Chapter 8

Hello, readers!
This story has been selected for Wattpad's Paid Stories program. Thank you! ❤️

• • •

HINDI NA AKO binalikan ni Allen sa ospital.

Hanggang ngayon na na-discharge na ako, hindi siya nagpakita. Si Leila na lang din tuloy ang naghatid sa 'kin pauwi.

"You know Vannie, pwede ko naman talagang hindi puntahan 'yong shoot ko mamaya," sabi sa 'kin ng pinsan ko nang makarating na kami sa bahay. "Ipauubaya ko na muna sa iba kong kasamahang photographers. Sasamahan na lang kita dito."

"Kaya ko," walang ganang sagot ko lang.

"Sigurado ka ba? Kagagaling mo lang sa ospital. I'm sure nanghihina ka pa."

"I'll be fine. Tsaka nakakahiya na talaga sa 'yo. Ikaw na nga ang nagbantay sa 'kin mula no'ng ma-ospital ako. That's already enough. Alam kong may trabaho ka pa."

"Ano ka ba. Wala nga lang 'yon. Kaysa naman mag-isa ka rito sa bahay. O baka naman kasi hindi ako ang kailangan mo ngayon?"

Hindi ko na siya sinagot. Nagtanggal na lang ako ng seatbelt at bumaba na ng sasakyan niya. Tama naman kasi siya. Si Allen ang kailangan ko ngayon.

Sumunod na ring bumaba si Leila. Ni-lock niya ang kotse niya at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay.

Dumiretso siya sa pahabang couch para ilagay ang mga gamit at maupo.

Ako naman, umakyat agad papunta sa kwarto namin ni Allen. Ni hindi ko na inalala ang panghihina ng katawan ko. Tinawag pa nga ako ni Leila para siguro pagpahingahin muna ako, pero hindi ko na siya nagawang lingunin. Hindi ako matatahimik. I can't just relax knowing that my husband left me and decided to give me away.

Ilang minuto na rin akong nakatayo rito sa labas ng kwarto namin ni Allen. Para na akong tangang nakatitig sa reflection ko sa door knob. My right knee was shaking.

Kanina ko pa gustong pasukin 'tong kwarto, pero natatakot ako sa pwede kong makita. I know Allen's not in the house. Nasiguro ko 'yon nang mapansing nakasara ang mga draperies namin sa mga bintana. Pero kung dumaan na ba siya rito sa bahay kanina? 'Yon ang hindi ko alam.

I'm close to getting paranoid. Paano kapag wala na ang mga gamit niya? Paano kung kinuha na niya lahat ang mga 'yon at umalis na talaga siya?

Hindi ko kaya. I can't lose Allen just like this. Ang tagal kong nagtiis. Ang tagal kong naghintay na maibalik ang tiwala niya at makuha ang pagmamahal niya. Tapos ganito lang?

Pumikit ako nang madiin para pakalmahin na ang sarili ko, tapos tuluyan ko nang pinihit 'tong doorknob.

Agad na nilibot ng mga mata ko ang kabuuan ng silid.

Wala namang kakaiba, -it was still the same gloomy bedroom—bukod sa mga gamit na nabasag ni Allen no'ng nag-away kami. Nakakalat dito sa sahig. Hindi pa pala niya nalilinis. Winalis ko na lang muna, tsaka ako pumasok sa sariling CR nitong kwarto. I need to check a few things.

I opened the small cabinet mounted on the tiled wall. At parang nabunutan na lang ako ng tinik sa dibdib nang makitang nandito pa rin ang shaving cream at paboritong shower gel ng asawa ko.

Sunod kong tinungo ang cabinet niya. At tulad kanina, matagal rin akong napatitig sa tapat nito. Kinakabahan ako, baka wala na 'tong laman.

Nanginginig pa ang mga kamay at tuhod ko nang hilain ko pabukas ang mga pinto ng aparador. Nakahinga ako nang maluwag at gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi ko.

My husband's clothes are still here. Ginapang ko ang mga daliri ko sa mga nakasampay niyang tux at long-sleeved polos para lang masigurong totoo ang nakikita ko at hindi ako namamalik-mata. Yes, his things are still here. Pero bakit parang hindi pa rin ako kuntento? Hindi pa rin ako matahimik.

Ilang saglit pa, pumasok na rin si Leila dito sa kwarto.

Lumapit siya sa 'kin at hinaplos ako sa likod. Akala niya siguro umiiyak na naman ako.

Hindi ko muna siya pinansin. Wala akong ganang makipag-usap sa kahit na sino, bukod siguro sa asawa ko. Umupo na lang ako sa gilid ng kama.

"Vannie." Ang seryoso ng boses niya. "Hindi na ako masyadong magsasalita. Isa lang ang sasabihin ko sa'yo. Si Allen, babalik 'yon. Kahit na ayoko na sanang bumalik pa siya kasi gusto ko nang matapos ang pananakit niya sa 'yo. Pero dahil alam kong ito ang gusto mo. Sige, susuportahan kita."

Hinilamos ko ang magkabilang palad ko sa mukha ko. "Paano kung hindi na siya bumalik? Paano kung matagal na talaga niyang naiisip na iwanan ako? Leila, hindi ko kaya. You know how much I wanted Allen."

"Hindi ka iiwan no'n."

"Pero pinaubaya na niya ako sa iba e."

"Siguro nasaktan lang siya kaya niya 'yon nasabi. Pabugso-bugso mag-desisyon. Parang hindi mo naman kilala ang mga lalaki. Sometimes, they make decisions without thinking. Nauunahan ng galit."

"Natatakot ako." Marahan na akong napasabunot sa buhok ko.

Hinaplos niya lang naman ulit ako sa likod. And the feeling of self-pity engulfs me again. Kanina ko pa gustong umiyak para kahit papaano mailabas ko ang lahat ng hinanakit ko. Kaso ayaw tumulo ng mga luha ko. Buhat nang umalis si Allen, nakatulala na lang ako. Para akong wala sa sarili, hindi ako makaiyak.

"Relax, Van," sabi na sa 'kin nitong si Leila. "Alam mo, pansin ko lang. Kung may balak talaga si Allen na iwan ka, sana ginawa niya na 'yon dati pa. 'Yong sinabi niya sa parking lot, kalimutan mo na lang 'yon. Siguradong nadala lang siya sa away nila ni Zian."

"Paano ko makakalimutan, e ang sakit no'n." Tumingin ako sa kanya. "Bakit siya gano'n, Leila? Hindi niya ba talaga ako mahal? Hindi niya ba talaga ako kayang patawarin? Bakit parang ang dali-dali lang sa kanya na iwanan ako. Na ipamigay at ipa-ubaya ako sa iba. Parang wala na lang talaga sa kanya kung mawala ako. Like he doesn't care and he wouldn't be bothered. Samantalang ako, hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa 'kin. Hindi ko siya kayang ipamigay kasi hindi ko kayang makita siya na may kasamang iba."

"Your husband is a mysterious man, Van. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak no'n. So I'm not sure kung ganyan nga ang iniisip niya. Pero nararamdaman kong hindi rin naman madali para sa kanya. Alam mo 'yon? Of course he cares. Well feeling ko lang naman he cares. Kasi kung hindi, hindi naman siya makikipag-bugbugan kay Zian, 'di ba?

"Tsaka, hindi niya ako tatawagan ng hating gabi para lang puntahan ka sa ospital, na para bang nasa bingit ka na ng kamatayan. Over fatigue lang naman pala, ang OA masyado ng asawa mo. Kaya feeling ko, oo, he cares. Kaya wag mong sabihin 'yang mga 'yan."

Hindi na ako sumagot. Nakapikit na lang ako.

Hinaplos niya naman ang nakalugay kong buhok. "You know what, I think you need a rest. Masyado na kasing maraming tumatakbo diyan sa utak mo. Tsaka malapit na rin ang birthday mo, oh. Ako ang napapagod para sa'yo e. Give yourself a break. Babalik ang asawa mo, okay?"

Take a break.

Yes, she's right. I guess that's what I really need.

Nilingon ko siya at walang alinlangang niyakap. No words, I just hugged her.

Aside from being my cousin, Leila also stands as my sister and my best friend. She could understand me. Alam niya kung kailan ko kailangan ng kausap at kung kailan ko ayaw ng may kausap.

Ang tagal naming magkayakap, bago niya akong tinapik sa likuran. Do'n lang ako kumalas.

Tumayo siya pagkatapos at lumabas ng kwarto.

Pagkabalik niya, dala na niya ang paper bag na inuwi naman galing sa ospital. Nilabas niya mula roon ang ilang mga kahon ng gamot ko at nilagay ang mga iyon sa bedside table.

"I'm leaving so you could spend some time with yourself," she said. "Don't forget to take your medicines, especially this." Tinuro niya ang pain killers. "Kapag sumakit 'yang balikat mo, uminom ka."

Tumango na lang ako.

Muli naman siyang lumapit sa 'kin at hinaplos ang buhok ko. "I'll go ahead, okay? If you need anything, you have my number."

Napangiti muna ako sa sarili ko bago ako tumango. Ang lambing niya yatang magsalita ngayon.

Tinapik niya muna ako sa balikat bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Hindi ko na siya hinatid. Tutal, alam na naman niya ang gagawin dahil madalas siya rito.

Nang makaalis na siya, kinuha ko na agad ang mga kahon ng gamot na pinatong niya sa table.

Balak ko sanang uminom bago ako magpahinga. Pero bigla kong napansin ang wedding ring ng asawa ko na nasa tabi ng litrato namin.

Kinuha ko 'yon at gumuhit na lang kaagad ang kirot sa dibdib ko nang pagmasdan ko na ito sa palad ko. Hindi niya na pala sinusuot 'tong wedding ring namin? Kailan pa?

Hinang-hina akong napaupo sa kama at hindi ko na lang namalayan na may tumulo ng luha galing sa isa kong mata. Ngayon lang lumabas lahat ng sakit na kinimkim ko simula pa noong iwanan niya ako sa parking lot ng ospital.

Binabalewala niya na lang 'to? Gano'n ba? This ring—this isn't just some kind of a jewelry. This is a proof that we're married. Na may asawa na siya. Pero balewala sa kanya. Kayang-kaya niyang ipa-isang tabi. Parang ako.

Humiga ako sa kama at niyakap ang mga tuhod ko. Sa ganitong posisyon ako nagdire-diretso sa pag-iyak. I weeped and weeped. Hanggang sa hindi ko na kinaya at naramdaman ko na lang ang pagbigat ng mga mata ko.

• • •

NAALIMPUNGATAN AKO. SINILIP ko agad ang orasan. It's already 12 midnight.

Pinilit kong bumangon kahit na hinihila pa ako ng kama. I went down to our huge living room with the hopes of seeing my husband, but unfortunately, there are still no signs of him.

Sumalampak ako ng higa sa pahabang couch. Nag-umpisa na namang mangilid ang luha sa mga mata ko. Anong oras na, hindi pa rin talaga siya umuuwi.

Ang tagal kong humiga rito sa couch. Lahat na yata ng posisyon ay nagawa ko na. Lahat na ng sulok ng bahay ay natitigan ko na. Pero wala pa rin akong naririnig na pagbukas ng gate.

Tumayo na ako nang makaramdam ng gutom. Kinain ko 'yong sandwich na binili sa 'kin ni Leila kanina. Uminom na rin ako ng gamot dahil biglang kumirot ang balikat ko. Tapos, bumalik ulit ako sa couch.

Tumitig ako sa wall clock. Para na akong baliw na pinapanood ang bawat paggalaw ng mga kamay no'n. Inaantok na nga ako sa tunog na gawa ng orasan, kaya bumangon na lang ulit ako. Binuksan ko na lang ang TV at nanood hanggang sa magsawa ako.

I glanced at the wall clock once again. It's 2:00 AM already. Pero wala pa rin talaga ang asawa ko. Umaatake na naman ang pagiging paranoid ko.

Hindi naman bago sa 'kin ang pag-uwi niya ng madaling araw. Pero kasi, iba ngayon. There's a possibility na hindi na talaga siya uuwi sa 'kin. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at lumabas ng bahay.

Sinilip ko ang kahabaan ng kalye pero wala akong naaninag na paparating na sasakyan. Wala nga akong makitang kahit na ano. Madalim dahil patay na ang ilaw sa mga poste. Tsk, nawawalan na ako ng pag-asa.

Naisipan ko na lang na umupo sa porch swing sa garden namin.

Ipinahinga ko ang mga mata ko habang nilalasap ang paghampas ng malamig na hangin sa mukha ko. Nakaramdam na naman ako ng antok, kaya humiga na muna ako rito sa duyan.

Nagising na lang ako nang makarinig na ng tunog ng makina ng sasakyan mula sa labas ng bahay.

Taranta akong napatayo! Allen? Umuwi na ba siya?

• • •

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top