Chapter 20

Pakiramdam ko ay sumabog na ako. Sa tagal kong kinimkim ang lahat, hindi ko na kaya pang itago lang sa loob ko 'to. Merong nagtutulak sa aking magsisigaw at magwala, pero alam kong kailangan kong maging rational this time.

"W-what the hell are you talking about?" tanggi niya nang makabawi siya sa pagkakagulat.

"I am talking about the scene last Wednesday. Nung nag-date kayo ni Alisson sa BGC, remember?"

Rumaragasa na ang aking emosyon, gustong magpakawala ng sunod-sunod na mura ang bibig ko pero pinigilan ko dahil may iilan pa ring taong nasa paligid namin. May mga napatingin habang naglalakad, merong walang pakielam at patuloy lang sa paglakad, at meron ding mga tumigil pa para manood at magchismisan.

"Sinabi ba ni Venn sa'yo 'yan? Ano pa ang mga sinabi niya sa'yo, ha?"

"Nakita mismo ng dalawa kong mata ang pangyayaring 'yon, and you don't have any idea how it crushed my heart into fine little dust."

Sobrang sakit sa puso nang nakita ko 'yun, pero parang dumodoble tuwing naaalala ko. Dahil habang tumatagal, sa tuwing umuulit siya sa isip ko, lalo lang napatunayan sa akin na totoo ang nakita ko at hindi lang isang ilusyon. Na sa bawat tunog ng halik niya sa leeg ni Alisson, parang isang nagbabagang bakal na nagmamarka sa puso't isipan ko na nagawa niya akong lokohin.

"I...I-I don't know what you're talking about." Umiling-iling siya at tsaka ako tinalukaran.

Naglakad na naman siya kaya kinailangan ko na naman siyang sundan. Pero ayaw ko rin namang doon kami mag-usap kaya hindi ko na siya pinigilan. Walang umimik sa amin hanggang sa makarating kami sa parking at nakasakay ng sasakyan.

"Isang taon mo na akong niloloko kaya huwag mo namang pahabain pa."

Pinapakalma ko ang sarili ko kaya pinili kong huwag siyang tignan. Huminga ako ng malalim, deretso lang ang tingin. Dahil pakiramdam ko konting galaw lang ay pwede ako manigaw, magmura, manampal, at magwala. As much as possible ayaw kong gawin 'yon kahit pa kaming dalawa na lang ang nandito.

"I'm not lying!" Pilit pa rin niya.

"Just tell me the truth!" Napatingin na ako sa kaniya at nataasan na siya ng boses.

Alam kong nagpakatanga ako sa loob ng ilang araw—ilang buwan na rin. Pero sana naman ngayong nagkomprontahan na, magsabi na siya ng totoo! Parang lang siyang kriminal na ayaw umamin sa nagawang kasalanan. Parang siyang politikong patuloy na niloloko ang taumbayan para sa pansariling interes lang. Mga nahuli na nga, pero patuloy pa rin sa pagsisinungaling!

Kaya tinignan ko siya ng deretso sa mga mata, kailangan kong makita ang tunay na nararamdaman niya. Nakita ko ang pamumula at panunubig ng mga 'yon, hindi mapakali at hindi alam kung saan titingin. At nang nakita kong may isang butil ng luha ang tumulo, naluha na rin ako.

"I'm sorry, Mabel. I'm really sorry." Nanginginig niyang pinagsiklop ang mga kamay niya at saka niya pinatong doon ang ulo niya para yumuko sa akin. Ang mga balikat niya ay nanginginig, ang bilis na rin ng pagtaas-baba ng dibdib niya.

Dahil doon ay nakaramdam ako ng guilt. Siguro pareho lang din kaming nasasaktan ngayon? Oo may mali siyang nagawa, pero hindi naman ibig sabihin noon ako lang ang nadudurog ngayon. Matagal kaming nagsama kaya alam kong importante kami para sa isa't isa.

Kaya hinawakan ko ang balikat niya at hinamas-himas 'yon. Dahan-dahan akong umusog para makalapit sa kaniya. Nang sa tingin kong komportable na ang posisyon ko ay nilapit ko ang ulo ko para ipatong sa balikat niya at tsaka ko siya niyakap.

"Luigi, let's be true and honest with each other this time," bulong ko sa kaniya.

"B-but...I don't want to h-hurt you." Naramdaman kong umiling-iling siya. Pagkatapos ay pumulupot ang mga braso niya sa akin at umusog palapit.

"Pero mas masasaktan lang natin ang isa't isa kung hindi tayo magpapakatotoo," pilit ko pa rin.

"Ayoko." Umiling na naman siya at tinago ang ulo niya sa leeg ko. Kaya naman naramdaman ko ang init ng hininga niya. Pati na rin ang pagbasa ng leeg at balikat ko dahil sa pag-iyak niya.

"Please." Pakiusap ko.

Ilang sandaling walang nagsalita sa amin nang hindi siya umimik. Hikbi at pagsinghot lang namin ang dinig sa buong sasakyan. Nakaramdam na nga ako ng pagod at antok dahil sa sobrang tagal. Nang akala kong hindi na siya sasagot ay tatanungin ko dapat ulit siya. Pero natikom ko ang bibig ko nang nagsalita na siya.

"Okay. Fine." Kumalas siya sa yakap at umupo ng maayos.

Kaya kumalas na ang yakap ko sa kaniya at umupo ng tuwid. Tinignan ko ulit siya ng deretso habang siya naman ay nakayuko. Base sa kilos niya ay tumahan na siya dahil hindi na masyadong nanginginig ang balikat niya, tuwing sisinghot na lang.

"Yes." Inangat niya ang tingin sa akin. Ibubuka niya sana ulit ang bibig niya pero kinagat niya 'yon. Tapos ay nakita ko na naman ang pagkislap ng mga mata niya, at nang may tumulo na namang luha, yumuko siya at pinahid yun paalis.

"Just voice out your thoughts." Tumango-tango ako para i-encourage siyang magsalita.

Inangat niya ang ulo niya at tiningnan ako ng deretso sa mata. Magsasalita na dapat siya pero kinagat niya ulit ang labi niya. Yumuko siya at tinakpan niya ang mga mata niya gamit ang isang palad.

Hinimas-himas ko ang balikat niya at hinayaan na lang muna siyang manahimik ulit. Baka hindi niya pa kayang sabihin, hindi rin sigurong magandang pilitin ko siya. Hindi rin siguro madali para sa kaniya, at dapat kong intindihin 'yon.

Tumango ulit ako nang tingnan niya ako habang nakayuko pa rin. Huminga muna siya ng malalim bago sya dumeretso ng upo. Inabot niya ang isa kong kamay at hinawakan iyon ng dalawa niyang kamay.

"Y-yes, I h-have an a-affair with Alisson." Nakapikit siyang tumango.

Napatulala lang ako nang narinig ko na ang kompirmasyon, ang katotohanang matagal kong iniwasan at tinanggi. Nanlabo na lang ang paningin ko nang nanubig 'yon, pagkatapos ay bumagsak na nang tuloy-tuloy ang luha ko.

Binawi ko ang kamay ko sa kaniya at umupo ng deretso. Pinihit ko ang katawan ko at sa labas tumingin.

Sa bintana, nakita ko ang malabong repleksiyon ng mukha ko. Basang basa ang mukha ko, yung mga mata ko ay kumikislap dahil sa luha. At nang iangat ko ang paningin ko sa side mirror, luminaw sa akin ang kabuuan ng itsura ko ngayon. Pulang pula ang mukha ko, lalo na ang mga mata ko at ang ilong.

"For 13 months? Paano mo nagawa 'yon?" Binalik ko ang tingin kay Luigi dahil nasasaktan akong makita ang sarili ko sa ganitong kalagayan.

"I'm so sorry, Mabel. I'm so sorry." Nakaharap siya ngayon sa manibela at bahagyang nakayuko kaya kita ko ang pagpatak ng bawat butil ng luha niya. Nang may pumatak ulit, sinundan ko 'yon at nakita ko siyang nawala sa kadiliman. Pero pagkaraan ng ilang sandali ay may bigla na lang umilaw.

"Y-you have a spare phone?"

Hindi iniwan ng mata ko ang cellphone na nasa lapag ngayon sa ilalim niya. Mabilis niyang kinuha 'yon pero nakita ko kung sino ang tumatawag. At nang patayin niya ang tawag, nadurog lalo ang puso ko nang nakita ko ang lock screen ng cellphone.

"You wen't with her in Paris?"

Lalo akong nakaramdam ng galit dahil nagawa pa talaga nilang magsaya at magbakasyon habang niloloko nila ako! Habang sila nag-enjoy, ako naman ay hindi makatulog dahil sa panlalamig niya, dahil sa trato niya sa akin!

Tiningnan ko ulit ang lock screen kaya kaagad niyang pinatay ang cellphone. Pero nakatatak na sa isipan ko ang itsura no'n, kahit nga gusto ko nang burahin at kalimutan. Kitang kita ko pa rin ang nakaakbay niyang braso kay Alisson na nakahalik naman sa pisngi niya. They were so sweet, happily in love, in front of the Eiffel Tower.

"Why?" Binalik ko sa kaniya ang tingin ko.

"A-anong why?"

"Why did you cheat on me? May kulang ba? May mali? Tell me, Luigi! Bakit mo ako nagawang ipagpalit? Bakit mo ko nagawang lokohin? BAKIT?!" Nasapo ng dalawa kong kamay ang mukha ko at doon humagulgol.

Padurog nang padurog ang puso at pagkatao ko. Habang dumarami ang nalalaman ko, mas nararamdaman ko ang pagkatalo ko. Mas kinekwestiyon ko ang sarili ko, bilang tao at bilang girlfriend niya. Dahil pakiramdam ko, wala akong nagawang tama para saktan niya ako ng ganito!

"Paano 'to nagsimula?" Gusto kong malaman ang lahat, mula sa umpisa. I was so clueless, hindi ko man alam na unti-unti na siyang nawala sa akin, unti-unti na siyang nakuha sa akin. At kahit masakit, gusto kong malaman kung paano to nagsimula para alam ko kung paano tatapusin.

Pero yumuko at umiling lang siya, patuloy pa rin sa pagsabi ng sorry. Kukunin ko sana ang spare cellphone niya para manghalungkat kaso nang tingnan ko pa lang 'yon ay tinago niya agad sa likod niya.

"Did she seduce you? O ikaw ang lumandi sa kaniya?" Nilakasan ko nang loob kong tanungin 'yan, either way masasaktan din naman ako.

Pero madamot talaga siya, ayaw niyang sabihin. Umling lang ulit siya at lumapit sa akin para hawakan ang kamay ko.

"I can't. I can't." Ulit-ulit niya iyon binulong habang hawak pa rin ang mga kamay ko.

"Sabihin mo na, Luigi. Ang tagal na at ang dami mo nang tinago sa akin, panahon na para malaman ko ang lahat!"

Ilang sandali siyang hindi umimik at nakayuko lang, ang buong atensiyon niya ay nasa kamay naming dalawa. Kaya nang tumango siya at inangat na ang ulo para tignan ako sa mata, hinanda ko na ang sarili ko dahil pakiramdam ko madudurog na naman ako sa mga salitang lalabas ng bibig niya.

"I...I actually don't know how it started, when it started. B-but, I know that it did not start with my affair with...h-her." Hirap na hirap siyang magsalita, ni hindi man niya matawag si Alisson sa pangalan niya.

"Looking back, there was a moment that I just felt...I'm not that excited to see you a-anymore." Tumulo ang luha niya at dumeretso iyon sa kamay kong hawak niya.

Sa sinabi pa lang niyang 'yon, parang sinuntok na ang puso ko sa sobrang sakit. Kinagat ko ang labi ko at pinigilan kong maiyak na naman.

"I was so scared with that feeling, Mabel. But I just ignored it because I thought it was just a phase or a small hurdle, or...maybe I was still grieving over Chella's death, I thought?"

Chella? She died last year's May! Ibig sabihin, isa't kalahating taon nang ganito ang nararamdaman ni Luigi sa akin? Ganoon na katagal?

"Ako pa rin ba ang sinisisi mo sa pagkamatay ni Chella?"

"I know that it was not your fault. But I don't know, I think I felt resentment when I thought you did not care that much, you did not grieve that much for her. I'm sorry." Yumuko ulit siya at umiling-iling habang pinipisil ang isa kong kamay.

"B-but I was just trying to be strong for both of us that time because I saw how devastated you were," paliwanag ko.

Dahil sobrang sakit sa akin nang namatay si Chella, pero alam kong sobrang mahal niya ang asong inampon namin kaya tinatagan ko ang loob ko. Hindi ko alam na...maaari pala kaming humantong sa ganito dahil doon?

"I-I know. That's why I shoved it away—I shoved the thought away. Thinking that my feelings will come back. But as time progressed, the feeling, the butterflies, the spark, they were fading, Mabel." Ang mga mata niya ay puno ng sakit nang iangat niya ulit ang tingin sa akin.

Sabay na tumulo ang mga luha namin, sobrang bilis ng pagtulo, tuloy-tuloy. Pinipigilan kong buksan ang bibig ko dahil alam kong hahagulgol ako.

"I was so fucking worried at that time, Mabel. I was so scared because I didn't want to lose those feelings. I didn't want to lose you." Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luhang lumandas sa mukha ko gamit ang hinalalaki niya.

"But you didn't lose me, Luigi. You let go of me."

"I know...and I'm so sorry because I didn't do anything with what I was feeling at that time. Natakot kase ako. Natakot akong sabihin sa'yo dahil baka magalit ka. Dahil baka isipin mong hindi ganoon kalalim ang pagmamahal ko sa'yo."

Inangat na rin niya ang isa pa niyang kamay at hinawakan ang kabilang pisngi ko. Pagkatapos niyang punasan ang luha ko, maingat niyang hinila palapit ang mukha ko. Tapos nilapit niya rin ang mukha niya at hinalikan ako. At nang maghiwalay ang mga labi namin, napahagulgol na siya at pinatong ang ulo niya sa balikat ko.

"I hid what I was going through at that time. Until one day, I just can't call you Langga anymore."

Hindi ko na napigilang humagulgol, nilabas ko ang lahat ng hinagpis ko. Sinapo ng mga palad ko ang ulo ko, tinakpan ang mga mata dahil ang sakit na nila.

Pero walang panama 'yon sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko ngayon. Parang bang lahat ng sakit ng naramdaman ko nung nagsimula siyang manlamig, nang nalaman kong pinagtataksilan niya ako, nang nagmakaawa ako sa kaniyang bigyan ako ng isang linggo, nang aminin niya kanina na nambabae siya, nagsama-sama. Lahat ng sakit nagpatong-patong kaya ang bigat-bigat.

Hirap na akong huminga, kase pakiramdam ko yung puso ko piniga nang pinong pino, mahigpit na mahigpit.

"P-pero bakit maayos ang pakikitungo mo sa akin kanina? Pakiramdam ko nga bumalik sa sa dati, eh. Tapos nagselos ka pa? Hinalikan mo lang ako ngayon! Naguguluhan ako, Luigi. Ano ba talaga?"

Kailangan kong malaman ang sagot para alam ko kung may pag-asa pa ba. Kung may aasahan pa ba ako? Dahil kahit ang sakit na, hindi ko alam pero gusto ko pa ring kumapit. Ang tanga ko talaga.

"Just like you, I realized that want to save this relationship, Mabel. That's why I tried, sinubukan ko talaga at nagbakasakaling babalik ang nararamdaman ko sa'yo dati," paliwanag niya.

"And?" I am dying to know if it worked. And I am hoping and praying that it did.

Please, God, let Luigi feel it again. Please po.

Matagal hindi umimik si Luigi, hikbi at hininga niya lang ang naririnig at nararamdaman ko. Pero nang narinig ko na siyang umiyak ulit, nakaramdam na ako ng panghihina. At nang umiling siya, tuluyan nang namatay ang katiting na ilaw na pinanghawakan ko.

"I-I completely fell out of l-love already."

Parang akong sinaksak sa puso ng ilang ulit.

"I...don't love you anymore, Mabel."

At tsaka ako pinatay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top