Forty-seventh Tears
Musmos pa lamang si Mirielle at hindi pa gano'n kalawak ang kaniyang pangunawa. Ngunit pinaintindi ko na sa kaniya ang tungkol sa Ama niya. Alam niyang hindi niya tunay na Ama si Enan. Napamahal ang dalawa sa isa't isa kaya naman tinuring ni Mirielle si Enan bilang tunay na Ama niya. Lubos kong kinatutuwa dahil hindi siya nagpapakwento. Ako pa nga mismo ang nagkwekwento tungkol kay Primo.
“B-buhay ang anak niyo?!”
“A-anak niyo ni Primo?!”
“A-anong ibig sabihin nito?!”
Gulat na tanong nila sa akin. Hindi ako makapagpaliwanag dahil kasama namin ang mga bata.
“Mahaba pong kwento. Saka ko na lang ipapaliwanag kapag nagising na si Primo. Hindi rin niya alam ang tungkol sa anak namin. Gusto ko gising siya kapag sinabi ko.”
Malungkot akong napatingin kay Primo. Wala pa rin sign. Pati mga doktor hindi nila matukoy kung kailan siya magigising. Kapag nagising siya hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya. Sana hindi siya magalit sa pagtatago ko ng aming anak. Hindi na nagpumilit pa sina Nanay Flor at magulang ni Primo sa sinagot ko.
“Mommy, tulog po ba si Daddy?”
Hawak pa rin ni Mirielle ang kamay ng Ama niya. Naaawa ako sa anak ko dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari.
“Oo baby. Sa sobrang himbing ng tulog ni Daddy hindi pa siya nagigising.” Nagpakatatag ako kahit na gusto na naman kumawala ang mga luha ko. Dapat hindi ako panghinaan ng loob sa harapan nila. Hindi ko puwedeng ipakita kina Ace at Mirielle ang pagluha ko. “Higpitan mo baby ang paghawak sa kamay ni Daddy. Ikaw din Ace hawakan mo sa kabilang kamay niya para magising na ang Daddy ninyo.”
Agad silang sumunod. Hindi ko pa sila pinakilala sa isa't isa ngunit parang matagal na silang close. Nginitian pa nila ang bawat isa na kinatuwa namin.
“Mommy, magigising na po ba si Daddy kapag hinawakan namin ang kamay niya?”
Napangiti ako sa tanong ni Ace. Dahan-dahan akong tumango. Pinanindigan ko kung 'yon ang pagkakaintindi ng mga bata. Mas mabuti na gano'n kaysa sabihin na walang kasiguraduhan kung magigising pa siya o hindi na.
“Mga anak, sabihin niyo kay Daddy to stay alive and be strong. Sa pamamagitan ng paghawak niyo sa kamay niya mararamdaman ng utak niya ang pag-aalala niyo para sa kaniya.” Sabay silang tumango na para bang naintindihan nila. Nagkatinginan sila na para bang may gusto silang sabihin sa isa't isa. Nakita kong sinenyasan ni Mirielle si Ace. Ano ang gusto nilang ipahiwatig?
“Daddy, wake up. Kailangan mong gumising para makilala mo ang kapatid ko.”
“Daddy, idilat mo na po ang mata mo. Sabi ni Mommy pareho tayo ng kulay ng mata. Gusto ko po makita para malaman ko kung hindi nagsisinungaling si Mommy.”
Napaluha na lang ako. Hindi ko inaasahan na gano'n ang gagawin nila. Gusto na talaga nilang magising si Primo. Kahit anong paraan ay gagawin nila. Napatingin sa akin si Mirielle at parang may gustong sabihin, nahihiya lang siya.
“May gusto kang sabihin baby?”
Binalik niya ang tingin kay Primo. Ilang minuto rin siyang hindi nagsalita. Nakatitig lang siya. Natakot tuloy ako baka kung napano na siya. Nabigla na lang ako sa katagang binitawan niya.
“Paglaki ko gusto kong maging doktor para gisingin ko si Daddy at hindi ka na mag-alala pa Mommy.”
Napayakap ako sa kaniya. Nakatingin sa amin si Ace na malungkot ang mukha. Tinawag ko siya at dalawa ko silang niyakap. Ayaw kong ipakita at iparamdam na hindi pantay ang pagtrato ko sa kanila.
“Beatrice, iuwi ko muna si Mirielle sa bahay, babalik na lang kami bukas.”
Napahiwalay ako sa dalawa at nilingon si Enan. Tumayo ako at humarap sa kaniya.
“Maraming salamat.”
Lumapit ako at niyakap siya. Naramdaman ko ang mahihinang pagtapik niya sa likuran ko. Humiwalay siya at hinawkan ako sa magkabilang balikat.
“Walang anuman. Basta para sa'yo.”
Inuwi ni Enan si Mirielle sa bahay niya samantalang si Ace sa mansion. Nakisabay na rin ang magulang ni Primo at tulad ng dati naiwan akong mag-isa. Pagkaalis nila nilinisan ko ang katawan ni Primo. Pinunasan ko ang mukha niya, sa mga braso, kamay, binti at paa. Pagkatapos ko siyang linisan, pinatitigan ko ang mukha niya. Sinusuklay-suklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko. Nang mapagod ako hinawakan ko ang kaniyang kamay at dinala sa aking labi. Hinalik-halikan ko hanggang sa may tumulong luha sa pisngi ko.
“P-Primo, bakit kailangan mo pang masaktan ng ganito. Primo, masakit hindi ba? Alam kong pagod ka na, kawawa ka naman. Anong gagawin natin ngayon? Anong mangyayari sa atin? Primo, naririnig mo ba ako? Hindi ka mamamatay, hindi ka maaaring mamatay. Kailangan mo pang mabuhay okay? Primo, I love you. Mahal na mahal kita. Huwag mo akong iiwan ah.”
Kahit basang-basa ang pisngi ko ng luha, nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at hinalikan siya sa kaniyang labi.
-----
Galing ako sa labas upang bumili ng pagkain. Paglabas ko ng elevator napansin kong natataranta ang mga doktor at nurse. Tiningnan ko kung saan sila papunta. Kumabog ang dibdib ko ng malaman kong papunta sila sa room ni Primo. Sa pag-alala ko napatakbo ako. Naabutan kong nasa labas ang magulang ni Primo, si Nanay Flor at mga kaibigan namin. Nandoon din si Enan na yakap sina Ace at Mirielle. Lahat sila ay umiiyak kaya kinabahan na ako ng husto. Masama ang kutob ko dahil sa mga itsura pa lang nila. May nangyari bang masama kay Primo?
Hindi ako nakatiis kaya pumasok ako. Nabitawan ko ang dala kong pagkain sa pagmamadaling makapasok. Nasa pintuan pa lang ako mahigpit nila akong pinagbawalan. Kahit anong pilit ko hindi talaga nila ako pinayagan. Sa labas ng pintuan ako nagtiyagang nanood. Bumuhos ang luha ko ng makitang nire-revive si Primo. Pinaghahampas ko ang pinto upang papasukin nila ako. Nag-aagaw buhay ang mahal ko pero ayaw pa rin nila akong papasukin. Bumuhos ng luha sa labas ng kwarto ni Primo.
Tumigil ang mundo ko at pagtibok ng aking puso ng tinigil ng mga doktor ang kanilang ginagawa. Umiling ang mga ito sa akin at nababalot ng kalungkutan ang kanilang mga mukha. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang binitawan na salita ng doktor.
“Time of death 9:30 am.”
Umiling ako ng paulit-ulit. Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi makahinga ng maayos. Umiikot ang paningin ko. Bumuhos ang masagana kong luha nang tinakpan nila ang katawan ni Primo.
“Hindi ito maaari. Hindi siya puwedeng mamatay. Hindi puwede! Primo!”
Hinihingal akong napabalikwas ng bangon. Kinapa ko ang aking dibdib at malakas ang tibok niyon. Pinapawisan din ako ng malagkit. Napahawak ako sa aking mukha na basang-basa dahil sa luha. Huminto ako sa paghinga ng maramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Lumingon ako ng dahan-dahan sa aking kanan. Pigil hininga at nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Hindi ako makapaniwala, si Primo nakaupo sa kama niya. Dilat na dilat ang mata. Gising na siya!
“P-Primo, panaginip lang ba ito?”
Umawang ang bibig ko nang ngumiti siya sa akin. Bumuhos ang luha ko nang hinawakan niya ang pisngi ko. Mainit ang palad niya.
“Wife.” Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Sinundot ko ang pisngi niya na kinalaki ng ngiti niya sa labi. “Hindi ka nananaginip.”
Nang mapagtanto kong hindi panaginip kaagad ko siyang niyakap. Binuhos ko ang lahat ng luha ko sa kaniya. Wala akong pakialam kung mabasa ang suot niyang hospital gown. Humiwalay ako sa pagkayakap at tumitig sa kaniyang mga mata.
“S-salamat at gising ka na. Akala ko iiwan mo na ako. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin.”
Humagulgol ako sa harapan niya. Pati siya ay naiiyak na rin. Pinunasan niya ang aking luha gamit ang kaniyang kamay.
“Huwag mo akong iyakan wife, buhay pa ako. Hindi ako puwedeng mawala dahil mamahalin pa kita. Kailangan ko pang tuparin ang dream wedding mo. At higit sa lahat ang happy ending ng love story natin. Mahal na mahal kita, Beatrice.”
Tinakpan ko ang aking mukha para itago sa kaniya ang pagiging emosyonal ko. Sobra akong na-touch sa mga katagang binitawan niya. Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin. Kinulong niya ako sa kaniyang bisig.
“I'm sorry. Patawad kung nasaktan kita, Primo.”
Wala siyang tigil kakahaplos sa buhok ko. Ginagawa niya ang lahat upang pakalmahin ako.
“Hindi ko na iniisip ang tungkol diyan. Ang mahalaga buhay ako.” Agad akong humiwalay sa kaniya na kinabigla niya. Humihikbing tiningnan ko siya ng masama. Kunumot ang kaniyang noo dahil sa ginawa ko. “Bakit ganyan ang reaksiyon mo? Hindi ka ba masaya na buhay ako?”
Ngumuso ako at umarte na parang nagtatampo. Umupo ako sa kama niya at tumitig ng husto sa mga mata niya.
“Hindi gano'n ang ibig kong sabihin. Naiinis lang gusto ko kasi ako ang unang makakakita sa paggising mo.”
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay saka niya hinalikan. Tumitig din siya sa mga mata dahilan upang mawala ang pagkainis ko. Mabilis din lumambot ang puso ko dahil sa paglalambing niya.
“Mahimbing kasi ang tulog mo kaya hindi na kita ginising. Sabi nina Daddy at Mommy wala kang maayos na tulog kaya hinayaan kitang makapagpahinga. Okay lang na hindi ikaw ang unang nakakita sa paggising ko dahil ikaw naman ang una dito sa puso ko.” Dinala niya ang aking kamay sa bandang puso niya. Napasinghap ako nang hinila niya ako sa batok saka hinalikan ang labi ko. Nang naghiwalay ang aming mga labi, pinagdikit niya ang noo naming dalawa. “Let's get back together, my wife.”
Nabigla ako sa sinabi niya kaya natulak ko siya ng mahina. Bumilis ang kabog ng dibdib ko at halos hindi ako makahinga. Kinikilig ako pero hindi ko puwedeng ipakita sa kaniya.
“Ah, e.”
Hindi ako makasagot. Pati utak ko hindi makapagisip ng maayos. Grabe ang naging epekto sa akin ng sinabi niya.
“Okay naintindihan ko. Hindi puwede dahil kay Enan.” Napabuntong-hininga siya. Lumungkot ang kaniyang mukha pati na rin ang boses niya. Sumandal siya pagkatapos pinikit niya ang kaniyang mga mata. Magsasalita sana ako ng may dumating na bisita.
“Good morning. Mabuti at gising ka na.”
Bungad ni Enan pagpasok niya. Si Primo agad ang pinuna niya samantalang dinedma lang ako.
“Speaking of...Dumating na ang mahal mo.” Bulong niya sa akin pero narinig namin pareho ni Enan. Nagkatinginan kaming dalawa at natawa na lang. “Anong nakakatawa sa sinabi ko?”
Lumapit sa akin si Enan saka niya ako inakbayan. Umuusok naman ang ilong ni Primo sa selos. Masama ang tingin niya sa braso na nasa balikat ko. Sa titig pa lang niya parang gusto niya itong baliin.
“Wala kang dapat pagselosan dahil hindi kami puwede. Kapatid ko si Beatrice o tamang sabihin na half sister ko siya, my brother-in-law.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top