Chapter 21

Pagkatapos kong mag-apply sa CPAR, napagdesisyunan kong isabay na rin ang pagtatrabaho. Noong una ayaw pumayag ni Luigi dahil gusto niyang mag-focus ako sa pagre-review lang. Tapos sinumbong niya pa ako kay kuya dahil alam niyang hindi rin papayag 'yon. Napagalitan pa tuloy ako at tinakot ako ni kuya na kung magtatrabaho ako, pauuwiin niya ako.

Kaya naman ginawa ko ang lahat para mapilit si Luigi. Naging mahirap noong una pero nung hindi ko siya pinansin ng isang linggo, pinayagan niya rin ako. Napilit ko rin siyang huwag sabihin kay kuya, pumayag naman siya nung tinakot ko siyang magkakalayo kami dahil pauuwiin talaga ako ni kuya pag nalaman niya.

Nagpasa na ako ng resume sa ilang pwede kong pagkatrabahuan, pero wala pa ring tumatawag para sa interview tapos yung iba naman wala raw job offering. Buti na lang pwede raw akong tulungan nung girlfriend ni Meraki para makapasok sa BPO company na pinagtatrabahuan niya.

"Hindi ba nurse yung girlfriend ni Meraki? Yung Isa?" tanong ko kay Luigi nang natandaan kong 'yun ang sinabi sa amin ni Meraki dati.

"Break na raw sila non, bago na 'to," monotonous niyang sabi. Napagod na siguro siya dahil lagi na lang nagpapalit ng girlfriend yung kaibigan niya. "Tsaka Ina 'yon, hindi Isa," pagtatama pa niya.

Tumango-tango na lang ako at tsaka sumipsip doon sa binili niyang milktea. Konti lang at mabilis kong ginawa nang hindi siya nakatingin sa akin. Pero nahuli pa rin niya ako!

"Ang daya! Akala ko bang bawal pa hangga't wala pa sila?" reklamo niya akin. Ngumuso pa siya at ang sama ng tingin, feeling betrayed ba ganon.

"Eh...nagugutom na ako, Langga. Konti lang naman 'yon," paawa ko. Tinaas ko pa ang mga daliri ko at sinenyas na konti lang.

"Edi kainin ko na rin 'tong croissant. Gutom na rin ako, eh!" Kanina pa niya minamata yung croissant niya, pinigilan ko lang dahil ayaw kong kumain na kami agad habang wala pa yung dalawa.

"Inom ka na rin muna ng milktea." Nilapit ko sa kaniya yung binili niyang iced coffee.

Humalukipkip siya at padabog na sumandal sa upuan. Nakanguso siyang umiling at inismiran pa ako. Parang bata, hirap makaintindi!

"Oh bat ganyan mukha mo, pre?" Natatawang lumapit sa kaniya si Meraki na nakarating na pala. Tinapik niya ang balikat ng nakamaktol na kaibigan at tumango sa akin bago siya umupo kasama yung girlfriend niyang nakahawak sa braso niya.

Pagkarating pa lang niya, napansin ko na agad siya dahil sa height niya. Sa sobrang tangkad niya, wala man ata lalagpas sa dalawang pulgada ang height difference nila ni Meraki ngayong nakasuot siya ng heels. Nang tingnan niya ako ay ngumiti siya sa akin at sumabay ang bilugan niyang mga mata sa pagngiti niya.

"Ang tagal niyo kaseng dumating, nagutom na ako," reklamo ni Luigi! Nakabusangot pa siya at ang sama ng tingin.

Pasimple ko siyang siniko at binawalan dahil sa inakto niyang 'yon. Grabe 'to, hindi man nahiya. Hindi okay pero mas tanggap ko pa kung ang kaibigan niya lang ang kaharap namin ngayon, pero hindi, eh. Ngayon lang namin nakilala ang bagong girlfriend ni Meraki tapos ganito ang attitude niya.

Tumawa naman si Meraki habang awkward namang ngumiti ang girlfriend niya. Nag-sorry siya dahil na-late daw sila dahil sa kaniya. Habang ako naman ay nag-sorry dahil sa sinabi ni Luigi. Nag-sorry din naman siya nang sinabi ko sa kaniya, nakaramdam din ata ng hiya.

"Anyway, this is my friend Luigi and his girlfriend Mabel. Mabel, Luigi, this is my girlfriend Ni...Nica." Tinuro niya ang girlfriend niya, matagal pang inisip ang pangalan nung babae! Doon pa lang, masama na talaga ang kutob ko rito.

"Nica? Nisha ang pangalan ko, gago!" Inirapan niya ang boyfriend niya bago siya humarap sa amin at ngumiti. "Hi! My name is Nisha. Nice meeting you." Nakipagkamay siya sa amin.

"It's nice meeting you as well, Nisha. Mabel."

Nang tapos na ang introduction, kumain na kaagad kami dahil hindi kami nakapag-almusal ni Luigi sa pagmamadali na malelate na kami. Tas bandang huli itong dalawa pala ang na-late. Kaya naman nang payagan ko na siyang kumain, dinampot na niya kaagad yung croissant at nilantakan 'yon. Tapos umorder pa siya ng isa dahil kulang pa raw.

Natatawa ko siyang inilingan at inasar sa katakawan niya. Hindi naman niya 'yun pinansin dahil busy siya sa pagkain. Kaya nakipagkwentuhan na lang ako kay Nisha habang kinakain ko ang vanilla cake ko.

"Madali naman 'yon, lalo na at may degree ka tapos accounting pa. For sure, pasok ka doon." Tumango-tango siya at nag-thumbs up. Pagkatapos ay bumalik siya sa pagkain ng blondies niya.

"Kakayanin ko ba talaga doon?" Pagdududa ko pa rin sa sarili ko. Nakakakaba kase lalo na at hindi ko naman masyadong alam 'tong papasukin ko. Baka hindi naman pala talaga ako para rito.

"Mabel, you won't really know until you tried. Trust me, may factor talaga na feeling mo you're still not fully equipped to take a job pagkatapos mong mag-college and naramdaman ko rin naman 'yan." Tatlong taon ang tanda niya sa akin, dalawang taon na rin daw siyang nagtatrabaho sa pinagtatrabahuan niya ngayon.

"Sigurado ka?" pag-aalangan ko pa rin.

"Sigurado ako, makakaya mo 'yan basta mag-adjust ka lang, magsipag, makisama. Tsaka may training naman, kaya huwag kang matakot." Nakahinga ako sa binigay niyang assurance, lalo na nung sinabi niyang may training.

Pagkatapos naming mag-usap at kumain, naghiwalay na kami dahil pupunta raw sila ng mall. Habang kami naman ni Luigi ay nakapagdesisyong umuwi para makapagpahinga dahil may review pa ako mamaya.

***

Halos atakihin ako sa puso dahil akala ko malelate na ako since di kaagad kami nakaalis ng condo ni Luigi. Nakahinga lang ako nang malalim nang nakarating ako 10 minutes before yung time.

Ayaw ko kase talagang nalelate, gusto ko maaga akong nakakarating para may time pa akong mag-prepare. Tsaka nakakahiya rin kasing ma-late, pakiramdam ko ay I am giving an impression na hindi mahalaga 'yung ka-meet ko or hindi importante yung dahilan ng meeting or event.

Pagkarating ko sa review center at nang nakaupo na ako, nakita kong may highlighter sa lapag. Kaya pinulot ko 'yon at tinawag ang atensiyon ng babaeng nasa harap ko na hindi ko pa rin nakikilala. Wala pa akong ka-close rito, nakakatamad makipag-socialize.

"Miss...nahulog mo 'tong highlighter."

"Oh! Thank you very much!" kinuha niya 'yung highlighter at nilagay sa bilog niyang pencil case na parang may laman na rainbow dahil andami niyang highlighter, ballpen, at pencil na iba-iba yung kulay.

Babalik na sana ako sa binabasa ko para may alam ako mamayang session. Mahalagang may alam para makasagot ako mamayang magtatanong na 'yung lecturer.

"I'm Miranda, by the way." Nilahad niya ang kamay niya sa akin kaya inabot ko naman 'yon at nakipagkamay. "You can call me Mimi."

"I'm Mabel."

Ngumiti siya at tumayo para lumipat sa upuan sa tabi ko na wala namang umuupo. Hinayaan ko na lang dahil sino ba naman ako para pigilan siya, hindi ko naman 'to pag-aari.

"Let's review together," suggestion niya.

Nag-alangan naman ako dahil hindi ako sanay mag-aral na may kasabay. Pero tumango na lang ako dahil baka ma-offend siya kung tumanggi ako. Pero noong nagsimula kami, napagtanto kong napakatalino at ang dami niyang nabahagi sa akin. Hindi kase siya masyadong sumasagot tuwing session, natatakot daw siya dahil daw baka mali ang sagot niya. Ang sabi ko naman ay subukan niya lang dahil malay naman niya tama, 'di ba? Sabi nga ni Nisha, hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.

Kaya naman nang nagsimula na ang session namin, pag nagtatanong ang lecturer, hinihimok ko siyang magtaas ng kamay. Ilan beses din siyang natawag at lahat ng tanong ay nasagot niya ng tama! Pinuri pa siya ng lecturer namin dahil doon.

"Thank you talaga for pushing me to raise my hand and answer."

Tapos na ang session namin for today kaya palabas na kami ngayon at kasabay ko si Mimi. Masayang masaya ako para sa kaniya dahil mas tumaas na ang kumpyansa niya sa sarili niya ngayon. Ganyan din kase ako dati, minsan kahit alam ko ang sagot ayaw kong magtaas ng kamay dahil nahihiya ako at may pagdadalawang-isp. Pero nang nasubukan ko, ang sarap sa pakiramdam pag tama ako.

"You're welcome." Nginitian ko siya.

"May pupuntahan ka ba after this? Let's hangout," yaya niya sa akin.

"Uhm...may lakad kase kami ng boyfriend ko," pagsisinungaling ko. Hindi tuloy ako makatingin sa kaniya dahil nagi-guilty akong hindi ko na nga pinaunlakan ang invitation niya, nagsinungaling pa ako.

Gusto ko sanag sumama sa kaniya kaso naisip ko kakakilala lang namin. Gusto ko munang mas makilala pa siya sa mga susunod pang mga sessions bago ako magtiwala sa kaniya—hindi naman sa hindi siya mukhang katiwa-tiwala.

"Oh, it's okay. Maybe next time?"

Tumango na lang ako at nginitian siya. Tapos nagpaalam na siya at nakita kong nagpunta siya sa sasakyan niyang naka-park sa malayo. At sakto namang dumating na si Luigi at sinundo ako pauwi.

***

More than three months na simula nang tumira ako rito sa Metro Manila. Nakapag-review na ako, nakapagsimulang magtrabaho, nakakilala ng mga bagong tao, at na-take ko na ang exam. And after more than a week, lumabas na ang reselts.

And I...failed.

Ang tagal bago ko tinignan ang results, wala akong ginawa kung hindi magdasal. I was so anxious and nervous, kung wala si Luigi baka hinimatay na ako.

At pagkatapos ng ilang oras, lumakas na ang loob ko para tignan. And then, Luigi and I found out that...I did not pass.

Nang nakita ko ang pangalan ni Mimi sa passers, natuwa ako at naisip kong yayain siya for a celebration. Pero nang napagtanto kong wala ang pangalan ko, napatulala na lang ako. Ang unang pumasok sa isip ko ay ang pamilya ko, si Luigi, Si Nisha at Mimi, ang mga pinagdaanan ko makapag-aral lang, ang lahat ng sinakripisyo ko.

At ngayon pakiramdam ko all of my efforts I did did not pay off, I felt like I wasn't rewarded pagkatapos lahat ng ginawa ko makarating lang sa kung nasaan ako ngayon. Kaya parang nabiyak ang puso ko nang hindi ko nakita ang pangalan ko. Dahil pakiramdam ko, kahit ginawa ko naman ang lahat, hindi pa rin sapat ang lahat ng 'yon para maabot ko ang pangarap ko.

"I know you don't feel okay, I know you're heartbroken. Pero nandito lang ako, Langga. I'm here for you." Niyakap ako ni Luigi at hinalikan ako sa pisngi.

Dahil doon, tuluyan nang bumagsak ang luha kong kanina pa nagbabadya. Napayakap ako sa kaniya at napahagulgol na. Kay Luigi ko nilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sa kaniya ko sinabi lahat ng hinanakit ko na hindi ko mailabas kanina. At dahil sa yakap niya, kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

"Proud pa rin kami sa'yo, ate! Love ka pa rin namin!" pagpapagaan ng loob ko ni Sabel.

"Oo nga, ate! Hindi ka naman namin itatakwil!" Malakas na tumawa si Leigh pagkatapos niyang umiyak kanina. Mukha tuloy siyang baliw.

Ngayong umaga ko lang nasabi sa kanila dahil wala talaga akong lakas kahapon. Pagkatapos ko kasing umiyak, natulala na lang ako at nag-stay sa kuwarto. Doon na rin nga ako kumain ng dinner, sinabayan ako ni Luigi. Pagkatapos ay tulala akong naghilamos at tsaka natulog.

Medyo gumaan na ang pakiramdam ko pagkaumaga pero may kirot pa rin pag naaalala kong bumagsak ako. Tsaka masyado rin kasing mabango ang nilutong sinangag ni Luigi kaya napabangon talaga ako. Sa sobrang bango kase, amoy sunog na, eh. Natakot ako na baka bukod sa bumagsak na nga ako, mawalan pa kami ng tirahan kase sinunog niya.

"Eh...yung bawang kase, eh." Nakanguso siya habang nakaturo sa kawali.

"Dapat kase ginising mo ako." Tinanggal ko yung laman ng kawali, sunog na bawang tapos yung kanin may konting itim na rin.

"Gusto ko kase magpahinga ka muna. Dapat pala nag-order na lang ako, nagising ka pa tuloy." Napayuko siya at napakamot sa ulo. Nang iangat niya ulit ang mukha niya, nakita kong namumula ang mga mata at ilong niya.

Naawa naman ako at medyo nacutan sa kaniya. Kaya binitawan ko muna yung kawali at lumapit sa kaniya. Nang ngumuso siya, bahagya akong natawa bago ko siya niyakap.

"Thank you Langga for making me feel better." Tumingkayad ako para halikan siya sa pisngi. Pagkatapos ay sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at niyakap siya nang mas mahigpit.

"Langga...huwag namang ganyan. Kilig ako, eh."

Natawa ako dahil doon at kumalas sa yakap para tignan siya. Kaya lalo akong natawa nung nakita kong namumula ang pisngi niya. Kinurot ko 'yon kase ang cute cute!

"Aray ko, Langga!" reklamo niya nang napadiin ang pagkurot ko.

Naawa naman ako nang nakita ko ang pamumula nung kinurot ko kaya tumingkayad ako para halikan siya sa magkabilang pisngi. Pagkatapos ay gumanti naman siya at kiniliti ako. Kaya naman yung almusal namin ay nausog at naging brunch na.

"Ate, nabaliw ka na ba? Bakit bigla ka na lang napangiti diyan?"

Napabalik ako mula sa paglakbay ng utak ko kung saan. Nang tingnan ko yung dalawa, magkasalubong ang mga kilay nila. Tapos bigla na lang naningkit ang mga mata ni Leigh Belle at tsaka ngumisi. Ako naman tuloy ang biglang nagtaka sa pagapalit ng expression niya.

"Feeling ko naalala niya kung paano siya kinomfort ni Kuya Luigi," bulong niya kay Sabel pero rinig ko rin naman. Patigilid pa siyang nakatingin sa akin dahil tinapat niya ang bibig niya sa tenga nung isa.

Nanlaki naman ang mga mata ni Sabel at namilog ang labi. Pagkatapos ng ilang sandali ay magkapareha na sila ng expression ni Leigh. "Ate ha, hindi ko akalaing ganyan ka ka-wild."

"Ha? Wild? Wild na ba yung kilitian?"

"KILITIAN?!" Magkasabay nilang rekaksiyon. Yung mga nanliliit nilang mga mata kanina ay nanlalaki ngayon at yung mga nakangisi nilang bibig kanina ay halos pasukin na ng langaw sa pagkakanganga.

"Ang hina naman, ate! Kilitian lang?" Mukhang dissappointed pa 'tong si Leigh! Umiling-iling pa talaga siya at napatagilid ng upo.

"Bakit ba? Ikaw Leigh Belle, ah! Kung ano-ano 'yang pinag-iisip mo! Ang bata bata mo pa!" Sermon ko sa kaniya dahil kung ano-anong kahalayan na ang nasa isip niya!

"Ate, wala sa edad yan, no!" Tinaas niya ang hintuturo niya at ginalaw.

"Oh eh saan naman?" Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. Napatingin din sa kaniya si Sabel para abangan ang sagot niya.

"Sa experience!"

"LEIGH BELLE!"

At nakakabinging sermon ang binigay namin sa kaniya ni Sabel. Kaya ang depensa niya ay joke lang daw. Pero hindi pa rin ako nagpaawat at pinangaralan siya.

Pero pagkatapos ay nagtawanan lang kami. Gumaan lalo ang pakiramdam ko dahil sa kanila. Nakayanan kong pumasok sa trabaho sa araw na 'yon. At kahit may mga sandaling nalulungkot ako pag naaalala ko yung pagbagsak ko, gagaan naman kaagad 'yon pag sina Luigi at mga kapatid ko na ang nasa isip ko.

***

Lagpas limang buwan na ang lumipas at ang dami nang nangyari. Pumasa si Luigi sa board exam, nakapagsimula na rin siya sa pagtatrabaho. Tapos ay nagtrabaho na rin si Mimi habang naghanap naman ng bagong trabaho si Nisha. Ang ending, sila na ang magkatrabaho ngayon. Inggit nga ako eh, gusto ko ring lumipat doon pero stable na rin ako rito. Takot pa akong mag-take ng risk, lalo na at hindi naman ako CPA.

At sa nagdaang buwan, nakaipon na rin naman ako. Nakpagpadala na ako sa Cebu at nakatulong na ako kay Kuya Mikel sa mga gastusin. Nung nalaman niyang nagtrabaho pa rin ako na hindi niya alam, dalawang linggo niya rin akong hindi kinausap. Tapos sinisi niya pa 'yon kaya raw hindi ako nakapasa, hati raw kase ang attention ko.

Pero pagkatapos din naman noon at kinausap siya ni Ate Bianca, kinausap niya na ulit ako. Pero cold pa nung una, minsan nga natawa na lang ako sa pagsusungit niya. Pero ngayon ay maayos na talaga kami, wala rin naman mangyayari dahil hindi na namin maibabalik ang oras.

Kaso, kami naman ni Luigi ang hindi maayos ngayon dahil sa desisyon kong paglipat. Ilang araw na niya akong hindi pinapansin kahit anong lambing ang gawin ko. Pagkauwi niya galing sa trabaho, sasabayan niya lang akong kumain ng hapunan tapos deretso kwarto na siya.

"Langga naman, lilipat lang naman ako, eh. Magkikita pa naman tayo." Niyakap ko siya habang kumakain siya ng hapunan.

"Ayaw mo na ba akong kasama?" Malamig ang pagkakatanong niya tapos nasa pagkain pa rin ang buo niyan atensiyon.

Kaya naman tinanggal ko ang mga braso kong nakapalupot sa kaniya at umupo sa gilid. Kaya nakita kong umiiyak na pala siya! Nang napansing niyang nakita ko 'yung luhang umagos sa pisngi niya, pinunasan niya kaagad 'yon at iniwas ang tingin sa akin.

"Hindi naman sa ayaw kitang kasama, Langga. Nahihiya na kase talaga ako dahil wala man akong share sa bayarin dito." Ilang beses ko nang sinabi ang rason ko sa kaniya pero ayaw niyang makinig. Inintindi ko na lang dahil masama lang talaga siguro yung loob niya sa desisyon ko.

"Pero Langga, masaya ako pag nandito ka. May nagluluto, may kakwentuhan ako, may kasama akong manood ng movies, may kasama akong kumain. Pag galing ako sa trabaho, masaya ako kase may sasalubong sa akin. Ikaw din ang pahinga ko, Langga. Kaya paano ako kung wala ka sa tabi ko? Sanay na akong kasama ka lagi, eh."

Tuloy-tuloy nang umagos ang luha niya, tinakpan pa niya ang mukha niya gamit ang dalawang kamay. Kaya naman niyakap ko siya at pinatahan. Kaso pati ako naiyak na rin. Natamaan ako sa sinabi niya, pakiramdam ko tuloy ang selfish ko. Pero gusto ko lang din namang tumayong mag-isa, ayaw ko namang umasa sa kaniya dahil kaya ko naman.

"P-pero sige, payag na akong...l-lumipat ka. Kung ano man ang gusto mo, I'll...s-support you." Pagpayag niya, naputol-putol pa dahil sa pag-iyak niya.

"I love you, Langga!" mas hingpitan ko ang yakap sa kaniya.

"Weh? Sige nga i-kiss mo ako." Tinuro niya ang pisngi niya.

Kaya pumayag naman ako at ilalapit na sana ang labi ko doon. Kaso nung malapit ko na siyang mahalikan, humarap naman siya sa akin kaya sa labi tuloy dumugpa yung labi ko! Kaya nagkulitan na kami pagkatapos noon, naiwan tuloy namin sa dining table yung pagkain at mga plato.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top