Chapter 3
Sobrang busy ko sa nagdaang linggo, gabi-gabi akong late umuwi at kadalasan ay nauuna pa sa'kin si Kuya Mikel. Kaya lalo lang tumibay ang desisyon kong huwag nang tumakbo next year at sumali sa anu pa mang org. Lalo na at huling taon ko na next year at gagawa na ng thesis at mag-OJT pa.
"Ang lalim na naman ng iniisip mo." Napabalik na lang ako sa kasalukuyan nang nagsalita si Jojo. Tumutulong kami ngayon sa pagde-design ng stage dahil bukas na ang start ng Univ Week. Pagkatapos nito ay mababawasan naman ang mga gawain namin at magiging busy ulit para sa Christmas Party.
"Madaming problema," simpleng sagot ko. Bumalik ako sa paggawa ng mga bulaklak at doon tinuon ang atensiyon ko para hindi ko muna maisip ang problema pansamantala.
"Palagi naman." Patuloy lang siya sa paggupit ng mga letterings habang sina Adi at Albie at nagte-trace ng mga letra.
Natawa na lang ako sa sinabi niya dahil totoo naman. Simula nang maghiwalay sina mama at papa hindi na talaga ako nawalan ng problema. Kung hindi ako nagkakamali, 6 years old ako nang nagsimulang magkalamat ang relasyon nila at 10 ako nang tuluyan silang naghiwalay.
"Oh, ayan na naman. Baka wala kang matapos niyan, ha."
Ngumiti na lang ako at umiling para sana maaalis sa isipan ang masasamang alaala at mga alalahanin para makpag-focus ako rito. Pero hindi naman gumana kaya pilit ko na lang tinuon ang pansin ko sa mga ginagawang bulaklak.
"You need help?"
Napalingon ako nang may narinig ako sa likod. Si Luigi na may dalang sariling gunting at makukulay na papel. Sa akin siya nakatingin kaya sige, I'll assume na ako ang kausap niya. Tumango na lang ako dahil ayaw kong magsalita, baka mautal lang ako at mapahiya. Umupo naman siya sa tabi ko at sinimulang gumawa ng mga bulaklak.
"You're not part of Sining at Musika club, right?"
"Uh...h-hindi pero pinatulong kaming officers. Ikaw?"
"Ahhh, kaya pala." Tumango-tango at nginitian ako. "Oo member ako ng org kaya nagtaka ako nung nakita ko kayo, akala ko sumali kayo bigla."
Natahimik siya sandali, nakatuon ang atensiyon sa paggawa ng bulaklak. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko kaya nanahimik na lang din ako. Pero ang atensiyon ko ay nasa kaniya, naghihintay ng sasabihin niya.
"You know, I love arts. When I was a child, I would always ask for art materials from my parents everytime they asked me what I want as pasalubong." Pagkukwento niya pa. Alam ko naman iyon, nakita ko ang ilang artworks niya sa facebook.
"Ako naman...hindi masyado. Napipilitan lang ako para sa mga project. Noon, si kuya ang taga gawa ko ng projects, lalo na pag related sa arts. Ngayon kase busy na siya sa trabaho. At tsaka matanda na rin naman na ako para magpagawa pa." Pareho kaming natawa ng mahina. Nalala ko tuloy noong mas bata pa ako, noong hindi pa si kuya ang gumagawa ng projects ko—si papa.
"Okay lang yan! If you need help, you can ask me. Kahit anong project pa yan, I will help you." Nginitian niya ako at tinitigan, tumango pa siya for assurance.
"Uuuuyyy! Ano yan, ha? Kayo na ba?" singit ni Jojo.
Nanlaki ang mga mata ako at napatingin sa kaniya. Nakangisi siya sa amin at tinaas-baba pa ang mga kilay niya. Naloko na!
"Hindi pa." Tumawa pa si Luigi!
"HALAAAA! MAY 'PA' SO IBIG SABIHIN...WAAAAAAAHHH!" parang balyena sa lakas ang tili ni Jojo, napatingin tuloy sa amin yung iba. Pati yung mga malayo sa amin ay napatingin, akala siguro nila may sunog.
"Hoy, Jojo! Ang ingay mo naman, manahimik ka nga!" Pambabawal naman ni Albie, ang sama pa ng tingin.
"Wushuuuu! Selos ka lang eh, crush mo 'tong si Mabel 'di ba?"
Nagulat ako sa sinabi ni Jojo at mukhang si Albie rin dahil nanlaki ang mga mata niya at napanganga nang tingnan ko siya. Napatingin muna siya sa akin bago binalik ang tingin kay Jojo. Binuka niya ang bibig niya para sana magprotesta pero sinara nya ulit. Pagkatapos ay natataranta siyang tumingin ulit sa akin at binalik ulit kay Jojo.
"A-ano namang pinagsasabi mo diyan? B-boang!" Sa wakas ay nakapagsalita na rin siya.
Patuloy lang si Jojo sa pang-aasar kay Albie at yung isa naman ay napikon kaya nag-walk out. Tinawanan ko lang sila nung una dahil akala ko hindi totoo. Pero nung padabog umalis si Albie at iniwan ang ginagawa niya, napatahimik kaming lahat, pati na si Jojo. Kaya umalis din tuloy ang huli at sinundan ata.
"Ang dami palang may gusto sa'yo." Bigla na lang nagsalita si Luigi sa tabi ko pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. Nang tingnan ko ay nasa ginagawang bulaklak ang pansin niya, pero naramdaman atang nakatingin ako kaya napaangat siya ng ulo.
"Marami akong kaagaw," sabi niya sa mahinang boses, pero sapat ang lakas para marinig ko.
***
Buong araw akong binagabag ng sinabing 'yon ni Luigi—dumagdag pa talaga sa mga alalahanin ko. Pagkatapos niya kaseng sabihin ang nakakagimbal na mga salita, nanahimik na lang siya. Hindi ko na rin nagawang magbukas pa ng topic hanggang sa natapos kami dahil ang awkward.
Alam ko naman kung ano ang pinapahiwatig niya. I'm not that naive when it comes to these things since may mga nanligaw naman sa akin high school pa lang. Pero ayaw ko rin namang mag-assume, baka kase sadyang malandi lang si Luigi. Pero dahil nga...crush ko siya, hindi na nawala sa isip ko ang sinabi niya.
Sa nagdaang linggo rin ay panay ang chat niya sa akin! Pagbukas ko pa lamang ng mobile data ay halos sumabog na ang cellphone ko dahil sunod-sunod ang tunog. Yun pala ay kinwento niya lang ang mga nangyari sa kaniya—parang akong jowa sa sobrang updated.
Hinayaan ko na lang din siya dahil hindi ko rin naman palaging bukas ang data ko at nilagay ko muna sa silent mode ang cellphone bago ko buksan. At tsaka parang gusto ko rin sa pakiramdam na alam ko ang mga nangyari sa kaniya.
Kaso...medyo nabibilisan ako at hindi ko alam kung paano ko sasabihin iyon sa kaniya. Ni hindi ko man nga alam kung nanliligaw na ba siya sa akin o hindi. Ayaw ko namang mag-assume, baka mali pala ako edi mas masakit dahil umasa ako at ang masaklap pa ay kahihiyan 'yon.
Pero naguguluhan na rin kase ako at nang sinabi ko 'to kay Jojo ay puro tili lang ang ginawa niya. Ang sabi niya ay 100 percent sure siya na nanliligaw si Luigi dahil hindi naman daw siguro ito magsasayang ng oras sa pag-chat sa akin kung hindi. Pero para raw sigurado, tanungin ko na.
Pero hindi ba parang nakakahiya kung deretsahin ko siyang tanungin? Baka naman isipin niya napaka-assuming ko. Pagkatapos ikekwento niya pa ako sa mga kaibigan niya at pagtatawanan. Tapos ay kakalat at makikilala ako bilang assumera. Pagkatapos ay pagbubulungan ako sa campus pag dadaan ako, o ang mas malala ay i-bully talaga ako! Ayaw ko ng ganoon, gusto ko payapa lang akong mag-aral.
Pero paano ko makukumpirma? Hintayin ko na lang kayang siya ang magsabi? Pero paano nga kung hindi naman pala siya nanliligaw tapos naghintay lang pala ako sa wala? At tsaka gusto ko na rin talagang mabawasan ang mga iniisip ko kaya dapat ay matuldukan na 'to.
Dahil wala akong maisip, binasa ko na lang ang mga chat ni Luigi. Baka sa kababasa ko ay makaisip ako ng paraan kung paano malaman ang mga katanungan ko na hindi direktang nagtatanong. Tama!
TUE AT 3:22 PM
-Hello, Mabel! I just accepted ng friend request, hehe.
-Kumusta?
TUE AT 4:03 PM
-I figured you're busy?
-Okay lang, you can reply anytime😄
TUE AT 5:01 PM
-Nakalabas ka na ba? Bakit hindi pa kita nakitang dumaan sa gate?
-Sa kabilang gate ka ba dumaan?
-Anyway, nagpunta kami sa bahay ni Rom kanina
-I think hindi mo pa siya nakilala, right?
-We planned to do our plates together
-Pero nauwi lang din sa inuman
-Pero wag kang mag-alala
-Hindi naman ako naglasing
-At hindi ako nag-drive pauwi
-Nagpasundo ako
TUE AT 7:27 PM
-At nakauwi na ako ngayon
-Pinagalitan ako ni dad dahil hindi raw ako nagpaalam
-Buti na lang mom is always there to back me up HAHAHAHAHA!
-But I had to eat dinner kahit busog na ako para hindi lalong magalit.
-The dinner was delicious anyway so oks lang.
-Our maid, Manang Roberta, cooked Afritada
-Siya ang nagluluto dahil hindi marunong magluto si mom HAHAHAHAHA!
-Marunong ka bang magluto?
-My dad said na mas maganda kung marunong magluto ang mapangasawa ko, hehe.
Nasamid ako sa sariling laway dahil sa nabasa ko. Ano raw? Asawa? Agad-agad? Ni hindi pa nga kami! Pero bakit ko naman naisip na ako ang gusto niyang mapangasawa? Tinanong lang naman ako kung marunong magluto! Pero ano pa nga ba ng implication no'n diba? Ay basta! Huwag umasa para hindi masaktan!
TUE AT 9:46 PM
-Ouch, ni-seen lang😢
-Pero oks lang
-Okay lang talaga, hehe.
Hello! Sorry dahil ngayon lang ako nagkaroon ng time para mag online. At kaya hindi- ako agad nakapag-reply kase medyo nagulat ako sa dami ng chat mo, sunod-sunod ang notification. Sorry, hindi ko intention na i-seen ka lang. :)
-Uy, joke lang!
-Eto naman HAHAHAHAHA!
-Ayos lang sa akin
-Kahit nga hindi ka na mag-reply ayos lang
-Ayos na sa akin basta basahin mo ang mga chat ko
-Makita ko lang na nag-seen ka
-Ayos na 'yon!
-Basta sana basahin mo lang ah?🙏
And being true to his words, hindi na nga siya nagreklamo kahit sineen ko na lang ang mag sumunod niyang chats. Hindi ko na nga binasa ang iba dahil sobrang dami. Tapos putol-putol pa, mas gusto kong binabasa yung isang buo lang.
WED AT 9:52 AM
-Good Morning, Mabel!
-Maayos ba ang tulog mo?
-Siguradong gising ka na
-Late na akong nagising dahil may tinapos akong plate kagabi
-Nasabi ko naman yun diba?
-Tinatamad pa akong bumangon kaso may klase ako ng 11
-Kaya see you na lang school!
-Ligo na ko
-Bye!
-Bye na talaga
WED AT 10:48 AM
-Nandito na ako sa school
-Sinadya kong dumaan sa ticket booth
-Just to check if you're there
-Kaso wala ka
-Pero ayos lang
-Makikita naman siguro kita mamaya
-Nandiyan na prof namin
-Mamaya na lang ako mag-chat
THURS AT 2:40 PM
-Hello!
-Ngayon pa lang ako kakain ng lunch
-Nakakain ka na ba?
-Sana masarap ulam mo
-Para marami makain mo
-Chicken Pastel ang ulam ko ngayon
-Pinangbaon ako ni Manang
-Gusto mo ba nito?
-Pinadamihan ko kay Manang para sana bigyan ka
-Kaso inubos na ng mga kaibigan ko eh
-Pero kung gusto mo pagdala na lang kita ulit bukas
-Tapos na kaming kumain!
-Pasok na ako sa next class
-See you around the campus!
FRI AT 4:30 PM
-Nakita kita kanina
-Napadaan kami nung pauwi
-Dun sa practice ng Mr.&Ms.
-Akala ko kasali ka
-Bakit di ka sumali?
-Siguradong mananalo ka don
-Ay nakalimutan ko pala sabihin
-Sasali ako dun sa Poster Making
-Sana ikaw ang magbantay don next week
-Para may inspiration ako
SAT AT 9:00 AM
-Aalis kami ngayon ni ate
-Nagpapasama siya sa mall
-Ayaw ko sana kase nakakatamad
-Matagal kase siya at kung saan-saan pa siya bumibili
-Pero sabi niya ililibre niya ako
-Kaya pumayag na lang ako
-Ayaw ko kaseng galawin yung baon ko
-Kaya magchachat na lang ako sa'yo mamaya pag nainip ako
-Ayos lang talaga kahit di ka mag-reply
-Kunwari na lang sumasagot ka HAHAHAHAHAHA!
SUN AT 5:05 AM
-Good Morning!
-Maaga akong nagising ngayon dahil magsisimba kami
-I will pray for you!
-Alis na kami
YESTERDAY AT 5:34 PM
-Balak sana naming gumala kanina
-Naka-set na ang lahat
-Kaso yung prof namin umepal
-Mag long quiz daw kami bukas
-Eh hindi naman nagtuturo yon!
-Sa mga indiano na naman nyan nito ako aasa
-Pero ayon na nga
-Hindi kami natuloy
-Kailangan kase naming mag-review
-Nagyaya nga sina ng Rom ng group study
-Pero alam kong puro kalokohan lang ang mangyayari
-Kaya tumanggi na lang ako
-Hindi ako pwedeng bumagsak
-Bagsak kase ako sa 1st quiz HAHAHAHAHA!
-Sige review na ako
-See you tomorrow!
Pero bakit nga ba walang palya ang isang 'to? Hindi man lang ba siya napagod lalo na at hindi naman ako nag-reply ulit. Hindi ko naman alam kung ano ang reply ko, wala namang interesting sa buhay ko. Pero siya, kahit pagtimpla lang ng kape for an all nighter kinwento pa niya.
Ah! Alam ko na kung paano ko na siya tatanungin!
Nagtipa agad ako ng message sa kaniya. Ilang beses pa akong nag-draft dahil hindi ako sigurado sa mga naunang na-type ko. Nahirapan pa ako kung magtatanong without implying na nanliligaw siya or along that topic man. Pero sa wakas nahanap ko na ang mga tamang salita after ng ilang bura.
[Maayong Gabii! May itatanong sana ako.]
Isasara ko muna sana ang messenger dahil akala ko matatagalan pa ang reply niya. Sabi niya kase sa huling chat niya ay may tinatapos siyang plate. Pero nagulat na lang ako nang nag-seen siya agad ilang segundo pa lang ang lumipas!
[Uy! Nag-reply ka na!]
Inabangan ko na ang mga susunod niya pang reply. 'Mga' talaga dahil alam kong marami siyang isesend.
[Ay sure sure!]
[Tanong ka lang]
[Sasagutin ko]
[Kung alam ko ang sagot hehe]
Huminga muna ako nang malalim bago ako nag-type.
[Bakit ang tiyaga mong mag-chat kahit hindi naman ako nagre-reply? Oo, sinabi mong- ayos lang kahit hindi ako mag-reply. Pero hindi ko akalaing matatagalan mo ang isang linggo. Pagkatapos ay pinapaalam mo pa ang lahat ng nangyari sayo buong maghapon.]
[Nagtataka lang ako.]
Pagka-send ko, nag-expect ako ng agarang reply. Kaya nagtaka ako nung medyo natagalan. Kita kong na-seen naman niya kaya magcha-chat sana ulit ako nang nakita kong replying na siya.
[Ah eeeehh]
Nag-expect ako na sunod-sunod na naman ang replies niya pero may halos isang minutong intervals ang mga sumunod niyang chat. Kaya naman bawat litaw nung tatlong bilog ay napapaabang ako.
[Paano ko ba sasabihin?]
[Ayaw kong sa chat lang sabihin]
[Can i call you?]
Ako naman ngayon ang natagalan sa reply dahil nag-aalangan ako. Bakit naman kase may pa-call pa? Tsaka anong sasabihin ko? K? G? Gorabels? Ano ba yan?
Bandang huli, sa pinaka-safe na lang ako.
[👍]
Pagka-send ko pa lang non ay tumawag na kaagad siya. Ako naman hindi alam ang gagawin. Baka kase kung ano ang sabihin niya. Tsaka ayaw kong magsalita, pangit ang boses ko sa call. Pero siyempre kailangan kong sagutin! Bahala na.
"H-hello?"
"Uhm...Good Evening, Mabel."
"Maayong gabii...ulit."
"Tungkol doon sa tanong mo kanina, pasensiya na kung hindi ko nasabi ng diretso sa'yo."
Hindi ko na alam ang isasagot kaya nanahimik na lang ako. Ilang segundo rin siyang tahimik sa kabilang linya. Pagkatpos ay puro "uhm" at "ah eh" na lang ang nasabi niya.
"Ano kase...balak sana kitang ligawan."
"Ligawan?!" Dahil sa gulat ay napasigaw ako.
Napatingin tuloy sa akin ang mga tao sa sala. Napatakip tuloy ako ng bibig at lalong kinabahan nang nakita kong tumayo si kuya at lumapit sa akin.
Patay!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top