Sunday
Rinig ko ang ingay ng mga tao sa paligid pero hindi ko maunawaan kung ano ang sinasabi nila. May malay na ako pero nanatili pa ring nakapikit ang mga mata ko. Nang sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko para mas magising ang aking diwa ay may narinig akong singhapan.
"Vida!" pamilyar sa akin ang boses na iyon. Boses ni Shanelle.
Ginalaw kong muli ang daliri ko. "Tito, si Vidalia!"
May biglang humawak sa kaliwang kamay ko. Mainit ang palad niya pero nanginginig. "Anak . . .Vidalia? Naririnig mo ba ako? Gising na, anak."
Tama ba ang naririnig ko? Si Papa 'yon? Rinig ko rin ang mahinang paghikbi niya. Bakit siya umiiyak? Natutulog lang naman ako. Ano bang nangyayari?
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Puting kisame ang sumalubong sa akin bago ako napatingin kay Papa na nakayuko habang hawak ang kamay ko at humihikbi. Dahan-dahan kong itinaas ang kanang kamay ko at hinaplos ang buhok ni Papa.
Agad siyang nag-angat ng tingin. Bakas ang gulat at tuwa sa mukha niya. "Vidalia!" masayang sigaw niya bago niya ako niyakap nang mahigpit.
Ano bang nangyayari?
Niyakap ko na lang si Papa pabalik at napatingin ako sa kamay kong may dextrose. Nasa ospital ako? Napatingin ako sa gilid at nakita ko roon ang mga kaibigan kong umiiyak sa tuwa.
Bigla ay para akong binuhusan ng napakalamig na tubig nang maalala ko ang nangyari kagabi. Muntik na akong mamatay! Akala ko nga mamamatay na ako sa lakas ng pagkakabangga sa akin, pero . . . Teka, bakit wala akong sakit na maramdaman? Bakit parang okay naman ako?
"Buti na lang at nagising ka na anak. Anim na araw ka nang hindi nagkakamalay," malumanay na saad ni Papa no'ng humiwalay siya sa akin.
Anim na araw?
Gulat akong napatingin kay Papa. "Ano'ng date na po ngayon?" paos kong tanong.
"September 12 na, anak," sagot niya. Napaawang ang labi ko. Papaanong wala akong malay ng anim na araw? Eh, September 12 pa lang ngayon at kahapon ay 11?
"Saglit lang tatawagin ko lang si Doc," pagpapaalam ni Papa bago siya umalis.
"Vida . . ." napatigil ako sa pag-iisip nang bigla akong tinawag ni Shanelle. Napatingin ako sa kan'ya bago kina Neri at Haddie.
"Sorry, Vida. Sorry hindi ka namin naligtas noong sinaktan ka ni Milo. Sorry, Vida." Hinawakan ni Shanelle ang kamay ko. Malamig ito at nanginginig.
"Sorry kasi naabutan ka na lang naming walang malay sa comfort room . . . Akala talaga namin hindi ka na mabubuhay pa." Bakas ang takot at matinding guilt sa boses ni Haddie.
Bahagyang napakunot ang noo ko. Bakit parang may mali?
"Sorry talaga, Vida. Pangako namin hindi ka na namin iiwan," dagdag pa ni Neri.
Teka . . . Ako? Nawalan ng malay? Sa pananakit ni Milo? Pero nakatakas ako! Paanong? Ano 'to?
"A-Anong nangyari?" hindi ko mapigilang tanong.
"Naaalala mo ba no'ng nag-jamming tayo sa room no'ng Monday kasi vacant natin?" tanong ni Shanelle. Agad akong tumango.
"Napagalitan tayo no'n ni Mrs. Dela Cruz, kaya bilang punishment pinapunta niya tayong magkakaklase sa faculty room para maglinis. Nauna kaming naglakad at iniwan ka namin. Hindi namin alam na inaway ka pala ni Milo at sinaktan sa CR. Narinig na lang namin ang sigaw mo. Kaya dali-dali kaming pumunta roon at naabutan ka na lang namin na wala ng malay . . ." pagkuwento ni Shanelle.
Tama ang mga naunang sinabi niya maliban sa huli. Nakatakas ako! Papaanong ganito ang nangyari?
"Sorry, Vida huli na kami noong dumating kami," pagpapatuloy niya.
Napaupo ako kaya agad nila akong inalalayan. Napatulala ako sa puting pader. Hindi. Napailing ako. Hindi gano'n ang nangyari! Bakit nabago?
Nalaglag ang panga ko. Hindi kaya . . .Tumulo ang luha ko. Panaginip lang ang lahat?
Napayuko ako at nasapo ang ulo ko sa pagkalito. Rinig ko ang pagtawag sa akin ng mga kaibigan ko pero hindi ko sila pinansin.
Hindi! Impossible! Ramdam kong totoo 'yon! Totoong-totoo! May Luka na nag-i-exist, 'di ba?
Pakiramdam ko ay masisiraan na ako ng bait nang dumating ang doktor para i-check ako. Hindi ko na alam kung ano'ng nangyayari at kung ano'ng sinasabi niya. Nang makaalis ang doktor ay napatingin ako sa mga kaibigan kong nag-aalala nang nakatingin sa akin. Mukhang halatang tuliro at balisa ako pero hindi ko kayang magpaliwanag o kahit na makipag-usap sa iba ngayon lalo na at magulo ang isip ko. Impossibleng panaginip 'yon! Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko. Hinanap ng paningin ko si Papa.
"Pa..." pagtawag ko kay Papa. Agad siyang humarap sa akin, nagtatanong ang kan'yang mga mata. Sunday ngayon. September 12. Ito lang ang tanging paraan para patunayan kong totoo si Luka at ang mga nangyari.
"Puwede niyo po ba akong dalhin ngayon sa simbahan?" halos pagmamakaawa kong saad.
Kumunot ang noo ni Papa at bakas sa kan'yang mukha ang pagkalito. "Simbahan?"
Tumango ako at nagpunas ng luha. Nakapanghihinang isipin na posibleng panaginip nga ang lahat ng nangyari sa anim na araw na iyon. "Sa simbahan kung saan ako iniwan ni Mama . . ."
Rumihestro ang pagkalito sa mukha ng mga kaibigan ko pero hindi ko na sila pinansin.
Nanlaki ang mga mata ni Papa at bahagyang napaawang ang kan'yang mga labi. "Bakit naman tayo pupunta roon? Akala ko ba ayaw mo nang tumapak kailanman doon?"
Hindi ko sinagot ang mga tanong niya. Wala na akong oras para magpaliwanag pa. Gusto ko nang makarating agad doon dahil pakiramdam ko kapag nagtagal pa kami rito ay hindi ko na makikita pa si Luka. Bumigat ang dibdib ko at nanlabo ang mga mata ko dahil sa luhang namuo sa mata ko. "Sige na po, Papa. Please?" pagmamakaawa ko.
"Itatanong ko muna sa Dok-"
"Papa, please! Pumunta na tayo..." pag-iyak ko.
Bumuntong-hininga si Papa bago tumingin sa mga kaibigan ko. Nagpaalam na silang aalis at naiwan na kami ni Papa.
"Pa . . ." parang batang pagtawag ko sa kan'ya habang patuloy ako sa paghikbi.
"Hindi ko alam kung bakit mo gustong pumunta roon, pero sige. Pupunta tayo."
Nanginginig ang mga kamay ko. Mabilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako. Kinakabahan ako na baka nga . . . walang Luka. Baka hindi totoo iyong mga nangyari. Baka panaginip lang talaga ang lahat. Pero may parte sa aking nagsasabing totoo ang lahat ng iyon at hindi panaginip.
Ilang beses akong huminga nang malalim habang naglalakad papunta sa pintuan ng simbahan. Matagal na rin akong hindi nakapupunta rito. Mas naging luma pa ito kumpara noong dati pero malinis pa rin.
Napahawak ako nang mahigpit sa palda ko nang makapasok ako sa simbahan. Tumingin ako sa paligid pero walang tao. Nasaan na siya? Ang sabi niya maghihintay siya.
Napaayos ako ng tayo nang makarinig ako ng mga yabag ng pang papalapit. Agad ako napatingin sa gilid at nakita ko roon si Sister Flora, pansin kong tumanda na siya pero ang matamis niyang ngiti ay hindi pa rin kumukupas.
"Vidalia? Ikaw na ba iyan?" gulat ngunit may halong tuwa at pagkasabik niyang saad nang makalapit siya. Gumuhit ang isang tipid na ngiti sa aking labi bago ako tumango at agad na nagmano sa kan'ya.
"Kaawan ka ng Diyos, hija," sambit niya pagkatapos kong magmano.
"Opo, ako po ito, si Vidalia. Kumusta po kayo?"
Ngumiti siya sa akin. "Eto, sa awa ng Diyos masigla at mabuti pa rin. Ikaw, hija? Kumusta ka na? Dalaga ka na! At kamukhang-kamukha mo talaga si Athaliah, ang mama mo. Saka bagay sa 'yo 'yang kulay ng buhok mo."
Agad na nanlaki ang mga mata ko. Oo nga pala! Agad akong napatingin sa buhok ko. Ash gray ito! Ramdam ko ang paglukso ng puso ko. Hindi panaginip ang lahat! Sumilay ang abot-tainga kong ngiti.
"Ayos lang naman po," sagot ko. Panisn ko ang biglaang pagsigla sa tono ng boses ko. "Uh . . . Sister," panimula ko pero hindi ko alam kung saan magsisimula nahihiya akong magtanong pero atat na atat na talaga akong makita si Luka.
Napatango si Sister Flora at bahagyang ngumiti. "Si Luka ba?"
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkakagulat pero agad akong tumango. Bahagyang kumunot ang noo ko. Paano niya alam? At paanong Luka rin ang tawag niya?
Bigla ay may iniabot siya sa aking malaking paperbag at isang sobre. Agad ko iyong tinanggap. "Pinabibigay niya 'yan sa 'yo. Ang bilin niya, basahin mo raw muna ang sulat bago mo buksan ang paperbag."
"Nasaan na po siya?"
"Mas maiging basahin mo na lang ang sulat, hija. Nandiyan lahat ng kasagutan sa 'yong mga katanungan."
Napatango na lang ako. "Salamat po!" saad ko bago pumunta sa pinakadulong upuan at doon naupo. Ibinaba ko muna ang paperbag bago ko binuksan ang sobre.
Ang dami kong tanong pero sana masagot lahat ng liham na ito.
Nanginginig ang kamay ko habang binubuklat ang sulat galing kay Luka. Huminga muna ako nang malalim bago ito sinimulang basahin.
This is for you, Vidalia,
Alam kong habang binabasa mo ang liham na ito, wala na ako.
Umuwi na ako, Vida. Pasensya na at dito na ako magpapaalam. Wala na kasi akong natitirang oras.
Masaya akong nakilala kita, Vida. At mas masaya akong sa pagsama mo sa akin ay pinili mong mabuhay. Alam mo ba kung bakit kita dinala sa La Union no'ng una? Kasi iniisip kong kung gusto mong magpakamatay talaga, nagpakalunod ka na pero nagulat ako nang mas pinili mong magpaturo sa aking lumangoy at nagbilin na huwag kitang lunurin. Doon pa lang alam ko nang gusto mong mabuhay pa.
Naaalala mo ba noong nagpaturo ka sa aking magbike? Ayaw mo noon ang masugatan at kahit ilang beses ka nang muntik matumba hindi ka sumuko at nagpatuloy ka pa rin hanggang sa natuto ka.
Did you get my point now?
Sana lagi mong tandaan na kung nalulunod ka na sa kalungkutan at problema, gaya ng sa dagat matutunan mo sanang lumangoy at huwag hayaan ang sarili mong malunod. Lumangoy ka lang hanggang sa makaahon ka. At gaya ng pag-aaral mong mag-bike. Huwag kang susuko agad hangga't hindi mo nakakamit ang tagumpay.
Take this as a reminder for you when you're feeling down. Don't forget to ask for help when time will come. And please, always choose to stay alive. You are braver when you choose to be alive despite of all your shortcomings and downfall in life.
Always remember Him. Always pray to Him. Believe in Him. Okay?
I think that's enough for you to go on. Now, just like what I promised. Magpapakilala na ako sa 'yo. By the way nag-enjoy ako sa 'Luka' na tawag mo sa akin. Sorry kung hindi ko personal na masasabi ang pangalan ko.
My name is Athaliah Cure Mendoza.
Agad kong nabitawan ang papel at tila nilublob ako sa napakalamig na tubig. Nanigas ako sa kinauupuan ko at ramdam ko ang pagtayo ng balahibo sa batok ko. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Napailing ako at hindi makapaniwala.
"Hindi . . ." bulong ko. Kumunot ang noo ko. "Paano?"
Nang medyo mahimasmasan ako ay pinulot kong muli ang papel kahit na nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Sinikap kong huwag manlabo ang mga mata ko at binasa ang susunod.
Yes, I'm your mother, Vida.
Tuluyan nang bumagsak ang luha ko.
I'm very sorry for leaving this world so early, anak. I'm sorry if you have to go through that so much pain. I swear kung puwede lang mabuhay ako noong panahong iyon ginawa ko na. Habang kinukuwento mo sa akin ang nangyari sa 'yo, paulit-ulit akong nadudurog, anak. Ang sakit! Ang sakit-sakit na makita kang umiiyak habang kinukuwento mo sa akin ang buhay mo. Hindi dapat nangyari sa 'yo iyon! You deserve to be happy! And I'm sorry if maagang nawala si mama.
Ang kinuwento ko noon sa 'yo na ex-boyfriend ko. That's your Papa. And the one that he married was your aunt Lucia, my sister. Please don't hate them for me I've already forgave them kahit na masama talaga ang ugali ni Lucia. And I hope someday you'll learn to forgive too. I know it's hard but trust me forgiving will free you and make your heart go lighter.
At ang munting anghel na sinasabi ko, it's you, anak. Ikaw ang munting anghel na tinutukoy ko. Noong nalaman kong buntis ako. Nagkaroon muli ng kulay ang buhay ko, 'nak. Ginusto kong mabuhay muli at magbago para sa 'yo. Nakilala ko ang Diyos dahil sa 'yo. Kasi hiniling ko noon na kung totoo siya bigyan niya ako ng kahit isang magiging kasama ko sa buhay. Kahit isa lang na magmamahal sa akin ng totoo, at binigay ka Niya. Regalo ka sa akin ng Diyos, Vidalia.
Kaya gusting-gusto ko noon na marinig na sabihin mo ang buo mong pangalan kasi ako ang nagpangalan sa 'yo n'yan, anak.
I named you Hope Vidalia because you are my hope and life.
As much as I want to be with you, my sister won't let me. Pinapatay niya ako, anak. 3 months ka pa lang noon. At noong Lunes. A miracle happened, God let me live for just 6 days to be with you and to save you. I did everything to make you happy and for you to realize that life here on Earth is still worth living. That your life is precious and God still have a plan for you. So, please continue living. Hindi pa huli ang lahat para sa 'yo, anak. You can still create your own plot twist and live your life to the fullest. I hope and pray that you'll soon be healed from all of the traumas and pain you've gone through.
You are strong, worthy, and beautiful, anak. Keep that in mind.
Huwag kang magtaka kung nabago ang lahat ng nangyari. That happened para hindi ka na tanungin kung saan ka pumunta at kung sino ang kasama mo. Pero totoo ang lahat ng iyon, Vida. Sana huwag mong kalimutan lahat ng tinuro ko sa 'yo sa maikling pahanon nating pagsasama. Mahal na mahal na mahal kita, anak. Words aren't enough to describe how much I love you. Sobrang proud ako sa 'yo, anak. Mag-iingat ka ha? Mahal ka ni mama.
Until we meet again in God's perfect time.
Love,
Mama.
"M-Mama . . ." tanging sambit ko bago ako tuluyang napahagulgol. Niyakap ko ang papel, iniisip na siya iyon habang patuloy ang pagbagsak ng masasaganang luha ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak pero humihikbi pa rin ako nang buksan ko ang paperbag at doon nakita ko ang dalawang painting na ginawa ko sa Tagaytay at ang ginawa namin ni Mama sa Vigan. Naroon din 'yong panda at unicorn na stuff toy.
Napatingin ako sa paligid pero wala na roon si Sister Flora. Tulala akong naglakad pabalik sa sasakyan pero napatigil ako noong nakita ko si Papa na naghihintay sa akin sa labas ng sasakyan. Mas binilasan kong maglakad.
Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Ano'ng nangyari? Bakit ka umiiyak?"
"Papa, nasaan si Mama?" diretsong tanong ko sa kan'ya na ikinagulat niya. "Saan siya nakalibing, Papa?"
Tumitig siya ng ilang segundo sa akin bago nagpakawala nang malalim na hininga. "Let's go," pag-aaya ni Papa at sumakay na sa sasakyan. Sumunod agad ako dala pa rin ang paperbag.
"Pa-"
"Pupunta tayo sa mama mo."
Natahimik na ako at hinayaan na lang siyang magmaneho. Habang nasa biyahe ay patuloy pa rin ako sa paghikbi hanggang sa nakatulog ako.
Nagulat ako nang tumigil kami mismo kung saan kami unang pumunta ni Mama. Sa La Union at sa mismong dagat na ito kung saan kami ngayon nakatayo ni Papa.
"Cure . . ." sambit ni Papa sa pangalan ni Mama na puno ng pangungulila at pagmamahal. Napalunok si Papa bago siya huminga nang malalim. "I'm with our daughter now. She wants to see you . . ." aniya habang nakatingin sa dagat.
Tumingin si Papa sa akin. "Your Mom wants this since then. Gusto niyang ma-cremate siya 'pag namatay at itapon sa dagat ang abo niya dahil paborito niya ang dagat. I love your mom, Vidalia. But I accidentally impregnate Lucia that I was forced to marry her."
Napaawang ang labi ko nang tumugma ang kuwento noon sa akin ni Mama.
"Hindi ko na siya nakita mula noon. Nabalitaan ko na lang na namatay siya dahil sa car accident daw pero ang totoo pinapatay pala siya ni Lucia. Nalaman ko lang 'to noong nakaraang araw at sa bibig mismo ni Lucia iyon nanggaling. Kung hindi siya nalasing at hindi kami nagtalo, hindi ko pa iyon malalaman. I am so mad at her. Paano niya nakayang gawin iyon sa amin? Sa atin? Nalaman ko rin lahat ng kahayupang ginawa niya sa 'yo. Nagtapat ang mayor doma sa akin pagkatapos mismo ng pagtatalo namin ni Lucia." Napatiimbagang si Papa at malungkot na tumingin sa akin. "I am so sorry for not protecting you that time, Vida. I'm so sorry, anak." Pumatak ang mabibigat na luha mula sa mga mata ni Papa.
Sumikip ang dibdib ko. Sobra-sobrang pasakit at paghihirap ang pinagdaanan namin. Sana ito na ang huli. Sana makalaya na kami sa sakit at makapagsimula nang muli ng panibagong buhay, kung saan magaan na ang lahat.
"Nasaan na siya?" tanong ko tungkol kay Tita Lucia.
"She's now in jail."
Napatango ako.
"I'm so sorry sa lahat ng pagkukulang ko anak. I'm sorry if I didn't become a good father to you-" Hindi ko na pinatapos pa si Papa at agad ko siyang mahigpit na niyakap.
"Enough, Papa. Matagal na kitang pinatawad, and you're a good father to me, really."
Ramdam ko ang pagyakap niya sa akin. "Thank you. I love you, anak."
"I love you, too, Papa," sambit ko bago humarap sa dagat na marahan ang paghampas ng alon. Payapa ito gaya ng puso ko. Muli itong humampas at bahagyang naabot ng tubig ang talampakan ko. Napangiti ako nang maalala ko si Mama.
"I love you, too, Mama . . ." bulong ko.
20 years later
"And that's the most unexpected plot twist of my life." I smiled as I finished telling them my story about what happened to me in that one week before my supposed to be plan. Today's event is mental health awareness month and they invited me as a guest speaker in one of the schools here in Manila.
High school ang mga estudyante at alam kong karamihan sa kanila ay nakararanas ng kalungkutan, stress, anxiety, or depression na dapat talagang pagtuonan ng pansin at hindi dapat binabalewala. Ang iba ay naiyak sa kwento ko. Pero ako, sanay nang ikuwento 'to dahil simula pa noon ito na ang palagi kong ikinukuwento and I think that my story is a walking miracle because many people who suffered from depression came to me and thanked me for giving them a will to survive because of my story. And I just replied to them to thank God for saving them because God is the reason why I have that kind of story.
Well not the whole story, though. I didn't mention that what happened on those six days were real. Ang alam lang nila ay panaginip ko ito noong na-comatose ako. Kasi sino nga ba naman ang maniniwala sa akin kung sasabihin kong totoo ngang nangyari iyon. May maniniwala siguro gaya ni Papa pero hindi lahat. So, to be safe, sinabi ko na lang na panaginip iyon at naglakbay lang ang kaluluwa ko.
"It's up to you if you'll believe me. Pero sana isa-puso at isa-isip ninyo ang mga sinabi ko ngayong araw na ito." I looked at them one by one. "Take this as a reminder for you when you're feeling down. Don't forget to ask for help when time will come. And please, always choose to stay alive. You are braver when you choose to be alive despite of all your shortcomings and downfall in life. And always remember Him. Always pray to Him. Believe in Him," I said. "And you know, that's a reminder from my mom and that reminder of hers keeps me on going. And now look at me, who would have thought, right? The seventeen-year-old girl who planned but failed to end her life is now standing in front of you as Dr. Hope Vidalia Sanchez."
Nagpalakpakan ang lahat. Napangiti ako nang maalala si Mama. Kung nanonood man siya ngayon, alam kong proud at masaya siya para sa akin. "So, if I can. I believe you can and can do better than mine. Remember that, I will wait for all of you to come at my house when you are already successful and it's your turn to tell your story to me, too. And for my closing, it's okay to go for a therapy and to pray to God at the same time. Always pray to God. Prayer is powerful, always remember that. That's all and thank you for listening."
Naghiyawan at palakpakan ang lahat pagbaba ko ng stage. Nakangiti lang ako hanggang sa sinalubong ako ng principal at nagpasalamat sa pagpunta ko. I thanked her, too, for the opportunity to share my experience and to inspire the students. Nagpaalam na rin ako sa kan'ya kasi may pupuntahan pa kami ng pamilya ko. Pumayag naman siya kaya naglakad na ako patungo sa kung saan naghihintay ang mag-ama ko.
"How's my speech?" tanong ko pagkalapit ko.
"Mommy!" masayang yumakap sa akin si Luka. Yes, I named her Luka, hindi dahil loka-loka siya but to remember the name that I once called her Lola.
"Amazing as always," sagot ni Adiel, my husband, bago siya lumapit sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa ginawa niya.
"I still have that kind of effect on you, huh?" He chuckled.
Hinampas ko siya sa dibdib. "Manahimik ka."
"Mommy, tara na kila Grandma at Grandpa," pangungulit ng anak ko. Binuhat na siya ni Adiel. Sinamaan ko naman ng tingin si Adiel.
"Masasanay 'yan. She's seven na let her walk," sabi ko. Agad namang yumakap ang anak ko sa leeg ng ama niya para 'di siya ibaba nito.
"Ayaw niya, eh. Sundan na kasi natin para baby na ulit ang bubuhatin ko," tukso ng asawa ko. Napairap ako. "Ikaw kaya umire?"
"Mommy, I want a baby brother." Pagnguso naman no'ng isa.
"Ay tara na," I said dropping off the topic.
Natawa na lang iyong mag-ama ko bago sumunod sa akin. Nakaplano na kami ni Adiel at susundan lang namin si Luka 'pag nag-ten na siya. At saka masyado pa kaming busy ngayon ni Adiel sa kan'ya-kan'yang trabaho. He's an engineer while I am a psychiatrist. Pero kahit na gano'n sinisigurado pa rin naming binibigay namin ang sapat na oras at sobrang pagmamahal para kay Luka.
I've met Adiel when I was at my lowest. He was there for me and he never leave my side. He also supported me when I went for a therapy. Hanggang sa naging okay na ako kasama ko pa rin siya pati si Papa. And Mama was right, natutunan ko ring magpatawad at totoo ngang gagaan ang loob mo pagkatapos.
"Hello, Grandma and Grandpa!" pagbati ng anak ko nang makarating kami sa La Union sa dagat kung nasaan ang abo nila Mama at Papa. Papa died three years ago and he requested just like what mama requested to him when she died.
Tumingin ako sa dagat. Papalubog na ang araw. Napangiti ako nang maalala ang unang punta ko rito. Kung paano ako noon tinuruan ni Mama na lumangoy.
Ma, I am very happy now.
I look at my daughter and my husband. I smiled. Iniwan niyo man ako, Ma at Pa pero nag-iwan naman kayo ng magpapasaya pa rin sa akin. Tumingin ulit ako sa dagat.
Ma, just like what you said I choose to be alive and I will never regret that decision. Mama, Thank you. I love you.
I looked at the setting sun.
I never thought that, that one week could literally change my whole life and I'm not regretting it. I changed for the better, I became the best version of myself.
THE END
-vidacarryon-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top