Last Tears
Nakanganga kami pareho ni Primo. Kahit si Mirielle na hindi alam ang nangyayari napahinto sa pagkain. Ang mga kasambahay ay natigil sa kanilang gawain para lang maki-tsismis.
“Bakit kayo narito? Magsibalik kayo sa trabaho,” utos ni Nanay Flor sa mga kasambahay.
Agad silang nagsibalikan. Sinenyasan ko si Primo na kausapin si Tatay Toni. Tumayo siya at nakipagpakilala.
“Ako po si Primo asawa ni Beatrice,” pangiti-ngiti niyang pakilala sa sarili.
Nilahad niya ang kaniyang kamay na lugod naman tinanggap ni Tatay Toni.
“Kilala kita palagi kang kinukwento sa akin ni Beatrice.” Iniwas ko ang aking tingin dahil iba ang dating ng pagtitig sa akin ni Primo.
“Parang hindi na kailangan ipakilala kayo sa isa't isa dahil mukhang matagal na kayong magkakilala,” kinikilig kong untag.
“Oo tama ka. Matagal na nga kaming magkakilala. Kumusta ka na, Florencia?” tanong ni Tatay Toni na titig na titig kay Nanay Flor.
“O-okay naman ako, Antonio.” Nahihiyang sagot niya.
Sa muli nilang pagtatagpo ako ang kinikilig para sa kanilang dalawa. Nilapitan ako ni Primo saka inakbayan. Hindi ko siya pinansin dahil nakatutok ako sa love story ng dalawa.
“Apo, hindi mo ba yayakapin si Lolo?” tanong niya kay Mirielle.
Tumayo si Mirielle. Patakbo siyang lumapit. Lumuhod naman si Tatay Toni para magpantay sila. Nagyakapan ang dalawa at ginawaran nila ng halik ang isa't isa. Tumakbo papunta sa amin si Mirielle at binuhat siya ni Primo. Nakatingin kaming tatlo sa dalawa na nagkakahiyaan pa.
“Hindi niyo ba lalapitan ang isa't isa para yakapin?” panunukso kong tanong. Napayuko si Nanay mas lalong nahiya sa sinabi ko.
“Ako na lang ang lalapit sa kaniya,” sagot ni Tatay Toni. Dahan-dahan siyang naglakad palapit kay Nanay Flor. Nagkatinginan at nginitian nila ang isa't isa. Mas tumindi ang kilig na naramdaman ko. “Masaya ako sa muli nating pagkikita, Florencia.” Maingat niyang niyakap at gano'n din ang ginawa ni Nanay.
“Masaya rin ako, Antonio.” Mahinang sambit niya habang magkayakap.
Para akong nanonood sa isang eksena sa pelikula. Sobra akong kinikilig sa kanila kaya panay ang hampas ko kay Primo. Napapangiwi na pala siya sa sakit na hindi ko namamalayan.
Kasalukuyan namin pinapanood ni Primo ang pag-uusap nina Nanay Flor at Tatay Toni sa may hardin. Nagtatago kami upang hindi nila malaman na nakikinig kami.
“Bakit umalis ka na hindi man lang pinapakinggan ang paliwanag ko, Florencia?” mahinahon niyang tanong.
“Patawad Antonio kung hindi ako nagtiwala sa'yo at basta na lang ako lumayo,” malungkot na sagot niya.
“Wala ka dapat ipagpatawad sa akin, Florencia. Kung nagtapat sana ako sa'yo agad hindi tayo nagkalayo. Hinanap kita kung saan-saan hanggang sa sumuko ako. Alam mo ba hindi ako nag-asawa dahil sinabi ko sa sarili ko na ikaw lamang ang pakakasalan ko.” Titig na titig si Tatay Toni sa mga mata ni Nanay Flor.
Napayuko si Nanay Flor at nagpunas ng luha. “Hindi ko alam ang sasabihin sa'yo, Antonio. Nahihiya ako sa'yo. Nagsisisi ako na iniwan kita ng araw na iyon,” umiiyak niyang saad.
Niyakap siya ni Tatay Toni saka hinagud ang likuran. “Pakasalan mo ako. Magpakasal tayo, Florencia,” aniya.
Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig. Hindi ko inaasahan na sasabihin iyon ni Tatay Toni. Sa halip na magulat si Primo sumimangot siya.
Agad kumalas si Nanay Flor. “Antonio, matanda na tayo,” giit niya.
Hinawakan niya ang kamay ni Nanay saka hinalikan ang likod ng palad niya. “Ano naman kung matanda na tayo? Konti na lang ang nalalabi natin sa mundo. Gusto kong sulitin iyon Florencia na magkasama tayo. Payag ka na bang magpakasal sa akin?”
Hinihintay ko ang isasagot ni Nanay Flor ng biglang lumabas si Primo sa tinataguan namin. Agad ko siyang sinundan baka anong gawin niya. Expression pa lang ng mukha niya hindi siya pabor sa pagpapakasal ng kaniyang yaya.
“Congrats po!” masaya kong bati.
Tiningnan ako ni Primo na halos magkasalubong ang kilay. Inirapan ko siya at tinuon ang pansin sa dalawang matanda.
“Ikaw talagang bata ka. Nakinig ka ba tungkol sa pinagusapan namin? Hindi pa nga ako pumapayag,” turan ni Nanay.
Nahihiya siyang tumingin kay Primo. Gustong ipahiwatig na humihingi siya ng permisyo. Umupo si Primo sa harapan nila kaya umupo rin ako.
“Mabuti at nandito kayo. Gusto ko sanang hingin ang kamay ni Florencia. Gusto ko siyang pakasalan,” diretsahan na wika ni Tatay Toni.
“Payag kami,” mabilis kong turan.
Tiningnan ako ni Primo at pinanlakihan ng mata. Hinawakan ko siya braso saka pinisil-pisil. Nagpa-cute ako baka gumana at pumayag siya.
Dinedma niya ang pagpapa-cute ko at hinarap niya ang dalawa. “Alam niyo po Tay, si Nanay Flor po ang nag-alaga at halos nagpalaki sa akin. Bata pa lang ako siya na ang kasama ko. Tumanda na siya sa pagsisilbi sa pamilya Montero kaya tinuturing ko siyang pangalawang Ina ko. Lahat ng magpapasaya sa akin binibigay niya. Gusto ko rin siyang makita na masama. At alam kong ikaw po iyon, Tatay Antonio. Wala po sa akin ang desisyon. Ang hiling ko lang po alagaan at mahalin niyo po siya,” mahabang pahanag ni Primo.
Luhaang tumingin sa amin si Nanay Flor. Kahit hindi siya nagsasalita alam kong lubos siyang nagpapasalamat sa aming dalawa ni Primo. Hindi nakaligtas sa paningin namin ang mahigpit na paghawak ni Tatay Toni sa kamay ni Nanay Flor.
“Makakaasa ka, Primo.”
-----
Pareho kaming hindi makatulog. Iniisip namin ang nangyari kanina. Maraming nangyari sa mansion nitong nakalipas na araw. Una, si Ace ngayon naman si Nanay Flor. Kapag nagkataon na magpakasal sila ni Tatay Toni aalis din siya. Kakayanin pa kaya ni Primo? Dalawang mahalagang tao sa buhay niya ang magkasunod na aalis.
“Maraming nangyari na hindi ko inaasahan. Si Ace napahiwalay sa tunay niyang magulang dahil sa kagagawan mismo ng kaniyang Lolo't Lola. Si Nanay Flor matagal na panahon na nagkalayo sila ni Tatay Toni dahil sa hindi pagkakaintindihan. Muli silang pinagtagpo at mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang naudlot nilang pagmamahalan. Napakakomplikado talaga ang buhay. Katulad na lang din sa atin. Ang dami natin pinagdaanan pero tayo pa rin sa huli,” mahaba kong pahayag.
Nakaunan ako sa dibdib ni Primo habang nakahiga kami sa kama. Nakayakap naman siya sa akin. Panaka-naka niyang hinahalikan ang aking ulo.
“Hindi madadaig ng kasamahan ang kabutihan, wife. Dahil sa kagagawan ng magulang ni Shantelle napahiwalay sa kanila si Ace. Mabuti na lang at ako ang nakakupkop. Pero tingnan mo ngayon magkakasama na sila. Sina Nanay Flor at Tatay Toni kahit ilang dekada silang pinaglayo pinagbuklod silang muli. Ang sa atin naman kahit anong paninira ang ginawa sa atin nina Hana at Dylan hindi sila nagtagumpay. Kung talaga para sa'yo and isang tao, mawala man siya ng mahabang panahon, kung kayo talaga ang para sa isa’t isa, magkikita pa rin kayo sa tamang panahon. And I know this is the right time,” madamdamin niyang saad.
Napabangon ako. Kunot-noo kong tinitigan ang kaniyang mga mata. Magsasalita sana ako nang sinakop ng labi niya ang labi ko. Hindi na ako nakatanggi ng lumalim at naging mapusok ang paghahalik na ginawa niya sa akin.
Kinaumagahan dinalhan ko ng kape si Primo sa opisina niya sa mansion. Napangiti ako nang madatnan ko si Nanay Flor. Mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Nilapag ko ang kape sa mesa saka umupo kaharapan niya.
“Sinabi ko na kay Primo na pumapayag na akong magpakasal kay Antonio.”
Nagulat ako at napatakip sa bibig. Napahawak ako sa dalawang kamay ni Nanay Flor.
“Masaya ako para sa inyo, Nay!”
Niyakap ko siya dahil sa labis na kasiyahan. Sa wakas nabigyan din ng pangalawang pagkakataon ang kanilang pagmamahalan. It was worth waiting for to Nanay Flor and Tatay Toni.
Kaming dalawa ni Primo ang nagasikaso ng kasal nila. Gastos niya lahat. May inihanda rin siyang regalo para sa kanilang dalawa. Naging emosyonal ang araw ng kasal nila. Lalo na ng magbigayan sila ng wedding vow sa isa't isa. Hindi masyadong bongga dahil simpleng kasalanan lang ang nais nilang dalawa. Mga malalapit na tao lang ang imbitado at wala ng iba. Nang matapos ang kasalan lulan ang sasakyan ni Primo sinakay namin sila. Nagulat ang bagong mag-asawa na isang house and lot ang tumambad sa kanila.
“Hindi namin ito matatanggap, Primo.”
Panay ang pag-iling ni Nanay Flor. Lumapit naman si Tatay Toni kay Primo at tinapik sa balikat.
“Maraming salamat sa binigay mo ngunit hindi namin iyan matatanggap. May bahay naman ako sa Baguio anak,” aniya.
Tinapik rin pabalik ni Primo ang balikat ni Tatay Toni. “Tay, kulang pa po ito sa tulong na binigay ninyo sa mag-ina ko. At sa matagal na panahon na pag-aalaga sa akin ni Nanay Flor. Kaya magiging masaya ako kapag tinanggap ninyo,” paliwanag niya.
Nagkatinginan ang bagong mag-asawa saka mahinang tumango sa isa't isa. Buong puso nilang tinanggap ang regalo ni Primo.
Umalis man sina Ace at Nanay Flor sa mansion hindi naman nawala ang komunikasyon. Araw-araw pa rin na nagkukumustahan at kinukwento ang nangyayari sa buhay nila. Sabihin man sa akin ni Primo na tanggap na niya para sa akin hindi ako naniniwala dahil magkaiba ang sinasabi ng kaniyang bibig sa mata niya.
Kakaalis lang namin magkakaibigan galing sa paborito naming restaurant. Nagkayayaan na magkikita. Matagal na rin ang huli namin pagkikita nung nahospital pa yata si Primo. Naglalakad kami sa gilid para mag-abang ng taxi ng mamukhaan ng mga kaibigan ko ang kotse ni Primo.
“Beshie, kotse iyon ng asawa mo 'di ba?” tanong ni Cindy.
Pinasingkitan ko ang mga mata ko upang makita. Kotse nga niya at hindi ako nagkakamali. Anong ginagawa niya rito sa ganitong oras? Ang sabi niya sa akin nasa kompanya pa siya.
“Papunta rito ang direksiyon niya. Nakita ka yata niya, Beshie.” Si Jenny naman ang nagsalita.
“Parahin natin para naman makisakay kami pauwi,” pagsingit ni Donna.
Kakawayan na dapat namin siya ng lumiko ang kaniyang kotse. Natigilan kami at napanganga. Sinundan namin kung saan hihinto ang sasakyan niya. Huminto ito sa hotel. Bumaba si Primo na may hawak na bulaklak. Sinalubong siya ng isang sexy at maganda na babae. Binigay ni Primo kaniya ang bulaklak. Halos mapunit naman ang labi ng babae sa kakangiti. Hinawakan pa siya ni Primo sa baywang ng may sasakyan na biglang dumaan. Kumirot ang puso ko ng sabay silang pumasok sa loob ng hotel.
“Si Primo iyon 'di ba?” tanong ni Donna.
“Hindi baka namamalikmata lang tayo,” sagot ni Cindy.
“Siya iyon sigurado ako. At sino iyong babae na kasama niya?” tanong ni Jenny at napatingin sa akin.
“Anong oras na ba? Umuwi na tayo.” Pag-iiba ko ng usapan.
Humarap sa akin si Jenny at hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Alam mo dinaig ka pa ni Nanay Flor. Kinasal na iyong tao pero ikaw nganga pa rin.”
“Kasal naman na ako,” tass-kilay kong saad.
“Matinong kasal ang tinutukoy namin. Hindi iyong napilitan,” pagsingit ni Donna.
-----
Paguwi ko dumiretso agad ako sa kwarto ni Mirielle. Mahimbing na siyang natutulog. Inayos ko ang pagkakumot niya. Habang tinititigan ko siya hindi ko naiwasan na mapaluha. Paano kung niloloko ako ni Primo? Paano na kami ni Mirielle?
Paglabas ko nagtungo na ako sa kwarto namin. Tamad kong nilinisan ang katawan ko. Tapos na ako lahat-lahat hindi pa rin dumadating si Primo. Nagkunwari akong tulog ng dumating siya. Alam kong nagtungo siya sa banyo para maligo. Naramdaman kong lumubog ang kama. Niyakap niya ako patalikod ngunit agad akong bumangon. Nagtataka ang mukha niyang tumingin sa akin.
“N-niloloko mo ba ako, Primo? Sino iyong babae na kasama mo kanina? Nakita ko kayong dalawa at nasasaktan ako!” umiiyak kong sigaw.
Napabangon siya at nakatitig sa akin ng seryoso. “Kung may tiwala ka sa akin alam mong hindi ko kayang gawin iyon sa'yo.” Huminto siya sa pagsasalita at pinunasan ang luha ko gamit ang kamay niya. “Matulog na tayo dahil may pupuntahan tayo bukas. Masasagot din lahat ng tanong mo.”
Maaga pa lang umalis na kami ng mansion. Nagtataka ako kung bakit sa kulungan ang punta namin. Pagdating namin nakaupo na sina Hana at Dylan.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,” ani Primo pagkaupo namin. “Kaya ko kayong patawarin ngunit hindi pa sa ngayon. Sana maintindihan ninyo ang sinasabi ko. Heto na ang huli nating pagkikita. Mag-iingat kayo.” Hinawakan ni Primo ang kamay ko at hinila palabas ng selda.
Kahit papano naging masaya ako. Hindi pa niya tuluyan pinapatawad sina Hana at Dylan atleast sinusubukan niya at sa tamang panahon ibibigay niya ng buo na patawarin sila. Nagtataka ulit ako dahil iba na naman ang tinatahak ng kotse niya. Nang pinagbuksan niya ako nagkasalubong ang kilay ko ng malaman nasa playground kami.
Dinala niya ako gitna kung saan madalas kaming maghabulan at maglaro ng taguan. Dito rin kung saan pinagtapat ko sa kaniya ang pagmamahal ko ngunit tinanggihan lang niya. Mapait akong napangiti ng maalala ko iyon.
“Dito ka lang wife may kukunin lang ako.”
Tumango ako sa kaniya. Hinalikan niya ako sa noo saka umalis na. Nanatili ako sa kinatatayuan ko. May dalawang bata na dumating. Isang babae at lalaki. Nakikita ko ang aming sarili ni Primo sa kanila. Ganyan na ganyan kami noon. Naputol ang pagtitig ko sa kanila ng nagsidatingan ang mga tao sa paligid ko. Nagulat ako dahil nandito sila lahat. Ang magulang ni Primo, sina Tatay Toni at Nanay Flor, mga kaibigan ko, sina Cristal at Morris, si Ace at ang magulang niya pati si Mirielle at Enan. Lahat ng mahahalagang tao sa buhay ko ay present.
“Bakit kayo narito lahat?” tanong ko.
“To witness your happiness!” sabay-sabay nilang sagot.
Kunot-noo ko silang tiningnan. Hinahanap ko si Primo ngunit hindi ko siya makita.
“Nasaan si Primo?” tanong ko.
Tumingin sila sa likuran ko kaya napalingon ako. Napangiti ako nang makita siya na may dalang bulaklak. Nakangiti niyang binigay sa akin at kinuha ko naman.
“Naalala mo rito kita madalas yayain na maglaro noon. At dito ka rin nagtapat ng pagmamahal sa akin ngunit kasinungalingan ang sinagot ko sa'yo. Pero this time katotohanan na.” Napaatras ako nang lumuhod siya sa harapan ko. May kinuha siya sa loob ng kaniyang coat. Binuksan niya iyon at pinakita sa akin. Kumabog ng husto ang dibdib ko. “Noon madalas kitang yayain na makipaglaro sa akin. Ngayon yayayain kita upang pakasalan ako. Bebe, new ring but old man. Will you marry me?”
Napaiyak ako ng husto dahil ngayon niya lang ulit nasambit ang tawag niya sa akin noon.
“I-Imo,” sambit ko.
“Marry him!” sigaw nila.
“Yes!” naiiyak kong sagot.
Tumayo siya at sinuot sa akin ang singsing. Binuhat niya ako at pinaikot-ikot sa ere. Napahinto siya ng lumapit sa amin ang babaeng kasama niya papasok sa hotel.
“I'm Margaux friend of Primo. At ako ang designer ng engagement at wedding ring ninyo. Congrats and best wishes!” aniya.
Niyakap ko na lang si Primo dahil napahiya ako. Pinagdudahan ko siya na hindi naman dapat. Kumalas ako sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
“May happy ending din pala ako sa huli,” naluluhang sabi ko.
Pinunasan ni Primo ang luha ko gamit ang kamay niya. “Our happy ending. From now on no more wife's tears only a wife's happiness.”
We seal our promise/union/marriage/love with a kiss.
“The tear of a loving girl is like a dew-drop on a rose; but on the cheek of the wife, is a drop of poison to her husband.”
- The End -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top