Chapter 3

Hello, readers! 
This story has been selected for Wattpad's Paid Stories program. Thank you! ❤️

• • •

I REACHED OVER and shut the ringing alarm clock off.

Kanina pa talaga ako gising pero hindi ko kayang bumangon ng kama. Ang sakit ng buo kong katawan, lalo na ang pagitan ng mga hita ko. Hindi na naman kasi ako pinatulog ni Allen kagabi. When he said he wanted me to be his slave, he actually meant sex slave.

Nasasanay na nga ako. We've been married for two years now and we do that thing almost every night, every morning, o kung kailan siya maabutan. Minsan napapagod na talaga ang katawan ko. I don't have the same strength as he does. Kayang-kaya niya akong ibato sa kama, patuwarin, at buhatin papatong sa kanya nang walang kahirap-hirap. Kaya nga yata ako lalong nangangayayat.

Though I can't really say he's forcing me to do it because sometimes, I like it too. God knows how much I love this man lying beside me. At kung ito lang ang tanging paraan para maramdaman ko siya, kakayanin ko.

Allen is a monster in bed.

Hindi naman siya ganito dati. When we got married, he didn't touch me for about a month. Pakiramdam ko tuloy noon hindi talaga siya interesado o naaakit sa 'kin. At noong gabing ginawa na namin 'yon, napakabanayad niya. Like he was really respecting me and my body.

But now, he's different. He has changed a lot. I've never imagined he could be this wild and rough in bed.

Sinilip ko siya ngayon sa tabi ko. Tulog na tulog pa siya, halatang napagod rin—hindi lang siguro dahil sa pagsisiping namin kung 'di dahil na rin sa pagwawala niya kagabi.

Inayos ko ang pagkakabalot ng kumot sa hubad kong katawan at binuhat ang sarili ko pataas para mas makita siya. His thin, pinkish lips are slightly opened.

Gwapo ang asawa ko, lalo na kapag tulog. Ito lang kasi ang tanging oras na hindi siya galit. Kapag galit siya o kaya lasing sa alak, nakakatakot ang itsura niya. I miss the old him—'yong maamo niyang mukha. 'Yong walang reaksyon at suplado ang dating, pero at least hindi nagagalit.

Natigilan na lang ako ngayon nang bahagyang dumilat ang mga mata niya.

Saglit siyang tumingin sa 'kin, bago umiwas. "What are you looking at?"

Nairita na naman siya. Binaba ko na lang ang tingin ko at bumalik na sa pagkakahiga.

Nang nawala na ang pangungunot ng noo niya at mukhang nakatulog na siya ulit, sumiksik ako sa kanya at niyakap siya.

I rested my head on his firm chest and listened to his heartbeat. Pinapakiramdaman ko nga kung itutulak niya ako palayo katulad ng parati niyang ginagawa kapag niyakakap ko siya, pero hindi naman. He stayed still. Siguro pagod talaga siya at walang lakas manulak.

Ginamit ko na lang ang pagkakataon 'to para yakapin siya nang matagal. Hindi ko 'to nagagawa kapag gising siya, eh.

• • •

ALAS-SYETE NA ng umaga nang tuluyan kaming magising ni Allen.

Pinaghandaan ko agad siya ng almusal pagkabangon na pagkabangon ko para makapag-ayos na siya ng sarili. Papasok pa kasi siya sa opisina.

Allen is an heir and he currently works at our families' business. Nag-merge na kasi ang Hotel and Casino business ng pamilya ko at ang Airlines nina Allen mula noong ikasal kami—just as planned.

"Vannie," biglang tawag sa 'kin ni Allen ngayon. "Help me on this."

Hininto ko muna ang paghuhugas ng mga pinggan dito sa kusina at nilapitan siya para ayusin ang suot niyang neck tie.

Mukhang nasa good mood siya kasi tinawag niya ako sa palayaw ko. Maganda siguro ang gising.

"Anong gusto mong ulam mamaya?" tanong ko sa kanya. "I'll cook."

"Hindi ako dito kakain."

Napabagsak ako ng mga balikat. "Bakit? Bihira na kitang makasabay kumain."

"I have a dinner meeting."

"Ah. Anong oras ka uuwi?"

"I don't know. Pwede ba, wag ka ngang tanong nang tanong? Nakukulitan ako."

Natahimik ako at tinuloy na lang 'tong pag-aayos sa kurbata niya. Ganito talaga siya. Maiksi ang pasensiya niya at ayaw niya nang paulit-ulit.

Pagkatapos kong ayusin ang necktie niya, pinlantsa ko na ng mga kamay ko ang kaunting gusot sa suot niyang long-sleeved polo. My husband has a toned body. Kaya ramdam ko ang matigas niyang dibdib at mga braso habang inaayos ko ang damit niya. Matangkad din siya. He's around five feet and eleven inches tall, I think.

Pansin ko naman ngayon na nakatitig siya pababa sa 'kin habang humahaplos ang mga palad ko sa damit niya. Kanina ko pa siya nararamdaman na ganyan. Mukhang alam ko na tuloy 'to.

Kilalang-kilala ko ang asawa ko. Alam ko ang ibig sabihin ng lahat ng mga tingin niya. Alam kong may binabalak na naman siyang gawin sa 'kin.

At hindi nga ako nagkamali.

Bigla niya na lang hinigit ang naka-ponytail kong buhok kaya agad akong napatingala. He burried his face on my neck and started kissing me there!

Gusto ko sana siyang itulak palayo, pero ang bilis niya akong nabuhat at pinaupo sa dresser. Dali-dali niyang hinila pababa ang suot kong kamison at hinawakan ang isang umbok ng dibdib ko.

Napasinghap ako! "A-Allen, male-late ka."

"Shut up. We'll do this quick."

Wala akong laban. Napapikit na lang ako at hinayaan siyang gawin ang gusto niya.

• • •

KATULAD NG INAASAHAN ko, na-late sa trabaho si Allen. Ngayon tuloy madaling-madali kami sa pagbibihis.

Inaayos ko ang kamison ko at ang pagkakatali ng buhok ko, habang siya naman ay nagmamadaling bino-butones ang polo niya. Pagkatapos ko, nilapitan ko agad siya para tulungan sa pagsasara.

Pero ang bilis niya lang umiwas. "Ako na. Just bring my laptop to the car."

Sumunod ako. Kinuha ko ang laptop bag na nakapatong sa work desk niya at dumiretso na sa sasakyan niya sa labas.

Ilang saglit lang naman ay lumabas na rin siya ng bahay. Hinintay ko na lang siya rito sa tabi nitong kotse. I want to make sure he's all set to leave.

Habang naglalakad palapit, pansin kong natataranta na siya sa pag-aayos ng neck tie niya. Napailing-iling na lang ako. Kalalaking tao, hindi marunong magtali ng kurbata nang maayos.

"Let me do it," alok ko na lang nang makalapit na siya sa 'kin.

Hinayaan niya naman ako. "Make it fast. I'm late."

"Hindi ka naman kasi sana male-late kung umalis ka na kanina pa."

Bigla niya akong sinamaan ng tingin. "Inaasar mo ba 'ko?"

"No. Sorry." Minadali ko na lang ang pag-aayos sa necktie niya, tapos pinlatsa ko ulit ng mga kamay ko ang polo niya. "Ingat ka sa pagda-drive."

"Of course I will."

Binuksan na niya ang pinto ng sasakyan pagkatapos. "Wag kang lalabas ng bahay. At wag ka ring magpapasok ng iba."

Napayuko ako. Tuwing umaga na lang, ganito ang sinasabi niya sa 'kin. Kabisadong-kabisado ko na nga pati ang striktong tono ng boses niya. Kailan niya kaya ako hahalikan sa noo at sasabihan ng 'I love you' bago siya pumasok sa trabaho?

Tumango na nga lang ako. "Okay. I'll just stay here."

Pumasok na siya sa loob ng sasakyan at pinaandar iyon.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalayo siya. Kumaway pa nga ako, pero hindi ko alam kung nakita niya.

Pagkaliko niya sa kanto, tsaka lang ako tumalikod at pumasok sa gate ng bahay. Kaso bago pa ako tuluyang makapasok ay naramdaman kong parang may ibang tao sa labas.

"Vanessa."

I was stunned for a few seconds.

Kilala ko ang boses na 'yon! Lumingon ako sa likod at napako na lang ang tingin sa lalaking nakatayo ngayon sa labas ng bahay. Gusto kong sabihin sa sarili ko na namamalikmata lang ako, pero hindi. It's really him! Zian—the guy I had an affair with!

Pinaghalong gulat at kaba ang naramdaman ko. "W-what are you doing here? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

Hindi ako makapaniwala! Kailan pa siya nakabalik dito sa Pilipinas?

Tinitigan niya naman ako nang malalim. "Buti naman kilala mo pa 'ko. Akala ko binaon mo na talaga ako sa limot."

Hindi ko na siya sinagot at isasara ko na sana 'tong gate para hindi siya makapasok, pero malakas siya at naitulak niya agad ito pabukas. Hinigit niya pa ako sa baywang at bigla akong niyakap nang mahigpit!

Literal na nanigas ang buo kong katawan! "Ano ka ba, anong ginagawa mo!"

"Namiss kita."

"Get away from me!" I used all my energy to push him away but he didn't let go. "Zian, ano ba!"

Bigla naman niya akong nilayo sa kanya, pero hawak-hawak pa rin ang magkabilang balikat ko. "What's wrong with you? Hindi ka naman ganyan at hindi rin 'yan ang reaksyong inaasahan ko galing sa'yo. Aren't you happy to see me?"

"Happy? Of course I'm not. Umalis ka na, baka bigla pang bumalik si Allen at makita kang nandito."

"Wala akong pakialam sa kanya. Halika na, sumama ka na sa 'kin. Ilalayo na kita rito."

My eyes went huge! "WHAT? Are you crazy?"

"Alam ko kung anong sitwasyon mo kay Allen. Alam kong sinasaktan ka niya. Kaya sumama ka na sa 'kin ngayon."

Inalis ko ang pagkakakapit niya sa 'kin. "Ano bang sinasabi mo? Hindi ako sinasaktan ng asawa ko. We're living happily together."

"Come on, Van. You don't need to make stories. Your cousin already told me everything."

Napabagsak ako ng mga balikat sabay pikit nang madiin. That Leila! Siya rin siguro ang nagsabi rito kay Zian kung saan ako nakatira ngayon.

Nagulat na lang naman ako nang bigla niya na akong hilain palabas. "Let's go."

Agad akong kumapit sa gate. "No! Bitiwan mo nga ako. Hindi ko alam kung anong mga pinagsasabi sa'yo ni Leila, pero hindi ako sasama sa 'yo." Buong pwersa akong kumalas sa kapit niya. "Umalis ka na, Zian. Wag ka na uling magpapakita rito kung ayaw mong saktan ka ulit ng asawa ko."

"Hindi ako aalis nang hindi ka kasama. Matagal ko nang tinitiis 'to, Van. Pinilit kong manahimik at wag mangialam, pero hindi ko na kayang balewalain 'yong katotohanang sinasaktan ka niya."

"Sinabi na ngang hindi niya ako sinasaktan e."

"Then how can you explain that?" Tinuro niya ang pasa sa gilid ng labi ko.

Tinaboy ko lang naman ang daliri niya. "That's nothing."

"Vanessa naman! Kung alam ko lang na ganito ang gagawin niya sa'yo, sana hindi na lang kita hinayaang bumalik sa kanya. Sana tinakas na lang talaga kita."

"Tumigil ka na nga. Kalimutan mo na 'ko. Tapos na kung ano man ang namagitan sa 'tin."

"Ayos ah. Ano, gano'n-gano'n na lang 'yon?"

Hindi ko na siya sinagot.

Ang tagal niya kong tinitigan, hanggang sa sumuko na siya at biglang nag-ayos ng buhok at bumuntong-hininga na para bang kinalma na niya ang sarili.

"Lumabas tayo." Nag-iba ang tono ng pananalita nita. "Kailangan nating mag-usap nang maayos. Hindi ganito."

"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Wala na tayong dapat pag-usapan."

"Marami pa tayong dapat pag-usapan. Magkita tayo ro'n sa restaurant na madalas nating pinagkikitaan dati."

"Hindi ako pupunta."

Pinanlisikan niya ako ng tingin. "Kapag hindi mo 'ko sinipot, hindi ako titigil sa pagpunta rito sa bahay niyo. Wala akong pakialam kung mahuli pa 'ko ni Allen."

• • •

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top