A Woman's Rage (1)

Claire's POV

Napangiti ako nang matanaw sa lobby ng condominium si Mr. Fajardo. Siya ang may-ari ng condominium building kung saan ako nagrerenta. Nasa edad singkuwenta na ito.

Malimit ko siyang makitang nakatitig sa akin lalung-lalo na sa mga hita ko sa tuwing naka-shorts ako. Nakakairita! Ang tanda-tanda na puro kamanyakan ang ipinapakita.

Ngunit kahit kailan hindi ako nagpakita ng anumang pagkadismaya sa kanya. Kailangan ko siya.

Kailangan ko siya para makapasok sa mundo ng alta-sosyedad.

Nginitian ko siya ng matamis nang makatapat ako sa kanya at panandaliang huminto kahit sa loob-loob ko nais kong manggalaiti sa klase ng titig na ginagawa niya sa dibdib ko.

"Hi Claire! My penthouse is always open."

Napaigtad ako dahil sa marahang pagkagat niya sa tenga ko. Napakuyom ang mga palad ko ngunit hindi ko ipinahalata ang pagkamuhi ko.

"Susunod ako mamaya." Nilandian ko ang pagkakasabi ko sa mga tenga niya.

Kinamumuhian ko ang mga lalaking katulad niya ngunit alam kong sa pamamagitan ng isang tulad niya makakamit ko ang mga inaasam ko.


***

Agad akong nagbabad sa dutsa pagkarating ko sa unit ko. Buo na ang desisyon ko. Ibibigay ko ang nais ni Mr. Fajardo kapalit ng pagpasok sa mundong ginagalawan niya.


***

Hindi pa ako nakakapag-doorbell bumukas na ang pinto ng penthouse unit niya.

"Akala ko di ka na darating." Nakangiting bungad ng matanda. Ramdam ko na naman ang nanghuhubad niyang mga titig.

Naka-fitted dress kasi ako with plunging neckline na hanggang kalahati ng hita ko. Konting tuwad lang makikita na ang panty ko.

"Hindi ako bumabali ng pangako." Ngumiti ako ng nang-aakit. Agad niya akong sinunggaban ng yakap. Ngunit nung akmang hahalikan niya ako sa labi, umiwas ako.

"Oops! Makakarating din tayo diyan." Pigil ko sa kanya.

"Nakakapanggigil ka kasi." Pinisil niya ang puwet ko. Gusto ko siyang suntukin ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

"Wala ka bang wine diyan." Tuloy-tuloy ako sa couch niya. Napapailing naman itong sumunod at naglabas ng wine at dalawang kopita.

Hindi pa kami nakakadalawang baso nang subukan niya ulit akong yakapin.

"Sige na, Claire kanina pa ako nagpipigil." Mahinang anas niya. Hinayaan ko nalang siyang halikan ako sa leeg habang ang mga kamay niya ay unti-unting naglalakbay sa maseselang parte ng katawan ko.

Nandidiri ako sa bawat dampi ng basa niyang labi sa katawan ko ngunit iwinawaksi ko lang ito. Manhid na marahil ako sa ganitong pakiramdam. Bigla siyang tumayo at hinila ako papunta sa silid niya. Nagpatianod nalang din ako. Agad itong naghubad ng damit.

Napangisi ako, kahit kailan talaga may mga lalaking hayok sa laman. Tsk! Gagamitin ko ang kahinaan nilang iyan para magtagumpay.

Wala pang isang minuto nang lapitan niya ulit ako at sunggaban. Marahas niyang tinanggal ang saplot ko sa katawan at hinalikan sa dibdib. Umungol ako at nagpanggap na nasasarapan. Maya-maya'y nakapatong na ito sa akin. Napapikit ako ng maramdaman ang sakit sa aking pagkababae nang ipasok niya ang kanyang pagkalalaki.

Napaluha ako habang pilit na itinatago sa mga ungol ko ang paghihimagsik ng aking kalooban. Akala niya siguro nag-eenjoy ako sa ginagawa niyang pag-indayog sa ibabaw ko ngunit kabaliktaran nito ang aking nararamdaman. Nakahinga ako ng maluwag nang unti-unti siyang napahinto at nangisay sa sarap.

Tumagilid ako ng higa habang dumadausdos ang aking luha. Unti-unting bumalik ang ala-ala ng nakaraan na pilit kong kinakalimutan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top