Chapter 4

Naestatwa ako sa kinakatayuan ko nang nakita ko kung ano ang nag-aabang sa akin sa labas ng classroom. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, hindi ko rin alam kung paano magre-react! Lalo na ngayong tili at kantiyaw ng mga kaklase ko ang bumalot sa classroom namin. Napatago ako sa likod ni Rita pero pilit naman niya akong pinapalabas.

"Girl, dali na! Labas na!" Halos hilahin na niya ako at kaladkarin palabas. Yung iba naman ay pinagtutulakan na ako. Yung mga katabing classroom naman namin ay nagsilabasan at nakitili rin sila nang nakita kung ano ang meron.

Hindi ko alam kung lalabas ba ako o hindi. Nakakahiya kase lalabas ako, ang daming nakatingin at baka isipin nila ang landi ko. Pero kung hindi naman ako lalabas, baka isipin nila ang arte ko. Tsaka nakakahiya rin naman sa kaniya kung hindi ako lumabas.

Pero...hay! Lalabas na lang nga!

Kaso saktong pagkatapat ko pa lang sa pintuan ay binulyawan kami ng prof na nagkaklase sa malapit na classroom.

"QUIET! MAHIYA NAMAN KAYO SA MGA NAGKAKLASE!"

Napatigil ang lahat sa pagkantiyaw at mabilis na bumalik sa loob ng classroom ang iba. Yung iba naman gusto pa atang makarinig ng isa pang sigaw. O baka naman kagaya lang nila ako na hindi na nakagalaw sa kinatatayuan dahil sa takot. Parang kaseng kulog yung boses ni ma'am, katakot!

"PARANG KAYONG MGA NAULOL NA KABAYO! MAGSIPASOK KAYO SA MGA CLASSROOM NIYO!" Pulang pula ang buong mukha niya at ang mga mata ay nanlilisik. Taas-baba ang didbdib niya at nanginginig pa ang kamay.

Kaya naman natakot ang mga natira at pumasok na sa kani-kaniyang room. Pati ang mga kasama ni Son na kaklase niya ata na may dala ng boards at balloons ay napatakbo paalis. Pati ako ay papasok na rin dapat sa room kaso...

"AND YOU, MR. CARLOS! USC PRESIDENT KA PA NAMAN PERO NAGPASIMUNO KA NG KAGULUHAN AT INGAY DITO!" Napahinto ako sa pag-atras nang si Son na ang pagalitan niya. Kung pagagalitan man siya dapat kasama ako, hindi ko siya pwedeng iwan.

"S-sorry po, ma'am." Napayuko si Son at binaba ang bouquet na hawak niya, balak pa atang itago pero mas nakuha pa ang atensiyon ni ma'am.

"AT ANO 'YAN, HA?! NAGLILIGAWAN KAYO SA LOOB NG ATING UNIBERSIDAD?! OH MY GOODNESS! ANG ESKWELAHAN AY PARA SA PAG-AARAL AT HINDI PARA SA KUNG ANO MANG KALANDIAN! I WILL REPORT THIS TO SIR DE LEON!" Pagkatapos niyang sumigaw-sigaw na mas malakas pa ata sa tilian kanina ay bumalik siya sa classroom at padabog na sinara ang pinto. Napatalon kaming dalawa ni Son sa gulat sa lakas ng kalabog.

"S-sorry about that. Medyo fail yung...pag-amin ko, hehe." Pilit niya akong nginitian kahit medyo nanginginig ang labi niya, pagkatapos ay namumula pa ang mga mata niya. Nang napansin niyang nakatingin ako doon ay yumuko siya at pasimpleng inalis ang namuong luha.

Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam ang dapat na sabihin. Gulat pa rin ako sa lahat ng nangyari! Una ay nakita ko na lang sa tapat ng classroom namin si Son habang naghihintay ng prof na hanggang ngayon wala pa rin. Sinabihan nya mayor namin na may meeting kaya umalis pa tuloy ako sa ticket booth tapos wala naman siya!

Tapos, pinagalitan pa kami—lalo na si Son! Hindi ko tuloy alam kung itatanong ko ba yung tungkol don sa nabasa ko sa board o kung aaluin ko siya dahil siya ang lubos na pinagalitan.

Kaya dapat talaga ay magkausap na kami, ngayon na! Pero hindi pwede rito, nang tumingin kase ako sa paligid ay nakadungaw pa rin yung iba, naghihintay pa rin sa susunod na mangyayari. Kaya naman hinila ko ang kamay ni Son paalis doon. At dahil doon ay narinig kong nagtilian ang iba at ang iba naman ay binawalan sila—takot nang mapagalitan.

"S-saan tayo pupunta?" tanong ni Son.

Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.

Oo nga, 'no? Saan kami mag-uusap? Hindi ako sigurado kung walang tao sa USC office dahil siguradong nandon ang ibang officers dahil naghahanda para sa Univ Week. Tapos marami pang estudyante ang pakalat-kalat sa buong campus dahil ang iba ay hindi na pinasukan ng prof. Kaya saan?

Sa library kaya ng CAFA? Kung sa main kase maraming tao doon. Tapos ay wala rin ang ibang students ng CAFA dahil may field trip sila ngayon! Ang paalam ni Tracy ay pupunta sila sa National Museum of Fine Arts. Kaya sige, doon na lang!

"Basta, sumama ka na lang." Kinuha ko ulit ang kamay niya at hinila.

Kaso nakailang hakbang pa lang ay nakasalubong ko si Luigi kasama ang mga kaibigan niya! Nagkatinginan kami sandali pagkatapos ay bumaba ang mga mata niya. Nang napagtanto kong nakatingin siya sa magkahawak naming mga kamay namin ni Son ay binalak kong bumitaw, hindi ko alam kung bakit. Pero hindi bumitaw si Son at mas hinigpitan ang hawak sa akin kaya hinayaan ko na lang.

"Oh! You're here, Princess Peach." Nakangisi si Rom habang nakaakbay kay Savenn na sumiko naman sa kaniya.

Ano raw? Princess Peach? Saan naman niya nakuha 'yon?

"U-uh...Hi, Mabel! Papunta kami sa susunod naming klase. Mauna na kami." Naunang naglakad paalis si Luigi at nilagpasan kami pagkatapos niya kaming nginitian. Sumunod naman agad sina Savenn at Meraki. Habang si Rom ay mabagal na naglakad, nakangisi sa akin at umiiling-iling.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil alam kong maloko talaga 'yon. Hinila ko na lang si Son at dinala siya sa CAFA Library. At mabuti na lang talaga ay dalawa lang ang tao rito bukod sa librarian.

Dinala ko sa dulong table si Son malapit sa bintana at doon kami umupo. Kumuha ako ng libro sa malapit na shelf—Calculus pa talaga! Prop lang naman 'to, para di kami mukhang nagpunta rito para lang mag-usap.

"A-ayos ka lang ba?" tanong ko agad sa kaniya. Hindi na siya mukhang naiiyak pero mukha pa rin siyang malungkot.

"Ayos lang," he gave me an assuring smile, tumango-tango pa.

"Pero ire-report ka raw niya kay sir." Nag-aalala ako sa kaniya dahil siguradong pagagalitan siya.

"Ayos lang, wala naman sa handbook na bawal manligaw sa school, OA lang talaga si ma'am." Nagawa niya pang talagang tumawa ng mahina kaya muntikan ko na siyang nasapok kung hindi lang siya nakailag.

"Huwag ka ngang tumawa, siguradong pagagalitan ka ni sir."

"Okay lang 'yon, sanay naman akong mapagalitan. Tsaka hindi naman ako matatanggal sa pagiging president dahil lang nanliligaw ako."

Dahil sa sinabi niya ay bumalik ang pagkalito at pagtataka ko.

"B-bakit ka ba kase nandoon? Tsaka bakit ganon yung nakasulat dun sa board? Seryoso ka ba don?"

Kinabahan ako lalo nang saglit nawala ang ngiti niya. Pero nakabawi naman siya kaagad, tipid siyang ngumiti at tsaka pinatong ang kamay niya dun sa sa akin. Sa gulat ko ay nabawi ko 'yon at tinago sa ilalim ng table. Nagbibiro naman siyang ngumuso tapos ay ngumiti ulit.

"I am a busy person, Mabel. I don't have time to joke around—though I wasted a lot of time for not confessing my feelings earlier." Mas lalong tumamis ang ngiti niya at tsaka binigay yung bouquet of red chrysanthemum na kanina pa niya bitbit.

"They say that red chrysanthemum symbolizes...love. And in general, they represent happiness, love, and longevity." Nangingiti pa siya habang sinasabi ang meaning ng bulaklak na binigay niya. "And yes, Maria Isabelle, I have loved you since we're in...high school." Napayuko siya at pasimpleng tiningnan ang reaksiyon ko.

Siyempre ako naman ay nagulat sa kaniyang rebelasyon! Napanganga na lang ako at hindi alam kung ano ba dapat ang sabihin. Dahil simula pa nung lumipat kami sa bahay namin ngayon ay naging magkaibigan na kami ni Son, at hindi ko naisip na magiging...ganito.

"I-i don't know what to say." Dahil naguguluhan talaga ako at hindi makapaniwala!

"You don't have to say anything, Mabel. I'll court you and sana payagan mo ako." Lumamlam ang mga mata niya at pinagsiklop pa ang mga palad niya.

Bakit ba biglang naglabasan ang mga manliligaw ko ngayon? Anong meron?

"Sabihin mo nga sa akin, nakikisabay ka lang ata kina Luigi eh."

Sumeryoso ang mukha niya at tsaka umayos ng upo. "Well...narinig ko kayo nina Jojo kahapon sa office."

Nagdikit ang mga kilay ko. Kahapon?

Hinila ko si Jojo at pinaupo ulit nang tumayo siya at nagtitili—tinakpan ko pa ang bibig niya dahil baka may makarinig sa kaniya sa labas ng office. Ngayon ko lang nga nasabi sa kaniya dahil ngayon lang ako nakahanap ng tiyempo at pagkakataon na kaming dalawa lang tapos nag-ingay pa siya at nagtawag ng atensiyon!

"Grabe ka, dai! Sigurado ka ba at baka nag-iilusyon ka lang!" Nanlalaki pa ang mga mata niya.

"Dapat talaga hindi ko na lang sinabi sa'yo!" Grabe kase, ano namang sa tingin niya sa akin!? Alam kong hindi lang ilusyon 'yon dahil pinagsabihan pa ako ni kuya dahil doon. Pati nga si Luigi ay kinausap niya! Kaya sigurado ako, double checked pa!

"Grabe naman kase 'yon. Si Luigi, liligawan ka?" Kung magsalita naman 'to parang napakaimposibleng ligawan ako ni Luigi!

"Hindi ba ako mukhang kaligaw-ligaw?" Nasaktan talaga ang feelings ko dahil parang ganoon ang pinapahiwatig niya. Kaibigan ko ba talaga 'to?

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, ang ganda mo kaya! What I mean is...hindi kase nanliligaw si Luigi! Tapos ikaw ngayon liligawan niya. Nako girl, seryoso yan kaya sagutin mo na dali!" Napapalakpak pa siya, mas excited pa kesa sa akin.

"Ano? Nililigawan ka ni Luigi?" nagulat ako nang nagsalita si Adi! Yawa, bat sila nandito ni Albie?

"H-hindi pwede!" Lumapit sa amin Albie.

"Bakit naman," nagtataka kong tanong.

"K-kase...kase ano..." Hindi siya mapakali, sinubukan nya akong tignan pero nilayo nya agad ang tingin.

"Oh diba! Sabi ko na may gusto ka rin sa kanya! Grabe, ang ganda mo talaga girl! Ikaw na!" Tumawa ng malakas si Jojo, hinagod-hagod pa ang buhok ko. "Gaano ba kahaba 'to, bigyan mo naman ako."

"Liligawan din kita, Mabel."

Pareho kaming nagulat ni Jojo nang nagsalita si Adi. Naglakad siya palapit sa akin at nakaharang na siya ngayon kay Albie. Kaya tinulak naman siya nung isa at mas lumapit sa akin.

"Liligawan din kita!"

"Taruuuuuush!"

Napahawak na lang ang dalawang kamay ko sa sentido nang naalala ko ang nangyari kahapon sa USC Office. At lalo pang sumakit ang ulo ko dahil hindi na tumigil sa kakatili at kantiyaw si Jojo sa amin pag lumalapit sa akin yung dalawa. Nalaman na rin tuloy ng ibang officers! Buti na lang talaga at hindi niya pa naman napagkalat yung tungkol kay Luigi. Pero dahil na rin sa kaingayan niya ay nalaman naman nung dalawa!

"And I realized na kung hindi ako gagalaw, baka maunahan pa ako nung tatlo. At ngayon pa lang ay nagsisisi na akong hindi agad ako umamin, pero nandito na eh. At ito na yung tamang pagkakataon para umamin at ligawan ka." Kinuha niya ang mga kamay na nakahawak sa ulo ko at hinawakan ang mga iyon. Ngumiti ulit siya pero hindi kita ang mga ngipin niya ngayon.

"Pero ayaw kitang masaktan. You're my bestfriend, Pearson."

"Mahal kita, so I'll feel pain either way. Just let me court you, so in the future, wala akong pagsisisi."

Tumango na lang ako. Yung tatlo ay pinayagan ko—though di naman nila hiniling ang permiso ko—at ang pangit naman kung si Son pa ang tanggihan ko.

***

Nagpunas ako ng kamay pagkatapos kong maghugas ng mga pinagkainan. Mga tamad kase yung dalawa kaya hindi talaga maasahan sa bahay kahit ilang beses na naming pinagsabihan ni kuya.

Pagkapasok ko sa kwarto naming tatlo ay naabutan kong nakaupo sa kama ang dalawa. Busy sa cellphone si Leigh habang si Sabel naman ay inaayos ang buhok niya at sinusuklayan. Tignan mo nga naman, matutulog na lang at nag-ayusan pa 'tong dalawa.

Napailing-iling na lang ako at umupo sa kabilang dulo ng kama. Nilabas ko rin ang cellphone ako at binuksan ang mobile data. Pero kamalas-malasan at hindi ko na-silent kaya nag-ingay na naman sa dami ng notification at puro messenger pa! Huwag lang sanang marinig sa katabing kuwarto, dahil bukod sa magigising si Baby Micoy ay siguradong uusisain ako ni kuya!

"Uuuyy! May ka-chat! Yung manliligaw mo ba yan, ate?" Gumapang si Leigh papalapit sa akin at iniwan yung nag-aayos ng buhok niya.

"Huwag ka ngang maingay, Leigh Belle!" mahinang bulyaw ko sa kaniya! Hindi nga narinig ni kuya ang notifications, siya naman ang nag-ingay!

"'Wag mo namang buuin ang pangalan ko, Ate Maria Isabelle! Leigh o Belle lang, sapat na!" Ngmuso siya at tumalbog pa sa kama dahil sa inis.

"Ang tanong, sino sa mga manliligaw?" Pamisteryosong ngumisi si Sabel at lumapit sa kabilang tabi ko.

"MGA?!" Nilagay ko agad kamay ko sa bibig ni Leigh! Ang ingay!

At wala pa ngang tatlong segundo ay bumukas na ang pinto namin at bumungad si kuya na napakasama ng tingin.

"Ano bang meron at napakaingay niyong tatlo?"

"Ah...wala kuya. Nagkukulitan lang," pagdadahilan ko. Huwag na sanang magtanong pa dahil hindi ko na alam kung anong alibi pa ang sabihin.

"Hinaan nyo ang mga boses niyo, alam niyo namang sumupungin si Micoy pag kulang sa tulog." Inirapan niya kami bago sinara ang pinto at umalis.

Napasabunot ako sa sarili at tinignan ng masama yung dalawa. "Matulog na kayo, may pasok pa bukas."

Pumunta na ako sa nilatag kong kutson sa lapag at humiga na roon. Humarap ako sa direksyon nila at tinignan ang mga chat—para hindi nila masilip at mabasa. Mahirap na, napakachismoso pa naman ng dalawang 'to.

"Ibig mo bang sabihin may iba pang manliligaw si ate?" bulong ni Leigh habang inaayos ang kumot niya.

"Napaka-chismosa mo talaga, Leigh." saway naman sa kaniya ni Sabel.

"Chismosa ka rin naman."

"Ah ganon? Hindi ko sasabihin sa'yo ang mga nalaman ko kanina."

Hindi ko na lang sila pinansin at tinuon ang pansin doon sa chat. Simula kase noong umamin na si Luigi at nanligaw, binasa at nag-reply na ako sa ilang chat. Ewan ko ba at nakaramdam ako ng hiya na basta ko lang sineen noon. Oo kahit hindi ko namang sinabi sa kaniyang i-update niya ako sa mga nangyari sa kaniya, ang bastos din na i-seen lang siya.

Sa pagcha-chat namin, feeling ko mas nakilala ko siya at napalapit kami sa isa't isa. Mapagbiro kase siya bukod sa likas na madaldal kaya ang dami naming napag-uusapan. Kaya naman ngayong ganito ang chat niya, medyo napanganga at parang nalungkot? Hindi ko alam pero ramdam ko rin kase ang lungkot niya.

[Tapos na akong kumain ng dinner!]
[Sana ikaw as well]
[Btw]
[Narinig ko kanina na nililigawan ka rin nung President?]
[Ayos lang naman sa akin 'yon]
[Hindi naman masama ang loob ko]
[Pero I hope na bigyan mo ako ng chance]
[I know that you know him more than you know me]
[Kaya give me a chance to introduce myself]
[Sana makilala mo pa ako]
[Promise gagawin ko lahat!]
[Yun lang hehe]
[Good night kahit maaga pa!]
[See you tomorrow!]

Hindi ko na naman alam kung ano ang isasagot ko sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na, "Sige Luigi, bibigyan kita ng chance." Parang tunog naman na feel na feel kong nililigawan niya ako.

Pero ayaw ko rin namang ignorahin lang ang mga chat niya. Baka naman isipin niya wala siyang chance? I know ang gulo at wala rin talaga akong balak mag-uyab muna, pero pakiramdam ko ayaw ko siyang patigilin. Hindi ko alam bakit ganito! Yawa!

Ang landi-landi mo, Mabel! Paasa pa! Hmp!

Pero sige, bahala na! Sagutin ko man ang isa sa kanila o hindi, sa susunod ko na isipin dahil inaantok na ako. Ang mahalaga ngayon ay may maisagot ako kay Luigi.

Ano kaya? Hmmmm...

[Good Night, Luigi!]

Pinatay ko na ang cellphone at may ngiti akong pumikit. Naging payapa ang pagtulog ko...ngunit hindi ko inasahang magulo sa paggising ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top