Chapter 27

Bakit gano'n? Ginawa ko naman ang lahat ng gusto niya. Hindi ko na rin ginawa ang mga ayaw niya. Pero bakit imbis na umayos ang lahat, parang lumala lang? Ano bang nangyari? Ano ba ang nangyayari? Bakit ba kahit anong gawin ko mapanatili lang intact ang relasyong meron kami, nagigiba pa rin siya?

Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa mukha ko, tapos meron na namang nahulog pa, at meron na naman. Bumilis na nang bumilis ang pagbuhos kaya kahit anong punas ko, wala pa rin.

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at kinuyom ang dalawa kong kamay na nasa itaas ng lamesa. Huminga ako ng malalim at tumingala para tignan ang kalangitan. Tinignan ko ang buwang palitaw pa lang, hindi buo, pero parang labing nakangiti. Wala man ang mga bituin, hindi man siya ganoon kaliwanag, nakakayanan pa rin niyang ngumiti.

Ako kaya? Bakit ako, hindi ko na kayang ngumiti? Paano ko ba kakayaning ngumiti kung ganito ang nangyayari?

"A crescent moon may seem lesser than a gibbous one, but it still smiles," bulong ko. Hindi iniwan ng mga mata ko ang langit, tinignan ang kokonting bituin, ang lumilipad na eroplano, ang buwan.

Magagawa ko bang ngumiti ngayong gabi?

Tila bang sagot sa aking tanong, tumunog ang cellphone ko. Nang nakita ko kung sino ang nag-text, pinulot ko kaagad. Pero nang nakita ko pa lang ang unang salita ng text niya, namasa na kaagad ang mga mata ko, nanikip ang dibdib ko.

[Sorry let's cancel our...]

Binaba ko ang cellphone ko sa lamesa at nilabas ang mga luha. Pinatong ko ang siko ko sa lamesa at sinapo ang bibig ko. Tinignan ko ang paligid, ang fairy lights, ang flowers, ang balloons na hugis kiss mark at puso.

Tapos binaba ko ang tingin sa lamesa; ang flowers sa gitna, ang magagandang plato, at ang cake.

"Happy Birthday to me. Happy...4th Anniversary, Langga." Hinipan ko ang kandilang nasa gitna ng cake. Kasabay no'n ay ang lalong pagdilim ng paligid ko at ang pagragasa ng luha ko. Napayuko na lang ako sa lamesa at pinatong ang ulo ko sa braso.

Matagal din akong nasa gano'ng posisyon. Dinama ko ang lamig ng simoy ng hangin habang nilalabas ang sakit ng damdamin.

"Mabel?"

Inangat ko ang ulo ko nang may tumawag sa akin. Akala ko pa nagdedeliryo lang ako at masyado lang akong deseperadang makita siya. Pero nang unti-unti na siyang lumapit at pinunasan ang luha ko, tsaka ko lang tuluyang na-process na nandito talaga siya.

"Langga!" Niyakap ko siya nang mahigpit at tinapat ang ulo ko sa tiyan niya.

"Sorry." Niyakap niya ako pabalik pero lumayo din kaagad siya at tinanggal niya rin ang mga braso kong nakayakap sa kaniya.

"A-akala ko di ka darating sa sarili mong surprise." Suminghot-singhot ako habang pinupunasan ang mga luha ko. Sa tingin ko tuloy mukha akong baliw ngayon kase basang basa yung mukha ko sa luha pero nakangiti naman ako.

Huminga siya ng malalim at umiling-iling. Nilagay niya sa baywang ang mga kamay niya at tumingala naman habang mariing nakapikit ang mga mata niya.

"M-may problema ba?" Nag-aalangan kong tanong.

"H-ha?" Binalik niya sa akin ang tingin, bilog ang mga mata at medyo nakabukas ang bibig. Mukha siyang lutang, parang bang may gumugulo sa isip niya.

Pinikit niya ulit ang mga mata niya at kinagat ang ibabang labi. Tapos ay tumingin siya sa gilid, ilang sandali nga 'yon kaya akala ko may tinitingnan siya doon. Kaya lang naglakad na siya papunta sa upuan niya sa kabilang dulo ng lamesa nang susundan ko dapat ang tinitingnan niya.

"I'm...I'm sorry for coming late. It's just...just...something came up." Nakayuko lang siya, sa mga plato lang siya nakatingin.

"Okay lang, at least dumating ka pa rin." Nginitian ko siya at tumango-tango ako kahit hindi siya sa akin nakatingin.

Hindi ko na lang pinansin ang kilos niya dahil masaya na akong nakarating siya ngayon. Siguro, iniisip niya pa rin ang nangyari kaya hindi siya kaagad nakarating dito. Kaya huwag ko na lang siguro siyang tanungin tungkol doon para hindi masira ang mood.

Nagsimula na kaming kumain nang may nag-serve na ng pagkain at wine. At habang kumakain, nagsimula ako ng conversations para hindi nakakainip. Pero ang iikli lang ng mga sagot niya, parang ngang hindi man siya interesado. Pero hinayaan ko na lang at nagpatuloy sa pagkukwento kase mukhang hindi naman siya naiinis, sadyang tahimik lang. Siguro, iniisip niya pa rin yung 'something' that came up.

"Uhm...Happy Birthday pala. And...Happy Anniversary." Bigla na lang niyang naalalang batiin ako sa kalagitnaan ng pagkain namin at pagkukwento ko.

Nginitian ko naman siya at ngumiti siya pabalik. Kaya humiwa ako ng steak at sinubo ko 'yun sa kaniya. Nagulat pa siya nang itapat ko sa kaniya, pero binuksan niya rin naman ang bibig niya nang nakabawi sa gulat at kinain.

"Happy Valentine's Day, Langga."

"Happy Valentine's Day...L-langga."

Bumalik kami sa pagkain at kwentuhan—kwentuhan ba yung ako lang yung nagkukwento? Well, nagsalita rin naman siya. Hindi masyado, pero at least hindi ako mukhang tangang nagsasalita rito.

Napatigil ako nang narinig kong tumunog ang cellphone niya. Pinulot niya agad 'yon at binuksan. Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kaniya kaya nakita kong nagbago ang expression niya. Nagsalubong ang mga kilay niya tapos mas nilapit pa ang cellphone sa mukha niya. Nang nalinawan na ata, mariin siyang pumikit at tumingala.

"May problema ba?" nag-aalala kong tanong.

"H-ha?" Binalik niya ang tingin sa akin na parang bang nakalimutan niyang nandito pala ako sa harap niya. "Uhm...let's dance?" Binaba niya ang cellphone sa lamesa at tumayo.

Napangiti ako lalo nang nakita kong may dumating na violinist. Tumayo ako inabot ang kamay niya, tapos ay sabay kaming nagpunta sa gilid. Nang tumugtog na ang violinist, inangkla ko ang dalawang kamay ko sa batok niya, habang nilagay naman niya ang kaniya sa baywang ko.

Nakangiti ako habang sumasayaw kami. Sa kaniya lang ako nakatingin, habang siya ay kung saan-saan. Kaya medyo nabawasan ang ngiti ko dahil doon, pero pinilit kong ibalik nang tumingin ulit siya sa akin.

"I love you, Langga."

Sobra pa ang laki ng ngiti ko nang sabihin ko 'yon. Pero unti-unting lumiit habang tumatagal ang pananahimik niya. Napatulala siya ng ilang sandali, tapos ay bubuka ang bibig niya pero sinara niya ulit at kinagat ang labi niya. Mariin siyang pumikit at yumuko, parang nagugulahan sa hindi ko malamang dahilan.

At nang inangat niya ulit ang ulo niya at tinignan ako, sasagot na dapat siya. Pero nag-ring ang cellphone niya kaya pareho kaming napatingin doon.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang nabasa ko ang pangalan ng caller.

Aly is calling...

***

"Langga, bakit ang kalat na naman nitong unit mo? Hindi ka na naman naglilinis."

Pinulot ko ang mga throw pillow at binalik sa sofa. Tapos ay may mga bote pa ng alak sa gilid ng sofa, may platito na may tirang mani sa center table, ilan pang bote ng alak doon, at dalawang pinggan na may butil pa ng kanin at dalawang buto ng manok.

"Dito ka ba sa sala kumain ng dinner?" Tumayo ako ng deretso at tinignan siyang nakahiga sa sofa.

Ganito ko na siya naabutan pagkarating ko kanina para bisitahin siya dahil dalawang linggo na naming hindi nakita ang isa't isa. Tapos hindi rin kami madalas makapag-usap at magka-text, yung reply niya kase madalas ilang oras ang pagitan. Tapos pag naman tumatawag ako, ang tagal niyang sumagot o kaya hindi talaga niya nasasagot kahit ilang beses kong subukan.

Sa isip ko, baka busy lang talaga siya kaya ganoon. Pero pag magkasama kami, sa cellphone naman ang tutok niya sa buong oras. Pag nasa labas kami, kahit nandiyan siya, parang lang din akong mag-isa.

Tapos nitong mga nakaraan naman, ilang beses ko na siyang niyaya at tinataon ko lagi pag off niya. Pero busy pa rin siya at wala raw oras. Tapos minsan nag-rant pa siya na wala na nga raw siyang oras para matulog at magpahinga tapos guguluhin ko pa siya.

Pero meron siyang oras lumabas kasama ang mga kaibigan niya. May oras pa nga siyang mag-basketball, kumanin ng pizaa sa S&R, mag bar hopping, sleepover. May oras pa nga siyang maglasing. Parang nga siyang teenager, parang lahat ng oras na sa kaniya pero ni katiting wala siyang mailaan sa akin.

"Luigi." Tinapik ko siya sa balikat pero gumalaw lang siya at hindi nagising. Tatapikin ko pa sana siya kaso naisip kong baka magalit lang siya kung gisingin ko. Lalo na at baka may hangover pa siya dahil mukhang marami-rami ang nainom niya.

Kaya hinayaan ko na lang muna at nagpunta sa kuwarto niya. Mabuti na lang at hindi naka-lock kaya nakapasok ako doon.

Pero pagpasok ko, binati ako ng kalat. Grabe, parang tambakan 'tong kuwarto niya. Yung mga damit niya, nakakalat lang sa lapag. Hindi ko nga alam kung ano rito ang gamit na at hindi pa. Tapos may mga papel-papel din sa lapag, sa table, at sa higaan. Meron din siyang ilang bote ng alak sa gilid ng kama.

Napakamot na lang ako ng ulo at inayos ang mga 'yon. Pinulot ko muna ang mga damit at nilagay na lang sa laundry basket ang lahat. Tapos ay ang mga papel naman ang nilagay ko sa isang lugar, wala akong tinapon dahil baka importante lahat sa trabaho niya. Yung mga bote naman ay nilabas ko at sinama dun sa ilang bote.

Nang tapos na akong magwalis sa buong condo niya, pinunasan ko naman ang furnitures dahil sobrang maalikabok na sila. Balak ko pa nga sanang mag-vacuum, lalo na ang carpet at sofa, kaso baka magising naman siya sa ingay.

Kaya naman pagkatapos kong maglinis, nagluto na ako ng congee para may makain siya pagkagising niya. At sakto namang patapos na ako nang nagising siya at dumating na parang zombie sa kusina.

"Mabel? What are you doing here?"

Hindi pa niya masyadong mabuksan ang mga mata niya at magkasalubong ang mga kilay. Ang gulo-gulo ng buhok niya, tapos mas ginulo pa niya 'yon at hinawakan ang ulo niya—masakit siguro.

"Upo ka muna para makakain ka."

Narinig ko ang pag-usog ng upuan. Kaya pinatay ko na ang kalan at naglagay na ako ng congee sa isang bowl. Tapos ay dinala ko na 'yon sa kaniya at nilapag sa harap niya.

Nakapatong ang siko niya sa lamesa at sapo-sapo ng kamay ang ulo niya. Ganoon pa rin ang posisyon, kinuha niya ang kutsara at ganoon siya kumain. Papikit-pikit pa nga siya kaya nung hindi niya nahipan 'yung congee, napaso pa siya kaya napaderetso siya ng upo.

Paso lang pala ang makakapagpatanggal ng hangover niya.

"Bakit ka uminom? May problema ba?" tanong ko sa kaniya.

"None of your business," malamig niyang sagot. Patuloy lang siya sa pagkain, parang bang wala ako rito, wala siyang pakielam na nadito ako.

"Ha?" Hindi kaagad natanggap at na-process ng utak ko ang sinabi niya sa akin. Dahil oo, madalas na ang panlalamig niya ngayon, pero hindi siya ganito ka-rude. Habang tumatagal, parang palala siya nang palala.

Padabog niyang binitawan ang kutsara. Inangat niya ang ulo at tiningnan ako ng masama.

"Can you not ask me freaking questions? Ang sakit-sakit na ng ulo ko, dumadagdag ka pa." Inirapan niya ako bago niya kinuha ulit ang kutsara at tinuloy ang pagkain.

Nakaramdam ako ng inis, pero pinigilan ko na lang 'yon. Kinagat ko ang labi ko para hindi na magsalita pa. Ayaw kong lalo lang siyang magalit, baka mas masasakit na salita pa ang masabi niya.

Kaya tahimik lang kami hanggang sa natapos siya. Tumayo siya kaagad at umalis kaya naman kinuha ko na ang pinagkainan niya at lumapit na sa sink para hugasan 'yon. Pero binabanlawan ko pa lang ang bowl at tinatanggal ang mga natirang kanin, bigla na namang dumating si Luigi.

"MABEL! IKAW BA YUNG GUMALAW SA MGA GAMIT KO?!" Mabilis at mabigat ang mga hakbang niya palapit sa akin.

"O-oo." Nakaramdam ako ng kaba dahil napakasama ng tingin niya sa akin, nagngingitngit ang mga ngipin, at nakakuyom ang mga kamay.

"Bakit mo pinakielaman?! Gamit ko 'yon kaya hindi mo dapat ginalaw!"

"E-eh...ang gulo at kalat ng kuwarto mo, eh. Nilinis ko lang naman 'tong condo mo kase ang kalat."

"Argh!" Nilagay niya ang dalawa niyang kamay niya sa ulo at sumigaw. Ang buo at malaki niyang boses ang bumalot sa buong kusina.

Napasandal ako sa lababo dahil nakaramdam ako ng matinding kaba. Sa itsura niya kase, sa tingin niya pa lang niya sa akin, mukhang magwawala siya at makakapanakit. Hindi ko pa siya nakitang ganito kagalit.

"Bakit ba kase pumapasok ka na lang basta-basta rito, ha?! Condo unit ko 'to kaya magsabi ka sa akin kung kailan ka pupunta at magpaalam ka sa'kin kung papasok ka!"

Napapayuko sa bawat sabihin niya dahil pasigaw lahat, nakakagulat, nakakatakot.

"Give me your keycard." Hinablot niya ang braso ko, napakahigpit ng hawak.

"H-ha?"

"GIVE ME THE FUCKING KEYCARD!" Sigaw niya mismo sa mukha ko. Pinilit kong lumayo pero ang higpit talaga ng hawak niya sa akin.

Kaya tumango na lang ako at kinuha ang keycard mula sa bulsa ko para ibalik sa kaniya. Padarag niyang kinuha 'yon at binato sa dining table.

Akala ko maayos na at mananahimik na siya pagkabalik ko ng keycard. Pero nagulat na lang ako nang hilahin niya ako at pinalabas. Masyado siyang malakas at wala na akong lakas para pumiglas pa.

"Go home!" Padabog niyang sinara ang pinto at narinig 'yon sa buong pasilyo.

Kaya lumabas ang ilang katabing unit niya at nakita akong umiiyak habang naglalakad papunta sa elevator.

***

Sa mga nagdaan pang buwan, kung dati taas-baba ang relasyon naming dalawa, ngayon puro pababa na lang. Habang tumatagal, ramdam ko ang paglayo ng loob at pag-iiba ng ugali ni Luigi. Pilit ko mang i-deny, pero parang gano'n talaga ang nangyayari. Tapos dumagdag pa 'tong si Nisha.

"Nako, Mabel, sinasabi ko sa'yo masasampal ko talaga 'yang jowa mo!" Hinampas pa niya ang lamesa. Kaso napalakas at siya lang din ang nasaktan kaya hawak-hawak niya ngayon ang palad niya.

"Baka naman kase sinabay lang niya. Ang dumi talaga ng isip mo." Umiling-iling ako at nagkunwaring wala lang sa akin ang kinwento niya. Pero sa totoo lang, natatakot at nababahala ako.

"Sinabay lang? Eh ang sweet tapos nakaangkla pa yung hitad sa braso nung gago mong jowa!" Lumapit pa siya sa akin at umangkla sa braso ko para ipakita. Kaso halos nabingi naman ako kase sa tenga ko na ata siya sumigaw.

"Huwag ka ngang sumigaw, ang lapit-lapit ko lang." Lumayo ako sa kaniya at hinawakan ang tenga ko. Ilang sandali rin akong nabingi pero bumalik din naman sa ayos ang pandinig ko, thankfully.

"Nako nako nako nako! Kung dati, naghihinala lang ako. Ngayon, sure na ako, may babae 'yang si Luigi!" Kumuyom ang dalawa niyang kamay sa taas ng lamesa tapos ang sama pa ng tingin sa picture namin ni Luigi dito sa apartment ko. Feeling ko nga gusto niyang basagin 'yon kaya pasimple ko na lang sigurong itatago mamaya.

"May babae agad? Hindi ba pwedeng friendly abre siete lang 'yon?" pagdadahilan ko na lang dahil ayaw kong itatak sa isipan ko—pati na rin kaniya—na ganoon nga si Luigi.

Tumayo na ako at niligpit na ang mga pinagkainan namin para iwasan kung ano pa man ang sasabihin niya. Ayaw ko nang makarinig pa ng mga bagay na mas sisira pa sa amin ni Luigi. Dahil pakiramdam ko, parang isang manipis na buhok na lang ang nakakapitan ko sa relasyong 'to.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala."

Hinugasan ko ang mga platong pinagkainan namin habang siya naman ang nagtabi ng mga natira naming ulam. Ibang topic na ang binuksan niya, pero si Luigi at ang babaeng kasama niya pa rin ang nasa isip ko. Ang hula ko ay si Alisson 'yon, pero ayaw ko namang magbintang. Kaya nikapag-usap na lang ako kay Nisha para mawala na 'yon sa isip ko, dahil ayaw ko nang maisip pa ang 'friendly abre siete'.

Nilalagay ko na sa tauban ng pinggan ang mga nahugasan ko nang nag-ring ang cellphone ko. Dahil basa pa ang kamay ko at may ginagawa pa, kay Nisha ko pinakuha. Nakahilata lang naman siya sa kama ko at busy sa cellphone. Feeling ko nga may bago siyang ka-chat kase hindi raw sila 'nag-click' nung afam niya.

"Oh ano?!"

Napatingin ako sa kaniya nang sumigaw siya. Ang gaga, sinagot pala yung tawag! Ang sabi ko iabot niya sa akin, eh!

"Si Nisha 'to, Mabel's gorgeous friend!"

Binitawan ko na ang pinggan at kinuskos ko ang kamay ko. Lumapit na ako sa kaniya dahil baka kung ano-ano pa ang sabihin niyang kabaliwan.

"Sino 'yan?"

"Jowa mong panget!" Inabot niya sa akin 'yung cellphone tapos padabog siyang humiga sa kama. Nag-alala naman ako nang lumangitngit 'yon, baka masira pa tapos kailanganin ko pang bumili!

Hindi ko na lang muna siya pinansin at medyo lumayo para makausap si Luigi. Chismosa pa naman 'to, siguradong makikinig siya. Tapos iintrigahin niya ako at baka kung ano-anong conclusion na naman ang maisip niya.

"Hello? Si Mabel na 'to."

"Thank God you took the phone from your annoying friend." Huminga siya ng malalim na-stress ata sa mga pinagsasabi ni Nisha. Pero it's a tie lang, gigil din sa kaniya yung isa, eh.

"Uhm...bakit ka pala napatawag?" Isang himala, sa totoo lang. Nakalimutan ko na nga kung kailan ang huling beses na tumawag siya sa akin.

"Oh. Uhm...mom and dad came and they want to see you. Pumunta ka raw dito sa unit ko." Noong una nakaramdam ako ng pag-aalinlangan, tapos biglang pautos na 'yung tunog niya.

"O-okay."

Binaba na niya kaagad ang tawag pagkasagot ko. Kaya naman naghanda na rin ako at sabay na kaming bumaba ni Nisha. Kay Mimi naman daw siyang manggugulo kaya hinayaan ko na siya para matahimik naman ang buhay ko.

O matatahimik nga ba?

"Oh, hija! Bakit ka pa kumatok? Hindi ba meron ka namang keycard?" Si tito ang nagbukas ng pinto para sa akin.

"Uhm..." Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Ayaw ko namang sabihing kinuha ni Luigi kase nagalit siya sa akin dahil nilinis ko ang makalat niyang kuwarto.

"Nawala niya, dad."

Napatingin kami kay Luigi nang siya ang sumagot—ang nagsinungaling. Pinapatuyo niya ang buhok niya at nakasuot na siya ng pambahay. Kagagaling niya lang siguro sa trabaho tapos sinundo na niya sina tito sa airport?

"Oh...gano'n ba? Sige, pasok ka na, hija!" Mas nilakihan ni tito ang pagkakabukas ng pinto kaya pumasok na ako. Nagbatian muna kaming dalawa bago kami tumuloy sa kusina at dining area. Pagdating doon ay naabutan naming hinahanda na ni tita ang lamesa, nakapagluto na.

"Saktong sakto ang pagdating mo, katatapos ko lang magluto. Here, sit, pinapunta ka talaga namin para sumabay sa amin." Tipid niya akong nginitian.

"Thank you po, tita."

"Sorry kung late notice. Ngayong gabi lang kase talaga kami rito, tapos dederetso na kami sa orchard ng college friend ko sa Zambales." Umupo siya sa tabi ko at tsaka niya nilagyan ang plato ko ng lahat ng niluto niya.

Halos manlaki ang mga mata ko dahil kakakain ko lang kasama si Nisha, tapos ngayon kakain ako ng ganito karami. Hindi kaya ma-empacho pa ako nito? Gusto ko man siyang pigilan, di ko magawa dahil tuwang tuwa siya, gustong gusto niyang kinakain ang mga luto niya since lately lang siya natuto, pero puro vegan dishes lang alam niya.

"And this is my specialty, Barley and Broccoli Risotto." Sobrang laki ng ngisi niya nang 'yon na ang nilalagay niya sa plato ko. Sa tingin ko masaya lang talaga siya, pero ang dating kase sa akin mukha siyang guwardiya sa preso na pinapakain ako ng marami dahil bibitayin na ako.

"Is that even edible?" May pandidiring tinignan ni tito ang niluto ng asawa niya habang pinansasandok ako.

Tita gasped at napahawak pa siya sa dibdib niya, dramatically. Namilog ang mga mata at bibig niya at tsaka tinignan ng masama ang asawa.

"This is more edible than your hotdog!" Tinuro ni tita ang nasa baba na nagpagulat sa aming lahat.

Napalunok si tito at napatingin 'down there'. Nang iangat niya ang tingin sa asawa ay mukha siyang offended.

Mag-aasaran pa ata sila nang tumunog ang cellphone ko.

"Uhm...tumatawag po si Son. Sagutin ko lang po," paalam ko.

Nang tumango sila, ngumiti ako at nagpasalamat. Pero nang tumayo ako at napatingin ako kay Luigi, takot naman ang naramdaman ko dahil ang sama ng tingin niya sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpunta sa sala para sagutin ang tawag.

"Hello, Son? Ba't ka napatawag?"

"Hello, Mabel! Kumusta ka naman diyan?"

Hindi ako okay.

"M-maayos naman. Ikaw, kumusta?"

Siyempre hindi ko naman masasabi sa kaniya. Hindi ko masabi sa kanila. Kase nasa malayo sila, mag-aalala lang sila panigurado. Tsaka baka maabala ko lang sila. At ayaw ko ring masira si Luigi sa kanila.

"Bakit parang hindi? Nambabae siguro si Luigi, noh?" Pabiro niya lang 'yon sinabi pero iba ang naramdaman ko—kaba at takot.

"Ha? S-sira!" Tinago ko sa malakas na tawa yung utal ko, hindi na lang sana niya napansin.

"Charot lang siyempre! HAHAHAHA!"

"Charot? Saan mo naman 'yan natutunan, Ingkong?" pang-aasar ko sa kaniya.

"Kung makatawag ka naman ng ingkong! Turo ni Sabel sa'kin 'yan, oy!"

"Ipagpatuloy mo lang 'yan para bumagets ka naman. Nung bata pa tayo parang kang matanda, kaya maganda 'yang nagpapakabata ka."

Nag-asaran pa kami bago niya sinabing balak magdagdag ng computers ni kuya para sa shop. Hindi ko nga alam kung bakit sa kaniya pa pinasabi ni kuya. Siguro, malaki talaga ng tiwala niya lalo na at siya ang tumulong sa amin sa simula pa lang.

Nung na-settle na, nag-asaran na naman kami. Tinawag pa niya akong tita dahil charot lang daw hindi ko pa alam.

"Boang, alam ko 'yon no!"

"Sabi mo, eh!"

Natawa na naman ako kaya napaupo pa ako sa sofa. Pero nang iangat ko na ang tingin ko, bigla kong binawi yung tawa ko. Paano ba naman kase, mukhang kanina pa ata si Luigi sa likod ko at ang sama-sama ng tingin niya. Tapos nakahalukipkip pa siya at nakasandal doon sa dingding.

"The food is waiting, Mabel. Sumunod ka na." Binigyan niya pa ako ng isa pang masamang tingin bago bumalik sa dining.

Kaya nagpaalam na ako kay Son at hindi na pinansin ang mga pang-iintriga niya dahil narinig niya pala si Luigi. Baka pag sinagot ko pa, humaba pa ang usapan tapos lalong magalit ang hari. At tsaka sigurado ring kung saan pa mapupunta ang usapan, baka malaman pa niya ang issue namin.

Pagbalik ko naman doon, kumakain na silang tatlo. Mukha ngang patapos na si tito kaya kinwentuhan na niya ako agad pagkaupo ko pa lang. Hindi ko tuloy maubos-ubos 'tong kinakain ko dahil ang dami niyang sinasabi at tinatanong.

Pero habang kumakain ako, tumunog ulit ang cellphone ko pero text naman. Contact name pa lang yung nakita ko, muntikan ko nang mabuga yung laman ng bibig ko. Bakit ko ba kase naisipang palitan ang pangalan niya?

Charoter! Halos hindi ko makuha ang cellphone dahil natatawa ako. Tapos yung text pa niya mismo, parang gago. Ang hilig talaga sa chismis mula noon hanggang ngayon!

[Spill the tea!]

"Okay ka lang ba, hija?"

Habang nakatakip pa rin sa bibig ko ang kamay, tinanguan ko si tito. Ginawa ko ang lahat para mapigil ang tawa ko pero hindi ko kinaya at nanginig na ang mga braso ko. Kaya mabilisan kong nginuya at nilunok yung risotto sa bibig ko at tsaka tumawa.

"Ano'ng nakakatawa?" tanong niya sa akin. Nang inangat ko ang phone ko para ipakita sa kaniya, tumawa rin siya nang nabasa ang text. "Who's that?"

"Si Son po." Sagot ko nang medyo kumalma na ako sa pagtawa.

"Sendan mo ng gif! Yung tea ganon," suggestion ni tito.

Natawa na naman tuloy ako nang malakas kaya natawa rin ulit siya. Tumango ako at ginawa ang sinabi niya.

Nang nag-reply na si Son ng isa ring gif, mas lalo kaming natawang dalawa.

Napatigil lang kami nang padabog na tumayo si Luigi. Ang sama ng tingin niya sa amin—hindi naman na bago 'yon. Sa totoo lang mas sanay na ako sa busangot niyang mukha ngayon kaysa pag mukha siyang masaya.

"I'm done." Tsaka siya nag-walk out.

Napaubo naman si tita kaya napatingin ako sa kaniya. Inirapan niya pa ako at umiling-iling, tapos tinapunan niya ng masamang tingin ang asawa niya.

"Aalis ako bukas, I'll attend a convention in Paris." Biglang bumalik si Son.

Nagkatingin naman kaming tatlo bago ako nagtanong. "Gaano ka katagal doon?"

"Two weeks."

Two weeks? Convention pa ba 'yon o bakasyon? Baka both?

"Isasama mo ba 'tong si Mabel?" tanong ni tito.

Hindi kaagad sumagot si Luigi. Tinignan niya muna ako ng matagal at tsaka binalik kay tito ang tingin niya.

"No. Maiiwan siya dito."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top