A Woman's Rage (3)

Claire's POV

Naging mabuti na ang pakikitungo ng mga anak niya sa akin. Pagkatapos ng kasal, umuwi din sila sa Amerika at nagbilin pa sa akin na alagaan ang ama nila. Tsk! Do they really think na mai-inlove ako sa isang kulubot?

Ngayong wala na ang mga anak niya, kailangan ko na siyang maidispatsa. Pero paano? Ayoko namang patayin siya. Di ako mamatay tao. Hihintayin ko ba siyang mamatay para mapasaakin ang kayamanan niya?

"Naiinip ka na ba dito sa loob ng bahay?" tanong niya minsan. Napangiti ako. Ito na ang pagkakataon ko.

"Uhm, medyo! Pwede ba akong mag-manage ng kahit isa lang na negosyo mo?" hiling ko. Napakunot-noo naman siya. Alam kong mayroon siyang tatlong hotels at dalawang resorts.

"Kahit yung isang resort lang?" dagdag ko saka nginitian siya ng matamis.

"Hindi puwede, wala ka namang alam sa business." Tugon niya. Napasimangot naman ako. Hindi ko siya tiningnan.

"Sige ganito nalang, mag-aral ka nalang muna ng business course."

"Pero matatagalan pa yun." Reklamo ko.

"I will hire the best professors to teach you for 6 months para matuto ng lahat tungkol sa pagma-manage ng business saka kita papayagang maghandle ng negosyo." Saad niya.

6 months?

Okay na din siguro yun.

***

Tiningnan ko ang mga gamot na iniinom niya. Diamicron? Agad kong tiningnan sa google kung para saan ang gamot na iyon.

I guess I know what to do.

Nagsimula na ang home study ko. Isinasabay ko na ring pag-aralan ang pagbe-bake ng cake para may magawa ako dito sa mansion ni Tandang Fajardo.

"Anong pinagkakaabalahan ng maganda kong misis?"

Halos mailuwa ko ang tinitikmang cake nang marinig ang boses ni tanda. Nakakasuka talaga siya.

"Nag-bake ako ng cake para sayo." Malambing kong saad. Kuntodo ngiti naman ito na lumapit.

Iniabot ko naman ang isang plate at kutsara. Sumubo naman ito.

"Masarap ba?" naglalambing kong tanong.

Ngumiti naman ito.

"Oo, pero masyado lang matamis." Tugon niya.

"Cake nga di ba? Eh di matamis!" I pouted. Napatawa naman siya sa inakto ko.

"I baked that for you! Kaya kainin mo. Kung hindi mo mauubos yan walang sex!" saad ko. Napaubo naman ito. I remained serious.

"Ang laki nito!" reklamo niya.

"Mas malaki to!" Saad ko at ipinasilip ang dibdib ko. Bigla naman itong napalunok at kulang nalang ay dakmain ang dalawang mayayamang dibdib ko.

"No touch!" saad ko ng akmang hahawakan niya ito. Manyak talaga ang matandang ito.

"Sige, kakainin ko na!" saad niya.

Napangiti naman ako.

***

Halos gabi-gabi ay cake lang ang dinner ni tanda. Wala akong kasalanan dun dahil kinakain naman niya. Pagdating naman ng gabi nagpapakasasa siya sa katawan ko.

Hindi pa ako nakukuntento, madalas ko pa siyang dinadalhan sa opisina ng chocolates at kung anu-ano pa na kinakain naman niya.

Halos apat na buwan na ang nakararaan nang bigla akong tinawagan ng sekretarya niya dahil isinugod siya sa ospital.

"Doc, what happened?" tanong ko sa doctor na tumitingin sa kanya.

"He's unconscious yet. We are running some tests. Are you his daughter?"

"Nope, I'm his wife!" saad ko. Napamaang ang doctor pero di ko na lang pinansin. I am more concerned of his condition.

"Kelan kaya siya magigising?" tanong ko ulit.

"We don't know yet. I'll talk to you when the results will come out." Saad niya. Napatango na lang ako.

Wala akong magagawa kundi bantayan siya. I called up his daughters. Nag-aalala naman ang mga ito at nagsabing uuwi ng bansa.

***

Napabalikwas ako nang bigalang gumalaw ang matanda. Akala ko gising na ito pero bigla akong kinabahan nang makitang nangisay ito. Mabilis akong nag-dial sa intercom at tumawag sa nurse station.

Biglang tumahip ang kaba sa dibdib ko nang makita ang nangyayari sa matanda. Ilang beses kong hiniling na sana mamatay na siya para mapasaakin ang kayamanan niya ngunit kahit kailan ay di ko inisip na maaari siyang mamatay right at my very eyes.

"Misis, sa labas muna kayo." Saad ng doctor nang makita ang pag-aalala sa mukha ko. Inalalayan ako ng isang nurse na lumabas ng room. I sat at the hallway.

Napahawak ako sa dibdib ko at napaupo na lang sa bench. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo. Kinapa ko ang phone. Tatawagan ko ba ang mga anak niya?

Napatayo ako nang makitang ipinasok ang isang stretcher sa loob ng room.

"Para saan yan?" tanong ko at sumunod sa loob.

"Kailangan namin siyang ilipat sa ICU!" bungad ng doctor pagpasok ko.

"How is he?"

"He's in coma. We can only hope for the best." Saad ng doctor saka sumunod na sa paglalakad ng mga nurses papunta sa ICU.

Pinanginigan ako ng buto nang maisip na maaaring nasa bingit siya ng kamatayan. Pero di ako dapat matakot. This is what I wanted after all. I dialed his daughter's number.

"Please come home! He's in coma." Saad ko sa nanginginig at naiiyak na boses.

"Shh, don't cry, dad will be fine!" saad naman nito.

Napangiti ako. No one will ever suspect me. We'll di ko naman kasalanan kung uto-uto ang ama nila. Di ko naman pinilit na isinubo ang mga matatamis na pagkain sa kanya. Alam naman niyang bawal sa diabetic ang matatamis but he ate them by himself. Poor old man!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top