Prologue
After four long years, it all ended in just a week.
I don't know what happened. I don't know how it happened.
Ginawa ko naman ang lahat. Binigay ko naman ang lahat.
Pero wala lang din. Natapos pa rin. Iniwan niya pa rin ako at pinagpalit.
"Mabel?"
Nabitin sa ere ang tasa ng kape na hawak ko. Boses pa lang kase, alam ko na. At nang tingnan ko para kumpirmahin, napaiwas siya, halatang guilty sa lahat ng nangyari.
"K-kumusta?" nakatingin lang siya sa mga kamay niyang abala niyang pinaglalaruan.
Bago ko pa ibuhos sa kaniya ang kape, pinigilan ko na ang kamay ko at huminga nang malalim. Dali-dali kong inayos ang mga gamit para makaalis na, may masamang espiritung nagpakita. Pero nakakaisang hakbang pa lang ako ay hinila na niya braso ko para pigilan.
"M-mabel, I'm sorry. I know that I could have done something para sana napigilan—" Magpapaliwanag sana siya pero napatigil nang tignan ko siya ng masama. Tinignan ko ang mga mata niyang malamlam at namumula, hindi mapakali at makatingin nang deretso.
"Tigilan mo na'ko, wala na dapat tayong pag-usapan pa." Hinila ko ang braso ko mula sa kaniya at lakad-takbong lumabas ng cafe.
Ramdam ko ang pag-iinit ng mga mata ko at ang pamumuo ng luha. Kaya bago pa tuluyang tumulo, pasimple ko nang tinanggal. Pero hindi pa rin ata nauubos kahit ilang buwan na akong umiyak. Kaya lalo ko pang binilisan ang paglalakad para hindi niya makita dahil ayaw ko nang magmukhang mahina.
Pero hindi rin ako pwedeng dumiretso sa opisina na ganito ang hitsura. Kaya dinala ako ng mga paa ko sa restroom. Pero pagkatapat ko pa lang sa kanto paliko roon ay napatigil ako nang maalala na naman ang tagpo nang huling beses akong nagpunta rito.
Unti-unting nabuo ang kanilang pigura na unti-unti ring dumurog ng puso ko.
***
"Mabel! Nasaan ka na ba? Bilisan mo at malapit na silang matapos kumain!" Siguradong namumula na ang mukha niya at baka may tumalsik pang laway.
"Sandali lang!"
"Nako! I'm sure na nagpapa-delay ka lang dahil ayaw mong mapatunayang nambabae 'tong jowa mo!"
Napabuntong hininga ako dahil tama siya. Ayaw ko mang maniwala pero kabaligtaran ang sinasabi ng instinct ko, kakaiba ang nararamdaman ko dahil parang may mali talaga. Kahit ilang beses ko pang i-assure ang sarili ko, wala pa rin.
"Nisha, pumayag na nga akong sumugod sa BGC dahil lang dito, hindi ba? Alam ko namang—"
"Alam mo namang hindi ka kayang lokohin ni Luigi dahil nangako siya sa'yo? Sus! Di porket nangako ibig sabihin tutuparin! Kaya bilisan mo na at pumunta ka na rito!"
Hindi kaya pinagtitinginan na 'to ng mga tao ngayon? Ang lakas ng boses niya! Baka marinig pa siya nung mga minamatsagan niya. Yawa! Ako ang nahihiya at kinakabahan para sa kaniya.
"S-sandali lang...naiihi ako." Pinatay ko na kaagad ang tawag dahil alam kong sasabihin na naman niyang sadya kong binabagalan at di naman talaga ako naiihi. At alam kong tama siya, iyon ang totoo. At sa ganitong sitwasyon, ang katotohanan ang siyang kinakatakutan ko.
Pero totoo namang naiihi ako, naiihi na ako sa kaba. Kaya naman nang makita ko ang restroom ay pumasok na kaagad ako. Buti na lang at konti lang ang tao, hindi ko na kailangang pumila. Dumiretso na ako sa pinakadulong cubicle at huminga ng malalim, kinondisyon ang sarili.
Nilakasan ko ang kapit sa gusto kong paniwalaan, nilakasan ko ang kapit at tiwala kay Luigi kaya binalikan ko ang masasayang ala-ala kasama siya. Nagdasal na rin ako na sana mali ang kutob ko at mali ang hinala ni Nisha. Dahil hangga't hindi nakikita ng dalawa kong mata, hindi ako maniniwala, kahit pa iba na ang pakiramdam ko. Idagdag pa ang panlalamig ni Luigi sa mga nagdaang buwan. Pero hindi. Erase! Erase!
Hindi ka kayang lokohin ni Luigi, Mabel. Hindi siya ganoong klaseng tao! Okay? Okay!
"So ano? Maginoo siya pero malandi, ganon?"
Narinig ko na naman ang boses ni Nisha kaya napailing-iling na lang ako para alisin iyon. It's not the right time for negativity!
Huminga ako nang malalim at nilakasan ang loob ko. At nang papalabas na ako ay narinig kong sinara ang pinto ng restroom at ni-lock. Pagkatapos ay may narinig na lang ako ng sandaling hagikgik bago nakarinig ng tunog ng paglalapat ng mga labi!
Nanlaki ang mga mata ko nang nakarinig pa ako ng ungol! Yawa! Naipit pa talaga ako sa ganitong sitwasyon, ano ba 'yan! Paano ako lalabas nito nang hindi nakakaistorbo?
"L-luigi..." ungol nung babae na pamilyar ang boses.
Saan ko nga ba narinig ang boses na—kayasa! Yung malandi! Tsaka anong sabi niya? Luigi?
Puta? Puta!
Nilagay ko ang kamay sa bibig para pigilan ang pagsigaw dahil sa naisip. Nanikip ang dibdib ko at bumigat ang pakiramdam. Nag-init ang buong mukha at nanlabo ang mga mata dahil sa namuong luha.
Hindi. Baka ibang Luigi 'yon. Marami namang Luigi sa mundo! Pero ilang Luigi ba ang kilala ng babaeng 'yon? Teka, baka hindi rin naman siya 'yon at kaboses lang niya?
Ayaw kong tignan. Ayaw kong buksan ang pinto ng cubicle dahil nakaramdam ako ng takot. Pero nanalo ang curiosity ko at tila nagkaroon ng sariling isip ang kamay ko. Dahan-dahan kong tinanggal sa pagkaka-lock ang pinto at binuksan ito ng konti.
Nang tumingin ako sa salamin, ang puso ko pa ang nabasag sa nakitang repleksyon.
Nakaupo ang babae sa sink kaya ang likod lang niya ang nakikita ko. Habang ang lalaki sa harap nito ay nilalasap ang kaniyang leeg, gustong mang-iwan ng marka. Kahit pamilyar ang likod, pilit ko pa ring inaalis sa isipang si Alisson 'yon. Pero naisara ko na lang bigla ang pinto nang tumayo ng tuwid ang lalaki.
Narinig kong napatigil din sila sandali. Sa pag-aakalang titignan pa nila ang bawat cubicle, ni-lock ko ang pinto at nag-flush ng bowl—kung pwede lang sanang pati ako ma-flush na rin makaalis lang dito!
"Shit." bulong nung lalaki.
Ang sunod na narinig ko ay ang pagbukas at sara ng pinto. Iyon ang kinuha kong hudyat para ilabas ang mga luha ko at humikbi nang napakalakas. At lalo pa 'tong lumakas nang maalala ko na naman ang nakita ko sa repleksyon ng salamin nang tumayo ang lalaki. At kahit ilang segundo ko lang nakita, alam kong si Luigi iyon! At nakumpirma ko lang na hindi lang ako nag-ilusyon nang narinig ko siyang nagmura kanina.
Napaupo na lang ako sa toilet bowl dahil sa panghihina ng tuhod ko, hindi ko kayang tumayo. Parang lahat ng energy ko sa katawan ay nawala, parang hindi ako kumain ng ilang buwan. Tapos ang isip ko ay gulong gulo, kahit nakita ko na parang ayaw ko pa rin maniwala. Hindi ako makapaniwala!
"H-hindi..."
Sabi ko kanina maniniwala lang ako pag nakita na mismo ng dalawa kong mata. Ngunit bakit ngayon di ko matanggap? Hindi ako makapaniwala. Ayaw kong maniwala! Sana ay masamang panaginip lang 'to. Sana hindi ito totoo.
Pero ito ang realidad. Totoo ang nakita ko.
Kaya ano'ng gagawin ko? Paano ko matatapos 'to?
"L-luigi...b-bakit? Bakit mo 'to nagawa sa akin?" Ang kaninang tahimik na lugar ay napuno ng aking hikbi, puno ng sakit at hinagpis. Kasabay non ay ang panalanging maayos pa ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top