Epilogue

Nagsimula sa paunti-unting pagtulo ng luha nang naalala ko na naman ang lahat. At hindi ko na naisip ang mga tao sa piligid nang tuluyan na akong umiyak sa tapat ng restroom. Napakapit na lang ako sa pader at nakayukong naglakad paalis doon. Dahil maling nagpunta pa ako rito, parang binuksan ko lang ang mga sugat ko.

"Mabel." Mabilis siyang lumapit sa akin at inalalayan ako.

Pero tinanggal ko ang mga kamay niyang nakahawak sa magkabila kong braso at lumayo. Nanghihina ko siyang tinignan bago ako tumuloy sa paglalakad. At kahit ramdam kong nakasunod pa rin siya sa akin, hindi ko na lang siya pinansin dahil wala na akong lakas pa para makipag-argumento.

Pero nang nasa tapat na ako ng kotse ko at nakasunod pa rin siya, hindi ko na napigilang harapin siya at pagalitan.

"Ano bang kailangan mo? Bakit hanggang dito kailangan mo akong sundan?" Pilit kong tinapangan ang boses ko para masindak siya at tigilan na niya ako.

"I just..." Kinagat niya ang ibaba niyang labi at napayuko. Huminga siya ng malalim bago niya ulit ako tinignan. "I just want to make sure that you're...safe. I was worried kase wala ka sa sarili mo habang naglalakad kanina."

Napatulala ako sa mga mata niya na puno ng sinseridad at sa binigay niyang maliit na ngiti. Bumalik lang ako sa kasalukuyan nang iwagayway niya ang isang kamay sa tapat ko.

Napaubo ako at nilayo ang tingin. Hindi na dapat ako magpauto pa sa mga paganito niya. Nakakatrauma na, lalo na at magkaibigan sila. Hindi na ako pwedeng mapaniwala pa ng mga kasinungalingan at pagmamanipula nila.

"Look, Venn...I don't need it. I don't need you." Dineretso ko na siya. Pero nakaramdama ako ng guilt nang nakita kong nasaktan siya sa sinabi ko. Kaya kinailangan ko pang paalalahanin ulit ang sarili kong maging maingat, lalo na sa kanila.

"I understand, Mabel. I'm sorry." Napayuko ulit siya.

"I hope our paths won't ever cross again." Tinignan ko muna siya ng ilang sandali bago ako tumalikod at pumasok na sa sasakyan ko.

Nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin, at nang napansin niyang nakatingin din ako ay binigyan niya ulit ako ng tipid na ngiti at kumaway. Iniwas ko na lang ang tingin ko at binuksan na ang makina.

Habang nagda-drive ako, isang malaking effort na ituon ang pansin ko sa daan dahil lagi lang bumabalik sa nakaraan ang isipan ko. Pilit pumapasok sa isipan ko kahit ilang beses kong itulak palayo—nagpapansin, nagpapaalala.

Kaya nang hindi ko na kinaya, naghanap ako ng mapaparkingan at tinabi doon ang sasakyan. Nang nakapag-park ako, sinubsob ko ang mukha ko sa manibela at doon ko na nilabas ng hagulgol kong kanina ko pa pinipigilan.

Oo, tatlong buwan na rin ang lumipas. Marami-rami na rin ang nagbago, kasama na ako doon. Pero hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit parang na-stuck ako rito, nasasaktan, umiiyak, nagngingitngit, nanghihinayang.

Pero siguro progress na rin na nakakalabas na ako ngayon at nakabalik na sa trabaho. Dahil dati, pagkatapos ng break up, halos maghapon na akong nagkulong sa kuwarto at walang ibang ginawa kung hindi umiyak.

Akala ko kase kaya ko na, eh. Hindi ko alam na kahit ano pa lang galit ko, iisipin at manghihinayang pa rin ako sa relasyong pinagsamahan namin. Nakakainis na nga, eh. Naiinis na ako sa sarili ko dahil hindi ako lubusang makaahon sa kalungkutan.

At nang hindi ko na talaga kaya ang sakit at ang mga thoughts na pumapasok sa isip ko, kinuha ko na ang cellphone ko at binuksan ko ang notes. Doon, binasa ko ang mga notes na nakuha ko sa counseling. Palagi ko 'tong binabasa pag nagkakaroon ako ng ganitong thoughts, pag bumabalik ang mga ala-ala ko sa nakaraan.

Binasa ko ang number 1: Don't think of an ended relationship as a failure, think of it as an opportunity to learn and grow.

Tumango-tango ako at pumikit para mag-ponder and reflect sa nabasa ko.

Okay, Mabel, your relationship with Luigi did not end well. Pero bukod doon, natutunan mong hayaan ang tadhana. Natutunan mong hindi sa lahat ng pagkakataon, nakukuha mo ang gusto mo, kahit ano pang pagpupursiging gawin mo.

You learned that letting go doesn't mean you lost. You just removed weights that kept you from winning.

Looking back, you were so obsessed in keeping him with you. Hinayaan mong ibaba mo ang sarili mo—sobrang baba para sa isang taong kagaya niya.

Oo, maganda ang magmahal, pero dapat mo ring tandaan na mahalin at paalagahan mo ang sarili mo. Dahil si Luigi, hindi siya ang huli, hindi ang bukod tangi. Pero ang sarili mo, nag-iisa lang 'yan, hindi ka pwedeng humanap ng panibagong buhay sa ibang katauhan.

Thus, you realized that sometimes, it's not bad to put yourself first. It's not selfishness to think for your own sake, it's self-love.

Mabel, you've grown so much in the past months. And you'll grow even more in the coming days.

With enough time you spent, you learned how to let go. But I hope that you will soon move on and love once again, in time.


THE END.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top