Fifty-fourth Tears
A/N: Contains mature content. Read at your own risk.
Nakiliti ako nang hinapit ni Primo ang baywang ko. Muntik na akong mapatili mabuti na lang naitikom ko agad ang aking bibig. Hinila niya ako palapit sa katawan niya. Halos wala ng hangin na makadaan sa sobrang lapit namin. Pinagdikit niya ang noo namin dalawa. Halos magkaduling-duling naman ako matitigan lang ang mga mata niya.
“Together forever wife,” aniya sabay halik sa noo ko.
“Pasensiya ka na kung naistorbo kita sa trabaho. Babalik ka pa ba?” Tukoy ko sa kompanya.
May meeting siya kanina nung tumawag ako ngunit umalis siya agad kahit nasa kalagitnaan pa lang ang pinaguusapan nila.
“Tatawagan ko na lang mamaya si Euston na re-schedule ang meeting. Gusto ko kayong makasama,” sagot niya.
“Good idea. Magbihis ka tapos hintayin kita sa kitchen,” utos ko.
Naka-business suit pa siya mula pa kanina. Tinulak ko siya palabas sa kwarto ni Ace. Hindi naman siya umangal. Nagtungo na rin ako sa kusina para ihanda ang gagamitin sa pagba-bake. Naisipan kong ipag-bake ng cookies ang mga bata.
Pagdating ni Primo nakapambahay na siya. Puting t-shirt at jogger pants na palagi niyang sinusuot. Lumapit ako sa kaniya na sobrang lapit. Akala niya lalandiin ko siya ang hindi niya alam isusuot ko sa kaniya ang apron. Kunot noo niya akong pinatitigan.
“Tutulungan mo akong mag-bake. Huwag kang tatanggi,” saad ko.
Tatalikuran ko na dapat siya nang hinila niya ang kamay ko tuloy napahawak ako sa matitipuno niyang dibdib.
“Sure, basta ba huwag kang tatanggi mamayang gabi,” kindat niya.
Tinulak ko siya at hinampas sa braso. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Tawang-tawa naman siya at talagang nangaasar.
Hindi pa kami natatapos ni Primo nang dumating sina Ace at Mirielle na nagkukusot pa ng mga mata. Halatang kakagising lang nila.
“Daddy, Mommy,” tawag ni Mirielle.
“Ano po ang ginagawa ninyo?” tanong naman ni Ace.
Umupo ang dalawa sa kitchen island. Sabay na kumalumbaba habang pinapanood ang ginagawa namin. Wala silang kabuhay-buhay natutulog pa yata ang dugo nila.
“Nagba-bake kami ni Daddy ng cookies para sa inyo,” nakangiti kong sagot.
“Wow!” untag nilang dalawa.
Biglang nabuhay ang natutulog nilang katawan. Nagningning ang kanilang mga mata. Mukha silang natakam at hindi na makapaghintay.
“Puwede niyo po ba kaming turuan?” malambing na tanong ni Ace.
“Sure. Come here son,” sabi ni Primo.
Napangiti ako dahil sa wakas bati na ang mag-ama. Tumabi sa akin si Mirielle at niyakap ang baywang ko.
“Turuan mo rin ako, Mommy.”
Nagpa-cute siya sa akin. Litaw na litaw ang ganda ng kulay bughaw niyang mga mata. Ngumuso siya para ipakita ang mapula at maliit niyang labi.
“Oo naman. Pareho namin kayong tuturuan.”
Nilagyan ko ng flour ang pisngi nilang dalawa. Nakisali na rin si Primo sa kalokohan ko. Sa halip ang mga bata ang lagyan niya sa akin niya nilagay. Tuloy hindi matapos-tapos ang ginagawa namin dahil nauwi sa kulitan. Naging playground ang kitchen. Mukha kaming mga gusgusin dahil sa itsura namin.
“Susmaryosep! Anong delubyo ang nangyari rito?” Napakamot na lang sa ulo si Nanay Flor. Natigil kami sa paghaharutan. Nagtago ang mga bata sa likuran namin. Hindi naman kami makatingin ng dirertso sa kaniya. Wala rin kami lakas para sagutin siya. “Kayo talagang mag-asawa! Lalo ka na Primo hanggang ngayon isip bata ka pa rin,” sermon niya.
“Si Beatrice po ang nagsimula,” giit niya.
“Huwag ka ng manisi pa. Ikaw ang padre de pamilya obligasyon mo sila. Sige na kami na ang bahala rito. Linisan niyo ang mga bata,” utos niya.
Nanghina ang katawan ni Nanay Flor ng kaniyang pinagmasdan ang kusina. Napuno ng arena ang lahat ng sulok. Mukha tuloy may snow sa loob ng mansion.
“Sino may gusto maligo sa pool?!” masiglang tanong ni Primo.
“Ako!” sabay na sagot ng dalawa. Tumatalon pa sila dahil sa tuwa.
“Kung gano'n. Let's go!” Kinarga niya ang dalawang bata at agad tinungo ang pool area.
“Magdahan-dahan ka Primo madulas ang sahig,” nag-aalalang sabi ni Nanay Flor.
Naiwan ako sa kusina. Naglilinis sila habang tinatapos ko ang pagba-bake. Nadidinig ko ang sigawan nina Ace at Mirielle pati ang tawa ni Primo na abot hanggang kusina. Habang nakasalang sa oven lumabas ako upang dalhan ng maiinom at makakain ang mag-aama ko. Aliw na aliw silang tatlo. Halos mapunit na ang kanilang mga labi sa kakatawa. Nakakawala ng pagod na makita silang masaya. Sana ganito na lang palagi at walang iniisip na problema.
Pero may kasabihan nga 'sa bawat sayang nararamdaman kasunod ay kalungkutan.'
-----
Kinabukasan nasa hardin kami tinutulungan ako ni Mirielle na magtanim ng halaman samantalang si Primo tinuturan na mag-bike si Ace. Napahinto kami sa mga ginagawa namin nang dumating ang kasambahay kasama ang mag-asawang Fuentebella. Pinapasok namin ang mga bata para hindi nila marinig anuman ang pag-uusapan.
“Mr. and Mrs. Montero, dala na po namin ang DNA result,” untag ni Drake.
Inabot niya kay Primo. Sabay namin binasa ang resulta. Nakakalungkot man isipin pero positive ang lumabas. Sila ang biological parents ni Ace. Bagsak ang balikat namin ni Primo. Pareho kaming walang imik.
“Mr. and Mrs. Montero, kung inyong mamarapatin maaari na po ba naming iuwi ang aming anak?” mahinang sambit ni Shantelle.
Nagkatinginan kami ni Primo. Napahawak ako sa braso niya. Naguusap kami gamit lang ang mata. Mahina akong tumango sa kaniya. Alam na niya ang ibig kong sabihin.
“Kung okay lang sa inyo, rito muna si Ace sa amin kahit isang linggo. Susulitin lang namin ang araw na kasama siya,” pakiusap ni Primo.
Sa awa ng Diyos pumayag ang mag-asawa. Hinihiling nila na makita si Ace. Pinagbigyan namin ang kanilang kahilingan. Sila ang tunay na magulang ni Ace sino ba naman kami para humadlang. Hindi ko napigilan na mapaluha ng masaksihan ko ang kanilang pagkikita. Mahigpit na nagyakapan silang mag-anak. Napaiyak si Ace at gano'n din ang magulang niya. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagdaloy ng luha ni Primo. Hindi ko namalayan wala na pala siya sa tabi ko.
Naisip namin na magbakasyon sa Hacienda De Montero. Doon namin susulitin ang isang linggo upang makasama si Ace. Ayon kay Primo unang beses lang din ni Ace na makapunta. Wala raw kasi siyang free time para magbakasyon silang dalawa.
Pagdating namin agad silang bumaba sa sasakyan. Ginala nila ang kanilang paningin sa malawak na kapaligiran. Napapikit sila ng kanilang nilanghap ang sariwang hangin. Napamulat sila ng nagsidatingan ang mga trabahante sa hacienda.
“Maligayang pagdating, Señorito!” masaya nilang pagbati.
“Maraming salamat po. Kumusta po kayong lahat?” magalang na tanong niya.
“Okay naman po kami pati na rin ang hacienda. Kasama mo pala si Beatrice. Sila na ba ang tagapagmana mo, Señorito? G'wapo at maganda mana sa magulang.” Napuno ng tawanan dahil sa sinabi ng isang trabahante.
“Opo. Magbabakasyon kaming mag-anak dito,” nakangiting saad ni Primo.
“Mabuti naman at siguradong mage-enjoy sila rito sa hacienda,” wika ng Lola ni Enteng. Tiningnan ko sila isa-isa pero hindi ko siya makita. “Alam niyo ba señorito iyong apo ko si Enteng nakapagasawa na at may anak na rin. Sa Mindoro sila nakatira ngayon dahil do'n ang probinsiya ng napangasawa niya,” mahabang salaysay niya.
Pagkatapos ng kumustahan at konting kwentuhan pinagpahinga muna namin ang mga bata. Nanonood sila sa telebisyon habang hinahanda ko ang pagkain na babaunin namin sa piknik. Halos paboritong pagkain ni Ace at Mirielle.
Nang matapos na ako dinala namin sila ni Primo sa tambayan namin no'n.
“Wow! Ang ganda rito Daddy, Mommy!” sigaw nilang dalawa.
“Alam niyo ba madalas kaming maligo rito ng Daddy niyo lalo na pagkatapos anihan ng mangga,” pahayag ko.
Sa gilid ng batis namin sila dinala. Habang pinagmamasdan nina Ace at Mirielle ang paligid tinulungan ako ni Primo na ayusin ang aming dala.
“Isa sa mahalagang lugar sa buhay ko,” sambit ko.
“Kahit uugod-ugod na ako babalik at babalik pa rin ako rito,” ani Primo.
Nagkatinginan kaming dalawa at napangiti sa isa't isa. Niyakap niya ako na agad kong ginantihan. Bigla na lang sumulpot sina Ace at Mirielle galing kung saan at nakisali sila sa yakapin namin.
Pagsapit ng gabi maagang nakatulog ang dalawa dahil sa pagod. Buong araw silang namasyal at naligo sa batis hanggang sa magsawa sila. Nakaakbay sa akin si Primo habang pinagmamasdan namin ang mahimbing nilang pagtulog.
“Pagkatapos ng isang linggo babalik na si Ace sa tunay niyang magulang. Magiging okay ka kaya?” malungkot kong tanong.
“Wala akong magagawa kung 'di pilitin na maging okay. Hindi naman mawawala sa atin si Ace puwede pa rin natin siyang makasama. Nandiyan ka pa naman at si Mirielle kaya tuloy pa rin ang buhay. Pero alam mo naisip ko lang dapat gumawa na tayo ng kapalit ni Ace. Para naman may makalaro at makasama si Mirielle,” taas-babang kilay na saad ni Primo.
Mahina ko siyang hinampas sa dibdib. “Ano ba iyang pinagsasabi mo? Umayos ka nga. Gising pa ang mga tao baka may makakita sa atin,” halos pabulong kong sabi.
“Ganitong oras tulog na sila. Maagang natutulog ang mga tao sa probinsiya. Tayo naman para sa you and me time natin,” bulong niya sa punong tainga ko.
Nagulat ako ng bigla niya akong binuhat pa-bridal style. Lumabas kami sa kwarto ng mga bata at tinungo ang sa amin. Tinitiyak namin na hindi kami makakagawa ng anumang ingay.
I couldn’t get enough of him. I was tired and sore but I didn’t care. Hindi ko gustong matulog. Gusto ko ang sakit. I wanted him in me, all the time. Ang bigat niya sa ibabaw ko. Gusto ko siyang sugurin lalo. Gusto kong pagmasdan ang mukha niya. Gusto kong tumulo ang pawis niya sa akin. I wanted to drop mine on him. Pumatong ako sa kaniya. Hindi ko ito nagawa noon. Hindi talaga ako makapaniwala; ginagawa ko ito. I was inventing something. I held him and put him in. He felt deeper in me. Hindi ko ito makakalimutan. I was in charge and he liked it. Hinawakan ko ang mga kamay niya pababa. Nagkunwari siyang sinusubukan niyang makawala. I let my tits touch his face. He went mad; he bucked. He split me in two. I pushed down. Hindi ako makapaniwala. One of his fingers flicked over my bum. I did it to him. Bumangon siya at humalukipkip. Hindi ako makapaniwala. Walang katapusan ito, walang katapusan ang mga bagong bagay. May ginawa siya. Ginaya ko siya. May ginawa ako. Ginaya niya ito pabalik. He took me from behind. I pushed back, forced more of him into me. Sinipsip ko siya. Dinilaan niya ako. I made him come on my womb. Sinipsip niya ang aking mga daliri sa paa. Umuuga ang buong kwarto at nagkangitian kami ni Primo tuwing umaga.
Nagpunta kami sa kuwadra dahil gustong makilala nina Ace at Mirielle si Price. Matagal kong hindi nakita si Price ngunit mas lalong gumanda ang alagang kabayo ni Primo. Halatang hindi pinapabayaan at tama sa pagaalaga. Aliw na aliw ang dalawang bata kay Price. Walang tigil sila sa paghimas sa balahibo nito. Panay din ang pagsubo nila ng pagkain.
Lumapit ako kay Primo at inangkla ang kamay ko sa braso niya. “Matagal ko ng tinatanong sa sarili ko at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot. Tinanong ko na ito sa'yo rati. Bakit nga ba Price ang pinangalan mo sa kaniya?”
“Hanggang ngayon hindi mo pa rin alam ang sagot. Tsk! Mahina ang asawa ko. Kombinasyon ng pangalan natin. Ngayon alam mo na?”
“Badoy,” sagot ko.
Tinawanan ko siya na para bang wala ng bukas. Naramdaman ko na lang na binuhat niya at sinampa kay Price.
-----
Mabilis lumipas ang araw. Ilang araw na rin na umalis si Ace sa mansion. Naalala ko nung sinundo siya ng kaniyang magulang hindi siya umiyak dahil sinabihan siya ni Primo na magkikita pa sila. Dinala niya ang kuha namin larawan nung nahospital si Primo. Kung hindi ako nagkakamali si Nanay Flor ang kumuha at ang ganda ng ngiti naming apat.
Hindi pa rin sanay si Mirielle na wala sa tabi niya si Ace. Kaya palagi siyang nalulungkot. Ginagawa namin ang lahat upang sumaya siya. Sa katunayan sinabihan ko si Tatay Toni na lumuwas at surpresahin siya. Si Tatay Toni lang kasi ang nakakapagpangiti sa kaniya maliban kay Enan. Kasalukuyan kaming nagaalmusal nang lumapit sa akin si Lyn.
“Mam Beatrice, may naghahanap po sa inyo,” sabi niya.
Napatingin kaming lahat sa taong nasa likuran niya. Nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig dahil hindi ko inaasahan na mapapaaga ang pagluwas niya. Pero mas nakakagulat ang tagpuan sa pagitan nina Nanay Flor at Tatay Toni.
“Florencia.”
“Antonio.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top