Chapter 6
Mabigat na hininga ang nalabas ko nang naabutan ko na namang nasa labas ng bahay namin si Luigi. Dati ay silang apat pa talaga ang nakaabang sa akin at sabay-sabay kaming pumasok ng university. Pero naisip ko na dagdag pa sa gastos nila dahil babiyahe pa sila papunta sa amin tapos mag-uunahan pa sila sa paglibre sa akin. Kaya naman pinagsabihan ko silang itigil na nila. Nung una matitigas talaga ang mga ulo, pero sumunod naman bandang huli. Itong si Luigi lang talaga ang hindi marunong makinig.
Sabagay, nung ngang sinabi kong tigilan na niya ang panliligaw ay hindi siya sumunod. Pakiramdam ko nga ay mas pinag-igihan pa niya ang panliligaw! Iyon ang napansin ko sa isang 'to sa nagdaang buwan. Kung ano ang gusto niyang gawin ay iyon ang gagawin niya. Pag sumalungat ka doon ay mas lalo niyang gagawin.
"Kailan ka ba titigil?" tanong ko sa kaniya habang sabay kaming naglalakad papuntang sakayan ng jeep.
"Hindi ako titigil sa panliligaw sa'yo. Kahit pa pag girlfriend na kita, kahit pa pag mag-asawa na tayo." Ang laki ng ngiti niya at ang layo pa ng tingin, parang ini-imagine ang kinabukasan.
"Mag-asawa? Nandoon na kaagad ang iniisip mo?" Grabe talaga ang isang 'to, lagi na lang ako ginugulat sa kakaibang takbo ng utak niya.
"Oo naman! I can see my future with you, Mabel." Nilipat niya sa akin ang tingin at tsaka ngumiti ng napakatamis, sumingkit pa ang mga mata.
Napaiwas naman ako ng tingin dahil naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Hindi ko napansing napangiti ako kaya nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan 'yon.
"You're blushing! Cute!" Kinurot niya ang pisngi ko at tsaka tumawa.
Ngumuso ako at binilisan ang paglalakad ng mabigat ang mga hakbang. Kaya lalo siyang natawa at sumunod sa akin. At dahil mahahaba ang binti niya at malalaki ang hakbang ay nasabayan naman niya ako at tsaka umakbay.
Kinwentuhan niya lang ako ng mga nangyari sa kaniya kahapon, yung iba nga ay nasabi niya na sa chat. Iyon din pala ang napansin ko sa kaniya, he's consisetent. Hindi ko alam kung paano niya nagawa at malapit nang lumagpas ng dalawang buwan pero patuloy pa rin siya sa pag-update sa akin. Sana lang ay pag kami na, ganito pa rin siya.
Teka nga! Anong 'pag kami na'? Naboang na talaga!
Umiling-iling ako sa kaisipang 'yon at nakinig na lang sa mga kwento ni Luigi habang tinitignan ang labas ng jeep. Pumara siya nang nasa tapat na kami ng university at tsaka kami bumaba kasabay ng iba pang students.
Hinatid niya rin ako hanggang sa classroom kaya naman tumili ang iba sa mga kaklase ko at tinukso pa kami. Tinawanan nya lang ang mga 'yon at nakisakay pa sa biruan nila!
Nang malapit nang magsimula ang klase niya ay nagpaalam na siya sa akin. Sinabi pa niyang sabay kaming kumain ng lunch. Pero nang tignan naman namin ang sched ay hindi tugma. Balak pa niyang mag-cut para lang makasabay ako pero hindi ako pumayag.
"Ayos lang 'yan, hindi naman pumapasok ang prof ko diyan eh." Nakanguso pa siya habang namimilit. Ni-stomp pa niya ng isang beses ang magkabilang paa, parang bata!
"Kahit na! Pano pag pumasok 'yan mamaya tapos may quiz bigla? Eh di wala kang score? Kaya no, hindi pwede," tanggi ko pa rin. Ayaw kong mag-cut siya, lalo na at dahil pa sa akin.
Pero matigas talaga ang ulo ng isang 'to at umiling ng mabilis. Mahilo ka sana sa ginawa mo.
"Pag nakita kita mamayang kumain ako ng lunch, hinding hindi na kita kakausapin ulit," banta ko sa kaniya bago ko siya iniwan sa labas ng classroom. Bahala siya diyan kung mag-cut man siya, basta magiging totoo ako sa sinabi ko.
Hindi ko na inisip pa 'yon at nag-focus na lang ako sa klase nang dumating na ang prof naming ilang linggong hindi nagparamdam. At tuluyang nawala sa isip ko nang bigla na lang siyang nagpa-quiz! Binigyan nya lang kami ng ten minutes para basahin ang handouts namin.
Aligaga kaming lahat at sinubukan kong ipasok lahat ng impormasyon sa utak ko. Buti na lang at binasa ko 'to dati at may konting naaalala pa naman ako. May na-recall naman ako sa mga binasa ko ngayon pero hindi ko natapos dahil hindi ako makapag-focus. Sana lang talaga ay alam ko ang sagot sa mga tanong.
Pero syempre, ang swerte ko naman kung ganon nga. Ang goal ko na lang ay makapasa, kahit anong score tatanggapin ko basta pasado. Pero nakakakaba talaga dahil karamihan sa mga tanong ay hinulaan ko lang. Kaya sana tama ang mga hula ko. Hindi pa naman ako magaling manghula!
Dahil doon ay malungkot akong lumabas ng classroom at dumereto sa canteen para kumain ng lunch. Mukha akong zombie kung maglakad at nang umupo ako ay nakatulala lang ako ng ilang minuto. Inisip ko lang kung tama ba ang mga desisyon ko sa buhay.
"Ang lalim ng iniisip natin ah!"
Napaitlag nang bigla na lang may nagsalita sa tenga ko. Teka nga, anong ginagawa nito rito? Ang sabi ko huwag siyang mag-cut eh!
Inirapan ko siya at hindi pinansin. Kinuha ko na lang ang lunch box ko sa bag at nagsimulang kumain. Fried rice na may sahog na hotdog at itlog lang 'to, may sobra kaseng kanin kagabi kaya sinangag ko kanina.
"Oh teka lang, for your information hindi ako nag-cut!" Mayabang siyang umupo sa tapat kong upuan. "Hindi raw papasok ang prof namin dahil namatay daw yung alaga niyang aso."
Pinanliitan ko siya ng mga mata dahil ayaw kong paniwalaan ang sinabi niya. Baka kaya aso lang ang sinabi niya dahil ang pangit naman kung family member ang sabihin niya.
"Ayaw mong maniwala? Look around, puro kaklase ko ang narito. Andoon sina Meraki, Rom at Venn," tinuro niya ang right side ng canteen at nakita ko nga doon yung tatlo, kumakain at nag-aasaran. "Tapos ayun naman yung kasama mo sa USC, si Jojo." Tinuro niya ang bandang likod ko at oo nga, kumakain doon si Jojo.
Tinuro niya pa ang iba niyang kaklase na hindi ko naman kakilala pero naniwala na ako. Nandito nga talaga ang mga kaklase niya at wala silang prof. Buti pa sila.
"Bakit ka nga pala mukhang malungkot kanina? Ang lalim pa ng iniisip mo. May problema ba?" nag-aalala niyang tanong habang kinakain ang lunch niya. Napansin kong kapareho niya ng lunch yung tatlo, lumipat lang siguro siya rito pero sila talaga ang kasabay niya.
"Nag-surprise quiz kase yung prof naming matagal 'di nagparamdam! Hindi man nga 'yon nagturo! Pagkabigay ng handouts lumayas na siya at kanina lang ulit bumalik tapos ganon! Eh ang hirap kaya! Hindi ko tuloy alam kung pumasa ba ako o hindi." Malungkot at may inis din akong nararamdman habang nagkukwento, halos di ko man nga magalaw ang pagkain ko.
Hindi kase ako pwedeng bumagsak dahil may mine-maintain akong grades para sa scholarship. Hindi 'yon pwedeng mawala dahil siguradong mahihirapan kaming lahat.
"Malaki ang tiwala ko sa'yo! Ikaw pa ba? Dahil nga sa'yo sinisipagan ko nang mag-aral." Nakangiti siya at pilit pinagaan ang pakiramdam ko. Pero nang hindi ako ngumiti ay nawala rin ang kaniya.
"I understand that you have a grade to maintain, and I acknowledge the fact that you're doing everything just to study. I mean...ako nga hindi ko masyadong pinahalagaan ang pag-aaral noon kase pumapasa naman ako kahit chill lang, eh. But now, I strive harder because I know I can do better and I want to achieve greater milestones. And I realized that...because of you."
Napaangat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata niya. Binigyan niya ako ng magaang ngiti at tinapik ang balikat ko.
"But sometimes, you have to give yourself a pat on your shoulder and be proud of whatever you achieve. I know it's difficult for you and I understand that it is impractical to think that way. Pero, I just want you to—I don't want you to be hard on yourself. Because for me, you're amazing as you are, Mabel. You're an amazing USC Officer for Finance, student, classmate, friend, sister, and daughter." Lumaki ang ngiti niya, mukhang may kapilyuhang naisip. "And girlfriend as well?"
Tumawa siya ng napakalakas kaya napatingin ang lahat ng students sa canteen, karamihan ay kaklase pa namin kaya nakarinig kami ng mga kantiyaw. Siyempre pinakamalakas yung boses ng mga kaibigan niya at ni Jojo.
Napayuko na lang ako dahil sa hiya at gusto ko ring itago na nangingiti ako. Tinuloy ko na lang ang pagkain at pinakinggan na lang mga kwento niya. Dahil doon ay gumaan ang pakiramdam ko. Dahil naisip ko na may punto rin naman siya.
I can be satisfied or happy with everything that I do—especially schoolworks—without sacrificing the quality of my work. Lalo na at tapos na rin naman, hindi ko na mababago pa 'yon. Ang magagawa ko na lang ay magdasal at mag-aral ng mabuti para mabawi yung quiz na yon kung bagsak man.
Sa mga araw na nagdaan ay unti-unti kong nakilala si Luigi. I saw different sides of him that's not known by many. Kilala siya bilang heartthrob, pero naipakita niya rin sa akin ang pagiging isip bata at matured niya.
Nalaman ko rin na hindi rin siya puro mukha lang, he also has the brain and attitude. Nakakatawang lagi niyang sinasabi na ang talino ko, eh sobrang talino kaya niya! Sadyang masipag lang akong mag-aral, pero siya, parang innate na mataas talaga ang IQ.
Siyempre, kahit minsan ay matigas ang ulo, pilyo, at salbahe. Mabait din naman siya, hindi man nga siya nambubully. Wala rin akong nabalitaang nakaaway niya—parang ngang kinagigiliwan pa siya ng lahat. At tsaka...I already experienced the goodness in him, actually.
"I'm sorry if I'm gonna ask this pero curious lang talaga ako." Nag-aalangan pa siya kaya naman tumango na lang ako kahit pakiramdam ko hindi maganda ang tanong niya. "What happened to your mom? But...you don't have to answer if it makes you uncomfortable."
Lagpas isang minuto rin akong nanahimik at hindi rin naman siya nagsalita. Hinayaan niya lang akong matulala habang nilalaro ang pagkain ko.
Hindi naman ako nag-aalangang sabihin sa kaniya dahil may tiwala ako sa kaniya. Sadyang hindi ko lang gustong pinag-uusapan si mama. Pakiramdam ko kasi masyadong malayo ang loob ko sa kaniya para ikwento pa siya...silang dalawa ni papa.
Pero sa mga nagdaang araw, mas naging close sila mama at Luigi dahil minsan ay sumasabay siya sa almusal namin—minsan ay pinagdala pa niya kami ng pagkain! Siguro hindi niya lang matanong kay mama pero curious talaga siya.
Huminga ako ng malalim bago ko siya sinagot kaya nakuha ko ang atensiyon niya at tumingin sa akin. Magsasalita na dapat siya—para siguro sabihing ayos lang kahit hindi ko sagutin—pero inunahan ko na siya.
"Paralysis," sagot ko. "Two years na rin nang na-aksidente siya dahil..." Napailing-iling na lang ako dahil hindi ko kayang sabihin ang dahilan. Nahihiya ako...nahihiya ako para sa akin at para sa mga kapatid ko.
"H-hey it's okay. I'm sorry for asking," malamlam ang tinig niya at mababa ang gilid ng labi niya.
"Wala namang mali na nagtanong ka, alam kong concerned ka lang." Binigyan ko siya ng maliit at medyo pilit na ngiti. Okay lang naman talaga, sadyang ayaw ko lang pag-usapan pa namin nang mas detalyado. "Huwag ka ngang ma-guilty at malungkot diyan, 'di mo bagay." Sinubukan kong tumawa para gumaan naman ang ere.
Epektibo naman dahil ngumiti siya pero binawi niya agad at ngumuso. "Grabe ka sa'kin!" Kunwaring nagtatampo at humalukipkip pa.
Pero pagkatapos ng ilang segundo ay biglang nagbago ang expression niya. Ngumisi siya at tinaas ang isang kilay. "Sabihin mo na lang kase na gustong gusto mong nakikita ang ngiti ko." At hindi na siya tumigil sa pang-aasar.
At kinabukasan, sinamahan niya ulit akong kumain ng lunch nang nagtugma ang schedule namin.
"By the way, dad said na meron siyang mare-recommend na doctor kay Tita Marina. And...he also knows a foundation that could help financially."
Sa gulat ko ay napatulala ako nang ilang sandali, inintindi ang sinabi niya. Hindi ko akalaing mage-effort pa talaga siya para doon! Sa sobrang galak ay hindi ko napigilang yakapin siya ng mahigpit at nagpasalamat ng walang sawa.
"Thank you talaga, Luigi! Salamat. Salamat."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top