HONEYMOONERS Part 5

***

"Nag-text ako kay Doraemon, hindi naman nag-reply," sabi ni Jesuah sa'kin. "Si Pfi, nag-reply sa'yo?"

Tapos na kaming kumain ng dinner. Salitan na kaming kumukuwit sa cake na naroon at sumisimsim ng red wine. Mas masarap ang cake ni Auntie Mona kaysa sa complimentary ng hotel. Pero pambawi naman ang wine.

"Nag-reply," sagot ko. "Sinabi ko na kinain na natin 'yong complimentary dinner nila. Okay lang naman daw."

"Nasa'n na raw sila?"

"Nasa traffic pa rin daw. Baka raw mag-uumaga na sila makarating," sagot ko.

We were too relaxed in our seats. Wala na ang plano kong makulit ngayong nakabihis na kaming pareho. I was wearing a sleeveless button-up summer dress. Dilaw iyon na may maliliit na bulaklak. Si Jesuah naman, nakakamiseta at maong shorts na lang.

Our mood in the balcony was mellow. Dahil siguro sa ilaw--sa kandila na nasa maliliit na lanterns sa mesa namin, sa fairy lights na nakadekorasyon sa glass door ng silid, at sa matitingkad na flourescent ng restaurant sa ibaba. Kalmado ang hampas ng alon sa dagat. It sounds as if it was whispering its secrets. Masuyo rin ang ihip ng hangin.

And then, there's Jesuah with me.

The soft night illuminated his face in warm, subtle lights. Nilalaro rin ng hangin ang buhok at damit niya. At sa tuwing tumitingin siya sa'kin at ngumingiti, napupuno ako ng pagmamahal.

He always looks at me as if he found a star to wish on.

"Inaantok ka na?" untag niya sa'kin.

Umiling ako. I was mellow but not sleepy. I'm enjoying the view--him. "Ikaw?"

"Hindi pa. Pero parang tumatama na 'tong wine. Nakakarami na yata tayo," aniya.

"Maybe..."

Nilaro ko ang wine sa glass ko at sandaling tumanaw sa dagat. May iilang bangka na may maliliit na ilaw sa laot. May mga naglalakad din sa dalampasigan. It was a good night. Sa isang banda, masaya ako na wala pa sina Iya, Mimi, at Ate Pfi sa resort.

Pagbalik ng mata ko kay Jesuah, nakatitig na naman siya sa'kin.

"Bakit? Ang ganda ng view?" biro ko sa kanya.

"Oo."

Nawala ang ngiti ko. Naghinang ang mata namin nang hindi mabilang na sandali. Sabay rin kaming ngumiti. We both know we're in love. And when we look at each other in silence, we get the idea just how much. Silence has its way of making us realize the things we couldn't put in words.

"Maganda rin ang view ko," sabi ko sa kanya. "Wine pa?"

Tumango lang siya. Sinalinan ko ng wine ang glass niya. Gayundin ang sa'kin.

"Last glass na 'yan. Baka malasing ka," aniya.

"Hindi naman ako si Kuya."

"Kahit na. Last glass na 'yan tapos, manood tayo na lang tayo ng kahit na ano sa cable."

"Let's cuddle?" ani ko.

He looked apprehensive at first but he said, "Oo."

"Sige."

We drank up our last glass before going inside the bedroom.

***

Napatanga si Jesuah sa rose petals na nakakalat sa sahig at sa higaan. Mahina naman akong natawa. Nakalimutan ko sandali ang tungkol do'n.

"Don't mind it. Kasama yata 'yan sa promo ng hotel," sabi ko. "Tara."

Nauna akong maupo sa malapad na kama. Hindi naman siya kumikilos sa kinatatayuan niya.

"Jesuah?" tawag ko.

"Do'n na lang tayo sa kuwarto namin," aya niya.

I laughed a little. "Dito na lang. Medyo hilo na 'ko sa wine, 'wag na tayong lumipat. Hindi ka naman tutuksuhin ng mga rose petals na 'yan."

Naningkit ang mga mata niya sa'kin.

"Wala rin akong balak na manukso," sabi ko. "I'm over it. Tingnan mo, 'di na 'ko nangungulit kanina pa."

Totoo naman 'yon. I needed something else than just to tease him. I needed to hold him and to be held by him.

Naupo siya sa tabi ko. "Hindi tayo rito matutulog, ah. Babanatan ako ni Doraemon."

Yumakap ako sa braso niya. "Hindi. Gusto ko lang mag-cuddle."

Nang hindi na siya kumibo, kinuha ko ang remote sa side table at binuksan ang telebisyon. Umayos kami ng higa sa kama. Nakasandal si Jesuah sa tambak ng unan habang nakasandal naman ako sa kanya. Naghahanap na 'ko ng panonoorin namin nang mapansin kong hindi siya sa telebisyon nakatingin.

"Ano 'yon?" untag ko at sinundan ang mata niya.

He was staring at the packs of condom. Lalo akong natawa.

"Oh. Nakita ko na 'yan kanina. Ang lupit ng hotel, 'no?" ani ko.

"Nakita mo 'yang condom kanina pa?"

"Oo. Nag-check ako rito sa bedroom no'ng nagpunta ka sa kuwarto n'yo."

Nailing siya.

"Bakit?" tanong ko. Hindi naman namin gagamitin pero kung makatingin siya, parang nakakita siya ng malaking tukso.

"Wala. Ang tindi lang nitong hotel."

"I know right," natatawang sabi ko. Nakakita ako ng apocalyptic theme movie sa cable na kasisimula pa lang. "Ito na lang panoorin natin?"

Natuon na sa telebisyon ang mata ni Jesuah. "Sige."

***

Sa kalagitnaan ng pelikula, tahimik na kami ni Jesuah. Akala ko, aantukin ako agad dahil sa tama ng red wine. Ang plano ko talaga ay makatulog unintentionally sa tabi niya sa suite na 'yon, dahil hindi pa namin 'yon nagagawa. Pero natutukso ako sa pagkakadikit naming dalawa.

He was warm and relaxed by my side. Nakayakap ako sa kanya, nakahilig sa tagiliran niya. He was unconsciously rubbing my arms with his thumb, his full attention on the film.

I know it is not intentional... but his touch do things to me. It's making me excited and naughty for no reason at all. It's heating me up. It's making my heart beat fast for things I shouldn't ask of him, yet.

I was trying to hold out. Kung kanina, gusto ko lang manukso, ngayon ay gusto ko nang mas maramdaman pa siya sa balat ko.

Nananadya pa 'yong pelikula, may kissing scene. Matagal na kissing scene. Parang nae-enjoy ng mga nasa screen. Nakakainis.

"Diane?" untag ni Jesuah sa'kin. Naramdaman siguro ang inis ko.

"Huh?" ani ko.

"Ano'ng problema?" aniya.

Wala naman. Except I know he wouldn't kiss me while we're in this position. Masyado siyang maingat.

But I want a kiss.

"Wala," dry na sabi ko.

"Ba't parang wala ka uli sa mood?"

Tumingin ako sa mga mata niya. Matagal. I bit my lip, restraining the request that was about to come out.

"Naku, patay," sabi niya.

"What? Wala akong sinabi."

Matagal siyang tumingin sa'kin. "Wala nga. Wala pa."

Sigurado talaga siyang manghihingi ako! Tsk. "I won't ask!" asik ko. "Kahit kasalanan mo!"

"Kasalanan ko?"

Nakasimangot ako sa kanya. "Oo. You're... you're touching me!"

"Sabi mo kasi cuddle."

"I know!"

Ugh. This is frustrating the hell out of me. Bakit ko kailangang mag-ingat o mahiya sa kanya? If I want to kiss him, I shouldn't ask. I should just do it!

"Manang Diane... 'wag ka nang mainis," magaang sabi niya.

Matalas ang mata ko sa kanya. "I said I wouldn't ask," sabi ko, "for a kiss."

"Sabi mo nga."

"I could just do it."

Natigilan siya sandali kaya sinamantala ko. Hinatak ko siya sa kuwelyo niya pababa sa'kin at idinikit ang labi ko sa labi niya.

It's frustrating. I don't want a forced kiss but he wouldn't do it first. I know because he's cautious. I know because he doesn't want to go over the limit or to take advantage of me.

Ang kaso, gusto ko. I think it's okay even if he go overboard or over the limit. I think I'll enjoy him getting advantage of this situation--of us alone in a room for couples. I think I might regret it a little if something happened before marriage, but I wouldn't regret for too long. Because it's him. Because it's okay if it's him. Because I will love it if it's with him.

So I pressed my lips hard against his own. I kissed him the way I learned how to kiss with him--with fire and hunger and intent. Naiinis pa rin ako nang bitiwan ko ang kuwelyo niya at mag-iwas ako ng tingin.

Bakit pagdating sa kanya, nagiging ma-tantrums ako? Sht. Magso-sorry na naman ako nito for acting like a spoiled brat.

"Diane..." tawag niya sa'kin.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, ready to be scolded. I wanted to argue that I wanted to be held by him. That I wanted to kissed by him. That I wanted to be touched by him. And that it was different if I was the one initiating.

Pero nabitin ang mga salita ko. The silence between us was too foreboding. His eyes don't reflect anything closely related to a scolding. His eyes were intense and knowing and everything else unnameable that made my heart race. I was held captive.

When he cupped my face and took my lips, I was almost out of breath. He easily shifted our position to lie on the bed, with him hovering above me. He was gentle first, pero mabilis na lumalim ang halik niya. He was tasting me, owning me. Niyakap ko siya nang palapit pa, hanggang sa nararamdaman ko na ang tibok ng puso niya sa'kin. Mabilis na nag-apoy ang balat naming nakadikit sa isa't isa. I don't care if we're getting too close or intimate. I was thirsting for his kiss like a drought longing for rain.

I need my rain.

"Diane..." mahinang tawag niya sa pangalan ko nang maghiwalay sandali ang mga labi namin.

I know he would ask to stop. "No..."

Lumambitin ako sa batok niya at inabot ang labi niya. I need more. Just a little more.

When he kissed me again, I kissed him back aggressively. I was tasting the wine and his control in a perfect mix of intoxication. He was rain but I was getting aflame.

Nang humiwalay uli siya sa'kin, mabigat na ang paghinga niya. He was conflicted.

"Diane..." mahinang sabi niya, "we better sleep."

I bit my lip. "No. I want to kiss more."

"Hindi puwede."

"Why not?" Naramdaman ko ang pagkalat ng pamumula sa mukha ko. "It's okay... if it's with you. I won't regret it."

Nagdilim lalo ang mga mata ni Jesuah. Nag-igting ang panga niya sa sinabi ko.

"You don't know what you're talking about."

"I know," siguradong sagot ko.

"Shit, Diane," he hissed under his breath.

Mabilis niyang sinapo ang batok ko at inangkin ang labi ko. Mas mapusok siya. Mas mapaniil. Nalalasahan ko ang kagustuhan niyang suyuin ako, angkinin ako, at parusahan ako nang sabay-sabay. Kasabay ng pagbugso ng kuryenteng dala niya sa buong katawan ko ang pagkalabog ng dibdib ko. He gave me no room to breathe--only to kiss as he wanted.

Napasinghap ako nang iwan niya ang labi ko. Napaungol. Lumapat ang halik niya sa sulok ng panga ko--sumuyo roon, gumawa ng marka. I bit my lip and gave him full access to my neck. He kissed and trailed and tasted down to my throat, to the ball of my shoulders, to my collarbone. Nanunuot sa balat ko hindi lang ang init ng labi niya kundi ang init ng paghinga niya. Tinutupok ako ng pag-asam.

My body aches for something wilder than what we usually do.

Nakuyom ko ang kumot nang magsimula siyang tanggalin ang butones ng dress ko habang humahalik sa balat ko.

Oh my God. Are we really doing this?

Pumikit ako nang mariin sa dahan-dahang pagkalas ng mga butones. My heart was wild with anticipation and apprehension. I'm okay doing this... pero nahihiya yata ako.

The cold of the room teased my exposed skin. Nang mabuksan ang dress ko hanggang sa bandang tiyan ko, hindi na 'ko makahinga nang maayos. Makikita ni Jesuah ang katawan ko. No. Hindi lang makikita. He would kiss it and do things to it.

Bumaba pa ang labi niya sa umbok ng dibdib ko. I bit my lip hard to restrain any sound. I don't want to moan like crazy. Isa pa, hindi na talaga 'ko makahinga. He would really see my breasts. If he took off my brassiere off, he would...

The frontal hook of my bra snapped without warning. Napamulat akong bigla at napasapo sa dibdib ko para hindi niya makita. Bago pa 'ko makatutol sa anumang gagawin niya pa, nakalayo na si Jesuah sa'kin. I couldn't grasp the situation when I was rolled on the bed hanggang sa parang turon na 'kong nakabalot sa comforter ng higaan. May kasama pang rose petals.

"Hey..." Napatingin ako sa pagkakabalot ko. I tried to break free from the comforter but it's useless. "Hey!"

Nakatayo na si Jesuah sa paanan ng higaan, nakahawak sa batok niya habang kinakagat-kagat ang labi. Tumingala siya sa kisame bago nagbuntonghininga at tumingin sa'kin. Umiling-iling siya tapos tumingin uli sa'kin.

What's happening?

"Hey! Jesuah!" tawag ko sa kanya. "Pakawalan mo 'ko rito! Ano 'to?!"

"Sandali lang," sabi niya. Lumunok siya at ilang ulit na huminga nang malalim.

"Pakawalan mo 'ko!"

Pumalatak siya. " 'Pag pinakawalan kita tapos hindi mo uli napigilan ang sarili mo, delikado. 'Pag pinakawalan kita pero napigilan mo ang sarili mo, ako naman ang magkakaproblema dahil sagad na'ng pagpipigil ko. Delikado pa rin. 'Pag hindi kita pinakawalan..." Napahawak siya uli sa batok niya bago magaang ngumiti. "Ganyan ka na muna, Diane Christine. 'Wag mo muna akong pahirapan."

"Ano'ng ganito muna ako?"

"Dito ka lang muna," sabi ni Jesuah at lumakad sa pinto.

"Hey, Jesuah!"

Mahina siyang tumawa. "Sandali lang, Diane. I shall return."

What the heck! Wala pa rin akong bra sa ilalim ng comforter. I couldn't fix it sa sikip ng pagkakabalot ko. Wala akong nagawa kundi maging turon at maghintay sa pagbalik niya. ++313ma / 12242018

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top