Eighth Tears

“Ang lakas ng loob mong sampalin ako!” bulyaw ni Primo sa pagmumukha ko. Halos mamula ang pisngi nito sa lakas nang pagkasampal ko.

“L-lahat nang pagpapahirap mo sa akin kaya kong tanggapin pero ang sabihan akong malandi hindi ko matatanggap, Primo!” bulyaw ko rin sa pagmumukha niya. Kahit nanginginig ang buong katawan ko nagkaroon pa rin ako ng lakas ng loob para hamonin siya.

Mahinang natawa si Primo sa aking sinabi. “The truth hurts, am I right, Beatrice?”

Hilam ang mga mata kong pinatitigan siya. “The truth only hurts when you want to believe a lie. Truth hurts but lies worse. Am I right?”

Hinablot ni Primo ang mahaba kong buhok at marahas na hinila. Napaigik ako sa sobrang sakit nang diniinan niya ang pagkahila.

“Kahit ano pang sabihin mo hindi magbabago ang tingin ko sa'yo! Kumain kang mag-isa nakakawalan ka ng gana!” Halos mapasubsob ako sa lakas nang pagbitaw nito mabuti na lang at agad akong napahawak.

Napaiyak ako sa hapdi, parang matatanggal na ang anit ko sa lakas niyang manghila. Dahan-dahan kong pinunasan ang aking luha at binalik sa lalagyan ang mga pagkain na dapat kong ipainit. Nilabas ko ang cake na binili ko at sinindihan ang kandila. Lumuluha ako habang nakatingin sa kandilang unti-unting nauubos. Nagbalik tanaw ako kung saan palaging may nakahandang sorpresa si Primo pagsapit ng aking kaarawan. Ang huli kong alaala dinala niya ako sa amusement park, akala ko noon birthday treat niya sa akin pero pagsapit ng gabi may hinanda pala siyang fireworks display. Iyon ang huling kaarawan ko na magkasama naming pinagdiwang. Nakangiti akong lumuluha habang inaalala ko ang mga alaala na 'yon.

“Happy birthday, Beatrice,” lumuluha kong sabi saka inihipan ang kandila.

-----

Lumipas ang isang linggo walang nagbago sa pakikitungo sa akin ni Primo. Magmula nung kinasal kami hanggang ngayon nakasanayan ko na ang pagiging nobody ko sa kaniya. Huwag daw akong umasta na 'wife' niya dahil kapirasong papel lang ako para sa kaniya. Sa tuwing may business party siyang dinadaluhan hindi ako ang sinasama niya. Si Hana ang palagi nitong kasama at pinapakilala sa lahat. Kapag may nagpupunta sa bahay ang pagpapakilala nito sa akin ay bilang 'maid' niya. Napabalik ako sa reyalidad nang makarinig ng katok mula sa pintuan. Napatingin ako ro'n, sinenyasan ako ni Enan na lumabas.

“Hindi ka pa tapos?” tanong nito sa akin. Agad naman akong umiling sa kaniya. Araw ng examination kaya binabantayan ko ang mga estudyanteng nage-exam. “Bakit parang lutang ang isip mo?” mahinang tanong nito sa akin. Iniiwasan naming makagawa ng ingay para hindi maistorbo ang kanilang pagsagot.

“Wala may iniisip lang,” halos pabulong kong sagot kay Enan.

“Pagkatapos ng exam magkita tayo sa canteen,” bulong din niya sa punong tainga ko.

Mabilis akong napatango sa sinabi niya. Bumalik ako sa mesa at hindi na inisip pa si Primo hanggang matapos ang pagsusulit.

“Excited ka na ba sa darating na foundation?” tanong ni Enan. Kasalukuyan kaming nasa canteen para kumain ng tanghalian.

“Hindi masyado paulit-ulit na lang kasi ang event na nagaganap,” nakanguso kong sagot. Next week na magaganap ang foundation ng school mga estudyante lang naman ang palaging nasasabik.

“Sabagay pati mga booth tulad pa rin ng dati pero malay mo this year may bago tayong aabangan,” imporma niya.

“Sana nga mayroon,” walang gana kong sabi. Pati ang kinakain kong beef steak hindi ko mabawas-bawasan kaya kinatok ni Enan ang mesa.

“May problema ba, Beatrice? Kumusta ang pagtrato sa'yo ng amo mo?” magkasunod na tanong nito.

“Wala Enan busog pa kasi ako.” Hindi ko sinagot ang tanong nito tungkol kay Primo.

“Halatang ayaw mo siyang pag-usapan. Baka hindi ka niya tinatrato ng maganda at ayaw mo lang magsumbong Bea, pero sige mas mabuti pa nga na huwag natin pag-usapan ang boss mo baka mawalan din ako ng ganang kumain,” natatawang sabi niya kaya natawa na rin ako.

“Sa'yo na lang itong pagkain ko.” Ibibigay ko na sana sa kaniya nang pinigilan niya ako.

“Kumain ka tingnan mo nga iyang katawan mo hindi sexy gusto ko pa naman sa isang babae iyong coca-cola body,” biro niya at binuksan ang isang baonan na naglalaman ng vegetable salad. “Ubusin mo iyan, Beatrice. Maaga akong gumising para lang diyan,” ngingiti-ngiti niyang sabi.

“Salamat, Enan.” Bukal sa puso kong pasasalamat, naantig ang puso ko sa ginawa niya. Nakikita ko tuloy sa kaniya si Primo kagaya niyang maalaga noong hindi pa tinupak.

-----

Paparahin ko na sana ang dyip na paparating ng may humintong kotse sa harapan ko. Napasilip ako nang bumukas ang bintana.

“Sumakay ka na, ihahatid na kita,” saad ni Enan na dumungaw pa sa bintana para sabihin lang 'yon.

Mabilis akong umiling. “Huwag na may pupuntahan pa kasi ako,” turan ko.

“Okay lang, sasamahan kita sa lakad mo,” nakangiti niyang wika. Wala na akong nagawa kung 'di ang sumakay binuksan na kasi ni Enan ang pinto. “Saan ba ang lakad mo?” tanong niya pagkaupo ko.

“Sa grocery paubos na kasi ang stock sa bahay,” sagot ko habang sinusuot ang seat belt.

“Okay,” tipid niyang sambit saka binuhay ang makina ng sasakyan.

Tulak ni Enan ang push cart habang ako naman ang tagalagay. Mabilis lang ang pamimili ko dahil gumawa ako ng listahan. Naghiwalay kami ni Enan nung nagpunta ako sa meat department. May bibilhin daw siya sa fruit section.

“Ano kaya ang iluluto ko para mamaya?” tanong ko sa aking sarili.

Habang nag-iisip ako, patingin-tingin sa mga meat at sea food nahagip ng mata ko ang hindi ko inaasahan na makikita. Napakurap pa ako para tiyakin na hindi ako namamalikmata. Agad akong nagtago para hindi nila ako makita. Pinagmamasdan ko silang dalawa ng may tumapik sa balikat ko. Mabilis akong napalingon, nakakunot ang noo ni Enan.

“Bakit ka nagtatago?” nagtatakang tanong niya.

Lumingon ulit ako sa kinaroroonan nila kung nandoon pa sila pero wala na ang mga ito. Hinarap ko ulit si Enan na naghihintay sa aking kasagutan.

“Hindi ako nagtatago nakaramdam ako ng pagod kaya sumandal muna ako,” pagsisinungaling ko.

Hindi na umimik si Enan nilagay nito sa push cart ang kaniyang pinamili at saka tinulak.

“Salamat ulit sa paghatid sa akin,” nakangiti kong sabi. Bubuksan ko na sana ang pinto ng hawakan ni Enan ang kamay ko.

“Sandali lang may ibibigay ako sa'yo,” pagpigil niya sa akin. May kinuha siya sa likuran at inabot sa akin. “Para sa'yo alam kong paborito mo iyan.”

Binuksan ko ang nilalaman ng grocery bag. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makita kong strawberry ang laman.

“Hindi ako magsasawang magpasalamat sa'yo, Enan. Sana hindi ka na nag-abala pa,” nahihiyang sambit ko.

“Gusto ko kasing tumaba ka para magustuhan kita,” natatawang ani nito. Hinampas ko lang siya ng mahina sa braso.

Masaya kong tinungo ang main door. Bubuksan ko na sana gamit ang susi nang biglang bumukas. Ang ngiti sa labi ko ay biglang naglaho nang bumungad sa akin ang galit na mukha ni Primo.

“Hinatid ka na naman ba ng lalaki mo kaya ka masaya?” madiin ang paraan ng pagtatanong nito. Hindi ko siya pinansin at agad pumasok sa loob. Nagsihulugan ang mga pinamili ko nang hinigit ako ni Primo sa braso. Napamura ako sa isip dahil sa higpit nang pagkahawak nito. Hindi na ako magtataka kung magkakapasa ulit. “Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita!” bulyaw nito sa pagmumukha ko.

“K-kahit sabihin ko naman na kaibigan ko lang hindi mo pa rin ako paniniwalaan,” nahihirapan kong sabi at pilit na tinatanggal ang pagkahawak nito.

“Talagang hindi dahil napaka sinungaling mo!” Ramdam ko na mas lalong hinigpitan ni Primo ang pagkahawak sa braso ko.

“K-kung sinungaling ako, anong tawag mo kay Hana?” Napaigik ako sa sobrang sakit. Natigilan naman si Primo sa sinabi ko. Lumuwag din ang pagkahawak nito kaya sinamantala ko para kumawala sa kaniya. “Nasa Pilipinas si Hana, nakita ko silang magkasama ni Dylan kanina sa grocery.” Pagtatapat ko sa kaniya. “H-hindi kita pinipilit na paniwalaan ang sinabi ko dahil hindi mo naman ako pinagkakatiwalaan,” lumuluhang sabi ko.

Nasasaktan ako para kay Primo dahil niloloko lang siya ni Hana. Akala ko ligtas na ako sa kaniya pero nagkamali ako. Hinawakan ako ni Primo sa magkabilang pisngi saka madiin na pinisil. Mas lalong nagbagsakan ang luha ko sa hindi ko mapigilan na sakit.

“Mabuti alam mo. Huwag kang gumawa ng kwento tungkol kay Hana. Hindi siya katulad mong sinungaling!”
Agad niyang tinanggal ang kamay nito. Napangiwi ako sa sakit, pakiramdan ko matatanggalan ako ng ngipin.

“I'm not a liar, and I don't tolerate liars in my life,” mangiyak-ngiyak kong turan kay Primo.

Handa na niya akong talikuran ng naglakas loob akong nagsalita. Lumingon siya sa akin na nagngingitngit sa galit.

“Good, because I also don't tolerate a flirty woman like you in my life!”






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top