Chapter 28

Ngayong alam ko na ang lahat, ngayong nasabi na niya ang lahat ng dapat kong marinig, ano na ang gagawin ko? O may dapat pa ba akong gawin? May magagawa pa ba ako? May magbabago pa ba? Babalik ba ang pagmamahal niya sa akin kung susubukan ko pa? O...ako lang din ang masasaktan dahil wala na talaga?

Pero paano kung hindi ako masaktan? Paano kung magbunga ng maganda ang pagpupurisge ko? Dahil simula bata ako, I persevered in life, at karamihan sa mga labang pinag-igihan ko, nanalo ako. Kaya kung susuko ako ngayon, hindi ba parang sayang naman ang lahat ng ginawa ko?

Pumikit ako ng mariin at binaon ang mukha ko sa unan para sumigaw. This is so frustrating! Mula kanina puro tanong lang ang nasa isip ko pero wala man lang sagot. Paano ako gagalaw kung walang sagot? Paano ako babangon kung hindi ko man lang alam kung paano ulit tatayo?

Oh 'di ba, puro tanong na naman! Walang katapusang mga katanungan!

Tinanggal ko na ang pagkakabaon ng mukha ko sa unan at tiningnan ang bintana. Madlim pa rin pero kita na asul na ang langit. Wala na ang mga bituin, papalubog na ang buwan. Unti-unting umakyat ang araw, unti-unting lumiwanag kapaligiran. Nang pumasok na ang sinag ng araw sa kuwarto ko, naramdaman ko na ang init na nakakapagbigay ng buhay.

Pero ako, ngayon, nakahilata sa kama. Walang buhay, walang liwanag. Parang isang lantang halaman. Parang isdang pinatuyo sa arawan.

Nang dumeretso ako nang higa at tinignan ang kisame ng kuwarto ko. Bigla kong naalala ang kuwarto naming tatlo sa dati naming bahay. Wala man siyang kisame, pero mas gusto ko pa rin doon kaysa manatili sa bahay ni papa.

Mahirap ang buhay, pero mas gugustuhin ko nang mahirapan maabot lang ang langit kaysa sa manatili para magpakasasa sa impyerno.

Kaya ba bumitaw na lang si mama? Kaya ba kami umalis? Kaya ba mas pinili niyang...maging prostitute maitaguyod lang kami? Hindi ba parang panibagong impyerno lang din naman ang pinasok namin nang umalis kami doon?

Is letting go really worth it? O mas matatalo lang din ako kung bibitaw ako?

Bakit ba walang sagot? Kailangan kong humanap ng sagot.

And looking back, sa ilalim ng walang kisame naming bahay, habang nakahiga ako sa lapag, I got an answer from someone. Pero...masasagot pa rin kaya niya ako ngayon? Kung sanang kilala ko siya.

Pero baka sakaling may makilala akong bago ngayon at mapagsabihan ako, 'di ba? Sigruo naman, hindi lang nag-iisa ang lalaking nakausap ko noon sa...ano nga ba ang pangalan ng site na 'yon? Ma-search nga.

chat anonymously with strangers|

CHATSPIN? Parang hindi? Kase sa pagkakaalala ko may stranger something 'yun eh! Hmmm...Chat42? MeetYou.Me? TALK.chat? Nag-scroll pa ako hanggang sa may nabasa na akong pamilyar.

StrangerMeetup!

Pinindot ko na kaagad 'yon at nag-start na sa pag-chat sana. Kaso kailangan pa ng verification para mapatunayang hindi ako bot kaya ginawa ko muna ang pinapagawa nila. At pagkatapos no'n, sinimulan ko na ang pagcha-chat.

Stranger7.45
F 23

Me7.45
F 20

Buti na lang at naalala ko kung ano ang ibig sabihin no'n. Baka i-end na naman pag nagtanong—

Start a new chat

Ha?! Bakit in-end? Ano ang mali bakit nag-end agad? Baka...ayaw niya ng babae? O ayaw niya ng mas bata sa kaniya? Ano ba 'yan pati ba naman 'to poproblemahin ko pa? Start na agad ng panibagong chat!

Stranger7.49
M15

Kinse anyos? Seryoso, may kinse anyos sa mga ganitong chat chat at dating dating? Hindi ba parang ang bata pa nito para magpunta rito? Paano kung ang maka-chat niya kagaya nung...may fresh na eggs kahit 47 na? Natawa tuloy ako kahit papaano dahil sa ala-alang 'yon.

Stranger7.52
Hello?

Me7.52
Aren't you too young for this?

Stranger7.54
No, I'm old enough
Stranger7.54
I just had a chat with an 11yo

ONSE?! May onse rin dito? Ano na ang nangyayari sa mundo?

Me7.55
Why are you here?

Pag sinabi niyang naghahanap siya ng jowa, end agad!

Stranger7.56
Looking for a friend

Napahinga ako nang maluwag sa sinabi niya.

Stranger7.56
With benefits😉

YA! WA! Inend ko na agad dahil hindi ko kinaya. Isang fifteen years old, naghahanap ng friends with benefits? Grabe, imbis ata na malinawan ako ngayon, mas sasakit lang ang ulo ko dahil sa mga taong ito! Pero okay, try pa. Naging worth it naman ang pagta-try ko noon, so baka naman ngayon it will pay off. Hindi gaya ng pagmamahal ko kay Luigi, hindi nag-pay off. Ouch!

Me8.06
Hi!

Stranger8.07
Hello!
Stranger8.07
F11

PISTENG YAWA! EEEEEEND!

Gumilid ako ng higa at nilagay ko sa gilid ang cellphone ko. Tumingin ako sa bintana kung saan pumapasok ang sinag ng araw. Doon, nakita ko ang asul na langit, halos walang ulap. Tapos merong isang langkay ng mga ibong umiikot-ikot. Sa panonood ko sa kanila, unti-unti ko nang naramdaman ang antok. At nang pumikit na ako, unti-unti na akong hinila ng antok hanggang sa nakatulog.

Pinulot ko ang cellphone sa lamesa nang tumunog 'yon. Nang buksan ko, hindi gaanong malinaw, wala akong mabasa. Pero alam ko kung ano ang text, ang sabi, 'otw, sorry for being late'. Tumango ako and I typed something, I replied, 'It's okay.'

Inabot ko ang kape at ininom 'yon, sa isip ko masarap pero parang wala naman talaga akong nalasahan. Ayaw ko ng pure black coffee, pero ayaw ko rin ng sobrang tamis. Pero pagtingin ko sa cup, I was actually drinking a tea?

"Spill the beans." Bigla na lang may umupo sa harap ko, and alam kong siya ang ka-text ko kanina. Pero hindi ko masabi kung sino siya, dahil hindi ko naman siya makilala—hindi ko siya kilala.

"Not tea?"

Nagsalubong ang mga kilay at nanliit ang mga mata niya. Bahagyang tumagilid ang mukha niya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"You were looking for me, right?"

Mas luminaw ang mga mata niya sa paningin ko. They are...brown? Nang hindi pa ako sumagot, nagsalubong ulit ang mga kilay niya kaya hindi ko na ulit masyadong makita ang iris ng mga mata niya.

"Stranger?" Tinaas niya ang isa niyang kamay at winagayway sa harap ko nang hindi ako sumagot.

"Uhm...yeah, it's 'Me'." Awkward akong ngumiti at tsaka ko ininom ang tsaa para may iba akong pagkaabalahan.

"Why were you looking for me? Got some problem?" Hindi ko alam kung saan niya nakuha pero biglang may hawak na lang siyang tasa at uminom doon. It's...coffee, I think?

"Uhm...do you still remember the guy I talked about years ago?"

"Yeah? I mean, he's the only topic that we talked about, right?" Pamimilosopo niya.

Inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako.

"Look, Stranger, I said yes." Pag-imporma ko sa kaniya. Sa tingin ko, dito ko dapat simulan dahil ito ang pinag-usapan namin noon. Tungkol sa pagdedesisyon kung sasagutin ko ba si Luigi o hindi.

"Wow! Belated congrats!"

"And...we're together for over four years now—five in Feb." Napatingin ako sa labas ng coffee shop. Hindi ko alam, sa tingin ko nasa Pilipinas kami, pero yung vibes sa labas is very European? It looks like the street of France or Italy?

"Nice! Four strong years," he awkwardly commented again. Medyo weird nga sigurong pag-usapan ang ganito, ang love life ko, kahit hindi naman kami ganoon ka-close.

"Well...it's actually three years strong and now it's getting...weaker and weaker...and weaker." Tinuon ko ang tingin ko sa tsaa at ginalaw ko ang string ng tea bag, hinalo-halo 'yon sa tasa. Ayaw ko siyang tingnan nang sabihin ko 'yon, ayaw kong makita ang reaksiyon niya.

"W-wait. So are you saying...your relationship is on the rocks?"

Humarap na ako sa kaniya pero nakayuko pa rin ako at tumango. Hindi ko alam, pakiramdam ko nahihiya ako. Sa tingin ko, ang nasa isip niya, I made a mistake. I chose the wrong choice. Sinagot ko si Luigi, I took the risk, but it all ended up like this. Kasawian.

"Were you looking for me to...ask some love advice?"

"You can say that. But, I feel like I am on a dilemma once again. I need an answer," pag-amin ko.

"Well, I can't give you an answer because...that's your life." He chuckled. "But...what's your dilemma this time?"

Inangat ko na ang mga mata ko sa kaniya at tinitigan ang malabo niyang mukha. The only clear thing, or part of the face, ay yung mga mata niya. Hindi ko alam, pero pag tinitignan ko ang mga mata niya, I can read his emotion. Parang bang I can see his whole face?

"Hello, Stranger? You're spacing out again. I might 'end' this convo if you don't answer right away." Tumawa na naman siya bago sumimsim ulit doon sa tasa. At ngayon, sa tingin ko ang naamoy ko ay tsaa?

"Uhm...so...I'm actually thinking if...I should keep fighting?"

Kinagat ko ang labi ko, nag-alangan ako kung kaya ko bang sabihin. Pero, kailangan ko ng sagot, kailangan ko ng desisyon. At ang desisyon ko ay nasa dalawang choices lang naman.

"Or...should I let him go?" There, finally, nasabi ko rin.

"So you're considering breaking up with him?" paglilinaw niya.

"Y-yeah." Napayuko ako dahil nakaramdam ulit ako ng hiya.

Four years ago, tinanong ko siya kung sasagutin ko ba si Luigi o hindi. He made valid points at sinagot ko si Luigi. At ngayon, I am asking the same guy, kung makikipag-break ba ako sa lalaking pinag-usapan namin kung sasagutin ko ba o hindi. Ang weird, no?

"So...what's holding you back from breaking up with him? W-well, I mean...why do you think you should keep...fighting?" Sinubukan niyang maghanap ng tamang salita at tsaka awkward na ngumiti sa akin.

"Well, I still love him."

Iyon ang whole point kung bakit hindi ko kaya. Pagkatapos lahat ng nangyari, lahat ng ginawa niya na nakasakit sa akin na sa pakiramdam ko ay halos ikamatay ko na, mahal na mahal ko pa rin siya. At ang unfair, sobrang unfair dahil ako na lang ang nakakaramdam no'n sa aming dalawa.

"I think I can't live without him."

"That's cheesy." Tumawa siya para gumaan ang atmosphere na na-appreciate ko naman.

"And uhm...I don't want to put our four years to waste."

Dahil ang mga taong 'yon, kahit pa nitong huli puro masasakit na lang ang naranasan ko, para sa akin punong puno pa rin ng masasayang ala-ala.

"You know, before we talked last night, I though what we had was so amazing that it's such a shame to just...end it this way? I thought...fighting for him was going to be worth it because what we had was worth the risk that I made years ago."

Napatulala ako habang inaalala ang mga nangyari sa nakaraan. Kung paano kami nagsimula, hinarap ang bawat pagsubok, at ang bawat na tagumpay namin.

"We have been through a lot and we would always make it. But this last one, it's such a huge...problem—a huge blow." Pinunasan ko ang luha ko nang pakiramdam ko ay naiyak na ako.

"I understand." Tumango-tango siya.

"For the past year, he has been cold," pagkukwento ko. "I mean...at first it was just hot and cold, but you know...he became colder and colder," pagtatama ko sa sinabi ko kanina. I don't want to paint Luigi as the greatest evil...kahit na ganoon talaga siya.

"Is that why you want to break up with him?"

"No, I can handle his coldness. Even if he's freezing with negative 100 degrees, I'd still put up with him." Tumango-tango ako dahil iyon ang totoo.

"So...why? Why are you thinking of...letting him go?" Again, nagiging maingat ulit sa mga salitang ginamit niya.

"He cheated."

Napatigil siya at nanlaki ang mga mata niya. Magsasalita dapat siya pero inunahan ko na, gusto kong matapos na ang kwento.

"I thought he has been cold with me because he found a new girl, that he found someone better than me. I was so insecure, I changed myself completely for him because I thought...someone is filling up what I lack."

Tumigil ako sa pagkukwento at huminga ng malalim. Ang nararamdaman ko, para sa'kin ay sobra at hindi ko na kayang i-handle. Reliving those moments, parang isang bangungot na ayaw ko nang balikan pa. Sa tuwing naiisip ko kung gaano kadilim ang paligid ko sa mga nagdaang buwan, pakiramdam ko sinasakal ako sa sobrang sakit.

"But...I didn't know that she was already filling up my place...completely." Tinignan ko siya sa mga mata dahil iyon ang pinto para malaman ko ang emosyon niya. At mukhang naguluhan siya sa sinabi ko, pero parang nasasaktan din siya para sa akin.

"He said...he doesn't love me anymore, Stranger."

Napayuko ako at nilabas ang luha ko, and this time, may basa na akong naramdamang dumaloy sa pisngi ko. Dahil narinig ko ang boses niya nang sabihin niya 'yon. Parang tuloy naka-loop sa isip ko, tuloy-tuloy kong narinig sa tenga ko na he fell out of love, na hindi na niya ako mahal.

"I'm so sorry to hear that, Stranger." Inabot niya ang mga kamay ko at hinawakan ang mga 'yon.

"And that's why I need an answer. I want to know if...I should push through or back out?"

Hindi siya umimik, pinisil-pisil niya lang ang mga kamay ko. Matagal ang pananahimik naming dalawa, ni isa walang nagsalita. Siya, nag-iisip siguro kung ano ang sasabihin sa akin. At ako naman ay naghihintay ng isasagot niya.

"You know, just like what I've said, I can't. I can't give you the answer." Umiling-iling siya. "Because the only one who can answer it is you."

"But I don't know the answer." Kaya ko nga siya hinanap dahil hindi ko masagot ang mga tanong ko. Hindi ako makapagdesisyon kung ano ang dapat kong gawin. Wala sana kami ngayon dito kung alam ko na hindi ba?

"I know you do. It's in your heart, search for it." Tinuro niya ang puso ko.

"Now, who's cheesy?" Pang-aasar ko pabalik sa kaniya, akala niya nakalimutan ko 'yon?

"Look, Stranger, just like what I said years ago, it's a decision that YOU, yourself, have to make. Just think of it carefully, just like what you did last time."

"But I made a wrong decision back then!" Wala na akong tiwala sa sarili ko. Ayaw ko nang gumawa ng desisyon dahil baka mali na naman ako. Baka masaktan lang din ako bandang huli. Baka pagsisihan ko lang din?

"Did you? Weren't you happy with him back then?"

"Now, I'm not happy."

"Yes! But that's out of your control, Stranger. Was he like this before?"

Umiling lang ako bilang sagot.

"Then it was not a wrong decision! You just made a choice based from what you know, and cheating and unloving you were not part of the picture back then. So now, make your choice based from what you know and what you feel." Tinuro niya ang sentido ko at ang puso ko.

Deretso ang tingin namin sa mga mata ng isa't isa. Nang nakaramdam ako ng konting ilang dahil ang intense niyang tumingin, yumuko na lang ako. Hindi kase ako makapag-focus sa pag-iisip dahil sa mga mata niya, parang nakaka-hypnotize?

"Uhm...can you give me some...advice?" Hindi kase talaga ako makapag-isip, hindi ako makapagdesisyon. Hindi ko alam kung saang direksiyon ako pupunta, so at least guidance lang sana malaking tulong na.

"But I don't want to manipulate your decision." Umiling siya.

"You won't manipulate it. Just...give me your thoughts?"

Huminga siya ng malalim. "Okay. Uhm...if I were in your shoes, I'll...let him go. I'm gonna be honest with you." Inangat niya ang tingin niya sa akin, habang ako naman ay naghihintay ng susunod niyang sasabihin. "If a person said he doesn't love me anymore, looked for another woman, doesn't that mean...we're already done? I mean, if he's still willing to fight and I'm willing to fight, then go if that's what the BOTH of us really want."

Napayuko ako at napaisip sa mga sinabi niya. Ang sabi ni Luigi, sinubukan naman niya pero wala na talaga. Ibig bang sabihin...hindi na niya rin kayang ipaglaban ang sa amin?

"But to be honest, if all those shits happened to me? I would have punched his face the moment I found out he's cheating." Tumawa siya at umiling-iling.

Inabot niya ulit ang dalawa kong kamay at hinawakan ang mga 'yon. Tapos gamit ang daliri niya, inangat niya ang ulo ko para tignan siya.

"Because no one deserves to be hurt that way, Stranger. You're priceless and he's not worth it. If he cannot better himself for you and for your relationship, then someone deserves you better and you deserve someone better as well."

Napakaseryoso niya, lalo na ngayong parang unti-unti ko nang nakikita ang mukha niya bukod sa mga mata niya. Gusto ko siyang pangalanan pero hindi ko magawa. Hindi ko masabi ang pangalang nasa isip ko.

"Stranger?" Tinaas niya ulit ang kamay niya at winagayway 'yon sa harap ko. "Are you pondering now? Should I leave already?" Tatayo na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.

At paglingon niya, tsaka ko nakilala kung sino siya! Yung mata niya, light brown. Maputi siya, yung style ng buhok niya side parted, yung labi niya...full lips. Pamilyar siya...kilala ko siya!

"ATE MABEEEEEEEL!" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top