Twenty-second Tears
Gabi na nang makauwi kami sa bahay, pa'no ang daming pakulo ni Primo. Pagkatapos kong hipan ang pa-birthday cake niya para sa akin, kinain namin ang inihanda niyang pagkain. Ayon sa kaniya siya raw ang nagluto kaya dapat kong ubusin lahat. Halos Italian food dahil iyon ang paborito ko. May inihanda pa siyang red wine para sa aming dalawa. Hindi pa siya nakontento niyaya pa niya akong sumayaw kahit maalon ng mga oras na iyon. Akala ko tapos na ang pagsusurpresa niya sa akin hindi pa pala dahil pagsapit ng gabi may inihanda itong fireworks display.
Nakakapagod dahil sa biyahe ngunit hindi ko iyon maramdaman sapagkat puno ng saya ang puso ko. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang ka-sweetan na pinaggagawa ni Primo. Para bang bumalik sa lahat nung mga panahon na hindi pa niya alam ang nararamdaman ko para sa kaniya.
“Mga anak dumating na pala kayo, ambilis niyo naman yatang umuwi. Akala ko ba magtatagal kayo sa hacienda.” Bungad sa amin ni Nanay Flor nung makasalubong namin. Papunta yata siya sa ikalawang palapag habang kakapasok pa lang namin ni Primo.
Kahit gusto kong sagutin si Nanay Flor tinikom ko na lang aking bibig baka may masabi pa ako na hindi magustuhan ni Primo. Tiningnan ko naman siya, hinihintay na siya ang sumagot kay Nanay Flor ngunit nanatili rin tikom ang bibig. Para hindi sumama ang loob ng matanda lumapit ako sa kaniya para gawaran ng halik at yakap.
“Magpahinga ka na, Beatrice. Bukas may pupuntahan tayo.”
Kumunot ang noo ko na halos magkasalubong na rin ang kilay dahil sa sinabi ni Primo.
“Teka lang, aalis ulit tayo? Ilang araw ka ng absent sa trabaho baka natambakan ka na,” protesta ko.
“Huwag kang mag-alala may gumagawa ng trabaho ko. Magpahinga ka na dahil maaga tayo bukas.”
Magproprotesta pa sana ulit ako ng mabilis itong dumaan sa harapan ko upang umakyat sa itaas. Matamang nakamasid lang ako sa kaniya ng bumalik ito upang humalik kay Nanay Flor.
“Sige po Nay magpapahinga na rin po ako.”
Halos magkasunod lang kami ni Primo na tumungo sa pangalawang palapag.
“Teka lang mga anak, iyong hinihiling ko na apo mayroon na ba?!” sigaw ni Nanay Flor.
Napahinto si Primo sa paghakbang kaya napakamot ako sa ulo. Nilingon ko si Nanay Flor at sinenyasan na tumahimik. Pangiti-ngiti lang ang matanda sa akin, nung napaharap ako nakatingin pala si Primo. Dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko mabilis ko siyang nilagpasan at agad sinarado ang pinto ng aking kwarto.
-----
Kinaumagahan naabutan kong abala si Nanay Flor sa pagaayos ng mesa. Walang pasabi kong kinuha sa kamay nito ang plato, nagulat sa umpisa at kalaunan ay nawala na rin.
“Good morning Nay tulungan ko na po kayo.” Wala akong nakuhang sagot galing sa kaniya tanging pagngiti lang ang sinukli niya sa akin.
“Alam mo bang natutuwa ako sa inyong mag-asawa lalo na sa'yo. Kagabi nga para kang teenager na nahuli ng crush mo. Sa pagkataranta hindi mo halos malaman kung ano ang gagawin.” Dahil sa pagkahiya agad kong tinakpan ang aking mukha. “Ayos lang anak na kiligin, ilabas mo iyan huwag mong itago.” Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong magpapadyak. Para tuloy akong bata sa mga kinikilos ko.
“Bakit hindi ka pa bihis?” Napaayos ako ng sarili nang marinig ko ang sinabi ni Primo. Nakabihis na ito at handa nang umalis.
“Ah? Saglit lang naman maaga pa.” Huminto ako sa pagsasalita at tinuro ko sa kaniya ang orasan. Alas sais pa lang akala mo naman pipila sa sakayan. “Hindi ba puwedeng mag-almusal muna tayo baka gutumin tayo sa daan.” Hindi siya sumagot basta na lang umupo at nagsandok ng kanin. Nagkatingin kami ni Nanay Flor at sabay nagkanginitian.
Umupo na rin kami ni Nanay Flor para samahan siyang mag-agahan. Habang sumusubo ako panay ang tingin ko kay Primo may gusto kasi akong tanungin sa kaniya. Nagdadalawang isip naman ako kung tatanungin ko ba siya o hindi baka mamaya wala sa mood at magalit pa.
“Primo, may gusto yatang sabihan sa'yo si Beatrice.”
Napaubo ako dahil sa sinabi ni Nanay Flor. Muntik ko ng hindi malunok ang kinakain mabuti na lang at agad akong uminom ng tubig.
“Ano iyon?”
Huminto talaga sa pagsubo si Primo para lang tanungin ako. Ngunit umatake na naman ang pag-urong ng dila ko. Nang mapansin kong hindi kumukurap si Primo senyales na naghihintay ng kasagutan naibuka ko na ang aking bibig.
“Saan pala tayo pupunta?” Mahina pero sapat lang para marinig ni Primo.
“Malalaman mo rin.”
Nadismaya ako sa sagot ni Primo. Hindi na lang ako nagpumilit baka masira ko pa ang araw niya. Tiningnan ko si Nanay Flor nagkibit-balikat lang ito halatang wala rin siyang alam.
“Achoo!” Agad akong napatakip ng bibig. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan hindi malaman kung saan tutungo.
“Wow! Ngayon ko lang ulit narinig iyan sa'yo.” Malakas na bulas ni Primo halatang namiss niya ng husto. Ang tinutukoy lang naman niya ay ang pagbahing ko.
“Ang lakas kasi ng aircon ng sasakyan mo mukhang sisipunin pa yata ako.” Hindi ko na lang ginatungan ang pagbibiro niya kung nagbibiro nga siya.
“Gano'n ba? Sige hinaan natin.” Hininaan nga niya ito at ramdam kong nabawasan ang lamig sa loob ng sasakyan niya. “Akala ko naman na-recognize ng ilong mo ang amoy ko gaya ng dati mong sinabi sa akin.” Napatingin ako sa kaniya at gano'n na lang kaseryoso ang mukha nito. Hindi siya nakatingin sa akin ngunit ramdam ko ang biglang pagtahimik niya.
Tumahimik na siya kaya tumahimik na rin ako nakakahiya naman kung mag-iingay ako halata naman na gusto niya ng katahimikan. Lumipas ang ilang minuto napabukas ako ng bintana dahil pamilyar sa akin ang daan na tinatahak namin. Daan ito papasok sa subdivision namin dito pala kami pupunta. Bibisitahan kaya namin ang magulang niya o ang magulang ko?
Pababa pa lang ako ng sasakyan nang makarinig ng tawanan sa aming bahay. Agad kong nilingon si Primo ngunit bago pa lang ako magsalita inunahan na niya ako.
“Sa bahay niyo tayo pupunta. Sinabihan ko sina Daddy at Mommy kaya malamang sila iyong mga maingay sa loob.” Paliwanag niya kung saan kinasaya ko dahil makikita ko na ang magulang ko matagal ko na rin silang hindi nakikita. Siyempre kasama rin ang magulang ni Primo na tinuturing kong pangalawang magulang kahit na magkaibigan pa lang kami noon.
“Hala, sana sinabi mo na lang sa akin para nakapamili tayo ng pasalubong para sa kanila. Umalis muna tayo para makapamili hindi naman tayo magtatagal bibilisan natin para hindi sila maghintay ng matagal sa atin.” Natataranta ako hindi ko alam kung saan pupunta at kung anong gagawin.
Ngayon lang kami ulit magkita-kita gusto ko maayos ang lahat. Natigil ako nang hawakan ni Primo ang dalawang kamay ko. Pilit niya akong pinapakalma ramdam ko iyon dahil sa malumanay niyang paghawak na may kasamang pagpisil.
“Relaks naayos ko na ang lahat.” Dahan-dahan niyang binitawan ang aking kamay at nagtungo sa compartment ng sasakyan.
Hinintay ko na lang siya, laking tuwa ko nang makitang may bitbit itong prutas at bulaklak. Hindi ko iyon napansin kanina na nilagay niya bago kami umalis. Talagang pinapabilib ako ni Primo, tuluyan na kaya akong maniwala sa kaniya na bumalik na siya sa dati?
“Tulungan na kita,” ani ko sabay kuha sa basket na naglalaman ng iba't ibang klase ng prutas.
“Sandali lang.” Pigil niya sa akin. Hinarap ko siya na may nagtatakang tingin. “Dala mo ba ang wedding ring natin?” Mas lalo akong nagtaka dahil sa tanong niya.
“Oo, nakatago lang naman sa wallet ko. Bakit?” Tinanong ko rin siya. Gusto ko nga rin siyang tanungin kung nasa kaniya pa ba ang wedding ring namin o baka tinapon na niya.
“Isuot mo,” utos niya.
Hindi ko alam kung ikakasaya ko o pag-iisipan ko siya ng masama dahil sa sinabi nito. Ipapasuot ba niya sa akin dahil tanggap na niya ako bilang asawa niya o ipapasuot lang niya para hindi kami mabuking ng magulang niya?
“Akala ko ba ayaw mong suotin natin pareho. Bakit biglang nagbago ang isip mo? Dahil ba ayaw mong mabuking tayo ng magulang mo?” Sunod-sunod kong tanong.
Panay ang iling nito at mas lalong sumeryoso ang mukha. “Hindi sa gano'n, in the first place iyon naman talaga dapat ang gawin dahil mag-asawa tayo pinagbawalan lang kita which is inaamin kong mali ako. Kaya simula ngayon palagi na nating isuot at walang maghuhubad.”
“Sigurado ka ba sa sinasabi mo? 'Di ba ayaw mong ipaalam sa lahat na mag-asawa tayo.” Tuloy naiiyak ako dahil bumalik lahat sa akin ang masasakit na salita na sinabi niya sa akin noon.
“Nagkamali ako kaya I'm sorry. Sa ganitong paraan kahit papano makabawi man lang sa'yo. Sa katunayan nga narito tayo para i-celebrate ang wedding monthsary natin. Never pa kasi natin pinagdiwang kaya naisip ko rito sa bahay niyo kasama magulang natin.”
Ang lungkot na naramdaman ko kanina ay napalitan ng saya. Hindi ko alam kung totoo lahat ng pangyayaring ito o panaginip ko lang.
“Primo,” tawag ko sa pangalan niya. Gusto ko siyang kausapin ng masinsinan kung ba't siya biglang nagbago.
“Let's go. Naghihintay na sila sa atin.” Nauna na siyang naglakad ako heto hindi makagalaw dahil sa biglang pagbabago ni Primo hindi ko tuloy alam kung ano ang iisipin.
Bago kami pumasok sa loob sabay naming sinuot ang aming wedding ring. Tinago rin pala niya ito tulad ko akala ko tinapon na niya. Naging matiwasay ang pagsasalo namin napuno ng saya ang aming tahanan mukha ng masayang pamilya. Kung dati hindi magkasundo ang mag-ama ngayon parang ayaw na nilang maghiwalay. Nagbago na kaya talaga si Primo o palabas lang niya ito para maisakatuparan ang kaniyang plano? Pinilig ko ang aking ulo hindi tama na pag-isipan ko ng masama ang lalaking mahal ko, pero masisisi ba niya ako kung dati demonyo ang tingin ko sa kaniya at ngayon ay nagdila anghel na?
“Okay ka lang?” tanong ni Primo. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami. Tumango lang ako sa kaniya pilit na tinatago ang tumatakbo sa aking isipan. “Wait.” Bubuksan ko na sana ang pinto ng pinigilan niya ako.
“Ah?” tanging sambit ko.
Lumabas siya ng sasakyan kaya lumabas din ako. Nagpunta ito sa compartment na pinagtaka ko. Pagbalik niya kumabog ang aking dibdib. Hindi ko tuloy maalis ang pagkatitig ko sa kaniya.
“Flowers for my beautiful wife.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top