A Whiff Of Chocolate
***
"Truth or Dare?" tanong ni Iya nang matapat sa'kin ang boteng pinapaikot namin.
Gabi. Nasa bonfire kami habang nakaharap sa malawak na dagat. Umiinom ng beer sa lata. Unang gabi namin ni Warren sa Pangasinan kasama sila.
Kanina, puro kuwentuhan at langoy lang kami. Akala ko, pagagalitan kami ni Kuya pagdating. Pero kinumusta lang niya 'yong biyahe namin tapos ipinakilala sa'kin si Ate Pfifer. Tapos, inagaw niya sa'kin por que nayakap ko sa braso.
Madamot.
"Dare na lang!" sabi ni Yanyan.
Hala siya. Hindi ako magaling sa dare.
"Truth!" si Iya.
Eh hindi rin ako magaling sumagot.
Napasulyap ako kay Warren. "Ano... truth na lang..."
"Nag-kiss na kayo?" nakangiting tanong ni Iya.
"Hoy!" sita ni Kuya habang nakaakbay kay Ate Pfifer.
Namula naman ako. Buti na lang, hindi mahahalata dahil sa bonfire. Pa'no ko nga pala ikukuwento sa kanila ni Iya at Yanyan na may first kiss na kami ni Warren bago pa kami talaga nagkaaminan ng feelings? At na nag-kiss na kami ng pang-adult no'ng nasa Vigan?
Napalunok ako. Umakbay naman sa'kin si Warren kahit masama ang tingin ni Kuya Ivan.
"O, 'pag sinagot ko, sasagutin mo rin ako sa tanong ko?" sabi ko kay Iya.
May iba kasi sa kanya. Sabi niya sa chat last time, hindi niya alam kung pa'no sasalubungin si Jacob pagbalik. 'Kala ko, magkakailangan sila. Pero mas sweet sila kaysa dati. Hindi na siya humihiyang dumikit kay Jacob at maglambing, kahit panay 'Susmarya' si Jepoy.
"Hindi puwede," si Iya. "Truth or dare nga eh. Saka, ikaw 'yong tinatanong."
"Uhm... ibubulong ko na lang sa'yo 'yong sagot?" ani ko.
Ang pilya ng ngiti ni Iya. Por que siguradong nakailang kiss na sila ni Jacob.
"Dare na lang," sabi ko.
"Kiss mo boyfriend mo," mabilis na sabi ni Yanyan at kumindat.
"Hoy!" sita uli ni Kuya.
Ngumuso ako. Hindi ko naman gagawin kahit hindi siya mag-Hoy. Nakakahiya kaya sa harap nilang lahat.
"Potchi, ang K.J. mo," natatawang sabi ni Ate Pfifer.
Dati naman nang K.J. si Kuya.
Kumindat sa'kin si Ate Pfi bago dumikit kay Kuya. Napatulala na naman tuloy ako sa kanya. Ang ganda kasi niya. Sa picture pa lang na ipinakita ni Yanyan noon, ang ganda-ganda na niya. Mukha siyang artista. Mas maganda pala siya sa personal.
Sayang, hindi ako naka-attend sa kasal nila.
"Mi," tawag ni Warren sa atensyon ko at ibinaling sa'kin ang pisngi niya.
"Ha? Ano 'yon?"
"Sa pisngi lang," sabi niya. "Hindi naman sinabi ni Yanyan kung saan ang kiss."
"Aha! Oo nga!" sabi ko at mabilis na humalik sa pisngi niya bago makasingit si Yanyan.
May pumalatak. Si Kuya yata 'yon. Paglingon ko, hindi naman siya nakatingin. Sina Jacob at Jepoy, hindi rin makatingin. Si Yanyan, nagreklamo.
"Tapos na, ah," sabi ko at malapad na ngumiti. "Ako naman magpapaikot ng bote."
Hinayaan sa'kin ni Iya 'yong bote. Pinaikot ko. Sinadya ko sanang mapunta kay Kuya para siya naman pagdiskitahan nina Jepoy at Jacob, pero kay Ate Pfi natapat.
"Truth or Dare?" si Yanyan.
"Truth," sagot ni Ate Pfi.
"Truth daw," sabi ni Yanyan at ngumiti sa'kin. "Ano'ng gusto mong itanong?"
Hala. I don't have an idea what to ask. So far, parang alam ko 'yong mga nangyayari pero parang hindi rin. Like, alam kong engaged na sina Yanyan at Jepoy kasi sinabi nila. Naka-display rin 'yong singsing. Pero bukod do'n, may iba pa sa kilos nila. Pareho kina Iya at Jacob na may iba rin. Parang naging mas komportable at intimate sila sa isa't isa. Which means... something happened.
Nakakahiya lang itanong. Gano'n din 'yong gusto kong malaman kina Kuya at Ate Pfi.
"Ano na, Mi?" tukso ni Yanyan.
I cleared my throat. Hala siya. Kinakabahan ako.
Tumingin ako nang diretso kay Ate Pfifer. "Ano... 'wag kang magagalit sa itatanong ko."
"I won't. What is it?" magaang tanong niya.
"Ano kasi..."
Naghihintay silang lahat sa'kin. Naramdaman kong magaang pinisil ni Warren ang balikat ko.
"Ano..." Huminga ako nang malalim. "Magkakapamangkin na ba 'ko?"
Sabay-sabay naubo 'yong mga nasaktong umiinom ng beer. Si Warren, ngumiti lang.
"Is it too much for a question?" malaki ang matang tanong ko kay Ate Pfi.
Umuubo rin siya. Si Kuya, nangingiting-naiiling lang.
"Eh kasi," alangang sabi ko, "curious ako."
"Malalaman natin... later on pa, I think," sabi ni Ate Pfi. "I'll tell you agad."
Tumango ako. 'Yon naman pala.
Nakabantay pa 'ko sa paikot ng bote dahil si Ate na 'yong magtatanong pero tumayo na sila ni Kuya.
"Hoy, matutulog na kami," sabi ni Kuya sa'min. Tumango siya kina Jacob at Jepoy na sumimangot lang.
Sina Iya at Yanyan naman, nagbulungan.
Nakakainis! I feel so left out! Parang may secret conversation sila!
"Bakit matutulog na kayo, Kuya?" pigil ko sa kanila. "Maaga pa kaya!"
Mahinang tumawa si Yanyan. "Patulugin mo na."
"Eh maaga pa," tutol ko. " 'Di ko pa masyadong nakaka-bonding si Ate Pfi."
"May bukas pa naman," si Kuya.
"Yeah. Sabay-sabay naman tayong magbe-breakfast bukas. Marami rin tayong papasyalan," sabi ni Ate Pfi.
Kahit si Warren, tumango lang. "Hayaan mo na silang matulog."
Hala. K.J. talaga si Kuya. Ang agang magpatulog kay Ate Pfi. Pero bakit supportive silang lahat?
"Eh kasi..." ani ko.
"Mi..." tawag ni Warren.
"Huh?"
Ngumiti siya sa'kin kaya nawala sandali ang atensyon ko kina Kuya at Ate Pfi. No'ng nag-check uli ako, nakalakad na 'yong mag-asawa palayo.
Kunot pa rin ang noo ko nang tumunog ang cellphone ko. May message sa group chat namin sina Iya at Yanyan.
Yanyan: Mingming! Di mo gets yung matutulog na sila?
Iya: Cute mo, Mi. Hihi.
Nag-type ako.
Mimi: KJ si Kuya?
Yanyan: Hahahahahaha. Kawawa naman si Warren.
Iya: Hahahaha.
Sumimangot ako.
Yanyan: Matutulog sila nang maaga.
Mimi: Oo nga.
Yanyan. Mag-asawa na sila. At honeymoon nila. At gusto nilang matulog nang maaga.
Iya: Yep. Gets mo na?
I stared at their chat trying to make sense of things. Then, I gaped. Napatingin ako kay Iya at Yanyan na tumatawa sa'kin.
Yanyan: Alam mo na?
Iya: Hahaha.
Napatulala ako. Hala. Magkakapamangkin na nga ako?!
"Mi?" untag ni Warren sa'kin.
"Ha?"
"Hindi ka na kumikibo," sabi niya. "Pagod ka na? Gusto mo nang matulog tayo?"
I gaped at Warren. "Hala! Ayoko pa! Bakit ka nagyayaya?"
"Ha?" Nangiti siya at nakagat ang labi niya. "Hindi 'yon."
Nanlaki ang mata ko. Pagtingin ko kina Iya at Yanyan, tumatawa sila sa'kin.
Diyos ko. Tulog as in tulog pa lang pala 'yong itinatanong ni Warren pero ang tindi ng tanggi ko.
Nakakainis.
"Sorry," mahinang sabi ko kay Warren. "Sina Iya at Yanyan kasi, in-explain sa'kin 'yong pagyaya ni Kuya kay Ate Pfi."
Mahinang tumawa si Warren bago ako akbayan. Inilapit niya 'ko sa kanya at magaang hinalikan sa noo. "You're too cute."
Napatungo ako at namula. Nang sumulyap uli ako kina Yanyan at Iya na kasama 'yong mga taong mahal nila, nangiti na lang din ako.
It's not that I'm that naive. It's just that we all grew up together that it's hard to notice the change.
Secrets are changing. But it's okay because no matter what, we'll still be together for a long, long time.
++1236ma / 02032019
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top