STUCK Part 4
***
Before hitting the one hour mark, I was beyond anxious with the closed door and our wet clothes. Nakailang tawag na 'ko sa security pero wala pa yatang tao. At iba na ang panlalamig ko.
Subsob ako sa trabaho nang mga nakaraang araw. Ilang ulit na kaming nag-overnight sa opisina dahil sa pabago-bagong isip ng client namin. At masyado na 'kong pagod buong araw bago ako mabasa. Baka matuluyan akong magkasakit. 'Pag nangyari 'yon, hindi ako makakasunod sa Pangasinan na bakasyon dapat namin. Mami-miss kong maka-bonding sina Mimi, Yanyan, at Pfifer. Then, I'd hate this summer.
At pa'no na si Jacob? Basa rin siya at pagod sa flight. Pa'no kung magkasakit din siya?
"Ano'ng problema, Iya?" tanong ni Jacob nang mahuli akong nakatingin.
Pareho na kaming nakaupo sa sulok ng conference room, yakap ang mga tuhod namin. Malamig pa rin ang kuwarto na lalong pinalalamig ng basang mga damit.
"Nilalamig ka?" nanginginig na tanong ko.
"Medyo. Bakit? Nilalamig ka pa rin?"
Tumango ako. Mabilis niyang inilapat ang mainit na palad niya sa noo ko.
"Hala!" Hinawakan ko ang palad niya sa dalawang kamay ko at pinisil-pisil. It's warm in a weird way. Parang, "Lalagnatin ka ba?"
"Hindi. Sa pagod lang 'yan kaya ako mainit. Mainit ka rin," sabi niya. "At parang hindi sa pagod 'yan."
"Parang magkakasakit na nga ako," amin ko. "Dahil 'to sa damit. Basa yata pati underwear ko." Nakagat ko ang labi ko. This big mouth. Hindi ko naman kailangang isumbong sa kanya pati 'yong basa kong underwear.
"Hindi na nga rin ako komportable sa damit ko," sabi ni Jacob. "Inaantok na rin ako."
"Ako rin." Pero hindi talaga 'ko inaantok.
Tumikhim siya at napahawak sa tainga niya. "Maybe..."
"Ano?"
Tuwid niyang sinalubong ang mga mata ko. "Hubarin na natin 'tong basang damit. Kaysa magkasakit tayo pareho."
I stared at him until I make sense of his suggestion. "You mean..."
Naked. Get naked. With him? In this closed room?
"May kumot naman dito. Use it to cover yourself," kaswal na sabi niya habang nagpa-panic ako. "Ang sa'kin..." Dalawa kaming napatingin sa nakalatag sa ibaba ng conference table, "yong sleeping mat na lang siguro."
Dahil nakatingin pa rin ako, magaan siyang ngumiti sa'kin. "Come on. Kaysa magkasakit ka."
Lumunok ako at nag-isip ng iba pang bagay. "Pa'no 'pag dumating na 'yong security?"
"Saka tayo magbihis," aniya.
He sounded too reassuring and casual that I got up and took the blanket with little hesitation.
It's Jacob. Alam niya ang gagawin niya sa'kin. He never crossed any lines even when our kisses go way too... hot.
"Tanggalin ko lang 'yong damit ko," sabi ko.
Tumango siya.
***
Gaya ng iniisip ko, basa nga pati underwear ko. I peeled off all my clothes and took a quick, hot shower. Nang matapos ako, pinigaan kong mabuti ang mga basang damit at isinampay ang mga iyon sa rack. Nagtapis lang ako ng tuwalya kong nando'n pa. Hindi 'yon nabasa kaya mas mabuti nang 'yon ang gamitin ko para kay Jacob na lang 'yong kumot. Mas maiksi sa kanya ang tuwalya.
Sumilip muna ako mula sa banyo bago tawagin si Jacob. "Jacob? Tapos na 'ko."
I heard his 'Hm'.
"Nakatuwalya lang ako. Hindi naman basa, eh. Ikaw na lang gumamit no'ng kumot." Pinakikinggan ko kung sasagot siya. "Okay?"
"Okay, Iya."
Patingkayad akong naglakad palabas ng banyo bitbit ang heels ko. Iniwan ko 'yon sa tagiliran bago nakayapak na umapak sa carpet. Bumaon ang paa ko sa malambot na sapin sa sahig.
Nakatingin na si Jacob sa'kin bago ko pa siya maisipang tawagin uli. Napahigpit ang hawak ko sa buhol ng tuwalya sa katawan ko nang maramdaman ko ang mabilis na hagod ng mata niya sa'kin.
"Uh... Tapos na 'ko. Ikaw naman..."
Kaswal siyang tumayo. Kaswal din nang kunin sa kamay ko ang kumot na iniaabot ko. Papasok na siya sa banyo nang maalala ko ang epic fail ko na namang ginawa. Nakasampay ang underwear ko sa rack--for him to see. Ang galing.
"Jacob..."
"Hm?" Lumingon siya sa'kin. "Bakit?"
Alanganin akong ngumiti. So what kung makita niya? Hindi naman ako nanunukso. Hindi rin ako nananadya. Wala naman sigurong pakialam ang mga lalaki kung gawa man sa lace ang mga underwear at kung parang kakapiraso lang ang mga size niyon.
But I wanted to cry.
"Wala."
Pumasok siya sa banyo. Umupo naman ako sa sulok sa silid at niyakap ang sarili ko.
***
Sasandali lang si Jacob sa banyo kahit na parang nag-quick shower din siya. Nakabalot siya ng kumot. Ang cute niya, eh. Parang may overnight lang kami sa office at magpi-pillow fight anytime.
Or puwede ring... shut up. I shook my head to shake off unwanted thoughts. Kababasa ko 'to ng mature stories, eh. Saka kado-drawing ng mga sexy scenes no'ng nakaraang project.
Bumalik si Jacob sa tabi ko na kunot ang noo.
"May mali sa pakiramdam ko," sabi niya.
"Huh? Ano?"
"Balot na balot ako kaysa sa'yo."
Mahina akong tumawa. "Oo nga."
Maamo ang mukha niya nang tumingin sa'kin. "Hindi ka na ba nilalamig niyan? Maiksi... uh, ang tuwalya mo."
Napatingin din ako sa tuwalya sa katawan ko. Maiksi nga 'yon. Ngayong nakaupo ako, hindi ko maiangat ang tuhod ko dahil makikitaan ako.
"Palit na lang tayo?" sabi niya.
Mas gusto ko bang siya ang nakatapis lang ng tuwalya? Mas malakas ba ang kontrol ko sa sarili ko kaysa kontrol niya sa sarili niya? Parang nagdududa ako sa sarili ko.
"O-okay naman ako'ng nakatuwalya," sabi ko. "Saka hindi rin naman gano'n kalaki 'yang kumot."
"Pero kasya ka rito. Puwede kitang ibalot."
"Bakit mo 'ko ibabalot?"
"Hindi kita ibabalot," sabi niya. He cleared his throat. "Baka gusto mo lang. Baka hindi ka komportable sa tuwalya lang."
I eyed him suspiciously. Hindi kaya... siya ang hindi komportable na nakatuwalya lang ako?
"Bakit?" tanong niya agad.
"Wala," sabi ko at mahinang tumawa. Hindi lang siguro ako ang kung anu-ano ang naiisip ngayon. This is awkward to him, too, right? "Inaantok ka na, 'di ba?" pag-iiba ko ng usapan.
"Medyo."
"Medyo? Hindi na masyado ngayon?"
Ginulo niya ang basa pang buhok niya. Parang gusto ko ring makihawak tuloy.
"Nagising ako sa... ano, tubig. Ikaw? Inaantok ka na rin, 'di ba?"
Ah. Sabi ko nga pala, inaantok ako.
"Oo," sagot ko kahit hindi. There's nothing for us to do in the room but talk while waiting for security.
"Gusto mo nang matulog? May latag pa ro'n," turo niya sa sleeping mat.
"Ikaw?"
"Tatabi sa'yo," sabi niya.
Nagbuga ako ng hangin. Mas okay sigurong matulog kaysa ma-anxious kahihintay. Kung saan-saan ako dinadala ng isip ko.
Tumayo ako palapit sa sleeping mat pero... pa'no ako hihiga na tuwalya lang ang suot?
Ang epic talaga ng gabing 'to.
Nakatayo lang ako sa mat imbes na humiga. I was fidgeting when I felt Jacob behind me.
"Halika," sabi niya.
Tuliro pa rin ako sa kung paano kikilos nang alalayan niya 'kong umupo muna bago pahigain. Before I even had the idea to ask about him, dumapa siya sa tagiliran ko. Ikinumot niya sa'kin ang kalahati ng kumot niya.
"Better?" aniyang nakatukod ang mga braso sa mat, nakatingin sa'kin.
Tumango ako. Inilabas ko ang kamay ko mula sa ilalim ng kumot.
"Subukan mo na'ng matulog," sabi niya.
"Ikaw?"
"Matutulog din 'pag inantok na 'ko." Maingat niyang inilagay ang kamay niya sa uluhan ko at humaplos sa buhok ko. "Babantayan muna kitang matulog. Pagod ka ngayong araw."
Siya rin naman kaya. "Okay. Matulog ka rin agad."
Tumango siya, patuloy na humahaplos sa buhok ko. "Pahinga ka na, Ishayana."
Pumikit na sana ako. But I wanted a goodnight kiss. Awkward ang basta na lang humingi pero... Nilaro-laro ko ang mga daliri ko sa kamay habang nag-iisip.
Bahala na nga.
"Goodnight, Jacob," sabi ko.
"Good--"
Mabilis akong kumapit sa braso niya at iniangat ang sarili ko sa pagkakahiga. Inabot ko ang labi niya para sa isang halik. Magaan lang sana. Dapat. Pero walang magaan sa kung paano niya tinanggap ang awkward na attempt ko.
His body instantly tensed up. Bago ako makabitiw ay umalalay na agad ang braso niya sa'kin hanggang sa nakahiga na uli ako at siya na ang humahalik sa'kin. He framed my face in his palm, his fingers tangling with the strands of my hair.
He kissed and demanded to be kissed like I owe him air.
Naitaboy ng halik niya ang lahat ng lamig na iniinda ko at napalitan ng init na hindi ko alam kung ano'ng gustong makuha. It's always like this with kissing Jacob. I'm needing something out of my reach that I clutch and clung onto him. It's hard to breathe; harder to think logically. All I wanted was to owe him this rapid heartbeats.
Naliliyo na 'ko nang pakawalan niya ang labi ko. Suminghap ako ng hangin at mapungay ang mga matang tumingin sa kanya.
I wanted more. Nararamdaman ko ang init ng katawan namin sa ilalim ng kumot at pinahihirapan niyon ang lohika ko. Mas nami-miss ko rin siya ngayon.
"Ishayana..." malamlam ang mga matang sabi niya, "don't look at me with those eyes."
"A-ano?"
"You look at me like you wanted to kiss more. Mahirap magtimpi."
Sabay kaming lumunok.
"I'm trying to be good," sabi pa niya.
Pumikit ako nang mariin. My logic's cloudy. I really wanted to kiss more. Touch him, too. Claim him mine, too.
"Sorry..." mahinang sabi ko.
He was stroking my hair again. "Matulog ka na..."
Umiling ako. "I can't... sleep."
Nag-igting ang panga niya. "Ishayana..."
I really couldn't sleep. Not with a kiss like that. Not when I can hold him near. Not when his heat was teasing me under this blanket. Not when I feel his heartbeat as raging as mine.
Not when I miss and love him like this.
"I want... to kiss more," samo ko. "Just a little bit more, Jacob..."
I saw fire and control flicker in his eyes until he sighed in surrender.
"Damn it, Ishayana."
Kumapit ako sa batok niya nang salubungin ang halik niya. ++0601g / Nov012018
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top