HONEYMOONERS Part 4

***

Nakahalukipkip ako sa elevator suot ang robe ko, pinanonood ang pagpapalit ng floor numbers sa display. Sumusulyap naman si Jesuah sa'kin, nakikiramdam sa kasungitan ko. Naka-robe na lang din siya. Nang mag-shower ako sa honeymoon suite, lumipat siya sa kuwarto nila at doon nag-shower.

Ngumiti siya sa'kin nang magtama ang mga mata namin. Nagbuntonghininga naman ako.

Alam kong ang moody at temperamental ko ngayong araw dahil lang hindi ko magawang mangulit nang ayon sa gusto ko. Wala siyang kasalanan pero sumasalo na naman siya ng pagsusungit ko.

Kumabit ako sa braso niya at tumingala sa kanya. "Sorry, Mister."

"Saan?" aniyang magaan pa rin ang ekspresyon sa mukha.

Bumusangot ako. "Sa pagsusungit."

Umakbay siya sa'kin at idinikit ako sa tagiliran niya. Hinalikan niya 'ko sa basang buhok ko. "Okay lang. Ang cute mo nga, eh."

"Cute pa rin sa sa'yo 'tong tantrums ko?" I asked in disbelief. Whenever he says that my tantrums are my charms, seryoso siya ro'n?

"Ayaw mong maniwala? Gusto mong gawan ko pa ng knock-knock 'yan?"

Inirapan ko siya. Mahina naman siyang tumawa.

"Basta, sorry, ha? I didn't mean to be so moody," sabi ko.

" 'Wag ka kasing masyadong magplano ng masama para hindi ka mainis 'pag napurnada," aniya.

Tsk. Hindi rin naman siya gano'n ka-affected sa'kin today--unlike most days. Siguro dahil tirik ang araw kanina? Mas may mood siguro 'pag gabi na? Like tonight?

"Mga ga'no raw katagal 'yong massage?" untag niya sa pananahimik ko. "Matatapos ba agad 'yon?"

Tumingin ako sa kanya. Bakit parang gusto na naman niyang mag-oras? 'Yong sa bathtub, kalulublob pa lang namin, nagtatanong na siya kung magtatagal pa. Itong massage, papunta pa lang kami, parang impatient siya agad. Hindi naman siya 'yong klase na impatient. Maliban kung ayaw niyang magpamasahe.

"Ayaw mo ba ng massage?" I asked.

"Okay lang. Masakit din balikat ko, eh."

"It will be good, lalo na dahil pagod ka. Mga forty-five minutes daw 'yong full body massage."

"Sa iisang room ba tayo?"

"Hindi ko sure, pero malamang? Bakit?" ani ko.

"Wala. Curious lang."

***

Sinalubong kami ng attendant nang makarating sa spa. Ipinaliwanag sandali ang procedure at pinapirma kami sa claim stub ng promo. Since I was already wearing a robe, I was told to take my brassiere off before going to the massage room.

Gaya ng malamang ko, sa iisang kuwarto nga lang ang couple's massage. We were welcomed by fragrant oils and flower scents. Two massage tables were in the middle of a low-light room. Pinadilaw pang lalo ang silid ng mga kandilang nakasindi. May mahina ring musika na tumutugtog.

It's for relaxation but the set-up feels both sensual and awkward to me.

Kahit si Jesuah ang kunot ang noo nang malingunan ko. Alanganin ko siyang nginitian. Umuurong ang makukulit na plano ko dahil sa awkwardness. We were told to lie face down on the table, with only a piece of fabric to cover us. Lumabas sandali ang mga masahista.

"Labas din muna ako," sabi ni Jesuah, "para hindi ka mailang."

Tumango lang ako.

Nang wala na siya sa silid, maingat kong tinanggal ang robe ko at itinakip sa'kin ang sheet na naroon. Tiningala ko ang kisame para makita kung may kahina-hinalang mounted things do'n. Sure naman sigurong walang CCTV or spy camera sa ganito. Reputable naman ang hotel.

Dumapa ako sa massage table.

"Okay na, Manang?" tawag ni Jesuah sa labas.

I only have my seamless panty on and a sheet to cover everything else. Ano ba ang dapat na isagot ko?

What the hell. I'm thinking too much.

"Yes," sagot ko.

Wala akong lakas ng loob na sumulyap nang pumasok siya. Pinanatili kong nakatago ang mukha ko sa face cradle.

Nang magtanong uli ang mga attendant kung ready na kami, si Jesuah na lang ang sumagot.

***

Inipit ko ang mga ungol sa lalamunan ko nang magsimula ang masahe, kahit na puwedeng panunukso 'yon. Ayokong marinig ang sarili ko nang gano'n, sa isang kuwarto na may apat na tao. Kahit si Jesuah, tahimik lang. Tumitikhim lang siya 'pag nakikiliti siguro.

Nang mas komportable na 'ko, ibinaling ko ang mukha ko sa gawi ni Jesuah. Naramdaman niya sigurong nakatingin ako dahil bumaling din siya sa'kin. We looked at each other without a word, before he mouthed na nakikiliti raw siya.

Ngumiti lang ako. He continued to mouth things and make faces sa tuwing magpipigil ng kiliti. Kinakagat ko ang labi ko para hindi biglang matawa. Pinanlalakihan ko siya ng mata para tumigil pero sige lang siya.

'Kiliti, Manang,' he mouthed for the nth time.

I made face for him to stop. Panay ang 'Ah' niya na parang tinutusok siya sa tuwing dumudutdot ang masahista sa katawan niya.

'Stop,' I told him silently.

'Tulong!'

Pumalatak ako.

"Ma'am? Uncomfortable po ba kayo? I-lessen ko po ba ang pressure?" tanong ng nagmamasahe sa'kin.

"No, you're doing good. Thank you," sabi ko at lumabi sa makulit na Pato.

'Stop!' I mouthed at him again.

'Pero... I love you'.

Umirap ako sa kanya. 'Shut up!'

He made face as if he was shocked.

"Nasa'n na I love you, too ko, Misis?"

Pinandilatan ko siya ng mata. Sinabi niya talaga nang malakas 'yon? Ang cheesy sa nakakarinig!

Malaki lang ang ngiti niya sa simangot ko. Kontento sigurong makapangulit.

Mahina namang tumawa ang mga attendant.

"Ang sweet ng asawa n'yo, Misis," sabi ng nagmamasahe sa'kin.

"Yes. Makulit din," sabi ko.

"Sweet din 'yan si Misis," sabi ni Jesuah sa mga ito. "Irap pa lang niyan, solve na 'ko."

Mahina uling tumawa ang mga ito.

"Ang ganda rin po ng chemistry n'yo. Bagay na bagay kayo," sabi ng nagmamasahe kay Jesuah. "Mukhang magkasundong-magkasundo kayo."

"Baka dahil lumaki kami nang magkasama," sabi ko at pumikit.

"Ay, childhood sweetheart po kayo?"

"Hindi naman. It just happened that we grew up together," sagot ko.

Natahimik sandali ang silid.

"Saka, Ma'am, mabanggit ko lang po," sabi ng nagma-massage sa'kin, "ang ganda ng skin n'yo. Ang sexy n'yo pa. Biyaya talaga, eh."

Alam kong tinutukoy niya ang boobs ko. Hindi naman nakapagtataka kasi 'yon ang unang napapansin sa'kin mula nang maging adult ako.

"Thank you."

Pagtingin ko kay Jesuah, lumapad ang ngiti niya. "Ako? Maganda rin skin ko?"

Nailing ako sa kakulitan niya.

"Maganda rin, Sir," sagot ng masahista niya.

"Totoo? Parang napipilitan ka lang, eh."

Mahina akong tumawa.

"Totoo, Sir."

"Hey, Mister, 'wag mo silang masyadong kulitin," sabi ko.

"Nangingisda na 'ko ng compliment habang ganado silang magbigay. Sayang, eh," aniya bago, "After nito, sa'n tayo?"

"Sa room siguro," sabi ko at tumikhim.

"May set-up na po dinner at wine ninyo sa honeymoon suite," singit ng isa sa mga attendant.

"Oh." When I asked them if I could have the wine after the massage, they mean they would set it up in the room immediately right after? Nice.

"Wine?" si Jesuah.

"Opo, Sir. Kasama po sa First Night promo ninyo."

Kumunot nang sandaling-sandali lang ang noo ni Jesuah. "Okay."

Hindi ko na sinadya 'yon. He has to play along.

"Okay," ulit niya sa sarili.

Tahimik na kami hanggang sa natapos ang massage at umakyat kami sa honeymoon suite. May naka-set-up na ngang candlelit dinner sa balcony. May maliit na congratulatory cake, bowl of strawberries, at isang bote ng red wine.

I was speechless. Si Jesuah naman, nagsabi na magsa-shower muna at magbibihis. Nang wala na siya, nag-check ako sa bedroom.

May rose petals sa sahig hanggang sa higaan. May scented candles. At sa side table, may packs ng condom.

Mas lalo akong walang masabi maliban sa... the hotel was very thorough. Ilang panganay kaya ang nabuo dahil sa kanila?

Lumabas ako sa honeymoon suite at lumipat sa silid namin. I should get dressed, too. ++838g / 12222018

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top