HONEYMOONERS Part 3

***

Nakasimangot ako nang huminto ang sasakyan namin sa parking lot ng hotel. Papagabi na at walang natuloy sa plano ko. Pangasinan waters ruined everything! Nakakainis. Sayang 'yong blue bikini ko!

"Mainit pa rin ulo mo, Misis?" magaang tanong ni Jesuah. Obvious na natatawa sa'kin. Obvious na alam ang ikinaiinis ko.

Pumalatak ako at binuksan ang pinto sa tagiliran ko. Nauna akong bumaba.

Bakit kontra sa'kin ang timing ngayong araw? Nagsolo kami sa trip pero hindi ko man lang siya nakunsumi. Puro lalaki ang nakasabay namin sa paglangoy sa Enchanted Cave na na-off akong mag-bikini lang. Lalo na dahil kahit may shirt ako, iba 'yong mga tingin nila. Panay ang harang ni Jesuah sa'kin dahil eskandalosa ang dibdib ko sa malinaw na tubig. Nang lumipat naman kami sa Bolinao falls, nakapag-bikini nga ako pero panira sa panunukso ang floater na ipinasuot sa'kin nang mag-cliff dive kami.

Nakakainis talaga!

Humabol sa'kin si Jesuah at magaang umakbay. "Gutom ka na? Gusto mo nang mag-dinner?"

"Late dinner na lang," sabi ko. "Puro tayo snacks sa sasakyan."

"Ano'ng gusto mo pang gawin bukod sa mangulit?" aniya.

"Wala. Magso-soak na lang ako sa jacuzzi sa kuwarto nina Kuya. Ikaw? Sama ka?"

"Hindi ka pa sawa sa tubig?"

As if, may napala ako sa tubig ngayong araw. "Para lang ma-relax. Baka mawala inis ko."

Mahina siyang tumawa. "Baka sa kuwarto muna ako. Tawagin mo na lang ako 'pag magdi-dinner na tayo."

Hindi na 'ko kumibo.

Umakyat kami sa kani-kaniya naming silid. Ibinaba ko lang ang mga gamit ko sa kuwarto namin nina Iya bago lumipat sa honeymoon suite nina Kuya.

I texted everyone on our way back to the hotel. Magulo ang status nilang lahat. Sina Kuya at Ate Pfi, stuck pa sa traffic. Sina Iya at Jacob, nagkita na yata dahil hindi na maka-reply si Iya kahit na dapat ay nasa trabaho lang siya. Kahit si Mimi, isnabera sa texts ko.

The plan for summer was falling apart! Sayang ang pagpaplano ko kung wala naman pala silang lahat dito at hindi ko makunsumi si Jesuah!

I was still on my blue bikini when the phone in the room rang. Sinagot ko.

"Hello, good evening po. This is from the spa po. Itatanong ko lang po kung ia-avail na nila ang First Night promo?" bungad ng nasa kabilang linya.

Nablangko ako. Hinahagilap ko sa isip ko kung ano ang sinasabi niya. "Uhm... what promo?"

"You booked one of the hotel's honeymoon suite po. May kasama pong free foot spa, body massage, at wine and fruits ang suite for our honeymooners. Available lang po for redemption during the first night of your stay in our hotel," sabi ng kausap ko.

"Oh. Thus, the First Night promo."

"Yes po, Ma'am. Puwede po kayong magpa-schedule na ng appointment ngayon or opt for a late appointment after mai-discuss sa Mister ninyo. Tatawag lang po kayo sa reception kung ia-avail ninyo."

Right. Puwede kong i-discuss... sa Mister ko. Unti-unting sumingaw ang init ng ulo at inis ko sa buong araw. May pag-asa pa 'kong makapangulit.

"Where do we go for the massage, uhm, promo?" ani ko.

"Ang massage at foot spa po ay dito sa spa ia-avail. Ang wine at fruits naman po ay ihahatid na lang sa kuwarto ninyo."

"After the massage?"

"Puwede po."

Lumapad ang ngiti ko. "What do we need to do before the massage?"

"You and your husband can soak in the hot tub for ten to fifteen minutes po to prep your skin. After that, you can rinse with cold water before going to us po."

"Oh. Nice. Paki-schedule na kami ng Mister ko for the next slot. Open pa ba?"

"May available po kami within 30 minutes."

"Okay. See you."

"See you po, Ma'am."

Malapad ang ngiti ko nang ibaba ang telepono. Nagpatong lang ako ng robe sa suot kong bikini at kinatok si Jesuah.

***

"Ano?"

Kunot ang noo ni Jesuah sa sinabi ko.

Nakanguso ako. "Wala sina Kuya at Ate Pfi rito. Sabi nila, gamitin natin 'yong room. Saka, sa first night lang available 'yong promo. Sayang naman."

Naningkit ang mata ni Jesuah. Sinusubukan sigurong basahin sa mukha ko ang lahat ng masasamang plano ko laban sa kanya. Ginandahan ko naman ang ngiti ko.

"Alam ba nina Doraemon at Donya Pipa na may ganyan?"

"Alam." Pero hindi talaga. Ako nga na nag-ayos ng plano, nakaligtaan na may promo para sa honeymooners. Sila pa ba na walang alam sa buong itinerary at booking? "At kahit halimbawang gusto nilang i-avail, hindi na sila aabot. Nasa traffic pa sila eh. Baka madaling-araw na sila makarating. Come on. A massage is good for you. Siguradong sumakit ang katawan mo sa biyahe dahil nag-drive ka nang mahaba. Nag-drive ka pa around Alaminos and Bolinao."

Nanunukat pa rin ang tingin ni Jesuah sa'kin. "Massage..."

"Jacuzzi muna," sabi ko.

Nag-bob ang adam's apple niya paglunok niya. Napalunok din tuloy ako. Mabilis na tinakpan ni Jesuah ang buko sa leeg niya.

"Naku, Misis, natutukso ka na naman! 'Wag mo muna akong kagatin!"

Hindi naman talaga. Mamaya pa.

"Bawal ba, Mister?" ani ko at masuyong kumabit sa braso niya. "Tara na sa jacuzzi. Mainit na 'yon. Kailangan daw nating mag-soak for ten to fifteen minutes bago magpamasahe. Mag-trunks ka na."

Naiiling si Jesuah nang itulak ko sa banyo ng silid. Bumubulong din ng hindi ko maintindihan.

***

I smiled with satisfaction nang lumabas siyang naka-robe na lang din. Hinatak ko siya sa honeymoon suite, sa jacuzzi. Nauna akong magtanggal ng robe ko at lumublob sa mabulang tubig. It was hot enough to relax me instantly even though my mind was to something else entirely.

Sa akin nakatingin si Jesuah nang lumublob din sa tubig. "Mga tingin mo, Manang Diane, tinging may-balak."

Tumawa ako. Para namang hindi pa siya sanay. "Masaya lang akong magamit ang bikini ko nang walang sagabal..." sa pangungulit sa'yo.

Nailing siya bago sumandal sa concrete ng tub. "Sumandal ka nang maayos para--"

Kusa siyang natigilan sa ngiti ko. Lumapit ako sa kanya at sumandal sa katawan niya. I caught him caught his breath but couldn't say anything. Nawawalan din ako ng hininga. Ramdam ko ang balat niya sa balat ko habang malikot na bula na lang ng tubig ang nakapagitan sa'min.

"Nakasandal ka na nang maayos niyan?" untag niya.

"Yes."

Naramdaman ko siyang lumunok. Itinuon ko naman ang atensyon ko sa bula at init ng tubig. Marahan akong nagbuga ng hangin at ipinagkatiwala ang bigat ko sa katawan niya. Napahawak siya sa baywang ko.

"Nahihilo ka?" aniya.

"Hindi. Umaayos lang ng sandal."

"Ah."

Kumakapal ang katahimikan sa pagitan namin kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Why am I too excited like this? Idea ko ang nasa jacuzzi kami pero mangungulit lang dapat ako. I shouldn't be so damn affected!

"Ilang oras tayo rito?" aniya.

"Minuto lang. Ten to fifteen minutes."

"Gusto mong knock-knock?"

"Utang na loob, Jesuah!" angal kong biglang napalingon.

Mahina siyang tumawa nang hawakan niya ang pisngi ko at pisilin. "Joke lang. Tensyonado ka kasi kahit ikaw ang may balak."

Nang-asar pa. "Nakakakaba talaga ang knock-knock mo. Hindi ko pa nakakalimutan 'yong kanina."

" 'Oy, parang mahal na mahal mo 'ko niyan. Hindi mo nakakalimutan agad 'yong jokes ko."

"Kasi ang pangit!" angal ko.

Malakas ang tawa niya. "Ngumiti ka naman."

I hissed. Nagbuga naman siya ng hangin.

"Parang masyadong mainit 'tong tubig sa jacuzzi," sabi niya.

"Hindi naman, ah."

"Hindi ba? Okay lang sa'yo?"

"Okay lang."

Natahimik uli kami. Pinaglaruan ko sa daliri ko ang mga bulang naghahabulan sa tubig.

"Nakaka-relax nga sa tub, 'no?" sabi ko at huminga nang malalim.

Hindi umimik si Jesuah.

" 'Di ba? Parang nagma-massage 'yong mga bula?" ani kong lumingon sandali sa kanya. Nahuli ko siyang nakatingin sa'kin bago kumurap. Gumaan ang mukha niya.

"Nakikiliti ako sa bula," sabi niya.

Iningusan ko siya. "Wala ka namang masyadong kiliti."

"Ikaw ba?" aniya.

"Ano'ng ako?"

"Wala kang masyadong kiliti?"

"Wala." Pero marami talaga. Subukan niya lang--"Hey! What the--!"

Mahina siyang tumawa nang tumusok ang daliri niya sa tagiliran ko. " 'Kala ko ba, wala? Liar si Manang."

" 'Wag mo nang ulitin!"

Hindi katiwa-tiwala 'yong ngiti niya.

" 'Wag mo na talagang uulitin!" mas firm na sabi ko.

"Oo na po."

Hay naku. Nasisira na naman ang plano kong mangulit. Humalukipkip ako na nagpalitaw lalo ng dibdib ko sa tubig. Napatungo ako ro'n. Napalingon naman siya sa pinto ng malaking bathroom.

This guy is too... tsk.

"Jesuah..." tawag ko sa kanya.

"Ano?" aniyang tumingin sa'kin. "Fifteen minutes na?"

Tinitigan ko siyang mabuti. Masyado siyang maraming kontrol kaya lalo akong nawiwiling mangulit at manukso. Should I test his control now? He still looked so cool and unaffected.

Tinakpan niya ang adam's apple niya kasabay ng panlalaki ng mata niya. "Kakagat ka? Magpapamasahe tayo, Manang Diane. Makikita."

Sumimangot ako. Kakagat dapat ako pero nahulaan niya agad. "Hindi, 'no."

Nanunukat ang mata niya sa'kin. Para akong kriminal na hinihintay niya sa akto ng krimen.

"Hindi talaga," giit ko. "Feeling mo!"

Sinabuyan niya 'ko ng tubig sa tub. "Naiinis ka na naman kasi 'di ka makapangulit. Naku, si Manang Diane."

Sinabuyan ko siya pabalik. Bakit niya 'ko ibinubuko sa sarili ko? At bakit parang 'di siya affected ngayon sa'kin? Sa ibang araw naman, madali lang.

"Enjoy the water, Diane Christine. Saka mo na isipin 'yong masasamang plano mo," natatawang sabi niya.

Tinalikuran ko siya. Sinandalang mabuti. Hindi ko na lang muna siya papansinin. Naiinis na 'ko uli.

"Diane?"

Lumublob akong lalo sa tubig.

"Hoy."

Hoy ka rin.

"Misis?"

Nang mahina siyang tumawa, tumayo ako bigla sa tub. Muntik pa 'kong madulas. "Tama na 'to. Magpamasahe na tayo!"

Huli na nang makita kong lumunok uli siya. Inabot niya sa'kin ang robe bago nakangiting tumayo at tumalikod sa'kin. "Bababa na tayo sa spa?"

"Magsa-shower daw muna nang malamig bago bumaba ro'n."

"Okay. Una ka na."

"Talaga! Alangan namang sabay tayo!" Pero 'yon talaga ang balak ko kanina.

Nakakainis.

Nagmamartsa akong pumunta sa shower at nagsara ng glass door. ++0842g / 12212018

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top