Luigi Vasquez

To be honest, I don't understand myself anymore. Minsan, pakiramdam ko masyadong mabilis ang lahat, masyadong nagbago ang lahat. Pansin ko rin ang mga pagbabago sa sarili ko. Hindi ko pansin noong una pero pag iniisip ko ang nakaraan, napapaisip na lang ako kung gusto ko ba ang pagbabagong ito o hindi.

Napabuntonghininga na lang ako habang tinitignan ang drawings and paintings ko noon. Before, I was so passionate in arts. Nag-invest ako sa maraming materials na mahal. Noong bata ako, lagi akong nagpapabili, at noong natuto naman akong mag-ipon, nagtatabi ako ng pera pambili.

But now, I just can't see myself holding a pencil, drawing different dots, lines, and shapes on paper. All of a sudden, I lost my interest in arts and completely abandoned my passion when I was little. Now, everytime I try to glide my paintbrush on canvas, the colors don't blend well. It's like I forgot how to do it—no, I can't feel my heart for it. Because Mabel would always say that they're beautiful, but I can't see the beauty in my works anymore. I can't see the beauty of arts anymore.

Umiling-iling na lang ako at niligpit ang mga nakalkal kong artworks dito sa imabakan ng mga lumang gamit. Hindi naman ito ang pinunta ko rito kundi ang mga libro ko noong college. Balak ko silang ibenta, hindi ko rin naman nasulatan at masyadong nagamit, lalo na ang mga first year books ko dahil hindi naman ako nag-aral ng matino noon.

Medyo magastos kase ngayon dahil madalas magkasakit si Chella. Tapos nasira pa yung sasakyan ko, 'yung luma kase ang ginagamit ko ngayon since binigay ko kay Mabel yung bago para may magamit siya. Tapos ang mahal pa ng mga bayarin lalo na ang maintenance ng condo. Ayaw ko naman kasing galawin masyado ang laman ng bank account ko, baka sa future mas kailanganin namin tapos wala na. Kaya pa naman ng sweldo ko at ng mga ibebenta kong libro.

Ibebenta...

Napabalik ang tingin ko sa mga painting ko at sinuri ang mga 'yon. Nasa tamang kalagayan pa naman silang lahat. Kung ibenta ko rin kaya ang mga 'to? Napangiti ako at napatango-tango, nilabas ko ulit ang iba at tsaka nilagay sila sa gilid. Tapos ay tinuloy ko na ang paghahanap ko sa mga libro ko noon na mahal din naman.

Ang kaso, ang hirap palang ibenta ng mga 'to. Palagi tuloy akong stressed nitong mga nagdaang araw.

"Kumusta, pre?" Lumapit sa akin si Venn, may dalang tsaa.

"Eto, naghahanap pa rin ng mga art stores na mapagbebentahan nitong paintings." Hindi ko na siya natapunan ng tingin man lang dahil tutok ako sa paghahanap ng stores at pagcocompute ng budget.

"Bakit kase hindi mo na lang ibenta online? Uso na kaya iyon ngayon," suggestion naman ni Meraki.

"Edi nalaman ni Mabel? Ayaw kong mag-alala siya."

Partly, ayaw ko rin talaga siyang mag-alala at isiping wala na akong pera dahil that's not the case naman. Pero sa totoo lang, ayaw ko lang din sumbatan niya ako at sabihing pinigilan na niya akong bilhin noon si Chella dahil nga magastos pero mapilit ako. Hindi kakayanin ng pride ko 'yon, lalo na kung maglabas pa siya ng pera para sa akin.

"Bakit mo pa kase iniisip ang sasabihin niya? Tsk! Masyado mo kaseng mahal 'yang jowa mo."

Napaangat ako ng tingin kay Rom at sinamaan siya ng tingin. Inirapan niya lang ako at umiling-iling bago umalis. Kaya nalipat kay Venn ang tingin ko at nakita ko siyang sinundan ng masamang tingin si Rom. Nang napansin niyang nakatingin ako, napaubo siya at nanlaki ang mga mata. Dali-dali niyang iniwas sa akin ang mga mata niya at uminom ng tsaa.

Napailing na lang ako at binalik ang tingin sa laptop. Pero kahit anong gawin ko, hindi na talaga nawala sa isip ko...

May gusto pa rin siya kay Mabel.

Kaya sa mga nagdaang araw mas naging iritable ako. Madalas akong magsungit, lalo na kay Mabel. Nagiguilty tuloy ako dahil alam kong wala naman siyang ginagawang masama pero madalas akong wala sa mood pag kasama ko siya. Pati nga si Chella minsan nasusungitan ko na rin at nasisigawan pag maingay siya.

Ewan ko ba? Kahit i-remind ko ang sarili kong kumalma lang, huminga ng malalim pag naiinis, hindi ko mapigilang magsungit. Pag masama ang timpla ko, matabang talaga ako.

"Luigi?! Tangina nasaan ka na? Sunduin mo na nga 'tong aso mo!" Init agad ng ulo ang sinalubong sa akin ni Rom pagkasagot ko ng tawag niya.

Kaya pati ako, nainis na rin. "Putangina sandali lang!" Pinatay ko na agad ang tawag at huminga ng malalim bago ako tuluyang mag-snap.

Pumikit muna ako at pinakalma ang sarili bago nag-isip kung paano ko masusundo si Chella. Sigurado, galit na rin ngayon si Rom dahil may lakad nga pala siya na nakalimutan ko. Pero hindi naman ako makaalis dahil inaayos ko pa ang structural plan nitong project namin. Tanginang architect naman kase, bakit ginagawang komplikado ang lahat?

Tangina anong gagawin ko?

Nasapo ko ang ulo ko at sa ganoong posisyon ako nag-isip. Dahil siguradong hindi ako aabot dahil hindi pa tapos ito. Paano kaya?

Si Mabel!

Akala ko mababawasan ang bigat na nararamdaman ko dahil naisipan ko na ng paraan ang pagsundo kay Chella. Kaso parang lalo lang sumama ang araw ko dahil kay Mabel. Susunduin lang naman kase, parang ayaw pa! Ang arkastiko pa talaga!

At akala ko na naman, malala na 'yon. Pero mas may matindi pa pala, may mas lalala pa pala! Tangina!

Simula nang namatay si Chella, tuluyan na akong nakaramdam ng gap kay Mabel. Hindi ko maiwasang isisi sa kaniya ang nangyari sa aso ko. Hindi ko maiwasang isipin na kung hindi lang siya nagpabaya, buhay pa sana ngayon ang aso ko.

Pero nang kumalma ako, doon ko rin napagtanto na hindi niya rin ginusto ang nangyari. Though minsan hindi ko maiwasang isipin na baka hindi rin naman ganoon kahalaga si Chella para sa kaniya. Kaya naman pag nare-realize kong napakasama ng naiiisip ko sa kaniya, hindi ko maiwasang ma-guilty at mailang pag kasama siya.

"Tangina, pre, tama ba 'yong ginawa ko?" Gulong gulo ako habang kainuman ang tropa.

"Tama lang naman. Eh kung ayaw mo sa presensiya niya, edi paalisin mo." Nagkibit balikat lang si Rom bago tumagay.

"Normal lang 'yan, pare. Minsan, nakakasawa rin talaga kaya tama lang na pinauwi mo si Mabel." Tumango-tango naman si Meraki.

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang narinig ang sinabi ng mga kaibigan ko. Dahil iyon ang nararamdaman ko, parang nakaramdam rin ako ng inis dahil sa mga sinabi nila. Parang bang wala lang si Mabel. Kaya si Venn ang tiningnan ko, tinaasan ko siya ng kilay nang nahuli kong nakatingin din siya sa akin.

"Don't you think it's unfair for Mabel? Wala siyang ginawang masama, pero parang ganoon ang labas dahil sa inaakto mo. Bakit ba gano'n, Luigi?"

Because in my mind, I antagonized her. I felt resentment. But then, like a pulled rubber, it hits me hard whenever the thought of me being unfair to her slaps me.

Sinubukan kong bumalik sa dati, pinilit ko naman. Sumama ako sa kaniya sa Cebu at nakisama sa pamilya niya. Akala ko umayos na ulit ang lahat, akala ko nagtagumpay na ako. Dahil kaya ko na ulit lumapit sa kaniya, yakapin siya, and I can say I love you to her again.

But just like a yoyo, I was pulled away when I tried to get closer to her.

"Yo! Naaalala mo pa ba 'to, Luigi?"

Nakasalubong ko na lang sa office si Rom na may kasamang babae. Nang tingnan ko naman 'yon, it took me few moments to recognize her since some changes happened! But it's definitely her!

"Aly!" Naturo ko siya at napalaki ang ngiti ko sa excitement dahil simula noong graduation, hindi ko na siya nakita.

"I thought you forgot me already." Humagikgik siya at pinalo pa ako sa braso kaya nakitawa na rin ako.

Noong lunch, we catched up kasama rin yung dalawa. Naging maayos naman at parang noon na lang ulit ako nakatawa pagkatapos ng ilang buwan. Hindi ko alam, but Aly has a light aura and fun personality that made me feel happy for a moment.

Contrary to that, it feels heavy whenever I am with Mabel. That's why I can't help but to compare the both of them. And I felt bad nang naisip kong mas masaya talaga ako pag kasama si Alisson. Parang breath of fresh air, ba?

Kaya naman kahit sa mismong birthday ko, hindi ko feel makasama si Mabel. Na-guilty ako at some point. Pero nang naramdaman kong masaya kami nang gabing 'yon, lalo na at kasama si Alisson, naging okay din ang lahat. Mas okay lang din sana kung hindi kami nahuli.

Pagkatapos noon, naging maayos din naman ang lahat—minsan. Pero madalas, hindi talaga, eh. Nakakainis kase si Mabel, ang hilig niyang makielam. Pero nakakainis din naman ako, hindi ko kase alam pero gusto ko siyang iwasan at mas gusto ko pang kasama ang mga kaibigan ko kaysa sa kaniya.

"Nakakainis! Nasabi ko pa tuloy na nag-iisip ako ng surprise para sa kaniya!" Napahilamos na lang ako dahil ngayon, iniisip ko kung paano ko magagawa ang surprise na 'yon!

"Edi huwag mo na lang gawin," pandedemonyo ni Rom.

"Sabihin mo nawala sa isip mo, magaling ka namang magsinungaling." Tumango-tango pa si Meraki kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Napahinga na lang ako ng malalim dahil hindi helpful ang mga pesteng 'to. Napayuko ako at minasahe ang ulo ko. Tangina, inii-stress na naman ako ni Mabel.

"I can prepare the suprise for her." Napatingin kaming lahat kay Venn nang sabihin niya 'yon. "All you have to do is show up. Ako na ang bahala sa lahat."

Napatango na lang ako, pumayag dahil wala na akong maisip. Ayaw ko na ring mag-isip pa. Nakakapagod!

"Sa wakas! Natapos din ang lecheng tower!" Napasandal na kaming lahat, nakaramdam ng satisfaction dahil successful ang project.

"Tara, celebrate!" Tumayo kaagad kaming lahat.

Nagpunta kami sa isang malapit na bar para sa celebration. At siyempre, kaming magkakaibigan ang magkakasama lalo na at naging maayos na ulit kami ni Venn.

Inom lang ako nang inom, hindi na inisip ang kung ano pa. Tapos, itong si Alisson ay kinukwentuhan pa ako at lapit nang lapit sa akin.

Hindi ako manhid, ramdam kong gusto niya ako dati pa. At mas lalong hindi talaga ako manhid dahil ramdam ko ang init sa bawat hawak niya at ang pagdikit ng dibdib niya sa braso ko. Kaya tinignan ko siya at babawalan sana kaso pagkaharap ko, sa labi niya kaagad tumama ang mga mata ko.

Tangina, mukhang masarap.

At hindi ko na nga napigilan ang sarili ko at hinalikan siya. But the night did not end there, it got deeper and we did something beyond kissing. At first I felt guilt and blamed the alcohol for what happened that night. Iniwasan ko si Alisson, kaya naman nagalit sa akin si Rom.

"Ano naman 'yon, Luigi? Ano? Pinaasa mo lang ang pinsan ko?" Kung hindi lang siya hawak ni Meraki at Venn, kanina pa niya ako nasugod at nasuntok.

"Are you nuts, Rom? I have a girlfriend!" Bwelta ko dahil parang bang dapat kong panagutan ang nangyari sa gabing 'yon.

"Girlfriend? Talaga ba, Luigi? Kung nasa isip mo talaga si Mabel, hindi sana nangyari 'yon!" Nakalapit siya sa akin nang lumuwag ang hawak ni Venn. Kinwelyuhan niya ako, napakahigpit kaya halos hindi na ako makahinga. "Admit it, Luigi. You loved the feeling! You felt satisfaction!"

Bukod sa ngisi niya noon, tumatak din sa akin ang mga salitang binitawan niya. Idagdag pa na hindi na ako nilayuan pa ni Alisson. Hanggang sa nahulog na talaga ako at gumawa ng isang desisyon na minsan pinag-iisipan ko pa rin, nagdadalawang isip.

Pero habang patagal nang patagal, pakiramdam ko ay tama lang. Dahil hinahanap-hanap ko siya, ang pakiramdam na kasama si Alisson.

Love, lust, excitement, and thrill.

Habang tumatagal, nagiging desidido akong hiwalayan na si Mabel. Pero pag naman sasabihin ko na, hindi ko magawa. Hindi ko siya mabitawan sa hindi malamang dahilan. Hindi ko alam kung awa ba o ano. Dahil sinubukan ko nang makipaghiwalay ng personal, sa call, sa text. Lahat ng iyon ay hinid matagumpay.

Hanggang sa napunta kami sa isang usapan, sa isang linggo ay bibigyan ko siya ng pagkakataong ibalik ang dati. Sa totoo lang, ayaw ko na talagang patagalin. Gusto ko nang makipaghiwalay nung gabing 'yon. Pero hindi ko alam at pumayag pa ako.

"But I'm...pregnant, Luigi."

Parang biglang dumilim ang buong paligid nang sabihin 'yon ni Aly. Wala na akong ibang naisip pa kung hindi ang kinabukasan. Because for the first time in months, I thought about what would happen in the future. Ngayon na lang ulit ako nag-alala para sa future, ngayon ko na lang siya ulit naisip. Dahil I was living in the present so much, hindi ko na na-consider pa iyon at basta na lang akong gumalaw ayon sa kung ano ang gusto ko.

"Don't worry, I'll break up with her after this week. Just this week, babe. Just this week," I assured.

Noong una, ganoon talaga ang plano ko. Pero habang tumatagal, parang gusto ko na ring isalba ang relasyon namin ni Mabel. I felt the longing, gusto ko na ulit bumalik sa dati ang lahat. Pero hindi talaga, eh. Wala na talaga.

"You'll stay here in Cebu, you'll work in our company!" Marahas akong napaangat ng tingin kay dad para tumutol pero napayuko ulit ako nang nakita kung gaano kasama ang tingin niya.

"But—"

"No more buts! If you want that girl to stay here, IN MY HOUSE, you'll also stay! Kailangan ko kayong bantayang mga makasalanan kayo!" Tinalikuran kami ni dad at mabibigat ang mga paang lumabas ng office niya sa bahay.

Napatingin ako kay Aly at hinawakan kaagad ang kamay niya. Nginitian ko siya nang tingnan niya ako. Kailangan ko siyang bigyan ng lakas dahil pinalayas siya ng lolo niya nang nalaman ang nangyari. Mabuti na lang at pumayag si dad na hayaan siyang manatili rito.

Pero habang patagal nang patagal, pawala nang pawala ang nararamdaman namin noong una. The love, lust, excitement, and thrill. Ang bilis, pawala nang pawala ang nararamdaman namin sa isa't isa.

"Ang kalat naman, Alisson! Hindi ba, ang sabi ko itapon mo sa basurahan ang diaper? Bakit nakakalat na naman dito?" Pinulot ko kaagad ang diaper dahil ang panghi sa loob ng kuwarto.

Pumasok naman si Alisson, buhat-buhat ang anak namin. Masama na naman ang tingin niya sa akin. "Didn't I told you to just get a yaya?! Bakit ba kase kailangan ako ang mag-alaga?" Dahil sa pagsigaw niya, naiyak ang baby namin.

Kaya mabilis kong kinuha si Luiseth sa kaniya para patahanin. Habang siya naman ay padabog na lumabas ng kuwarto. Napailing-iling na lang ako dahil parang hindi talaga siya nanay kung umakto. Parang pa rin siya katulad ng dati, spoiled at maarte! Akala ko pa naman magbabago siya pag lumabas na ang baby namin, kaso mali ako.

Kaya nang nakatulog na ulit ang anak ko, nilapag ko na siya sa crib niya at lumabas para kausapin si Alisson. Kaso natagpuan ko na lang siya sa kuwarto namin, nag-eempake!

"T-teka! Ano namang ginagawa mo? Bakit ka nag-eempake?" Pigil ko sa kaniya. Pero tinulak niya lang ako at tinuloy ang paglalagay ng mga damit niya sa maleta.

"I told you, Luigi! I'm not ready to be a mom! Hindi ko kaya! Pero mapilit ka at ayaw mong kumuha ng yaya to take care of Luiseth!" Pulang pula ang buong mukha niya, gulo-gulo ang buhok niyang bumalik sa pagkakakulot.

"Pero sinabi ko na ring mas magandang hands on tayo sa kaniya, right? Aly, she's our first born. Nasa adjusting ka pa kaya ganyan." Pinapanatili kong mahinahon ang boses ko dahil ayaw ko siyang sigawan, baka magising na naman si baby at mahirap pa naman siyang patulugin.

"No! I don't like it! Kaya aalis na lang ako!"

"So you will leave us?! Iiwan mo si Luiseth?!" Hindi ko na napigilan pa dahil grabe na talaga siya.

"Yes! I'll let you be the best father in the world while I...I will reach my dream that was halted because of that child!"

Hindi ko na napigilan pa ang kamay ko at nasampal siya. Kumulo ang dugo at tumaas ang galit ko. Kaya para pigilang makapagsalita ako ng masasama, pinilit kong sinara ang bibig ko kaya naramdam kong umigting ang panga ko.

"Leave."

"I will!"

"LEAVE!" Kinuha ko ang bag niya at hinila ang braso niya. Kinaladkad ko siya pababa at pinalayas siya sa pamamahay namin. Kahit pa nakatingin sa amin ang mga kasambahay at pinipigilan ako ni mom, hindi ko sila pinansin. Ang gusto ko lang sa mga oras na 'yon ay mawala sa harap ko si Alisson.

Nang nasara ko na ang pinto ng bahay, unti-unti akong nanghina at napaupo ako sa sahig. Sinubukan akong daluhan ni mama pero winaksi ko ang mga kamay niya at pinalayo siya. Ayaw ko muna siyang intindihin.

Doon, umiyak lang ako na parang bata habang nakapatong sa tuhod ang ulo ko. Niyakap ko ang nakatupi kong binti at doon ako humagulgol. Doon pumasok sa isip ko ang lahat ng mga kasalanang ginawa ko. Ang mga pagkakamaling ginawa ko at bumalik sa akin ngayon ang karma.

In retrospect, I did not expect myself to turn out like this. I did not see this coming. I just suddenly found myself in this situation. There were moments that I felt I want to get out, to get back on who I was and where I was. Who I was with. But then, I just realized, there's no turning back. What's done is already done, no matter how I want to change it.

If I just can go back and redo everything, I would do the right thing. Because, Mabel and I may not be for each other, but our relationship could have ended in a better way.

And I hope...she'll be able to forgive me because I truly regret what I did. I feel so sorry.

Nang tumunog na ang elevator, napatayo ako ng tuwid at naghanda sa pagbukas pinto. Pero napahinto ako sa paglabas nang pamilyar sa akin ang papasok doon. At nakumpirma kong kakilala ko nga siya nang napatigil din siya at nalaglag pa ang panga.

"Carl?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top