Chapter 9

"I promise, Mabel. I won't hurt you. I'm not going to be like your dad, I promise."

Iyon ang pangako mo nung naging tayo. Iyon ang pangako mo sa bawat hindi pagkakaintindihan. Iyon ang pangako mo tuwing birthday ko, birthday mo, anniversary natin, Valentine's Day, pasko, at bagong taon.

"Hindi ako tutulad sa papa mo."

"I'm not gonna cheat on you, I promise."

"I know you loathe cheating so I won't do it."

"Gihigugma tika, Mabel. Dili ko mag-cheat nimo."

Nasaan na ang pangako mo ngayon? Nakalimutan mo ba? Nawala ba sa isip mo? Kaya mo ba ako nagawang saktan? Lokohin? Pagtaksilan? Kailangan ba pinaalala ko sa'yo araw-araw para hindi mo nakalimutan? Ako ba yung nagkulang?

"Oh, oh, umiiyak ka naman!" Nag-rush papunta sa akin si Mimi habang dala ang tissue. Iniwan niya ang pagliligpit ng mga pinagkainan namin at dinaluhan na naman ako dahil hindi na naman natigil ang pag-iyak ko.

Si Nisha naman ay umalis para bumili ng maraming snacks at alak para sa movie marathon namin mamaya. Madalas namin 'tong gawin bilang bonding pero hindi ako naglalasing—sila lang—dahil minsan nang nagalit non si Luigi. Pero mamaya, magpapakalasing ako dahil sa kaniya! Para man lang makalimot ako kahit sandali, at para na rin makatulog dahil feeling ko buong magdamag magre-replay yung nangyari kanina kung hindi.

"Matulog ka muna kaya? Tara sa kwarto, magpahinga ka muna." Tumayo si Mimi at kinuha ang kamay ko para sana itayo.

"A-ayoko, mas maiiyak lang ako pag m-mag-isa ako doon, eh." Umiling ako at binawa ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Tinaas ko ang mga paa ko sa sofa at niyakap ang mga 'yon, doon ko pinatong ang ulo ko at tinuloy ang pag-iyak.

Ang hirap tumahan lalo na at wala na akong ibang naisip kung hindi yung nakita ko kanina at ang lahat ng pinagsamahan namin na lumagpas na ng apat na taon. Parang movie na bigla na lang nagpe-play sa utak ko, nakapikit man o nakamulat ang mga mata ko. Pilit ko mang libangin ang sarili at iba ang isipin, bumabalik at bumabalik talaga kay Luigi, eh!

"Sige, diyan ka muna habang nililigpit ko yung kusina. Pero pagkatapos ko do'n, akyat na tayo sa kwarto, ah?"

Tumango na lang ako habang nakayuko pa rin sa tuhod ko. Pagkaalis niya ay tahimik na akong umiyak para hindi ko siya maistorbo. Ang laking abala na nga nitong estado ko ngayon, ayaw ko nang pahirapan pa ang mga kaibigan ko. Laking pasasalamat ko nga at nandiyan sila para sa akin ngayong kailangan na kailangan ko sila.

Dati kasi ay si Luigi ang lagi kong karamay sa lahat ng problema, lalo na nung pareho kaming lumipat dito sa Metro Manila at nalayo kami sa mga pamilya namin.

Lalo na nung umpisa at hirap na hirap akong mamuhay mag-isa, lagi siyang nandiyan para tulungan ako. Pag may financial problem ako o kaya naman ang pamilya ko sa Cebu, nandiyan siya para pahiramin ako ng pera. Nung may problema ako sa trabaho at palagi akong pagod, nandiyan siya para pagaanin ang loob ko at pawiin ang pagod ko.

Pero ngayong siya na ang problema ko, ang hirap palang maghanap ng taong masasandalan kung wala akong mga kaibigan. Kung hindi ko lang sila nakilala, siguradong hindi ko alam kung ano ang gagawin ngayon. Baka nga tulala lang akong nagpalaboy-laboy sa daan kanina o kaya nagkulong na lang sa CR kung wala si Nisha.

Kase wala naman akong pamilya rito bukod sa kanila, eh. At sa tingin ko mahihirapan din akong sabihin 'to kina Kuya Mikel dahil ang laki rin ng tiwala nila kay Luigi—kagaya ko. Hindi ko alam kung paano ko ibubulgar sa kanila. Ni hindi ko man alam kung kaya kong sabihin 'to sa kanila.

Kase mismong ako hindi ko matanggap—ayaw kong tanggapin! Ayaw kong matapos na lang ng ganito ang apat na taon. Ayaw kong masayang ang lahat ng mga paghihirap umabot lang kami sa puntong 'to.

Naniniwala ako, masasalba ko pa 'to. Hindi ko hahayaang masira lang ng kung sino ang relasyon namin. Dahil sinigurado kong matibay 'to, eh. At sinigurado ko rin kay Luigi at sa sarili ko na kakapit ako sa kanya, na hindi ako bibitaw agad-agad. Dahil kung may natutunan man ako nung bata ako, 'yon ay ang ipaglaban ang mga importanteng tao sa buhay ko.

Kaya hindi. Hindi ako bibitaw at susuko ng ganon-ganon lang.

Sa mga nagdaang minuto ay nag-isip lang ako kung ano ang gagawin. Dahil doon ay natigil ako sa pag-iyak at naisipan kong humiga sa sofa dahil nangawit ako sa posisyon ako. Pagkaraan ng ilang sandali, nakaramdam ako ng antok at unti-unti akong nahila no'n hanggang sa nakatulog ako.

At ang malas lang dahil 'yung nasaksihan ko lang kanina ang napanaginipan ko. Pero may karugtong kaya nagising ako—pinilit kong magising dahil bangungot ang isang 'yon. Ayaw ko mang alalahanin, pero 'yon lang ang naging laman ng isip ko.

"Si Aly na ang mahal ko ngayon, Mabel. So please, leave us alone!" Pilit niyang inalis ang mga kamay kong nakakapit sa paa niya at tinalikuran ako para lapitan si Alisson na nakangisi sa akin, nang-aasar.

Umiling-iling ako nang nakaramdam ako ng kagustuhang saktan ang babaeng 'yon at pagsalitaan ng masasama. Pareho kaming babae pero nagawa niya akong lamangan at bastusin ang relasyon ko kay Luigi. Dahil alam niya, nakita niya mismo ang relasyong meron kami ni Luigi. Pero heto siya ngayon, sarap na sarap sa bawat halik ng uyab KO!

Kaya hindi ako makapapayag na magtagumpay siya sa gusto niya. Hindi ko ibibigay at isusuko si Luigi sa kaniya ng ganito kadali!

Mula sa pagkakahiga ay umupo ako nang maayos sa sofa at sinandal ang ulo ko dahil medyo masakit pa rin 'yon. Nang tingnan ko ang isang single sofa ay nakasandal doon si Mimi at natutulog. Habang si Nisha naman ay dinala sa lapag yung isang throw pillow at doon natulog.

Napagod kaming tatlo ngayong araw, ito ang patunay na kahit ano ang mangyari ay sasamahan nila ako at dadamayan. Napangiti ako dahil sa naisip at nagpasalamat sa Diyos.

Patuloy ang paglayag ng utak ko nang naagaw ng cellphone ko ang pansin ko nang umilaw 'yon. Sa pag-aakalang si Luigi 'yon ay kinuha ko kaagad at ganoon na lang ang pagkadismaya ko nung hindi siya ang nakita ko.

[Na-recieve mo na ba ang invi sa grand reunion?]

Ano raw? Nung una hindi ko pa kaagad na-gets dahil sa kagigising ko lang at medyo lutang pa ako dahil sa mga nangyari ngayong araw. Pero nang na-gets ko naman, napaisip ako doon sa reunion dahil wala akong maalala.

[Grand reunion?]

Hindi kaagad nag-seen at nag-reply si Son kaya binitawan ko muna sa gilid ang cellphone at sinandal ulit ang ulo ko dahil nahihilo pa rin ako ng konti. Nagmuni-muni ako sandali hanggang sa nag-notify ulit ang messenger. Kahit alam kong si Son lang 'yon, may konting asa pa rin na si Luigi ang nag-chat. Pero hindi talaga, nadismaya lang ulit ako.

[Makakalikasan Org Grand Reunion?]
[It was actually a late notice on our side]
[Hindi raw nakalat agad at nito lang din na-recieve ni Jojo]

May ganon ba—MAY SINEND NGA PALA SI JOJO! Sa sobrang dami ng iniisip ko kanina ay nawala 'yon sa isip ko.

[Sinend ni Jojo?] kumpirma ko.

[Yup!]
[Pupunta ba kayo ni Luigi?]

Pupunta ba kayo ni Luigi?

Pupunta ba kayo ni Luigi?

Pupunta ba kayo ni Luigi?

Pupunta ba kayo ni Luigi?

Shit! Now I have an idea!

Salamat, Pearson! Hulog ka talaga ng langit!

[Yes! We will!]

***

Tinakasan ko ang dalawa at ngayon ay papunta ako sa unit ni Luigi. Alas sais na kaya nakauwi na 'yon. Not unless...nag-date na naman sila. Pero lumabas na sila kaninang lunch so baka hindi na? Pero paano kung tinuloy nila for dinner? At paano kung sa unit niya pa talaga dinala para doon sila kumain?

Napuno na naman ng masasamang idea ang utak ko at pinilit kong tigilan 'yon dahil hindi makakabuti. Inisip ko na lang na hindi tama ang mga naisip ko. Nasa bahay si Luigi at mag-isa, nagpapahinga dahil marami siyang trabaho kanina. Nagpapahinga dahil nakipag-date siya sa iba!

Nagbadya na naman ang mga luha ko kaya pinunasan ko na agad. Ayaw kong umiyak dito dahil baka kung ano pa ang maisip ng taxi driver.

At tuluyan nang nawala roon ang isip ko nang nag-vibrate nang nag-vibrate ang cellphone ko. Tumatawag lang pala si Nisha, akala ko si Luigi na.

"Hello?"

"NASAAN KANG BABAE KA?!"

Nilayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil nakakabingi ang sigaw niya. Napatingin pa sa akin yung taxi driver dahil narinig pa ata niya. Nahihiya akong ngumiti sa kanya at humarap sa may bintana para tignan ang labas.

"P-papunta ako sa condo unit ni...Luigi," pabulong ko na lang sinabi ang pangalan dahil sigurado akong sermon ang abot ko nito.

"ANO?! Ano naman ang gagawin mo sa condo unit ng punyetang lalaking 'yon?! Nako Mabel ha, imbes na yung Alisson ang sabunutan ko baka ikaw na!" Rinig ko hanggang sa kabilang linya ang pagngitngit ng mga ngipin niya.

"Asan na nga 'yan! Chill ka lang diyan!" Inagaw siguro ni Mimi ang cellphone. "Hello, Mabel! Bakit ka naman pupunta diyan? 'Di ba ang plano ay palipasin mo muna ang gabi rito at bukas mo pa siya kakausapin?" Mas malumanay itong si Mimi, hindi kagaya ni Nisha na kung abot niya lang ako ngayon ay siguradong nakalbo na niya ako.

"I...I changed my mind. I have to do something, Mi. I have to save our relationship," paliwanag ko sa kaniya.

"ANONG SAVE YOUR RELATIONSHIP?! Sira na ang relasyon niyo the moment HE CHEATED on you!"

Siguro ay naka-loudspeaker sila kaya narinig ni Nisha ang sinabi ko. Narinig ko ring nag-'sshhh' at mahinang sinuway ni Mimi si Nisha.

"No, Nisha. Alam kong may pag-asa pa 'to. Hindi ko lang basta-basta isusuko ang apat na taon. Ilalaban ko 'to." I tried to explain, pero alam kong hindi na makikinig si Nisha dahil alam kong sarado na ang isip niya, lalo na sa ganitong usapin!

"What do you think you're doing, huh? Mabel mas sinasaktan—"

"I'm doing something that you should have done," pagputol ko sa kaniya. Dahil alam ko naman kung ano ang pinanggagalingan ng mga himutok niya ngayon.

"Wow! I'm just concerned about you, Mabel. Pero ganyan pala ang nasa isip mo? You're welcome, ha?"

"I'm sorry, okay? I'm just stressed tapos wala ka nang ibang ginawa kung hindi mag-oppose. All I want to do right now is to patch things up with him, Nish!"

"Patch things up? Mabel, hindi naman ikaw yung nagloko! Kung meron mang dapat gumawa nito, siya 'yon at hindi ikaw!"

"B-but...maybe...I also did something wrong that pushed him to cheat?"

"WHAT?! Cheating on you was his choice! Ke nasunog mo man ang omelette niyang almusal o hindi mo siya nabigyan ng masyadong pansin dahil busy ka, hindi pa rin maja-justify ang pangangaliwa niya!"

"And besides, you've done everything for him. Mabel, please don't ever think that something's wrong or lacking in you kaya siya nag-cheat," dagdag ni Mimi.

Umiling lang ako at pinatay na ang tawag. Hindi nila nakuha ang punto ko! Dahil kahit anong sabihin nila, hindi naman sila si Luigi para malaman kung nagkulang ba talaga ako o hindi. Kung may nagawa ba akong masama o wala. Kasi sabi nga nila, sa isang relasyon, yung dalawang mag-uyab ang nagpapatakbo noon. Kung ano man ang gawin ng isa, apektado ang kapares niya.

But...meron ba talagang kulang sa akin, Luigi?

"Nandito na po tayo, ma'am." Naputol ang pag-iisip ko nang nagsalita ang taxi driver. Tumango lang ako at kumuha ng bayad bago ako lumabas.

Kilala na ako ng guard at mga staff dito dahil dito rin ako unang tumira noon. Pero nahiya naman akong si Luigi pa ang nag-shoulder non pagtira ko rito. Kaya pinilit kong lumipat, and besides mas malapit sa pinagtatrabahuan ko sa Makati ang tinitirhan ko ngayon.

Sa pagkakaalala ko, nagtampo pa siya noong lumipat ako. Hindi kaya 'yon ang dahilan? Pero tatlong taon na rin naman ang lumipas at naging maayos naman kami! Mababaliw na ako kakaisip.

At sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayang nasa tapat na ako ng unit niya. Nakaipon na ako ng lakas ng loob kanina pero parang hinigop lahat 'yon ng pintuan at bigla na lang nawala. Ni hindi ko man magawang kumatok sa condo unit ng boyfriend ko!

Kaya naman huminga ako ng malalim at inisip ang mga gusto kong sabihin. Nang lumakas na ang loob ko, hinanda ko ang sarili ko. At sakto namang pagkataas ko ng kamay para kumatok ay ang pagbukas ng pinto. At unti-unti na naman akong nadurog nang si Alisson ang bumungad sa akin at nasa likod naman niya si Luigi. Nagtatawanan pa sila kanina pero halatang nagulat nang nakita ako, mukha ihahatid ni Luigi ang babae niya base sa ayos nila.

"H-hi!" Kaagad nakabawi sa gulat si Alisson at nagawa pa akong ngitian. "Your girlfriend is here."—buti naman alam mo pa rin kung sino ako—"I guess I should leave already. Bye Lui, bye Mabel." Nginitian ko siiya nang paalis na siya pero ang loob-loob ko ay nagwawala dahil gusto kong hablutin ang buhok niya! Pero alam kong magagalit si Luigi kaya hindi ko ginawa.

"What are you doing here?" Halos manginig ako sa sobrang lamig ng pagkakasabi niya. Nakataas pa ang kanang kilay niya na parang sinasabing hindi ako pwede rito—hindi ako welcome sa unit niya na boyfriend ko.

Nakaharang pa rin siya sa daan at hawak niya ang pinto. Kaya naman ako na mismo ang nagtulak no'n para makapasok ako dahil wala ata siyang balak papasukin ako.

"Na-recieve mo rin ba sa email yung invitation para sa Makakalikasan Org. Grand Reunion?" tanong ko sa kaniya pagkapasok ko. Inobserbahan ko agad ang paligid ng unit niya kung may kakaiba ba, kung may naiwang bakas ba.

"No." Nilagpasan niya ako at dumeretso siya sa kitchen and dining area ng unit.

Kaya naman sinundan ko siya doon at nakita siyang kumuha ng tubig sa ref at uminom. At dahil naka-side ang view niya sa akin ngayon, nakita ko ang dalawang chikinini sa leeg niya. Parang akong hinigupan ng hangin sa baga at pinagsusuntok sa puso. Hindi ko alam kung paano ako mag-rereact. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya o hindi.

In the end, I chose to be silent. Ayaw kong gumawa pa ng away dahil baka umabot pa sa puntong sumabog siya at hiwalayan na ako. Ayaw ko no'n.

"Y-yung—ehem!" Parang may bumara sa lalamunan ko dahil pigil na pigil ang pagluha ko. "Yung sa Makakalikasan Org. Hindi ba na-forward ni Jojo sa'yo?"

"I don't know. Natabunan siguro sa inbox." Pagkalagay niya ng baso sa sink ay naglakad siya paalis doon sa dining at nilagpasan na naman ako. Kaya sinundan ko ulit siya, ngayon naman ay sa office niya.

"Let's attend, Langga. Tapos mag-stay tayo sa Cebu ng ilang araw pa." Nilambingan ko ang boses ko at nginitian ko pa siya nang itaas niya tingin sa akin mula sa ginagawa niya sa laptop.

Akala ko matutuwa siya at baka pumayag kung gano'n, kaso parang lalo lang siyang nainis nang magsalubong lalo ang mga kilay niya.

"Ayusin mo nga pananalita mo. Pabebe." Umiling siya na parang dismayado at binalik ang tingin sa laptop.

Napayuko ako dahil parang napahiya ako do'n. Pero umiling na lang ako at hindi na 'yon pinansin. Hindi 'yon ang pinunta ko rito.

"Okay...but can we attend the reunion?"

"Busy ako. I can't go."

Lumapit ako at umupo doon sa upuan adjacent sa table niya. Hindi muna ako nagsalita at inobserbahan ang hitsura niya, tinatantsa ko kung pwede ko ba siyang pilitin. Nang naramdaman niya ata ang paninitig ko ay nag-angat siya ng tingin. At nang nakumpirma niyang nakatingin ako ay inirapan niya lang ako at binalik sa laptop ang tingin.

Obviously, mukhang bad idea na ipilit ko ang pagpunta doon. Pero sa Sunday na ang reunion, so bale...three days na lang? Kailangan ko na siyang mapilit ngayon para makapagpa-book na kami ng flight.

Okay, mukhang hindi na naman matatapos ang gabing 'tong hindi kami nag-away.

"Pero gusto kong mag-attend tayo para na rin makita natin ulit mga kasama natin nung college, 'di ba?"

"Just go straight to the point, you just want to see Pearson." May pait ang pagkakasabi niya no'n.

"Ha? Magkaibigan lang kami ni Son, Langga. Nandito na naman ba tayo?" Lagi na lang niyang issue si Son lately kahit hindi naman gano'n dati. Hindi ko na nga masyadong kinakausap yung tao dahil alam kong magagalit lang siya pero heto na naman siya.

"Whatever." Nakita kong namatay na ang screen ng laptop at padabog niyang sinara. "If you really want to see him so badly, then attend the reunion alone," diniinan niya ang huling salita, pinagdidikdikang hindi talaga siya sasama. Mabilis siyang tumayo at iniwan na naman ako doon kaya sumunod kaagad ako sa kuwarto niya.

"Can't you lend me a little bit of your time? Ginagawa ko naman ang lahat para maglaan ng oras sa'yo, Luigi. Pero ikaw lagi yung nagsasara ng pinto, ikaw lagi yung nagde-decline ng invitations ko para mag-date o magbakasyon." Sinusubukan kong maging mahinahon ang pagkakasabi ko dahil ayaw ko talagang mag-away kami ngayon. Ayaw kong manumbat, pero nakakainis na kasi. Kaya I am trying my very best para kumalma, pero konti na lang ay sasabog na ako!

"I told you, I'm busy," dahilan na naman niya na ilang beses ko ng narinig!

Busy? Saan? Kanino? Makipag-date sa iba? Makipag-make out sa cr? Ano pa ba ang iba mong pinakaka-busyhan na hindi ko alam, Luigi? Bukod sa trabaho mo, ano pa ba ang pinagkakaabalahan mo?!

Iyan ang gusto kong sabihin—isigaw sa kaniya. Pero iba ang lumabas sa bibig ko.

"You weren't this busy before." Nakagat ko na ang ibaba kong labi dahil nanggigigil na talaga ako. Nang ibubuka na dapat niya ang bibig niya para magdahilan ay inunahan ko na siya. "And it's the holidays at you were not even promoted to a higher position."

Napabuntong hininga siya at minasahe ang sentido niya habang nasa baywang naman ang kaliwang kamay niya. Am I stressing him out too much? Kaya...he looked for comfort sa ibang babae?

"We have more clients." Yun lang ang sinabi niya bago niya ako tinalikuran at pumasok sa bathroom ng kuwarto niya.

"Pero day off mo naman ang Sunday at araw 'yon after ng Christmas," pilit ko pa rin kaya halata na ang frustration sa boses ko.

"I told you, I'm busy! And besides, hindi naman kita pinipigilan, ah! If you want to go, then go! Pero hindi ako sasama! Pucha naman gaano ba kahirap intindihin 'yon?!" Dumagundong sa kulob na bathroom ang boses niya kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Pero hindi, this is my only chance and hope! Wala na akong paki kung mag-away man kami ang mahalaga ay sasama siya sa akin sa Cebu! Kahit kaladkarin ko pa siya ay wala akong pake!

"Hindi mo man ba talaga kayang ibigay sa'kin 'to? Luigi, ilang araw lang naman ang hinihingi ko sa'yo. Gaano ba kahirap ibigay 'yon sa girlfriend mo?! H-ha?!" Namuo na ang luha sa mga mata ko at sa sobrang bilis ay hindi ko na napigilan pa ang pagtulo. Tuloy-tuloy kaya kinagat ko na ang ibabang labi ko dahil ayaw kong humikbi.

Pero napaatras ako nang padabog niyang binuksan ang pinto ng bathroom. Salubong ang mga kilay niya at ang talim ng tingin sa akin. At sobrang gulat ko nang sakmalin niya ang magkabilang braso ko nang sobrang higpit! Ang sakit!

"Ang kulit mo rin, eh no?! Eh ayaw ko ngang magpunta! Kung gusto mong magpasko doon sa Cebu, edi umuwi ka! Iwan mo ko rito, tang ina!" Pagkatapos niya akong yugyugin ay malakas niya akong tinulak kaya tumama ang likod ko sa pader.

Mabibigat ang mga hakbang niya palabas ng kuwarto at padabog na naman niyang sinara ang pinto. Kaya sumunod ulit ako at patakbo ko siyang nilapitan. Gusto ko siyang sipain, hampasin, suntukin, at sampalin. Pero pagkalapit ko sa kaniya, yakap pa ang nagawa ko para pigilan ang paglayo niya. Dahil pakiramdam ko, pag hinayaan ko pa siyang makagawa ng ilan pang hakbang, hinding hindi na siya lilingon at babalik pa sa akin kailanman.

At ang ideye pa lang na 'yon ay masakit na sa dibdib kung isipin, parang akong pinapatay. Paano pa kaya pag nangyari na talaga 'yon? Hindi ko kakayanin.

"H-hindi ko kaya, Luigi. H-hindi ko kaya ang wala ka." Humagulgol na talaga ako, wala akong pakielam kung ano man ang itsura ko ngayon.

"P-please, Luigi. Give me this whole week, j-just this week." Hinigpitan ko ang yakap nang pilit niyang tinatanggal ang mga braso ko. At nang natanggal niya ay napaluhod ako at ang mga binti na lang niya ang naabot ko para kapitan.

"Gagawin ko ang lahat para bumalik ka lang sa akin. Just this week. Itong linggo lang. Please, Luigi." Pero matigas talaga siya, nagawa niya pa ring makaalis sa kapit ko kahit gaano man 'yon kahigpit.

"Ayaw ko na, Mabel. Tama na," bulong lang niya iyon pero sobrang diin ng pagkakasabi. Sa sobrang diin, ang puso ko ay napulbos na.

Nanghina ang mga braso ko at nawala ang kapit kaya nakalayo siya sa akin. Nang iangat ko ang ulo ko ay siya naman ang pagbaba ng tingin niya sa akin. Kaya naman pinagsiklop ko na ang mga palad ko at nagmakaawa, dahil mababa na ako, ano pa ba ang ibababa ko?

"PLEASE! If it didn't work, I-i will...I will let you go kahit ang sakit-sakit." I was so desperate to the point that I could bargain the only thing that I am holding on to. Dahil sa puntong 'to, isusugal ko ang lahat, manatili lang siya sa tabi ko.

Lagpas kalahating minuto siyang nanahimik, nakatitig lang sa akin. Sa tingin ko ay iniisip na niyang masyado na akong desperada. Mukha akong gusgusin, pangit sa lahat ng luha sa buong mukha. Pero wala akong paki...wala na akong paki sa sarili ko dahil siya na lang ang laman ng utak at puso ko.

"Okay...I'll give us seven days."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top