Forty-first Tears

Mabilis na umiling si Primo. Hindi ko napaghandaan ang bigla niyang pagyakap. Nanigas ang katawan ko sa ginawa niya. Mahigpit ang yakap nito at halos hindi na ako makahinga. Hindi ko siya niyakap pabalik ultimo mga kamay ko ay hindi dumapo sa likuran niya.

“No, alam kung may dahilan kung bakit tayo pinagtagpong muli. Hindi kita susukuhan, Beatrice. Never!” Panay ang haplos nito sa aking buhok. Nahalata ko ang pagtaas baba ng balikat niya. Umiiyak ba siya?

“Umalis na tayo Primo mala-late na ako,” mahinang saad ko. Nakahinga ako ng mabuti nang bumitaw ito. Hindi niya ako tinapunan ng tingin at diretso agad sa may harapan. Mabilis din niyang pinaandar ang sasakyan. Napansin ko na lang na basa ang bandang balikat ng uniporme ko.

Nang makarating kami mabilis itong bumaba at umikot para lang pagbuksan ako. Yumuko ako paglabas dahil maraming matang nakatingin sa amin mga estudyante at guro. Pilit ko pang tinatago ang aking mukha para hindi nila makita. Agaw eksena kasi ang mamahaling sasakyan ni Primo pati ang itsura nito. Papasok na ako sa gate ng hinili niya ang kamay ko at maingat na hinalikan sa noo. Natulala ako hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon sa maraming tao. Kahit nakalayo na ang sasakyan nito hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Kung hindi ko pa narinig ang bell hindi pa ako matatauhan.

Sumapit ang tanghalian may meeting ang ibang guro kaya mag-isa akong kumakain. Nakakalungkot mabuti na lang sinamahan ako ng school director. Nag-uusap kami habang kumakain usually tungkol sa paglipat ko at sa mga estudyanteng tinuturuan ko. Naging maganda naman ang daloy ng pag-uusap namin hanggang mapunta ito tungkol sa personal na buhay.

“Kumusta na ang anak mo?” tanong niya. Bago malaman ng mga kasamahan kong guro ang tungkol kay Mirielle siya muna ang unang nakaalam.

“Mabuti naman po. Sa katunayan makikita ko na siya,” nasasabik kong sagot.

Gumuhit ang linya sa noo nito. “Ibig mong sabihin uuwi ka this weekend? Hindi ka ba mahihirapan matagal ang biyahe. Bakit kaya hindi mo na lang isama ang anak mo pagbalik para hindi mo siya mamiss at araw-araw mo pang makakasama,” suhestiyon niya.

“Naisip ko na rin po iyan kaso wala akong mapagiwanan sa kaniya na puwede kong pagkatiwalaan. Kapag nandoon siya maraming mag-aalaga at titingin sa kaniya dahil kilala ko na ang mga tao ro'n,” paliwanag ko.

Napatango siya. “Sabagay tama ka, ang mahalga sa ating magulang ay ang kaligtasan ng ating anak,” pag-sangayon niya. Katulad ko isang magulang rin siya kaya naintindihan niya ako. “Maiba ako, ikaw pala ang asawa ni Mr. Montero mabuti at nahanap ka na niya,” dagdag niya.

“Po?!” Kapansin-pansin ang pagkagulat ko dahil nahinto siya sa pagsubo. “A-ano pong ibig niyo sabihin?” kinakabahan kong tanong.

“Nakita ko kayo kanina ang sweet niyo ngang dalawa. Masaya ako dahil lahat ng paghihirap noon ni Mr. Montero sa paghahanap sa'yo ay nasuklian,” sagot niya.

“Ah?” naguguluhan kong tanong.

“Hindi mo ba alam nanawagan siya sa tv upang mahanap ka. Kaya nung una kitang nakita parang pamilyar ka sa akin. Although nag-iba ang itsura mo sa pinakita niyang larawan mo five years ago. Bukod diyan napakabait na tao ang asawa mo malaki ang naitulong niya sa paaralan natin. Iyong mga lumang building pinagawa niya para iwas disgrasya raw. Namigay pa siya ng mga pabahay para sa taong nawalan ng bahay nung bumagyo at bumaha. Hindi lang binalita sa tv dahil ayon sa kagustuhan ng asawa mo,” mahabang pahayag niya. “Mauna na ako sa'yo,” paalam niya pagkatapos kumain.

Napagtanto kong marami akong hindi nalalaman buhat nang umalis ako. Sa loob ng limang taon may mga bagay na rin akong hindi alam kay Primo. Kaya ba nasabi niya sa akin may mga bagay akong hindi nalalaman? Kung mayroon ano ang mga iyon?

Nang pauwi na ako at nag-aabang ng sasakyan tumunog ang cellphone ko. Landline number ang lumitaw sa screen. Biglang kumirot ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan, kinakabahan pa ako na sagutin ang tawag.

“M-Mommy,” natatarantang boses ni Ace.

“Baby, bakit may problema ba?” kinakabahan kong tanong.

“Mommy, pumunta ka sa bahay Daddy is sick,” sagot niya.

Halos nagkasalubong ang kilay ko sa sinabi ni Ace. Okay naman siya kanina nung nagkahiwalay kami. “Baby, humingi ka ng tulong kina Ate at Kuya na kasama mo sa bahay.”

“K-kami lang po dalawa ni Daddy ngayon Mommy nag-day off po silang lahat,” humihikbing saad niya. Sa tono ng boses ni Ace umiiyak ito.

Napakagat ako sa aking kuko. “Sige, papunta na ako huwag kang lalabas ng bahay hangga't wala pa ako. Bantayan mo muna ang Daddy mo,” bilin ko.

Pagbaba ko ng tawag kaagad akong nagpara ng taxi. Pagdating ko sa bahay iilan lang ang ilaw na nakabukas. Nag-door bell ako, makalipas ng ilang segundo pinagbuksan ako ni Ace. Malungkot ang mukha niya, bakas pa ang luha nito sa pisngi na bahagyang tuyot na. Katahimikan ang bumungad sa akin pagpasok ko. Magtatanong pa lang sana ako ngunit hinila na ako ni Ace paakyat ng hagdan. Dinala niya ako sa kwarto ni Primo na ngayon ko pa lang mapapasukan.

Gray at black lang ang kulay na makikita mo sa kwarto ni Primo. Hindi rin gano'n kadami ang kagamitan sa loob. Malinis kahit saan sulok, amoy na amoy ang pabango nito. Nasa pintuan pa nga lang ako ng kwarto niya kanina ayaw ng makisama ang ilong ko. Tinakpan ko upang hindi makagawa ng ingay baka tulog at magising ko pa.

Nakita kong balot ng kumot ang katawan ni Primo. Kapansin-pansin din na nanginginig ito. Kinuha ko ang remote at agad hininaan ang aircon. Umupo ako sa kama, napatingin ako sa larawan na nasa side table. Napatitig ako sa wedding photo naming dalawa. Bumalik ulit lahat ng nangyari noon, pinikit ko ang aking mga mata at binaling sa ibang parte ng kwarto nito. Sa kabilang side nakalagay ang kuha naming dalawa nung graduation kung saan mukha kaming magkasintahan. Napakagat ako sa labi at pinatitigan ang namumulang mukha ni Primo.

“Mommy, ginamit ko iyong akin at nilagay sa noo ni Daddy,” mahinang saad ni Ace. Napangiti ako sa sinabi niya at ginulo ang kaniyang buhok. “Tuwing may lagnat ako iyan ang nilalagay ni Daddy sa noo ko,” dagdag niya.

“Very good baby,” puri ko.

Muntik ng mapaso ang palad ko nung hinawakan ko ang noo ni Primo. Kinuhanan ko siya ng temperature at umabot sa thirty-nine degree celcius ang lagnat nito. Nagpunta ako sa banyo niya upang kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig. Pinunasan ko ang katawan niya upang mabawasan ang init.

“Baby, bantayan mo muna si Daddy. Magluluto lang ako upang magkalaman ang tiyan niya pati na rin ikaw.” Pinisil ko ang maumbok niyang pisngi. Napangiti ito sa ginawa ko, kanina pa siya tahimik habang pinapanood ang ginagawa ko. Nagluto ako ng lugaw para kay Primo at fried chicken naman kay Ace. “Kumain ka muna rito dadalhan ko si Daddy mo ng makakain. Bababa ako kapag tapos ka na.” Mabilis siyang tumango at nagsimula na itong kumain.

Kung anong ayos niya kanina nung iniwan ko si Primo gano'n pa rin. Hindi yata siya nagising o naalimpungatan man lang. Hinawakan ko ang noo nito walang pinangbago mainit pa rin siya. Patuloy ang panginginig niya kahit pinatay ko na ang aircon.

“Primo, kumain ka muna para makainom ng gamot,” mahina kong sambit. Tinapik ko siya sa kaniyang mukha para gisingin pero tulog pa rin. Nadidinig ko ang malalim niyang paghinga at mahinang ungol.

“Beatrice,” sambit niya sa pangalan ko. Biglang kumirot ang puso ko hindi ko malaman kung naaawa ba ako o mahal ko pa rin siya. Pinilig ko ang ulo ko at nagtungo sa banyo para palitan ang tubig. Muli kong pinunasan ang katawan niya nabigla na lang ako ng napahawak siya sa kamay ko. Inaalis ko ngunit mahigpit ang pagkahawak niya. “Beatrice,” muli niyang sambit. Hinaplos ko ang kaniyang mukha at hinayaan na lang na hawakan nito ang kamay ko.

Akala ko si Ace ang paparating dahil nakarinig ako ng yabag. Laking gulat ko na lang pagkatapos ng limang taon makikita ko ulit si Nanay Flor. Dahan-dahan kong tinanggal ang aking kamay. Narinig ko ang mahinang pagbungis-bungis ni Nanay Flor at kinikilig pa ito sa nadatnan niyang ayos namin ni Primo.

“Nanay namiss ko po kayo,” masaya kong sabi. Agad akong napayakap sa kaniya na hindi niya napaghandaan.

“Anak namiss din kita. Akala ko kung sinong Mommy ang tinutukoy ni Ace ikaw pala,” aniya habang kayakap niya ako.

Humiwalay kaming dalawa at umupo sa sofa. “Kumusta po?” tanong ko.

Napatitig sa akin si Nanay Flor at hinaplos ang buhok ko. “Okay lang ako pero hindi ko alam kay Primo kung okay siya. Palagi niyang sinasabi na okay siya at walang dapat ipag-alala pero hindi iyon ang nakikita ko sa kaniya,” malungkot niyang sagot. Pinagmasdan niya si Primo na mahimbing pa rin sa pagtulog.

Nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya. “Bakit po?”

“Mula nung umalis ka hindi ito huminto sa paghahanap sa'yo. Hindi siya nagpapahinga hanggang ang kalusugan nito ay tuluyan niyang pinabayaan. Naging sakitin na siya, sa tuwing nasasaktan at namomoblema nagkakasakit si Primo. Mabuti na lang nung dumating si Ace sa buhay niya muling nagkakulay ang buhay niya. Binuhos niya ang kaniyang oras sa kompanya, kay Ace at sa paghahanap sa'yo.” Napakagat ako sa pang-ibabang labi dahil sa mga nalaman ko. Napatingin ako kay Primo at nakaramdam ng kalungkutan. Napapaisip kung tama ba ang ginawa kong pag-iwan sa kaniya. Ano pa ba ang nangyari sa buhay niya noon? “Teka, paano kayo nagkitang dalawa?”

“Nakilala ko si Ace hindi ko alam na anak pala ni Primo,” sagot ko.

Napatango at napangiti si Nanay Flor. “Talagang gumawa ng paraan ang tadhana para kayo ay muling pagtagpuin at iyon sa pamamagitan ni Ace.” Natahimik ako at napayuko. Dahil sa kuryusidad napatanong ako.

“Nay, sino po ba ang Mommy ni Ace?” kunot-noo kong tanong. Sa tagal naming naghiwalay hindi ko alam kung nagkaroon ba siya ng bagong karelasyon.

Kunot-noo rin akong pinatitigan ni Nanay Flor. “Hindi pa ba sa'yo sinabi ni Primo?” nagtatakang tanong niya.

“Ang alin po?”








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top