Chapter 8
Busy ako sa paggupit ng mga individual petals na crepe paper para sa decorations ng Hearts Day bukas. Todo cram ngayon, lalo na ang mga members ng Sining at Musika club. Kahit nga ayaw ng mga members nila na sa 'music' part ng club ay napilitan silang tumulong. Nanghingi na nga rin sila ng tulong sa mga CAFA students at iba pang pakalat-kalat lang dahil gahol na talaga sa oras.
Ang tagal kasing i-approve ng admin yung activities and budget needed. Kahit maaga naman kaming nagpasa lagi, nilagay nila sa ibaba ng ibang nahuli sa pagpasa. Kaya ayan, lahat tuloy ng preparation ay nausog at ngayon ay minamadali na namin ang lahat.
Birthday ko man nga ngayon pero mukhang late pa akong uuwi dahil dito. Pero ayos lang, wala rin namang sinabi sa akin si Kuya Mikel na magse-celebrate kami. Sa tingin ko ay sa weekends na lang namin gagawin? Binati naman nila ako kaninang umaga kaya hindi naman nila nakalimutan.
"Oh." Napaitlag ako nang naramdaman kong may malamig sa pisngi ko. Pagtingin ko sa gilid ay si Adi lang pala, malokong nakangisi sa akin habang hawak pa rin ang iced tea sa tapat ng mukha ko.
Umiiling-iling kong kinuha ang bote mula sa kaniya. Nang tingnan ko ang mukha niya ay medyo nakaramdam ako ng guilt. Yung ngiti ko tuloy naging nguso at napayuko ako dahil ayaw kong makita nya 'yon.
"Ay, ayan ka na naman, eh! 'Di ba sabi ko naman sa'yo, ayos lang 'yon? Eto talaga oh! Tigilan mo yan. Sige ka, baka isipin kong nanghihinayang kang binasted mo ako kaya ka ganyan," biro pa niya kaya natawa kaming dalawa.
"Sira! Ano namang nakakapanghinayang sa'yo?" Umiiling-iling na lumapit sa amin si Albie habang may bitbit na lalagyanan ng pagkain namin. "Lunch." Inabot niya sa akin yung pagkain na nakalagay sa paper food container. "Pinagbawal ng Makakalikasan ang styro."
"Thank you sainyo, ah? Simula dati lagi niyo na talaga akong tinutulungan." Nginitian ko sila, mas malaki para alam nilang malaki talaga ang pasasalamat ko. Dahil sa mga nagdaang buwan, gumaan ang buhay ko dahil sa mga natulong nila.
"Our pleasure, Mabel," sabi ni Albie. Tapos magkaakbay silang umalis at bumalik sa mga nakatoka nilang tasks.
Sinimulan ko nang kainin ang lunch—one cup of rice, five lumpiang shanghai, at sweet chili dip. Mabilis ko lang kinain ang lunch dahil kailangan kong matuloy agad ang task na binigay sa akin dahil kailangan 'to ng mga nakatoka sa stage and other places sa university na nagdedecorate.
Pagkatapos kong magupit ang mga kailangan ko, sinimulan ko na ang paggawa ng crepe paper roses. Dapat kase ay fresh flowers ang mga 'to pero hindi in-approve dahil masyado raw magastos para sa isang 1-day event. Kaya naman napilitan kaming gawing DIY lahat dahil nung sinabi naming magpagawa na lang kami sa labas ay magastos pa rin daw.
Kaya naman ngayon ay nirorolyo ko ang dulo ng petalas, at pagkatapos non ay dinikit ko sila sa isang wire—petal by petal! Ang sabi sa amin ay hindi dapat perpekto ang alignment ng petals, mas natural daw tignan kung medyo random lang. Kaya naman 'yon ang ginawa ko, kaso hindi ko alam kung bakit ang pangit nitong una kong nagawa? Ano bang mali?
"You need help?"
Napalingon kaagad ako dahil akala ko nilapitan na rin niya ako sa wakas. Pero ang sama ko at nadismaya pa ako nang si Son ang nakita ko at hindi siya. Ano ba 'yan, Mabel?
"Mukhang hindi ka masayang ako ang nakita mo, ah." Tawa-tawa siyang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. Hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa akin kaya ngumuso ako at binalik ang tingin sa nagawa kong rose.
"H-hindi naman," tanggi ko.
Nilagay ko sa gilid ang nagawa at kumuha ng panibagong wire para sana umpisahan ang susunod na rose. Pero napatigil ako nang kunin niya yung nagawa ko kanina at tignan.
"Maayos naman 'tong nagawa mo, hindi naman siya pangit." Sinuri niya ang bulaklak at inikot-ikot. "Ang gawin mo, gumamit ka ng toothpick sa pagrolyo nung dulo." Hindi ko alam kung saan niya galing yung toothpick at bigla na lang may lumitaw—hindi naman basa so hindi niya ginamit.
"Tapos...i-spread mo ang gitna each petal para mag-curve sila." Ginawa niya yung sinabi niya at oo nga, mas mukha na siyang petal kesa kanina na nag-crumple yung gitna. "Tapos, huwag mong lunurin sa glue...tama lang." Nilagyan niya ng glue yung kabiliang dulo ng petal at nirolyo 'yon sa wire.
"Ayan! I-build mo na lang niyan 'to. Preferably, odd numbers ang bilang ng petals each layer." Binalik niya sa akin yung wire na may isang petal sa gita.
Kinuha ko yon at nagpasalamat sa kaniya. Nang umalis siya at ang iba naman ang tinulungan niya, tinuloy ko na ang paggawa ng roses. Ginawa ako ang mga sinabi niya at umayos nga ang itsura—pero hindi pa rin ganon kaganda gaya nung nagturo kanina. Pero habang patagal, gumaganda naman sila kaya natuwa ako.
Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na napansing ilang oras na pala ang lumipas at ang dami na rin pala ng nagawa ko. Tuwang tuwa yung president ng Sining at Musika dahil mukhang sumobra pa kesa sa kailangan na decorations.
Dahil na rin siguro marami ang tumulong sa amin—yung ibang prof kase na tamad nang magturo pinatulong na lang sa amin yung students nila. Kaya napabilis ang lahat at natapos kami ng maaga.
Bawat building ay may decorations na, siyempre lalo na ang stage dahil 'yon talaga ang kailangan. Meron din kase kaming King and Queen of Hearts, and other games na by pair.
Pagkatapos mag-thank you ng president ng Sining at Musika at tsaka ni President Son, bumalik na ako sa office para kunin ang gamit ko. Kasabay ko dapat si Jojo pero naharang siya ng mga kaibigan niya at niyayang magpunta ng mall. Gusto niya nga akong isama pero tumanggi ako dahil hindi ko naman ka-close ang mga 'yon, alam ko ring ayaw nila sa akin, at gusto ko na talagang umuwi.
At nang malapit na ako sa office ay nakasalubong ko si Luigi. Mukha nga siyang nagmamadali, eh. Pero tumigil naman siya sandali para ngitian ako at kumaway. Balak ko pa sana siyang kausapin muna pero inakbayan na siya ni Venn at kinaladkad paalis. Pero okay na rin 'yon, noong mga nagdaang araw nga puro siya iwas.
Si Leigh Belle kase! Yung babaeng 'yon talaga.
"Good Morning, ate! Kumusta ang StrangerMeetup?" Bungad kaagad ni Leigh pagkarating niya sa kusina.
"Ay nako, Leigh. Tigilan mo na si ate, ang sama na ng mukha oh." Nagtawanan silang dalawa at nag-apir pa talaga. Bakit ba sila ang naging kapatid ko? Hindi ba pwedeng manghingi ng iba?
"Umagang umaga, huwag niyo akong buysitin." Banta ko sa kanila sabay kuha ng kutsilyo—panghihiwa ko ng mga gulay dahil magluluto ako ng Utan Bisaya.
Tumigil naman sila sa pang-aasar pero tawa pa rin sila nang tawa. Kung sanang tinulungan na lang nila ako sa pagluluto ano?
Umiling-iling na lang ako dahil ang tanda na nilang dalawa pero mga tamad pa ring gumalaw sa bahay. Balak ko pa namang magtrabaho sa Manila pagkatapos kong grumaduate. Hindi naman pwedeng umasa na lang sila kay Ate Bianca kase may anak din naman 'yon na kailangang asikasuhin.
Siguro ay turuan ko na lang sila sa bakasyon nila para naman hindi lang sila nakaasa sa amin. At nasa tamang edad na sila—kung tutuusin ay lagpas na nga eh. Pero tignan mo naman hanggang ngayon pang-aasar lang ang alam gawin.
Pagkaluto ng pagkain ay pinatawag ko na ang lahat para makakain na kami pero tulog pa raw si Ate Bianca at mama kaya mamaya na lang daw sila. Si Kuya naman ay handa nang umalis para humanap ng mas stable na trabaho kaya naman pagkaubos niya ng kanin niya ay umalis na agad siya.
Pagkatapos naming tatlo ay pinilit kong maghugas yung dalawa pero ayaw talaga nitong si Leigh Belle. Mabuti na lang at medyo masipag ngayon itong si Sabel at pumayag na pagkatapos ko silang pagsabihan.
At ngayon ay sabay-sabay kaming papasok dahil maaga ang pasok ko ngayong araw. Siyempre, nakaabang sa labas si Luigi kahit mamaya pa naman ang una niyang klase.
"Good Morning!" bati niya sa amin, ang laki pa ng ngiti.
"Ay Kuya Luigiiiiii! May isusumbong ako sa'yo!" Patakbong lumapit si Leigh sa kaniya at umabre siete pa!
"Leigh Belle!" pagbabanta ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako. Nako, etong babaeng talagang 'to!
"Alam mo ba nahuli ko kagabi si ate na may kausap sa StrangerMeetup.com! Tapos nabasa ko pa na tiga Cebu yung kausap niya! Tsk! Tsk! Tsk!" pagsusumbong niya. Nakangisi pa siya at patigilid na tumingin sa akin. Yawa!
Si Luigi naman ay biglang naburahan ng ngiti at napatingin sa akin, medyo nakabukas ang bibig. Napayuko pa siya kaya inasar ako nung dalawa na kawawa raw siya kesyo may kinakausap daw akong iba. Ako naman itong uto-uto, nakaramdam ng guilt kahit wala naman akong masamang ginawa.
"Ayos lang 'yon, ano ba kayo. Tara samahan ko na kayong pumasok." Pagkaangat niya ng ulo ay nakangiti na ulit siya sa amin at tinanguan niya pa ako.
Pinauna niya kaming maglakad kaya naman nasa likod ko siya. Gusto ko siyang kausapin kaso ayaw ko namang marinig pa nung dalawa. Mamaya na lang siguro pag nahatid na namin itong dalawa sa school nila.
"Huwag mong pansinin yung sinabi ni Leigh kanina. H-hindi naman seryoso yung sa StrangerMeetup." Nagpaliwanag kaagad ako nang makapasok yung dalawa. Kaso narinig ata nung dalawang babaeng high school at narinig ko silang nagbulungan tungkol sa sinabi ko. Nang tignan ko ay umiiling-iling pa sila!
"Ayos lang talaga, Mabel." Ngumiti siya kaso maliit lang 'yon at parang pilit pa.
"Wala rin naman akong karapatang magalit, kasi..." Nakagat niya ibabang labi at yumuko. Dugtong niya, "hindi mo naman ako boyfriend."
Umiling na lang ako at pinagsabihan ang sarili na humanap ng tamang oras para kausapin siya at sabihin ang dapat kong sabihin—ang desisyon ko. Matagal ko rin 'tong pinag-isipan at nakatulong pa ang hindi pagpansin sa akin ni Luigi.
Pinanood ko muna ang likod niyang papalayo sa akin bago ako tumuloy sa paglalakad. Pagdating ko sa office ay kinuha ko na agad ang bag ko at aalis na sana kaso dumating si Son at sinabing hintayin ko siya saglit para sabay na kami. Kaya naman tumambay muna ako sa labas habang hinihintay siyang kunin ang gamit niya, siguraduhing patay at walang nakasaksak na appliances at computer, at isara ang office.
Nang natapos siya ay sabay na kaming lumabas at nagpunta sa sakayan. Nagkwentuhan lang kami buong biyahe, lahat ata ng chismis na alam niya ay kinwento niya rin sa akin. Nalaman ko tuloy na nabuntis ng tambay yung kaklase namin nung high school! Ayaw siyang panagutan nung lalaki at tinago pa raw nung nanay niya sa Bohol.
Kaso sa sobrang dami niyang chismis, hindi ko napansing lumagpas kami! "Oy hala, Pearson! Lumagpas tayo."
Nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa labas ng bintana. Ang pinagtaka ko naman, hindi pa rin siya pumapara! Siya kase ang taga-para sa amin kase...nahihiya ako, eh. Tatanungin ko na dapat siya pero nauna na siyang pumara. Nung tumigil ang jeep ay hinila na niya ako pababa.
"Bakit hindi ka agad pumara? Nalagpasan na rin tuloy natin yung todahan." Tinanaw ko at ang layo pa nga nung mga tricycle! Nang tignan ko siya ay nasa cellphone ang mga mata niya at busy mag-type.
Inangat niya ang ulo pero sa malayo siya nakatingin. "E-edi...pasok muna tayo rito sa kainan. Kumain muna tayo." Hinuhuli ko ang mga mata niya pero hindi siya makatingin sa akin. May naaamoy akong kakaiba at feeling ko alam ko na.
"Ano? 'Wag na, uwi na lang tayo!"
"Libre ko!" Hinawakan niya ang pulsuhan ko nang tumalikod ako.
May kakaiba na talaga rito! Manlilibre raw siya, eh. Mahirap kayang magpalibre rito, kung hindi lang ata niya ako niligawan noon forever kuripot 'to, eh!
Kaya confirmed, may surprise para sa birthday ko. Kaya siguro wala ring sinabi kanina sina kuya dahil may plano silang ganito. Kaya sige na, tumango na lang ako para hindi na masira pa ang plano nila.
At pagkapasok pa lang namin ay may sumabog na confetti kaya pareho kaming napatalon sa gulat!
"Surprise!"
Nalaglag ang panga ko nang nakita ko kung sino ang nandito. Expected ko nang may surprise pero akala ko family members lang. Pero hindi ko inaakalang nandito sila—lalo na siya!
Si Luigi pa ang may dala ng cake at lumapit sa akin habang nagsimula na sa pagkanta ng Happy Birthday ang iba. Ang laki ng ngiti niya, kitang kita ang tuwid at mapuputi niyang mga ngipin.
Napatingin naman ako kay Son nang bumulong siya, "He planned this." Binati niya muna ako ng happy birthday at tinapik sa balikat bago niya ako iniwan at nagpunta sa pwesto ng ibang bisita. Habang si Luigi naman ay tuluyan nang nakarating sa harap ko.
"Happy Birthday," bati niya.
"Bati na ba tayo?" tanong ko agad sa kaniya dahil 'yun ang una kong naisip. Ilang araw din niya akong pinansin kaya siguradong masakit ang loob niya.
"Nag-away ba tayo?" Natawa pa siya pero nginisian din ako pagkatapos.
"Hindi mo kaya ako pinansin ng ilang araw." Hindi ko napansin na hindi ko napigilang ngumuso.
"It was just part of the plan!" Tinawanan niya ako nang nagsalubong ang mga kilay ko at nalaglag na naman ang panga. "I had to para hindi mo mahalatang may pinaplano kami."
"Kayo?" Akala ko bang siya ang nagplano nito?
"Your suitors." Tumango-tango siya.
Tumingin ako sa likod at nakita ko roon sina Adi at Albie na magkaakbay. Nang nakita nilang nakatingin ako ay lumaki ang mga ngiti nila at kumaway na parang mga bata.
"So...make a wish." Nilapit niya sa akin ang cake na may nakasinding kandila na '19'.
Sana...maging masaya kami sa desisyon ko.
Ngumiti ako at tsaka hinipan yung kandila. Nagpalakpakan ang lahat at lumapit sila sa akin. Isa-isa nila akong binati ng Happy Birthday at yung iba ay niyakap pa ako. Pagkatapos ay dumeretso na silang lahat sa buffet table para kumuha ng pagkain.
Balak ko na sanang kausapin si Luigi pero hinila ako ni Sabel para kumuha na ng pagkain. At nung nandoon na ako ay doon ko lang nakita na ang daming putahe! Grabe nakakahiya naman kay Luigi—tapos kasama rin pala yung tatlo? So may ambag din sila rito? Nakakahiya kase binasted ko pa sila!
Mamaya ko na lang isipin 'yon at kailangan ko rin silang kausapin. Siguro pagkatapos kay Luigi, sila naman ang kakausapin ko para makapagpasalamat at makapag-sorry pa ulit. Grabe, ang effort pa naman nila.
"Ate...ate," kalabit sa akin ni Leigh habang kumakain ako. Nang tignan ko siya, nakita ko kaagad na ang laki ng ngiti niya habang nakatingin sa ibang direksyon. Nang sundan ko ay table nung iba kong kasama sa USC.
"Ano?" tanong ko nang binalik ko ang tingin sa kaniya.
"Sino yung lalaking 'yon?" Tinuro niya yung table na nakita ko.
"Sinong lalaki? Apat yung lalaki diyan." Medyo naiinis na ako dahil mukhang nakahanap pa ata ng crush 'tong kapatid ko! Ang malala eh 12 pa lang siya, yung mga lalaki doon ay 16 pataas na!
"Yung nagse-cellphone." Nginuso niya yung direksyon kay...
"Albie?" Tinignan ko ulit ang table nila at siya lang naman ang nase-cellphone sa mga lalaki dahil busy makipagbiruan si Adi doon sa dalawa at Jojo.
"Albie? Yun pala ang pangalan niya?" Nilagay niya ang dalawang kamay sa ilalim ng baba niya at ngumiti. Tumingin pa siya sa taas, parang may ini-imagine pa ang bruha!
"Oy, ano 'yan, Leigh Belle? 'Wag mong sabihing crush mo si Albie?" Nakahanda na ang mga daliri ko para kurutin siya!
"Oo, ate! Wala namang masama, 'di ba? Crush lang naman, eh!" depensa pa niya.
"Ay nako, hayaan mo na 'yang kapatid mo, Mabel." Konsinte naman ni mama. Kaya lumalaking spoiled brat 'tong si Leigh Belle eh. Hindi alam disiplinahin nitong si mama! Inirapan ko na lang siya at tinuloy ang pagkain.
Pero hindi pa rin ako tinigilan ni Leigh at tinanong pa ang facebook ni Albie para raw masendan niya ng friend request. Hindi ko siya pinansin para sana tigilan na niya. Pero ang bruha, siya pa talaga ang lumapit sa table nila Albie at siya na mismo ang nanghingi! Naghiyawan tuloy sina Adi at kinantiyaw si Albie!
"Dapat kase ikaw na ang nagsabi." Inismiran ko lang si mama nang sinabi niya 'yon. Gusto ko sanang sabihin na hindi lalaking ganyan si Leigh Belle kung hindi sila kunsintidor nina papa!
Mabilis ko nang inubos ang pagkain ko dahil nawala na ako sa mood. At para hindi masira ang kasiyahan nila, ako na lang muna ang lumabas mula sa sarili kong birthday party. Pero hindi ko napansin na nasundan pala ako ni Luigi.
"Bakit ka lumabas? Tsaka...bakit parang hindi ka masaya?" Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.
"Masaya naman ako, I really appreciate your efforts." Nginitian ko siya ng tipid. Tapos ay bumuntong hininga ako. "Kaso nainis ako kina Leigh Bell at mama."
"Dahil ba doon sa nangyari kanina?" tanong niya kaya tumango na lang ako.
Napatitig muna siya sa akin bago ngumiti at tumango. Tatalikod na dapat siya para bumalik sa loob pero pinigilan ko siya nang naisip kong ito na ang tamang pagkakataon para kausapin siya.
"May...gusto sana akong sabihin sa'yo."
Nanlaki ang mga mata niya at napalunok. Tapos ay yumuko siya, at ilang sandali lang ay napansin kong parang pinunasan niya ang gilid ng mga mata niya! Anong problema nito?
"M-may problema ba?" Nag-aalala kong tanong ko sa kaniya.
"N-ngayon mo na ako babastedin?" Pagkaangat niya ng tingin sa akin ay doon ko lang napansin na namumula ang mga mata at ilong niya! Hala!
"P-paano mo naman nasabi 'yan?"
"Sabi kase ni Adi at Albie binasted mo na raw sila kase si Pearson na ang sinagot mo. Tapos nung isang araw nakita kong niyakap mo siya." Tuluyan na siyang umiyak at tinakpan ang mukha niya gamit ang dalawa niyang palad. Nang tumaas-baba na ang mga balikat niya, nataranta na ako at hindi ko na alam kung ano ba ang gagawin!
"S-sorry. T-tanggap ko naman at alam ko namang siya talaga, eh. Pero...m-masakit." Sinimulan niya nang punas-punasan ang luha niya at tumulong na ako. Kaso tuloy-tuloy ang pagtulo! Hindi mawala-wala ang basa, nilabas ko na ang panyo ko at pinampunas.
"H-huwag ka ngang makinig sa dalawang 'yon! Hindi ko sinagot si Son, binasted ko nga rin siya, eh."
Napatulala siya nang narinig 'yon. Nanlaki ang mga mata niya at napanganga na lang dahil sa gulat. Tapos yung dalawa niyang kamay nasa mukha pa rin niya pero unti-unti ring bumagsak.
"B-bakit sabi nung dalawa..." Mukha pa rin siyang nagugulahan at tumigil ulit ng ilang segundo. Pagkatapos ay biglang nagsalubong ang mga kilay niya at ngumuso. "Yung dalawang 'yon!" Papasok na dapat siya para sumugod pero pinigilan ko siya agad.
"Mag-usap muna tayo."
"K-kung binasted mo sila...ibig bang sabihin babastedin mo rin ako?" Lalong humaba ang nguso niya.
Bumuntong hininga ako at nagsimulang magsalita, "Naaalala mo ba yung sinabi ni Leigh na nakausap ko sa StrangerMeetup?"
"Yun ang gusto mo?!" Napalapit siya sa akin, nanlalaki ang mga mata pero salubong din ang mga kilay.
"H-hindi! Ganito kase...n-nung mga panahong 'yon litong lito ako. Kaya naghanap ako ng pwedeng makausap at mahingan ng advice."
Nang tingnan ko siya ay tutok na tutok siya. Gamit ang kamay niya ay sinenyasan niya pa akong ituloy ang kwento.
"Sabi ko sa kaniya...may isa akong manliligaw na sa tingin ko ay gusto ko na—"
"Ibig sabihin gusto mo na ako?!" Ang laki ng ngiti niya at mas lalo pang lumapit sa akin.
"S-sinabi ko ba 'yon?" pagpapatay-malisya ko. Umiwas ako ng tingin at tiningnan ang mga bulaklak dito.
"Binasted mo na yung tatlo kaya ako na lang yung natira," pilit pa rin niya kaya sumuko na ako, masyado siyang mautak.
"Oo na, ikaw na."
"Yes!" Napatalon pa siya at sumuntok sa ere. "Ibig sabihin sinasagot mo na ako?"
"May sinabi ba akong ganon? Patapusin mo muna ako."
Nawala ang ngiti niya at tumuwid ulit ng tayo. Ngumuso pa siya at pinalamlam ang mga mata, parang nagpapaawa.
"Na-gets ko ang ibig niyang sabihin at pinag-isipan ko ang desisyong 'to sa mga nagdaang araw." I paused at tinignan siya. Nakaabang pa rin siya sa susunod kong sasabihin pero ngumuso ulit nung nakita niyang nakatingin ulit ako. "Sa totoo lang, wala akong balak mag uyab uyab hangga't hindi pa ako tapos mag-aral."
Nakita kong naglaglag mga balikat niya pero nakakaintindi naman siyang tumango. Nang tignan ko siya ay nginitian naman niya ako, mukhang totoo naman at hindi pilit, pero halatang hindi siya masaya.
"Kase, gusto kong mag-focus muna sa pag-aaral ko at sa responsibilidad ko sa bahay bilang ate nung dalawa." Dinadahan-dahan ko para sigurado akong naiintindihan niya, at ang pagtango niya ang ginawa kong senyales. "At...takot din akong masaktan, hindi pa ako handa para don. Alam ko namang hindi na talaga mawawala 'yon. I mean...I came from a broken family, Luigi."
"I understand, Mabel." Tumango siya ng ilang beses at nilahad ang palad niya sa akin para makipag-handshake. "We're still friends after this, right?"
Nang umiling ako ay nagsalubong ang mga kilay niya at nalaglag ang palad sa gilid. Nginitian ko lang siya at tumayo.
"Minsan napapaisip ako kung ano ba ang ginawa mo sa'kin at pakiramdam ko ayaw na kitang bitawan pa." Ako na ang naglahad ng palad sa kaniya para yayaing tumayo.
Mukha mas nalito siya dahil mas nagdikit ang mga kilay niya at bumuka ng konti ang bibig niya. Pero kahit na ganon ay tinanggap niya pa rin ko at tumayo sa tapat ko. At naramdaman kong nanigas na naman siya ngayong niyakap ko ulit siya.
"Nung mga araw na hindi mo ako sinamahan, pinuntahan, at pinansin, na-realize ko na...kaya kong mag-take ng risk para sa'yo." Mahina ang pagkakasambit ko no'n pero sa sobrang tahimik ay siguradong narinig niya. At dahil nakaramdam ako ng hiya ay mas siniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya.
"W-what do you mean?"
Natawa ako dahil doon kaya humiwalay ako mula sa yakap. At nang nakita ko ang gulat at lito niyang mukha ay lalo akong natawa.
"Mag-uyab na tayo!"
"W-weh?" Nilagay niya sa tapat ng dibdib niya ang kaliwa niyang kamay habang yung kanan naman ay nakatakip sa bibig niyang nakabukas pa rin. Tapos tumingin siya sa malayo at pumikit at sinampal ng mahina ang sarili kaya natawa ako.
"Gusto ka nako, Luigi! Ikaw ray gusto nako!"
Nang sabihin ko 'yon ay bumalik sa akin ang tingin niya at nanatili 'yon ng ilang segundo. Parang prinoseso muna ang lahat bago siya napasigaw at niyakap ako nang mahigpit.
"Gihigugma tika, Mabel! Ang akong kasingkasing anaa ra kanimo!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top