STUCK Part 2
***
"Mag-isa ka na lang dito sa buong office?" tanong ni Jacob habang kumakain kami ng dinner sa pantry.
Luto sa bahay ang dala niya. Naka-food container na siguradong kay Auntie Mona. Orange kasi lahat—bagong favorite color ni Auntie. May ginataan kami at pinirito. May sinigang na mayamaya rin. Ang dessert namin—na tinitikman-tikman ko na—ay 'yong cake na bake ni Auntie para sa pag-uwi niya.
Ang ideal scenario for the day, natapos ko ang artwork at hindi na ipina-revise ng client namin. Nakaalis na 'ko ng office ng two in the afternoon para may allowance sa traffic, at by four ay nakaabang na sa arrival ni Jacob. Mula pa sana kaninang four ay magkasama na kami. But the client just had to be capricious and nitpicky na na-stuck ako sa revision kaysa magsundo sa kanya.
"Yep. Kauuwi lang kani-kanina ng Creative Director namin at dalawa sa animation team. Hindi mo na inabutan sa baba pagdating mo?" ani ko. Naglagay ako ng taba ng isda sa plato ni Jacob kasi mahilig siya ro'n. Sumulyap lang siya sandali sa'kin at ngumiti.
"Hindi ko inabutan. 'Yong guard nga sa baba, parang inaantok na rin," sabi niya. Pinahid niya ng tissue ang tagiliran ng labi ko. "Icing."
I licked the corner of my lips bago kami magkatinginan ni Jacob. He cleared his throat.
"Ano 'yon?" untag ko.
"Ha?" Umiling siya. "Wala."
"How's your flight? Nakatulog ka?" ani ko.
Uminom siya ng tubig sa basong naroon. "Hindi. I was too excited to go home. Saka ilang oras lang naman ang flight mula Japan. Nagpatagal lang 'yong boarding at arrival."
Napatango ako. Naghanap uli ako ng taba ng isda sa sinigang at ibinigay kay Jacob.
"Kumain ka nang maayos," sabi niya sa'kin.
I pouted. "Maayos naman, ah."
"Eat well so you can go back to work. Masakit pa ang kamay mo?" aniya.
Itinaas ko ang kanang kamay ko at nagsumbong, "Masakit. Tingnan mo, hindi naman maugat ang kamay ko pero lumalabas na 'yong mga veins. Kado-drawing 'yan."
Kinuha niya ang kanang kamay ko at ikinulong sa mas malaking kamay niya. His hand was warm and powerful. Rough, too.
"Kailangan mong pagpahingahin 'to," sabi niya.
Lalong nanghaba ang nguso ko. "Gusto ko rin naman, eh. Kaso, may ilang oras pa 'ko para tapusin 'yong ginagawa ko. Akin na'ng kamay ko para matapos na 'kong kumain."
Magaan ang naging ngiti niya. "Pagpapahingahin mo nga muna eh."
"Ano?"
"I'll feed you." Kaswal na sabi niya at kinuha ang kutsara sa plato ko. Siya ang nangutsara ng kanin at ulam doon. Pagkatapos ay inilapit niya sa bibig ko. "Heto."
Natitigilan ako sa pagkakatingin sa kanya.
"Hm? Ano 'yon? Bawal ko bang subuan ang bride ko?"
Napalunok ako. "Ano kasi..."
"Hm?"
Wala akong maidadahilan at maitatanggi sa ngiti niya sa'kin.
"Say Ahh."
Tinanggap ko ang isinusubo niya bago sandaling mapatungo. He shouldn't be this adorable and sweet and the man of my dreams all at the same time. Kinakalma ko lang ang sarili ko para hindi ikamatay ang mabilis na tibok ng puso ko. He shouldn't attack me continuously like this.
"Ano'ng problema, Iya?" tanong niya.
Umiling ako. Bukod sa baka hindi ako matunawan nang maayos kung susubuan niya ako hanggang sa matapos kaming kumain, "Wala."
He smiled as if he knew that I was keeping it to myself how smitten I was by him at this very moment. I smiled back.
***
Dahil mukhang matutunawan naman ako with the aid of the tea we had after dinner, I got back to the work I intend to finish. Si Jacob, hinayaan kong umikot muna sa office habang may ginagawa ako. At dahil nando'n na siya kasama ko, bumilis ang progress ko.
Mas mabilis sana akong matatapos kung hindi lang siya umupo sa harap ng table ko at tumitig habang nagtatrabaho ako. It's my dream to have his eyes on me but it's slowing me down.
He makes me feel... everything. Kahit 'yong tingin pa lang niya sa'kin, parang may kakayahan para pisikal akong hawakan at haplusin.
Tinitiis ko sana. But halfway through fixing background details, I sighed and looked him in the eye.
"Uhm... Tititig ka ba hanggang mamaya?" maingat na tanong ko sa kanya. "Ibig kong sabihin... hindi ka ba pagod? Baka gusto mong umidlip?"
"Ikaw? Hindi ka ba pagod?" aniya. "Baka masakit na uli ang kamay mo."
"Kaya ko naman," sabi ko. "Pero baka ikaw..."
"Mas gusto kong panoorin ka."
Nagtagpo ang mga mata namin. Malamlam sa liwanag ang pagkakatingin niya sa'kin. Masuyo rin. It makes me melt. It makes it hard to finish work, too, dahil pagdating sa kanya, OA ang puso ko.
"You're not just watching. You're staring at me," sabi ko sa kanya.
Nangalumbaba siya sa mesa ko. "Oo nga."
"O...o nga?"
"Na-miss kita, eh. Bawal ba kitang titigan, Ishayana?"
Lumikot ang mga mata ko. Si Jacob lang ang may kakaibang kapangyarihan sa pagtawag sa pangalan ko. My full name on his lips is a spell I couldn't break.
"You're sort of... distracting me," sabi ko.
Lumapad lang lalo ang ngiti niya. "Nadi-distract ka na nito?"
Sinimangutan ko siya, pero bahagya lang. "Oo kaya."
Lalo siyang tumitig habang nag-iisip. "Pa'no 'pag ganito?"
"Ano?"
Magaan at mabilis ang pagnanakaw niya ng halik. "Ganyan?"
Napalunok ako. "Jacob!"
He chuckled softly. "Distracting 'yon?"
Inirapan ko siya habang sigurado akong namumula ang mukha ko. It's not just distracting. It's teasing! "I'm working, eh!"
"I know. You're distracting me, too," aniya.
"Ano? How am I distracting you? Wala naman akong ginagawa."
"Kaya nga eh." Hinawakan niya ang kamay ko at ikinulong uli sa kamay niya. Pinisil-pisil habang magaang nakangiti. "Masaya lang akong umuwi sa'yo."
Masaya rin naman ako. Pero, "Gusto kong matapos 'to para ano..." masolo mo na 'ko, "ano, time na lang nating dalawa. Hindi ko 'to matatapos kung kukulitin mo 'ko rito, Engineer Tejeron."
I tried to make myself sound firm and annoyed but he just smiled. Alam ko ang ngiti niyang 'yon kapag naku-cute-an siya sa'kin.
"I'm not saying this to be cute!" reklamo ko.
Nakangiti pa rin siya. "Hm. I guess you'll always look adorable to me even without trying." Pinisil niya nang isa pa ang kamay ko bago bitiwan. Pinatakan niya rin ako ng magaang halik sa noo. "Saan ako puwedeng umidlip?"
I was still pouting. "Sandali..."
Tumayo ako sa table ko at kinuha sa common cabinet ng floor namin ang sleeping mat at kumot ko. Ginagamit ko 'yon kapag may overnight o rush kami ro'n at hindi ko kinakaya ang antok.
"Puwede nating ilatag 'to sa conference room. Do'n ka na lang muna magpahinga," sabi ko.
"Sige."
Nagpatiuna ako sa conference room.
***
Sigurado akong pinigilan lang ni Jacob na mangulit nang magpaiwan siya sa conference room. Binuksan ko ang air-con do'n para sa kanya bago bumalik sa table ko. Sabi ko, tatabihan ko siya kapag tapos na 'ko sa tinatrabaho ko.
By eleven thirty, I was done with the digital artwork. Puwede kaming sumunod na ni Jacob sa resort sa Pangasinan pero gusto ko pa siyang patulugin muna. Isa pa, gusto kong makapag-hot shower muna at makapagpalit ng damit na dala ko. Yumakap ako kanina kay Jacob sa office clothes na napawisan ko na.
Ipinahinga ko pa muna ang kamay ko bago tumawid sa silid kung nasaan si Jacob, bitbit ang tuwalya at pamalit kong damit. Sinilip ko pa sandali ang pagtulog niya bago dumiretso sa bathroom.
I took a quick, hot bath and changed into new clothes. Nagda-dry na 'ko ng buhok nang mahulog ang earrings ko sa sink na naroon. Shoot sa butas.
Iniaangat ko sana ang sink stopper para madukot ang hikaw pero iba ang nangyari. I heard a popping sound bago bumigay ang stopper, sumabit sa faucet, at tuluyang natanggal. Pag-ilaw ng sensor ng faucet, wala na ang faucet head. Nagbuga iyon ng tubig pataas—papunta sa'kin. Mabilis kong iniharang ang kamay ko sa bumubugang tubig.
Napasigaw yata ako dahil mabilis na nakarating si Jacob sa loob ng banyo. Before I could stop him, he rushed towards me. Dalawa kaming nabasa ng sumisirit na tubig mula sa gripo. ++914g / Oct312018
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top