Chapter 13

Hello, readers!
This story has been selected for Wattpad's Paid Stories program. Thank you! ❤️

• • •

HINDI KO ALAM kung gaano katagal ko nang tinitingnan ang sarili ko sa salamin dito sa loob ng banyo.

I'm still wearing the necklace my husband gave me yesterday. Pagkagising ko nga ngayong umaga, ito agad ang una kong kinapa. I wanted to make sure I wasn't dreaming; that everything that happened to us yesterday was real.

Akala ko nga hindi ako makakatulog kagabi kasi buhay na buhay sa utak ko ang mga nangyari. Pero nagkamali ako, nakatulog ako nang hindi ko namamalayan.

Paano ba naman kasi, pinagod ako ni Allen kaya bumagsak ang katawan ko. Naka-ilang beses nga ba kami kagabi? Hindi ko na maalala. Nakapagpahinga nga lang ako no'ng kumain na kami ng handa ko.

Ayaw niya akong bitiwan. I kept telling him I'm tired already and I wanna go to rest, but he just can't get enough of me. At ewan ko ba at parang tinraydor din ako ng katawan ko. Patuloy ko rin namang binibigay ang sarili ko.

Hinubad ko na muna ngayon 'tong regalo niyang kwintas kasi maliligo na ako.

Pagkabukas ko ng shower, nakaramdam agad ako ng kaunting hapdi kasi nadaluyan ng tubig ang pagitan ng mga hita ko.

Nasugatan yata ako ni Allen. Halos ihampas na niya kasi ang sarili niya sa 'kin kagabi. Kulang na lang nga e masira 'yong kama. Ang sakit din tuloy ng balakang ko at nanghihina ang mga hita ko. Ewan ko kung kakayanin ko pa ulit siyang makatabi mamayang gabi. Hindi ko naman pwedeng sabihin na sa ibang kwarto na lang ako matutulog, kasi siguradong  magwawala na naman 'yon.

Though hindi na siya masyadong ganoon ngayon. Hindi na siya madalas sumisigaw at nagagalit, at nako-control niya na rin ang init ng ulo niya.

Naninibago nga ako. He has changed. Pati 'yong mga ginawa niya kahapon, hanggang ngayon hindi ko pa rin mapaniwalaan. Parang imposibleng maging totoo e. Hanggang kaninang umaga iniisip ko kung panaginip lang ba. Baka kasi sa sobrang pagnanais ko na maging maayos ang relasyon namin, e napapagpalit ko na ang realidad at ang panaginip.

Tiningnan ko 'yong kwintas na hinubad ko.

Yesterday was the best birthday I ever had. Hindi ko maitatangging napasaya talaga ako ng asawa ko. At hinding-hindi ko makakalimutan lahat ng mga ginawa niya. Akala ko hindi na darating ang pagkakataong 'to, ang maramdaman ang mga yakap niya nang paulit-ulit, ang marinig ang 'please' niya habang nagsisiping kami, at ang ngumiti nang sobrang lapad dahil lang sa mga salitang 'Happy Birthday, Vanessa'.

Inangat ko ang ulo ko at hinayaang umagos ang tubig sa mukha ko pababa sa katawan ko.

Ang sarap talaga sa pakiramdam sa tuwing naaalala ko lahat ng nangyari. Posible pala ito—ang mas lalong mahulog sa isang tao kahit paulit-ulit niya pa akong nasaktan.

Napatili na lang ako ngayon nang biglang bumukas ang pinto nitong banyo. Pumasok na naman si Allen!

Hindi ko pala nai-lock ang pinto. E may ugali pa naman 'tong asawa ko na basta-basta na lang pumapasok at sumasabay sa pagligo ko.

"M-matatapos na 'ko," sabi ko na lang kahit na hindi naman talaga kasi hindi pa nga ako nakakapag-umpisa. "Hintayin mo na lang ako sa labas."

Pero parang wala naman siyang naring. Hinubad niya ang suot niyang boxers at lumapit sa pwesto ko na parang isang modelong rumarampa.

Halos banggain niya pa nga ako para agawan sa shower. Napailing-iling na lang ako. Ako ang nauna rito, pero ako pa ang naagawan. Bakit naman kasi dito pa niya naisipang maligo e mayroon pa namang isang banyo sa ibaba.

Hay, ako na nga lang ang lilipat. Para naman makaligo ako nang matino.

Kinuha ko ang puting tuwalya na nakasabit sa gilid at akmang lalabas na sana, pero bigla akong hinawakan ni Allen sa braso. "Saan ka pupunta?"

"Uhm, ano, t-tapos na ako."

"No, you're not. Maliligo ka ulit."

Nanlaki ang mga mata ko! Bago pa naman ako makapagsalita ay bigla na niya akong hinila pabalik sa shower. Hirap akong magtaas ng tingin para makita siya kasi pinapasukan ng tubig ang mga mata ko.

Ang akala ko nga maliligo lang kami, pero mukhang mali yata ako. Hinigit niya ang katawan ko palapit sa kanya. Hinarang ko nga agad ang mga kamay ko sa dibdib niya para hindi kami tuluyang magkadikit, pero tinanggal niya lang ang mga 'yon at inilipat sa leeg niya. Then he pulled my little waist closer to him.

Napasinghap ako. Now I could feel his erected manhood on my core. God, ano ba 'to. Bakit pakiramdam ko ay ta-traydorin na naman ako ng katawan ko. Really, Vannie? Ganito kaaga?

He clenched my jaw with his left hand, while the other pulled my wet hair up. Napakagat ako ng labi nang halikan niya ang ilalim ng tainga ko, pababa sa leeg ko, tapos sa collarbone ko.

"Allen, no, stop." Tsk paano ko ba nagawang sabihing tumigil siya, e alam ko naman sa sarili kong gusto ko rin 'to.

Inangat niya ang mukha niya at ang labi ko naman ang tinarget niya. Sinubukan kong iiwas ang mukha ko. Patuloy pa rin kasi ang pag-agos ng tubig mula sa shower at hindi na ako makahinga. Pero hinawakan niya lang ang magkabila kong pisngi para hindi ako makawala.

His kisses became wilder and hotter. Pakiramdam ko tuloy ano mang oras ay bibigay na ang mga tuhod ko.

Mukhang napansin niya naman 'yon kasi marahan niya akong tinulak paatras hanggang sa maramdaman ko na ang malamig na pader sa likod ko.

Nagkaro'n na ako ng pagkakataong tingnan siya. His eyes were filled with so much desire. Diyos ko, ano bang nangyayari sa kanya? Hindi ba siya napapagod? Kagabi pa siya.

He roamed his hand over my naked body, until he reached the core between my legs. Nagpasok agad siya ng isang daliri sa 'kin. Wala man lang pasabi! Napaungol tuloy ako at napasabunot sa buhok niya. "God, Allen!"

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naguguluhan ako. Nasasaktan ako kasi ramdam kong namamaga ako sa ibaba, pero hindi ko naman siya magawang patigilin.

Hinawi niya ang basa kong buhok na nakadikit sa pisngi ko at inipit 'yon sa likod ng tainga ko. Tapos naramdaman ko na lang ang mainit na paghinga niya sa gilid ng mukha ko. "Do you want me inside you again, Vanessa?"

I bit my lower lip. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.

"Yes or no?" tanong niya ulit.

Yumuko na lang ako at nahihiyang tumango-tango.

"I wanna hear it," he demanded. "Say it."

Pero hindi pa rin ako nakapagsalita. He then slid another finger inside me. Napaliyad ako sa kakaibang naramdaman ko! Hindi ko na kinaya at napasuko na ako sa kanya. "Yes, Allen. P-please, I want you."

"Say it again."

"I want you inside me, please!"

Then I saw his lips form a grin.

• • •

NAGISING AKO NANG makaramdam na ng gutom.

Hindi pa nga pala ako nag-aalmusal. Dapat tatayo na ako ngayon, pero napabalik din ulit sa pagkakahiga.

Hindi ko kaya. Tumagilid ako at niyakap ang mga tuhod ko. Halos maiyak ako sa sobrang sakit ng pagitan ng mga hita ko. I'm sure this time, nasugatan na talaga ako.

Sakto namang narinig kong bumukas ang pinto nitong kwarto. Si Allen ang dumating.

Gumalaw ang kama at naramdaman ko na lang ang kamay niya na humaplos sa braso ko. "Vannie, anong masakit?"

Mula sa pagkakapikit ay nanlaki ang mga mata ko.

Tama ba ang rinig ko? Tinatanong niya kung anong masakit sa 'kin? Sa halos dalawang taon namin bilang mag-asawa, ngayon lang yata siya nagtanong kung may masakit ba sa akin.

Muli akong pumikit at napangiti sa sarili ko. Tapos umiling ako bilang sagot sa tanong niya.

Inalis niya ang pagkakahawak niya at naramdaman ko siyang humiga sa tabi ko. Wala na akong narinig na salita galing sa kanya at hindi ko na rin siya nararamdaman na kumikilos.

Sinilip ko siya. Nakatulala siya sa kisame. Parang ang lalim-lalim ng iniisip niya.

Inayos ko ang kumot na nakabalot sa 'kin, tapos umikot ako paharap sa kanya at niyakap siya. Ipinatong ko pa ang isa kong hita sa baywang niya katulad ng parati kong ginagawa kapag natutulog siya at walang kamalay-malay.

Hindi naman niya tinanggal ang braso ko, kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Pagkakataon ko na 'to. Mukhang hindi naman siya tatanggi. Siniksik ko na rin ang mukha ko sa hubad niyang dibdib. I breathed in the scent of his favorite Old Spice aftershave.

My fingertips then played on his upper body. I traced the curve of his firm chest, sliding down over the mounds of his smooth abs.

"Vanessa . . ."

Napahinto ako sa ginagawa ko. Inangat ko ang mukha ko para makita siya. Nakatitig pa rin siya sa kisame.

"Hmm?" tanong ko.

Tiningnan niya ako pababa, pero agad ding umiwas. "Natatakot ka ba sa 'kin?"

Medyo nagitla ako sa tanong niya. Kalmado naman ang pagkakasabi niya, pero bakit pakiramdam ko ang dami-daming tumatakbo sa isip niya.

Hindi ko nagawang sumagot. Hindi ko kasi alam kung ano'ng gagamiting salita—'yong hindi niya ikagagalit. Yumuko na lang ulit ako at bumalik sa pagkakahiga sa dibdib niya.

"Sagutin mo 'ko," sabi naman niya.

Pumikit ako at saka tumango. "Sino ba namang hindi? Nakakatakot ka kapag lasing ka. Lalo na kapag sumisigaw ka at kapag sinasaktan mo ako."

Rinig na rinig ko ang pag buntong-hininga niya dahil nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya.

Then I felt his fingers combing my hair. Ang sarap sa pakiramdam ng ginagawa niya. Feeling ko safe ako at hindi niya ako sasaktan.

Mas lalo akong lumingkis sa kanya. Pero ilang saglit lang ay niluwagan niya rin ang pagkakayakap ko. "Tsk, not too tight, I can't breathe."

Pasimple akong napangiti. Tapos kumalas na lang ako at umikot patalikod sa kanya.

Maya-maya lang naman ay naramdaman ko na naman ang pagyakap niya mula sa likod ko.

Gusto ko kapag niyayakap niya ako ng ganito. I feel loved. Though medyo naninibago ako. Hindi naman kasi talaga ako sanay na nilalambing niya ako. But that doesn't mean I don't like it. Syempre gusto ko. Ang tagal ko kaya 'tong hinintay. I just want to clear things up. Baka kasi ako lang pala ang nag-iisip ng ganito.

Hinaplos ko muna ang braso niya na nakayakap sa baywang ko, tapos umikot ulit ako paharap sa kanya.

Magkatapat na kami kaya naman nagkaroon na ako ng pagkakataon na tingnan siya nang diretso sa mga mata. Akala ko nga makikipagtitigan din siya sa 'kin, pero as usual, umiwas siya ng tingin. Hindi ko alam kung bakit hindi siya makatingin nang diretso sa 'kin. Palagi siyang ganyan.

I cleared my throat. "Allen...are we okay already?"

Halatang natigilan siya sa tanong ko. Kumalas siya sa pagkakayakap sa 'kin tapos muling tumihaya at nakipagtitigan sa kisame.

Ako naman, inayos ko ang pagkakabalot ng kumot sa katawan ko at bahagya akong bumangon para makita siya.

Nagdalawang-isip pa ako kung hahaplusin ko ba ang buhok niya. Pero sa bandang huli, ginawa ko na rin. I want to calm him. Ako ang nagsimula at alam kong hindi malabong uminit na naman ang ulo niya dahil pinaalala ko ang nakaraan namin.

Ilang saglit pa ay bigla na lang siyang bumuntong-hininga. "Why did you do that?"

Ako naman ang natigilan. I stared at him. His eyes are still locked on the ceiling. Alam ko kung anong ibig niyang sabihin sa tanong niya. Pero hindi ko magawang makasagot agad. Again, I have to pick the right words. Dahil kapag nagkamali ako ng sagot, siguradong masisira ko na naman ang araw niya.

Nagulat na lang ako nang tumingin na siya nang matapang sa 'kin. "Tinatanong kita. Bakit mo ginawa 'yon?"

Bumalik muna ako sa pagkakahiga at muling lumingkis sa kanya. I could hear his heart beating fast. Para siyang kinakabahan.

"Nawalan na kasi ako ng pag-asa sa relasyon natin noon," sagot ko na sa kanya. "Ayokong maging malungkot buong buhay ko. You have to understand me too, Allen. I just want you. Your time, your attention, your love. Pakiramdam ko kasi hindi mo na maibibigay sa 'kin ang lahat ng iyon."

"Kaya ka naghanap ng iba?"

"Hindi naman ako naghanap. He just came and he gave me what I wanted."

Narinig ko siyang napamura. Mahina lang naman pero tagos pa rin sa 'kin. Hinaplos ko ang dibdib niya para pakalmahin siya. Ayokong uminit ang ulo niya. We need to talk. We need to understand each other.

"Tell me Vanessa, did I bore you that much?"

Matagal bago ako nakapag-react. Tumango ako. "Hindi mo ako pinapansin noon eh. Parang hindi mo talaga akong kayang mahalin. Ang tagal ko nang naghihintay sa'yo. You know that. I've been stalking you since I was in High School. At hindi mo alam kung gaano ako kasaya noong ako na ang ipakakasal sa'yo. Kahit na alam kong ayaw mo, umasa ako." Mas siniksik ko ang mukha ko sa gilid ng dibdib niya. "But I got tired, Allen. You were so cold. Ewan ko pero nawalan ako ng gana. Gusto ko rin namang maramdaman na may nagmamahal sa 'kin."

Nagbaba siya ng tingin sa 'kin. "And why Zian? What's with that asshole?"

Lumunok ako bago sumagot. "He cared. Naiintindihan niya ang nararamdaman ko. Inalagaan niya ako. And somehow, I feel loved."

Napansin ko ang biglang panginginig ng kamao niya. Hinawakan ko agad iyon hanggang sa kumalma siya.

"Bakit ka pumayag na may mangyari sa inyo?" tanong niya. "Naibigay ko naman sa 'yo 'yong bagay na 'yon, ah? Kulang ba?"

Napapikit ako at hindi nakasagot. Ayokong sumagot kasi baka lalo ko lang siyang masaktan.

Pero kahit na hindi na ako nagsalita, parang naapektuhan pa rin naman siya.

Bigla na lang siyang bumangon at umupo sa gilid ng kama. Hinilot niya ang ulo niya. "Bakit nga ba nagtatanong pa 'ko. Alam ko namang hindi mo aaminin sa 'kin."

"Allen." Bumangon na rin ako at dapat hahaplusin siya sa likod, pero tuluyan na siyang tumayo.

Kinuha niya ang kahon ng sigarilyo at lighter na nakapatong sa dresser tapos tinungo niya ang balcony.

Hindi na ako nagdalawang-isip at sinundan ko agad siya. Pinilit kong bumangon mula sa kama kahit na ang sakit pa rin talaga ng pagitan ng mga hita ko. Sinuot ko ang silk robe na nakasabit sa labas ng closet at pinuntahan siya.

Tahimik lang siyang naninigarilyo. Tinabihan ko siya at pinanood ang mga naglalakihang alon sa dagat. Makulimlim dito sa labas. Parang uulan.

"Sorry," umpisa ko.

Pero hindi siya sumagot. Sinilip ko siya. Abala lang talaga siya sa paninigarilyo.

Bumuntong-hininga ako. "Hindi mo ba talaga ako kayang patawarin?"

Doon ko nakuha ang atensyon niya. He looked at me with his face so serious. Initsa niya ang hawak niyang stick ng sigarilyo sa labas tapos nagulat na lang ako nang yakapin niya ako gamit ang isa niyang braso. Napasubsob ako sa dibdib niya.

"Tingin mo ba talaga hindi ko kaya?" sabi niya sa 'kin. "You don't know the amount of ego I had to swallow just to forgive you. It wasn't easy for me, Vanessa. But I tried. Because I realized . . .

". . . I can't bear to see you with another man."

Inipit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko at naramdaman ko na lang ang pagtama ng labi niya sa tainga ko. "No one else can have you. I want you only for me. Do you understand?"

Napangiti ako. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko at tiningnan siya nang diretso.

Ewan ko ba kung paano ko pa siya nagagawang ngitian. E napaka-selfish at childish naman ng mga sinabi niya. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam na inaangkin niya ako. After all, this is want I've wanted. This is what I've been longing for—to be under his posession.

Napansin kong nakatitig siya sa mga labi ko. At alam kong may pumapasok na namang kung ano sa utak niya. Kabisado ko na siya. Kaya pinikit ko ang mga mata ko at nagpaubaya.

I suddenly felt his warm, soft lips pressed on mine.

Hindi ko mapigilang mas lalong ngumiti. Umiwas muna ako at sinandal na lang ang noo ko sa baba niya. "Allen, does this mean we're already okay? Are you giving me another chance?"

Hindi siya sumagot. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakatingin lang din naman siya sa 'kin. I caressed his cheek and smiled at him. "Please. Magsimula tayo ulit. Give me back your trust."

At sa unang pagkakataon, tumingin na siya nang diretso sa mga mata ko. "Only if you promise me you'll stay away from Zian. Layuan mo siya, pwede? Ayokong nagkakaroon pa kayo ng ugnayan sa isa't isa. Asawa kita. Gusto ko akin ka lang."

Ngumiti ako nang matamis sa kanya at tumango. "Yes, I promise."

Tapos bigla na niya ulit akong niyakap nang mahigpit. I hugged him back. He was so warm, so I hugged him tighter.

"Thank you, Allen."

Pakiramdam ko naglaro ako sa lotto at sa tinagal-tagal kong tumataya ay sa wakas nanalo na rin ako. Naiiyak ako sa saya!

Ito ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa kaarawan ko—the gift of forgiveness. And I'll forever treasure it.

Alam kong napaka-hirap para sa kanya na patawarin ako sa mabigat kong kasalanan. Pero nagawa niya pa rin. Nagbunga lahat ng pagtitiis ko. Masaya ako na hindi ako sumuko sa kanya.

• • •

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top