Nineteenth Tears

Natulala at hindi makapagsalita ang mga trabahante nang isiniwalat ni Primo ang tungkol sa estado naming dalawa. Tumahimik bigla ang paligid na kanina lang ay parang pista. Tinuon ko ang aking pansin kay Enteng kung saan nakayuko habang bagsak ang dalawang balikat nito. Nanlumo siya sa kaniyang nalaman na mag-asawa kami ni Primo.

"Pagpaumanhin niyo po Señorito hindi namin alam." Paghingi ng paumanhin ng isa pang trabahante. "Hanap ka na lang ng iba Enteng marami pa naman diyan na iba," bulong niya kay Enteng.

Napatingin sa aming dalawa si Enteng na malungkot ang mukha. Pagod ang matang tumitig sa akin na para bang namatayan.

"Lubos ang aking kaligayahan para sa inyong dalawa," walang buhay nitong sabi. Walang ano-ano'y tumalikod ito at naglakad palayo sa amin.

Pinanood lang namin ang bulto nitong papalayo, nakaramdam ako ng kalungkutan parang kasalanan ko kung bakit nasasaktan o nalulungkot si Enteng.

"Pagpasensiyahan niyo na po ang aking apo, nasaktan lang po siya sa kaniyang nalaman. Lilipas din po ang kaniyang kabiguan," nahihiyang sambit ng matanda.

"Naintindihan po namin, siyanga po pala maghanda po kayo at may magaganap na salo-salo mamayang gabi," pahayag ni Primo.

Kunot-noo ko siyang tiningnan, wala naman sa usapan namin na magpapagabi kami rito sa hacienda. Kakausapin ko sana siya nang naghiyawan ang mga tao, makikita sa mukha nila ang kasiyahan. Maaaring matagal na silang hindi nakakapagdaos ng isang pagtitipon.

Hinila ako ni Primo kung saan, kahit pigilan ko man siya hindi ko ito mapahinto. Nagpatianod ako kung saan lugar dadalhin ng kaniyang mga paa.

"Teka, saglit lang napapagod na ako," reklamo ko. Malayo-layo na rin kasi ang aming nalalakad ngunit hindi man lang siya nakakaramdam nang pagkapagod. Huminto naman si Primo kaya sinamantala kong makapagpahinga muna. "S-saan ba tayo pupunta?" hinihingal kong tanong.

"Kay Price," mabilis niyang sagot.

Nanlaki ang aking mata pagkarinig ko sa pangalan niya. Panay iling ko kay Primo at tinangka kong tumakbo ngunit nahuli niya ako.

"No way Primo, huwag mong ituloy ang binabalak mo!" tili ko dahil binuhat niya ako na pa-bridal style.

"No Beatrice, face your fear," seryoso niyang wika.

Hanggang ngayon kinakatakutan ko pa rin ang pagsakay sa kabayo. Si Price ang alagang kabayo ni Primo na niregalo ni Lolo Acio para sa kaniya at binabalak nga niyang pasakayin ako.

"No! Lolo Acio tulong!" sigaw ko. Malakas ang ginawang pagtawa ni Primo habang buhat ako patungo sa kwadra.

"Malas mo Beatrice wala na si Lolo para ipagtanggol ka," hagikhik niyang anas.

Noon walang magawa si Primo na pasakayin ako sa kabayo dahil kakampi ko ang kaniyang Lolo ngayon wala na akong choice.

-----

"Si Price na ba iyan?" manghang tanong ko.

Napakagandang kabayo mula sa balahibo nito na sobrang puti na para bang ulap sa kaputihan at parang bulak sa kalambutan. Makintab ang balat ni Price kapag nasikatan ng araw.

"Yes, actually Kabardian ang lahi ni Price," imporma ni Primo.

Kaya pala hindi basta-bastang kabayo lang may lahi. Ang taas ay umabot sa 155 cm, at ang timbang 400 kg. Ang katawan ni Price ay solid, ang likod ay tuwid at nagtatapos sa isang malakas na puwitan. Ang leeg ay hubog at maikli ang haba. Ang ulo ay may katamtamang laki, ang muzzle ay nasa kaluwagan, na may isang katangian ng convex na profile at nabuo ang mga butas ng ilong. Ang mga binti ay may binibigkas na mga kasukasuan, ang mga hind limbs ay hugis sable. Ang mga hooves ay mataas at matatag. Ang kalahating buhay ng isang kabayo ay 35 taon.

Naputol ang pagsusuri ko kay Price at napalitan ng malakas na tili nang buhatin ako ni Primo para isakay. Walang tigil ang ginawa kong pagtili at pagpupumiglas makawala lang kay Primo.

"Bro, huwag mong pilitin si Beatrice kung ayaw. Alam mo naman na kahit noon pa takot na siya," sambit ni Enteng. Natigilan si Primo at napahinto naman ako kakasigaw.

"Alam ko kaya nga gusto kong harapin niya ang kaniyang kinakatakutan. Kapag hindi niya ginawa habang buhay na lang siyang matatakot," paliwanag ni Primo.

Lumapit ng bahagya si Enteng kung saan kami naroon. Taas-noo niyang hinarap si Primo, hindi man lang nasindak si Primo kung 'di lakas-loob din niyang hinarap si Enteng. Nagkasukatan silang dalawa at walang gustong magpatalo.

"Pero sa ginagawa mo pinapahamak mo lang siya," giit ni Enteng.

Napangisi at tumaas ng bahagya ang sulok ng labi ni Primo. "Bakit ko naman ipapahamak ang asawa ko? Teka nga, wala kang karapatan para pagbawalan ang asawa ko," mariing sabi ni Primo.

Natawa naman ng mahina si Enteng sa sinabi ni Primo. "Wala nga akong karapatan pero kapag may nangyari kay Beatrice kakalimutan ko na amo kita, Señorito!" pagbabanta ni Enteng.

Mabilis na kinuwelyuhan ni Primo si Enteng kaya agad akong napagitna sa dalawa. "Tumigil na kayo," pagsingit ko. Hindi nila ako pinansin na dalawa patuloy pa rin silang nagsukatan ng tingin.

"Back off bro! Lubayan mo kaming mag-asawa baka makalimutan kong naging magkaibigan tayo," banta ni Primo.

Agad niyang tinanggal ang pagkahawak nito sa kwelyo. Inaayos naman ni Enteng ang pagkagusot ng kwelyo niya. Binigyan niya ng fuck you sign si Primo saka kami tinalikuran.

"Asshole!" sigaw ni Primo.

Nang tuluyan ng nawala sa paningin ko si Enteng nilapitan ko si Primo upang hawakan ang kamay nitong nakakuyom. Gusto ko siyang pakalmahin dahil alam kong hindi maganda ang paghaharap nilang dalawa ni Enteng.

"Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ni Enteng," kalmang sabi ko.

Tiningnan niya ako na magkasalubong ang kilay kaya mas humigpit ang pagkahawak ko sa kamay niya. Kinabahan ako sa uri ng tingin niya para bang ako ang pagbubuntunan niya ng galit.

"Hindi talaga, ayokong masira ang pangangabayo natin," kindat niya. Akala ko nakalimutan na niya ang tungkol do'n magdidiwang na nasa ako. "Kaya halika na para marami pa tayong mapuntahan." Hinila niya ako palapit kay Price pero lumayo ako nangingibabaw pa rin sa akin ang pagkatakot. "Mabait si Price at hindi ka niya ipapahamak, Beatrice. Do you trust me?" tanong niya. Mahina akong tumango. "Kung gano'n pagkatiwalaan mo ako dahil hindi kita ipapahamak."
Nauna nang sumakay si Primo at hindi ko naman alam kung paano ako makakaakyat. "Give me your hand," utos niya.

Tinaas ko ang aking kamay para abutin niya pero nahihirapan kong igalaw ang aking hita dahil masikip ang suot ko.

"Saglit lang," pagpigil ko.

Walang pag-aalinlangan kong pinunit ang gilid ng suot kong dress. Ngayon maluwag na at madali ng kumilos. Binigay ko ulit kay Primo ang aking kamay at agad naman niyang kinuha. Buong lakas niya akong binuhat para makaakyat kay Price. Pagkaupo ko agad niya akong niyakap ng mahigpit, nasa harapan ako at siya ang nasa likuran ko.

"Damn it! Mabuti at ako lang ang nakakita sa ginawa mo kung hindi makakapatay ako na wala sa oras," bulong niya. Nagsitayuan ang balahibo ko sa batok dahil sa pagbulong nito. Mainit ang kaniyang hininga na masarap sa pakiramdam. "Ready? Humawak ka ng maigi," utos niya.

Humawak ako ng maigi at napayakap naman ng mahigpit si Primo sa akin. Nang sinenyasan niya si Price agad itong gumalaw, pinalo pa ni Primo kaya mas bumilis ang naging takbo nito. Napapikit na lang ako at pigil hininga, ayaw kong tingnan baka magwala lang ako.

"Bakit Price ang pinangalan mo?!" sigaw kong tanong. Malakas ang hangin at maingay din ang mga paa ni Price sa mabilis nitong pagtakbo.

"For you to find out," bulong niya sa punong tainga ko kung saan kinilabutan ako.

-----

Sa malawak na manggahan kami nakarating. Pagkababa sa akin ni Primo agad akong sumuka sa may damuhan, parang hinalukay ang aking tiyan. Sa tindi ng aking pagkatakot hindi na rin kinaya ng aking sikmura. Naramdaman kong may humahagod sa aking likuran at 'di kalaunan inabutan ako ng tubig.

"Are you okay, wife?" nag-aalala niyang tanong. Kahit hindi ako lumingon alam ko kung sino.

Kinuha ko ang inabot nitong tubig saka nagmumog. Biglang nawala ang aking pagkahilo at pagkatakot pagkarinig ko sa sinabi nitong wife.

"Okay na," mahina kong sagot. Nanghihina pa rin ako ng konti ngunit nangingibabaw ang kasiyahan na nararamdaman ko. Hinawakan niya ako sa aking balikat at inalalayan sa paglalakad patungo kung saan. Dinala ako ni Primo sa gilid ng batis at natagpuan ko ro'n ang telang nakalatag na may mga pagkaing nakahain. Napatakip ako sa aking bibig at namilog ang mga mata. "Piknik sa batis?" manghang tanong ko. Palagi kaming naliligo no'n dito lalo na pagkatapos ng anihan ng mga mangga.

"Yes, nagustuhan mo ba?" nakangiting tanong ni Primo.

"Sobra," mabilis kong sagot.

Inalalayan niya ako at maingat na pinaupo, sobrang pag-aalaga ang ginagawa niya sa akin. Napansin kong ito ang mga pagkain na niluto nila ni Nanay Flor kaninang umaga. Halos paborito kong pagkain pasta, burger, pizza at may wine pa.

Kinain naming dalawa ang pagkaing nakahain, tahimik kaming pareho walang nagsasalita tanging huni ng ibon, agos ng tubig at ihip ng hangin ang aming naririnig. Binaba ni Primo ang kinakain nito at napatingin sa paligid, hinayaan ko lang siya sa kaniyang ginagawa.

"Alam mo ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na hindi na ako babalik sa lugar na ito pero heto ako ngayon bumalik. Ikaw kasi," seryoso niyang sabi.

Natigilan ako sa pagsubo at naibaba ang kinakain. Kunot noo ko siyang tiningnan mukha ng isang naguguluhan.

"Ako?" Turo ko sa aking sarili.

"Wala iyon," sabi niya sabay higa.

Pinikit nito ang kaniyang mata at ang paghinga nito ay malalim. Napatingin ako sa paligid at sinariwa ang masayang alaala na nangyari rito noon. Sunod kong tinuon ang aking tingin kay Primo na mahimbing ang pagkatulog.

"Alam mo ang pangarap ko iyong mahalin mo rin ako. Iyong tatanda tayong dalawa na magkasama," ani ko.

Tatayo sana ako nang hinatak ni Primo ang aking kamay kaya napahiga ako bigla sa tabi niya. Nanigas ang katawan ko nang niyakap niya ako ng mahigpit.

"Huwag kang umalis, gusto kong kayakap ang asawa ko."





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top