Forty-fifth Tears

Napako si Primo sa kinatatayuan niya. Hindi makagalaw o makapagsalita. Matamang nakatingin lang siya sa amin ni Enan, tingin na nasasaktan. Nagtama ang aming mga mata kasabay nang pagbagsak ng luha niya. Napahigpit ang pagkahawak ko sa braso ni Enan.

“Beatrice,” mahinang tawag niya.

“Pumasok ka muna sa loob,” utos ko na hindi inaalis ang paningin kay Primo.

“Pero-” tinaas ko ang aking kamay para patigilin siya at sinenyasan na pumasok.

Mabagal siyang naglakad papasok sa loob ng bahay. Nang tuluyan na siyang nakapasok lumapit ako kay Primo.

“A-akala ko umalis ka na.”

Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso. Napakapit ako sa laylayan ng aking uniporme. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at tumitig sa aking mga mata.

“Si Enan ba? Siya ba ang taong iniwan mo na dapat mong balikan? E, ako?”

Napatitig ako sa sunod-sunod niyang katanungan. Hindi ko siya sinagot hinayaan ko lang na nakatitig sa kaniya. Magkapako lang ang tingin naming dalawa. Nababahid ang inis sa kaniyang mukha. Nagulat ako nang ipaglapat niya ang noo naming dalawa. Bumilis ang kabog ng puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Mas lalo pang dumoble ang tibok niyon nang marinig ang katagang lumabas mula sa kaniyang labi.

“It's always been you, Beatrice. Always been that made my heart skip beats over and over and reminds me am not alone. That sets my heart on fire and leaves me breathless.”

Napalunok ako sa kaniyang sinabi. Hindi niya inalis ang titig sa akin na may bahid ng luha. Nananakit na ang lalamunan ko  para lang pigilan na maluha. Umiling ako, hindi ko na napigilan na umiyak na kaniyang ikinagulat. Wala akong pakialam kung marinig ni Enan at mga kapitbahay ang pag-iyak ko. Tinanggal ko ang pagkalapat ng aming noo pati na rin ang kamay niya sa balikat ko. Bahagya akong lumayo sa kaniya.

“H-hindi na ako babalik sa'yo, Primo.”

Nanlaki ang mga mata niya sa katagang binitawan ko. Napansin ko ang pagtaas baba ng kaniyang adams apple. Hindi niya inalis ang titig sa akin kahit na walang tigil ang pagdaloy ng kaniyang luha. Napahawak ako sa aking dibdib. Nasasaktan ako.

“B-bakit? Ipaliwanag mo sa akin.”

Puno ng luha ang mga mata ko nang tiningnan ko siya. Dahan-dahan kong pinunasan gamit ang aking kamay. Nakatayo pa rin siya pero animo'y kandila na unti-unting nauubos. Nasasaktan din siya.

“S-sa tuwing nakikita kita bumabalik ang lahat ng ginawa mo sa akin. Mula sa pananakit mo hanggang sa masasakit mong salita. Nung tinutukan mo ako ng baril sa ulo natakot ako para sa sarili ko. Doon ko napagtanto na nakakatakot kang mahalin. Ayoko ng bumalik sa piling mo na puro karahasan. Hindi ganito ang gusto kong mangyari sa ating dalawa, Primo.”

Mabilis niyang hinawakan ang dalawa kong kamay pagkatapos hinalikan. Lumuluhang napatitig siya sa mga mata ko. Pareho kaming lumuluha at nasasaktan ako sa nakikita ko.

“Hindi ko rin ito ginusto. Nagawa ko ang mga bagay na iyon dahil-”

“Dahil kina Hana at Dylan.” Natigilan siya sa aking sinabi. Umawang ang labi niya at hindi na rin magawang kumurap. “Sinira nila tayong dalawa ngunit ikaw mismo ang tuluyang sumira nito. Kung nagtiwala ka sa akin at nanaig ang nasa puso mo hindi tayo aabot sa ganito.”

“Nagkamali ako at paulit-ulit kong hihingin ang kapatawaran mo. Mas nanaig ang galit sa puso ko kaysa ang pagmamahal ko sa'yo.”

Mabilis kong tinanggal ang pagkahawak niya sa mga kamay ko. Natawa ako at kalaunan ay napaiyak na naman.

“M-mahal mo ako? Hindi 'yan ang sinabi mo sa akin noon. Minsan kapag nasabi na natin hindi na puwedeng bawiin pa. At alam mo hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isip ko.”

Walang tigil ang pag-iyak ko. Naninikip na ang dibdib ko konti na lang at hihimatayin na ako.

“Nagsinungaling ako hindi ko sinabi sa'yo ang totoo. Mahal kita Beatrice ang katagang dapat kong sabihin sa'yo noon. Tatanungin kita, mahal mo pa ba ako?”

Tumigil ako sa pag-iyak. Matapang ko siyang tinitigan. Habang nakatitig ako sa kaniya naalala ko lahat ng paghihirap ko na kasama siya. Lahat ng paraan ginawa ko pero hindi pa pala sapat upang ako'y paulit-ulit niyang saktan.

“Ibabalik ko sa'yo ang sinabi mo sa akin noon. Kung inaakala mo na mahal pa kita nagkakamali ka dahil hindi na kita kayang mahalin.”

Lihim kong binati ang aking sarili dahil naitawid kong sabihin na hindi nagkandautal-utal. Gumuhit ang sakit sa mukha niya, kamuntikan pa siyang matumba.

“O-okay.”

Naikuyom ko ang aking kamay. Galit ako sa sarili ko. Ito naman ang gusto kong mangyari pero hindi ako masaya.  Triple ang sakit ng nararamdaman ko ngayon kumpara nung iniwan ko siya. Hindi ko alam kung makakaahon pa ako sa sakit o tuluyan na akong malunod. Tumitig pa siya sa akin ng matagal na para bang may hinihintay. Tumango siya pagkatapos tinalikuran na niya ako.

Napaupo ako sa lupa pagkaalis niya. Nanghina ang tuhod ko sa pag-uusap namin. Impit ang ginawa kong pag-iyak. Hindi ko namalayan ang pagdating ni Enan. Tinayo niya ako ng dahan-dahan at hinawakan sa magkabila kong balikat.

“T-tapos na. Tinapos ko na.”

Humagulgol ako sa pag-iyak. Niyakap niya ako upang pakalmahin. Wala siyang tigil kakahagod sa likuran ko. Nang huminahon na ako humiwalay siya sa akin. Pinatitigan niya ang mata kong namumugto na.

“Bakit mo ginawa 'yon? Bakit ka nagsinungaling?”

Niyugyog niya ang balikat ko. Disappointment ang gumuhit sa mukha niya. Kapag nagkasalubong ang kilay niya senyales na hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

“Tama na! Ang mahalaga tinapos ko na.”

Nagagalit ako sa sarili ko. Naiinis ako sa ginawa ko. Ayaw kong makatanggap ng sermon lalo na kapag galing sa kaniya.

“Ang saktan siya at magsinungaling? Iyon ba ang sinasabi mong tinapos?”

Lumayo ako sa kaniya ng konti. Ayokong sinesermonan lalo na hindi maganda ang mood ko. Dumistansiya muna ako baka ano pa masabi ko sa kaniya na makakasakit sa kalooban niya. Nagkatinginan kaming dalawa nang makarinig ng sigawan ng mga tao. Lumabas ako upang tingnan. Sa 'di kalayuan maraming tao na nagkukumpulan. Dahil sa kuryusidad napatakbo ako upang malaman. Habang tumatakbo bumilis ang tibok ng puso ko. Kamuntikan pa akong madapa mabuti na lang nahawakan agad ako ni Enan. Hinawi ko ang mga taong nasasalubong ko. Nakikisiksik kung saan makalusot lang. 

Napahinto ako nang makita ang kotseng wasak na wasak. Nanlaki ang mga mata ko ng mamukhaan ko kung kanino. Kabisado ko ang plate number kaya nakakasiguro ako. Kahit bawal pumasok, tinalon ko ang nakalagay na yellow tape. Pagdating ko sa warak na kotse nanlumo ako sa aking nakita.

“P-Primo!”

-----

Agad namin siyang tinakbo sa malapit na hospital. Sa ambulansiya pa lang nag-aagaw buhay na siya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Walang tigil ang pagdaloy ng luha ko. Kasalanan ko ang nangyari sa kaniya. Kung hindi ko sinabi ang kasinungalingan na 'yon hindi siya maaaksidente. Hindi masasaktan ang damdamin niya at wala siya ngayon sa bingit ng kamatayan.

“P-Primo, kung naririnig mo ako kumapit ka. Hindi ka puwedeng mawala. Huwag mo akong iwan na mag-isa.”

Humagulgol ako sa loob ng ambulansiya. Tahimik ang mga kasama ko sa loob. Nakikinig sila sa mga sinasabi ko. Naiiyak na rin ang mga ito dahil sa kaawa-awang sinapit ni Primo. Pagdating namin agad siyang tiningnan.

“Car accident, Doc.”

Hindi ko binibigyan ng pansin ang ginagawa nila at pinag-uusapan. Kay Primo lang ako nakatutok na ngayon ay kinabitan ng maraming aparato.

“Doc, bumababa po ang blood pressure pati na ang heart rate niya.”

Napatingin sila sa monitor kaya napatingin din ako. Nanginginig ang buong katawan ko. Nanlalamig ang aking mga kamay. Nanlalambot ang tuhod. Hindi mapakali sa kinatatayuan ko. Panay paroon at parito ko. Nang tumunog ang monitor nataranta silang lahat. Mas lalo akong kinutuban kaya halos pasukin ko sila sa loob.

“Prepare the AED and defibrillation.”

Nang narinig ko ang sinabi ng doktor kumabog ng husto ang dibdib ko. Nag-cardiac arrest si Primo at kung hindi ma-establish ang puso niya puwede siyang mawala. Hinahampas ko ang pinto nang makitang nire-revive siya. Pinapatigil ako ng ilang nurse pero hindi ko sila pinapansin hanggang may matipunong braso ang yumakap sa akin.

“Calm down, makakaligtas siya.”

Napasubsob ako sa dibdib ni Enan at doon ko binuhos lahat ng luha ko. Panay ang dasal ko na sana makaligtas siya. At kapag nangyari 'yon hindi ko na siya sasaktan. Bumukas ang pinto at agad kong sinalubong ang doktor.

“Kailangan namin siyang operahan agad. Masama ang natamo niya sa ulo. Ihahanda na namin siya for surgery.”

Habang hinihintay ko matapos ang operasyon niya tinawagan ko ang magulang niya, mga kaibigan at si Nanay Flor upang ipaalam ang sitwasyon niya. Kabilin-bilinan ko na huwag sasabihin kay Ace baka mag-alala ng husto ang bata.

“Bibili lang ako ng tubig.”

Naiwan akong mag-isa nang umalis si Enan. Nakayuko akong nagdarasal habang walang tigil ang pahid ko ng luha sa aking pisngi.

“Beatrice,”

Napaangat ako ng mukha. Napatayo ako at tipid na tinanguan si Atty. Ferrer. Sinenyasan ko siyang maupo.

“Nabalitaan ko ang nangyari kay Mr. Montero. Kumusta na siya?”

“N-nasa operating room pa siya.”

Garalgal ang boses ko na anumang oras ay hahagulgol na naman ako sa pag-iyak. Tinapik niya ng mahina ang kamay ko.

“Huwag kang masyadong mag-alala makakaligtas siya. Mabait na tao si Mr. Montero kaya hindi siya pababayaan ng Diyos.” Tipid akong ngumiti sa kaniya. Sana makaligtas siya dahil marami akong gustong sabihin. May mga bagay akong gustong itama sa kaniya. “Siyangapala, mabuti at nandito ka may ibibigay ako sa'yo.” May kinuha siya mula sa kaniyang attache case. Isang sealed envelope at nakasulat ang pangalan ko sa labas.

“Ano po ito?”

Tiningnan ko ang envelope at inalog kung ano ang nilalaman sa loob. May nakapa ako pero hindi ko matiyak kung ano.

“Galing kay Don Ignacio pinatago niya sa akin. Ibigay ko raw sa'yo.”







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top