot ang folder at ball pen na nasa center table. Anong akala niya sa akin tanga? Magpapagamit na lang basta?
"Mamaya na yan! Nakakabitin lang eh!" saad niya.
"Pipirma ka? O Mabibitin ka?" tanong ko at aalis na sana sa kandungan niya pero humigpit ang yakap niya. Agad niyang binuklat ang folder at hinanap ang pangalan niya. Pirma lang siya ng pirma habang ako nama'y umiindayog nang marahan sa kandungan niya. Butil-butil na ang pawis sa noo niya.
"Ba-ba-kit ang da-mi?" pautal-utal niyang tanong parang tumitirik pa ang mata niya. Sarap na sarap siguro ang hayop na matanda sa pag-indayog ko. May bikini pa akong suot niyan? Paano pa kaya kung tinanggal ko na?
"Ganyan talaga para maraming kopya." Tugon ko. Bakit ba ang hilig ng mga lalaki sa sex? Kahit pa may asawa na sila, makahanap lang ng tiyempo sa ibang babae talagang papatusin nila?
Puwes, ako ang magpapatatak sa utak nila na hindi sa lahat ng oras maiisahan nila ang mga babae.
Nang matapos niyang pumirma bigla na lamang niyang hinablot ang bikini ko paibaba. Lumililis ito kaya't naipasok niya agad ang alaga niya nang hilahin niya ako paupo sa kandungan niya. Bilib din naman ako sa matandang ito. Napangiti na lang ako. Tutal marami siyang inilipat na ari-arian sa akin ngayon, pagbibigyan ko na ang hilig niya. Umulos ako pataas-baba sa kahabaan niya. Mabagal noong umpisa hanggang sa binilisan ko na. Nabibingi ako sa mga ungol niya pero tiniis ko na lang. Akala ko mabilisan lang pero pinatuwad pa ako nito at pinasok patalikod. Bilib din naman ako sa enerhiya ng matandang ito.
"Kelan ulit tayo magkikita?" nakangising tanong niya habang inaayos namin pareho ang aming mga suot. Nginisihan ko siya ng nakauuyam. Asa siya.
Lumabas ako ng walang lingon-likod ng makapag-ayos ako.
***
Nakatanggap ako ng subpoena mula sa korte tungkol sa illegal na pag-agaw ko ng dalawang resorts at tatlong hotel ng mga Villa Gracia pero abogado ko lang ang pinapunta ko. Lahat ng Deed of Donations ng mga ari-ariang iyon ay pirmado ng matandang Gracia. Nakalagay doon na ayaw niyang ipamana ang mga iyon sa nag-iisang anak na babae dahil sugapa ito sa casino.
Hindi niya rin puwedeng sabihing peke iyon dahil totoong pirma niya ang lahat. Huwag niya ring sabihing wala siya sa tamang huwisyo dahil hindi naman siya lasing nang pumirma siya. Lasing marahil sa sarap ng katawan ko.
At kung sasabihin niyang pinirmahan niya iyon kapalit ng sex, ako naman ang magsasampa ng kaso laban sa kanya. Sasabihin kong inengganyo niya ako ng kayamanan niya para makuha ang gusto niya katulad lang iyon ng rape.
Sa huli ay iniatras din nila ang kaso laban sa akin. Galit pang sumugod sa opisina ko ang anak na babae ng mga Gracia pero pinabitbit ko lang siya sa mga guwardiya. Kasalanan din naman iyon ng ama niya. Masyado siyang hayok sa laman. Magdusa siya!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top