Chapter 11
Hello, readers!
This story has been selected for Wattpad's Paid Stories program. Thank you! ❤️
• • •
DALAWANG LINGGO NA ang lumipas pero hanggang ngayon, tila ramdam ko pa rin ang higpit ng yakap sa 'kin ni Allen.
I shut my eyes tight and reminisced all the details of what I called 'the happiest moment in my married life'. Up to now, I could still feel the shiver from the warmth of my husband's embrace. Magda-dalawang taon na kaming kasal, pero ngayon niya lang ako niyakap ng ganoon kahigpit.
Naaalala ko, literal akong nanigas noong mga oras na 'yon. Ang akala ko pa nga nananaginip lang ako. But the electricity I felt when Allen's lips brushed my neck told me I'm not.
Napapakagat ako ng labi sa tuwing naaalala ko ang init ng hininga niya sa leeg ko, at 'yong lagkit ng kamay niya habang kinukurot ang kurba ng baywang ko.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko no'n. Para akong teenager na kinikilig dahil sa wakas ay napansin na rin ako ng crush ko. Kung pwede nga lang, ayoko nang matapos ang oras na 'yon. Gusto ko ganoon nalang kami—'yong nakayakap lang siya sa 'kin na parang isang maamong bata.
"Vanessa. Let's go."
Napamulat ako nang bigla na akong tawagin ni Allen.
Sumilip ako sa relo ko. Alas-diyes na pala ng umaga. Mahuhuli na kami sa pupuntahan namin.
Bumangon na ako mula sa pagkakahiga rito sa sofa at kinuha ang hand bag ko na nakapatong sa center table.
Today is my birthday. And as requested by my husband, we're going to celebrate it together. Magbabakasyon daw kami sa isang lugar. Pero bago iyon, pupunta muna kami saglit sa bahay ng mga magulang ko.
I've scheduled an intimate lunch with them and Allen's family. 'Yon ang napagkasunduan naming mag-asawa.
I told him that I will go out with him for a vacation only if he allow me to spend half of this day with my parents. Nagulat nga ako no'ng pumayag siya nang walang pag-aalinlangan. Hindi ko inaasahan 'yon. Pero masaya ako. Kahit 'yon na ang regalo niya sa 'kin, okay na.
Pagkalabas ko ngayon ng bahay, dumiretso agad ako sa kotse namin na nakaparada lang sa tapat. Sasakay na sana ako pero napansin ko si Allen na naglalagay ng malaking maleta sa likod ng kotse.
Napakunot ako ng noo. "Ilang araw ba talaga tayo ro'n sa pupuntahan natin?"
Sabi niya kasi sa 'kin, tatlong araw lang kaming mawawala. Pero sa laki ng dala niyang maleta, parang isang linggo ang magiging bakasyon namin.
Hindi niya naman ako sinagot sa tanong ko. Wala na naman siguro siya sa mood makipag-usap.
Nagkibit-balikat na lang ako at tumuloy na ng pasok sa loob ng kotse.
Binuksan ko ang bintana at sinilip siya sa side mirror. Abalang-abala talaga siya sa pag-aayos ng mga gamit sa likod. Nakakapagtaka. Parang ang sipag-sipag niya ngayong araw. Kalimitan, ako ang inuutusan niya pagdating sa pag-aayos ng mga gamit. Pero kanina, inalok ko siya ng tulong pero tinanggihan niya ako.
Para pa siyang natataranta sa mga ginagawa niya ngayon. Ewan ko ba kung ano na namang tumatakbo sa isip niya. Panay nga rin ang pakikipag-usap niya sa cellphone. May kinalaman na naman siguro sa trabaho. Sa sobrang abala niya, hindi pa niya ako nagagawang batiin ng 'happy birthday'. Kanina pa ako naghihintay, pero wala.
Habang nasa labas pa siya, nag-ayos na lang muna ako ng sarili.
I'm wearing a spaghetti-strap dress and a knitted cardigan. Sinadya kong matakpan ang balikat ko para hindi mahalata nila Mama ang nangyari sa 'kin. Magaling naman na ang balikat ko. Hindi na masakit at hindi na rin namamaga, pero medyo halata pa kasi ang pasa at gasgas dito.
Nilabas ko ang compact mirror ko mula sa bag at tiningnan ang itsura ko. Inayos ko ang mahaba kong buhok na nakakulot ang dulo.
Ngayon ko na lang ulit makikita ang mga magulang ko, so I need to look good. Ayokong mapansin nila na stressed ako at nangayayat.
Isang taon na yata no'ng huli kong nakasama sina Mama. Bukod kasi sa hindi ako nagpapakita simula noong nagka-issue kami nila Allen at Zian, e busy rin ang parents ko sa mga businesses. Madalas, si Allen ang nakakasama nila.
Maya-maya lang ay natapos na rin si Allen sa pag-aayos sa likod at pumasok na rito sa kotse.
"Put your seatbelt on," may awtoridad na utos niya sa 'kin.
Sinunod ko agad. Tapos tiningnan ko siya na kasalukuyan ding nagkakabit ng seatbelt. "Makakarating ba si Ellie sa lunch natin?"
"I don't know. That girl has a tight schedule."
"Pero sinabihan mo siya na invited siya?"
"Oo," tipid na sagot niya lang tapos binuhay na ang makina ng kotse.
I'm talking about his younger and only sister, Ellie. Gusto ko sana itong makita mamaya sa bahay. Sana makarating ito, kahit na alam kong busy 'yon sa med school.
TAHIMIK LANG KAMI ni Allen habang nasa byahe.
Paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa kanya. As usual, hindi niya ako kinakausap. Seryoso lang siyang nagmamaneho, nagpapalipat-lipat ng tingin sa mga side mirrors at mahigpit na nakahawak sa manibela.
"What are you staring at?" Bigla naman niyang tanong sa 'kin nang hindi lumilingon.
Napapansin niya pa lang nakatingin ako sa kanya. Umiwas na lang ako at tinuon ang mga mata ko sa bintana sa gilid ko.
Nagulat na lang ako nang bigla niyang ipatong ang kamay niya sa isa kong hita.
Medyo nakaramdam ako ng kiliti dahil maiksi lang ang suot kong bistida. Damang-dama ko ang init ng palad niya sa balat ko.
Tiningnan ko ulit siya. Tutok pa rin naman ang mga mata niya sa kalsada.
"Vannie . . ." tawag na niya.
"Hmm?"
"Have you seen my wedding ring?"
Natigilan ako at ang tagal bago ako nakasagot. May naalala kasi ako. "No. Why, you lost it?" panghuhuli ko lang.
Napakunot siya ng noo. "I'm not sure. Nilagay ko lang 'yon sa—" Bigla siyang tumigil at napabuntong-hininga. "Tsk, nevermind. I'll just look for it." Sabay alis na niya ng kamay niya sa hita ko.
Binalik ko naman ang tingin ko sa bintana. Akala ko hindi niya na talaga mapapansin na wala sa kanya ang singsing niya.
Ang totoo, nasa akin ang wedding ring niya. Ang tagal nang nakatago sa 'kin, pero ewan ko ba kung bakit ngayon niya lang nagawang hanapin. Siguro naisip niya na baka mapansin nila Mama na hindi niya iyon suot-suot at ma-kwestyon pa siya.
• • •
WALA PANG ISANG oras ay nakarating na rin kami sa bahay ng mga magulang ko.
Hindi muna agad ako bumaba ng sasakyan. Kinuha ko ulit ang salamin ko para tingnan ulit ang itsura ko kung maayos pa ba.
Naglagay ako ng kaunting liquid foundation sa mukha at nagre-touch ng nude-colored kong lipstick.
Natigilan lang ako no'ng mapansing pinanonood pala ako ni Allen. Tumingin ako sa kanya. "Bakit?"
Umiling siya. "Make that fast. Our parents are waiting."
Binilisan ko na lang ang pag-aayos tapos binalik na ang mga makeup sa loob ng bag ko.
Palabas na sana kami ng sasakyan nang may bigla naman akong maalala. "Allen, sandali."
Napahinto siya sa pagbukas ng pinto sabay nilingon ako. "What?"
Nilabas ko ang wedding ring niya na nasa bag ko at binigay sa kanya. "Wear this."
Pansin ko ang pagkabigla sa reaksyon ng mukha niya. Hindi agad siya nakapagsalita at kinuha na lang ang singsing sa 'kin. "Akala ko ba hindi mo alam kung nasaan 'to? Na sa'yo naman pala. Hindi mo sinasabi."
Inis na siyang bumaba ng sasakyan pagkatapos. Sumunod na lang ako.
PAGKAPASOK SA GATE ng bahay, nilibot ko agad ng tingin ang buong lugar.
God, how I missed this place! Ang sarap sa pakiramdam na muling makatungtong sa bahay kung saan ako lumaki at nagkaisip.
Ang dami nang nagbago. Mas lalong gumanda ang garden ni Mama. Halatang naalagaan nang husto. Dumami na ang mga orchids at ang mga nakatanim na roses at sunflowers. 'Yong porch swing na pinalagay ko noon sa tabi ng swimming pool, nandoon pa rin naman. Hindi na siguro pinatanggal nina Mama kasi alam nilang paborito ko 'yon. Doon ako madalas na tumatambay noong dalaga pa ako.
Maya-maya lang naman ay may narinig na akong boses mula sa loob ng bahay namin.
"Mom, they're here!"
Si Ellie. Kilalang-kilala ko ang boses niya. Nakakatuwa, buti na lang nakarating siya ngayon.
Lumabas ito mula sa bahay, bitbit ang isang paper bag at excited na excited na tumakbo papunta sa 'kin. Natawa pa ako kasi nilagpasan niya lang ang kuya niya na parang hindi niya iyon nakita.
Sinalubong niya ako ng isang mainit na yakap tapos inabot agad sa 'kin ang dala niyang paper bag. "Happy Birthday, Ate Vannie!"
"Wow, thank you!" Tinanggap ko ang regalo niya.
Mabait si Ellie. Masayahin itong babae at hindi nauubusan ng maikukwento. Taliwas na taliwas sa ugali ng kuya niya.
"Buti nakarating ka," sabi ko. "Wala kang pasok sa med school?"
"Meron. Pero umabsent ako para lang maka-attend sa lunch party mo."
"What?" Bumagsak ang mga balikat ko. "Ellie, you don't have to do that. Sayang naman."
"Joke lang, Ate!" Bigla niya akong pinalo nang marahan sa braso. "Hindi ako umabsent, 'no." Tapos lumapit siya sa tainga ko at bumulong. "Ang totoo, kinulit ako ni kuya Allen na pumunta ngayon."
Natigilan ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa kaninang kinatatayuan ni Allen, pero wala na ito roon. Nauna na sa loob.
Akala ko ba hindi niya alam kung makakapunta ang kapatid niya ngayon? Tapos 'yon pala, kinulit niya ito para lang maka-attend.
Ewan ko tuloy kung maniniwala ba ako sa sinabi nitong si Ellie. Parang imposible. Baka niloloko lang ako nito kasi alam niyang matutuwa akong marinig 'yon.
"Vannie! My darling!"
Nalipat bigla ang tingin ko kay Mama na kalalabas lang ng bahay at palapit sa 'kin. Kasunod niya si Papa at ang mga magulang nina Allen at Ellie.
Sinalubong ko siya at niyakap nang mahigpit. Hinaplos-haplos niya naman ang likuran ko. "Happy Birthday, Van. It's so good to see you again." Mas lalong humigpit ang yakap niya sa 'kin.
"Thank you, Ma. I missed you so much!" Halos uminit ang sulok ng mga mata ko nang sabihin ko 'yon. Miss na miss ko na kasi talaga siya. Ang tagal ko siyang hindi nakita.
Kumalas na ako sa pagkakayakap at nilapitan naman si Daddy. Hinalikan ko ito sa pisngi. "Hi, Dad."
Ngumiti ito nang matamis sa akin. "Happy Birthday, Vanessa."
"Thank you."
Nakipagbeso rin ako sa parents ni Allen.
Hindi ako gaanong malapit sa kanila, pero mabait naman sila sa 'kin. Lalo na si Mrs. Fajardo. Madalas ako nitong pinadadalhan ng mga pabango galing sa France dahil alam niyang hilig ko ang mga 'yon.
Kinamusta lang nila ako saglit, tapos ay nagyaya na ring pumasok sa loob si Mama. Lalamig na raw kasi ang mga pinahanda niya pagkain.
Dumiretso kami sa pahabang mesa na mayroong higit sa sampung silya.
Umupo na kaming lahat at nagsimulang kumain. Katapat ko si Allen. Ewan ko kung bakit hindi niya ako tinabihan.
Masarap ang mga pinalutong pagkain ni Mama. Buti hindi niya nakalimutang ihanda ang paborito kong Kare-Kare. Na-miss ko 'yon. Mas lalong sumarap ang kainan namin dahil tuloy-tuloy rin ang kwentuhan.
Medyo tahimik lang ako kasi wala naman akong baong kwento. Kaya madalas, si Ellie lang ang nagsasalita. Hindi talaga ito nauubusan ng mga sasabihin.
Dati-rati, si Leila ang maingay kapag may ganitong mga family gatherings. Bigla ko tuloy na-miss ang babaeng 'yon. Hindi ko na siya inimbita ngayon kasi alam kong hindi naman 'yon pupunta. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin siya nagpapakita sa pamilya niya. Nagtatago pa rin.
Though she called me earlier to greet me. Gusto nga sanang makipagkita, pero sinabi kong may lakad kaming mag-asawa. Inasar niya pa tuloy ako. Ang bilis ko raw bumigay.
"By the way, Vanessa," biglang nagsalita si Daddy. "How are you? Kumusta kayo ni Allen?"
Nilunok ko muna ang pagkain na nasa bibig ko, at uminom ng tubig bago sumagot. "W-we're okay, Dad."
"Good to hear that. Hindi ka naman siguro sinasaktan o pinaiiyak ni Allen, ano?"
I was stunned for a moment. Napatingin ako kay Allen na nasa tapat ko. Nakatingin na rin pala siya sa 'kin, pero agad din siyang umiwas.
I just cleared my throat and closed my eyes for a while. "No, he's not hurting me."
Napangiti nang matamis ang Daddy ko.
Ako naman, binalik ulit ang tingin kay Allen. Magkasalubong na ang mga kilay niya. At hindi ako sigurado, pero parang pansin ko ang lungkot sa mga mata niya.
I looked down at his plate. Pinaglalaruan niya lang ang salad niya gamit ang tinidor. Hindi siya kumakain.
Pasimple akong bumuntong-hininga.
Walang kaalam-alam ang mga pamilya namin sa problema naming mag-asawa. Hindi ako binuko ni Allen. Nanahimik siya at hindi inilabas ang ginawa kong pagtataksil at pakikipagrelasyon kay Zian. Kaya kahit papaano ay malaki ang utang na loob ko sa asawa ko.
Kapag nalaman nina Mama 'yon, hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'kin. Laking pasasalamat ko talaga noon kay Allen kasi inisip niya pa rin ang kalagayan ko kahit na nasaktan ko siya nang sobra-sobra. I know deep inside him, he's a good man.
• • •
ILANG ORAS LAMANG kaming lumagi sa bahay tapos nagpaalam na rin kami para umalis.
Ayaw pa ngang pumayag nina Mama kasi gusto pa raw nila kaming makakwentuhan. Pero nagsalita na si Allen na kailangan na naming umalis dahil may pupuntahan pa kami. E wala na rin naman silang magagawa kasi nasabi ko ngang after lunch ay hawak na ng asawa ko ang oras ko.
Ngayon ay nasa byahe na ulit kami ni Allen.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ko ang mga magagandang tanawin na nadadaanan namin.
"Basta. Wag ka ngang tanong nang tanong. Matulog ka muna. Malayo pa tayo."
Sinandal ko ang ulo ko sa upuan. Parang nakakaramdam na nga rin ako ng antok. Ang dami ko kasing nakain kanina.
"Allen." Tiningnan ko siya habang nagmamaneho. "Nakita mo ba 'yong regalo sa 'kin ni Ellie? Pwede ko bang suotin 'yon?"
"Ikaw bahala."
"Kasya kaya 'yon sa 'kin? Pumayat na kasi ako e. Baka hindi na alam ni Ellie ang sukat ko."
"I don't know. Just try it when we get there."
"Allen."
"Tsk, ano na naman?"
"Thank you nga pala."
Hindi na siya nakasagot. Sinilip niya lang ako.
"Thank you kasi hindi mo sinabi sa mga pamilya natin ang ginawa kong kasalanan," patuloy ko. "Baka mapatay ako ni Daddy kapag nalaman niya."
Bumuntong-hininga siya. "Hindi mo kailangang magpasalamat. Malamang hindi kita ilalaglag. You're my wife."
• • •
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top