Chapter 2

Mukha akong zombie ngayon habang naglalakad papunta sa USC Office dahil sinumpong kagabi si Baby Micoy. Maaga pa akong nagising kanina para maghanda ng almusal at kailangan ko rin pumasok ng maaga dahil baka walang kasama si Jojo sa ticket booth mamaya. Sayang nga dahil hapon pa lang naman sana ang simula ng unang klase ko ngayon at hindi naman sigurado kung papasok ba ang prof.

Bakit nga ba kase ako tumakbo sa USC? Ang sabi kase ni Son kailangan lang nila ng Officer for Finance ng partylist nila at wala na silang makuha. Ayos lang kung matalo raw ako basta mapunan yung pwesto. Hindi ko naman alam na merong boboto sa akin, hindi naman ako kilala rito. Kaya ito na talaga ang una at huli, hindi na ako magpapauto kay Son!

Diretso lang ako sa paglalakad, humikab pa ako ng ilang beses. Pero normal lang naman 'to, marami namang puyat sa amin. Lalo na at ang ibang prof daw ay naghahabol ng requirements ngayon bago magsimula ang Univ Week.

"Mabel."

Napaigtad ako nang may kumalabit sa akin at nawala bigla ang antok ko nang nakita ko kung sino! Halos mataranta ako at hindi alam ang gagawin dahil sa nangyari kagabi. Yawa, paano na 'to? Hindi naman siguro nya napansin? Sabihin ko na lang hindi ako nag-online kagabi.

"Bakit mo dinelete yung friend request ko?" Nakanguso siya at ang kamay niya ay nakahawak sa isang strap ng bag niyang nakasabit sa balikat, parang batang nagtatampo.

Nanlaki ang mga mata ko. Yawa paano ko ba ipapaliwanag? Pisteng yawa kase si Sabel!

Sumandal ako sa upuan at tinaas ko ang mga paa ko dahil medyo nangawit na ako. Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal nakaupo, ang alam ko lang ay nakaabot na ako sa mga post ni Luigi noong 2011 pa. Wala na siyang masyadong post dito at puro jeje postings na lang at totoy pictures—pero gwapo pa rin. Hindi man lang ba naranasang maging pangit nito?

"Sino yan?"

Napatalon ako nang nagsalita si Sabel sa tabi ko, nakadungaw pa sa cellphone ko. Kaya mabilsi kong pinatay ang cellphone ko at tinago sa gilid ko. Piste, minsan na lang nga ako mag-stalk nahuli pa!

"Ate ha! Ikaw ha!" pang-aasar pa niya. Sinubukan pa niya akong kilitiin sa tagiliran pero lumayo na agad ako sa kaniya. Hindi rin ako makatingin sa kaniya dahil pakiramdam ko, makikita lang niyang guilty ako pag nakita niya ang taranta at kaba sa mukha ko. Masyado akong halata!

"Ano yan?" Hindi ko napansing nakauwi na pala si Kuya Mikel. Nakatayo siya sa harapan namin, tutok na tutok ang mga mata na parang agilang nanunuri.

"W-wala lang to, kuya! Inaasar lang ako ni Sabel." Pinanlakihan ko ng mata si Sabel para balaan dahil alam kong ilalaglag niya ako. Tinawanan niya lang ako at nang mas lakihan ko ang mga mata ko'y pinigilan na niya.

"Tara na, handa na ang panihapon."

Pagkaalis nilang dalawa ay kinuha ko ulit ang cellphone ko at tinignan ulit ang friend request ni Luigi. Aaccept ko ba? Baka naman pag inaccept ko sabihin niya easy to get ako masyado? Pero pag naman hindi, baka isipin naman niyang pa-hard to get ako? Kaya saan ako lulugar?

Accept ko na lang. Friend request lang naman 'to. Pwede ko namang sabihin na in-accept ko as a friend, 'di ba?

"MABEL!"

Dahil sa sobrang gulat ko sa sigaw ni Kuya Mikel, aksidente kong napindot ang delete friend request! YAWAAAAAAAA!

"Aaaahh." Nakakaintindi naman siyang tumango at ngumiti, litaw ang tuwid at puti niyang mga ngipin. Nakita ko sa mga nakaraang post niya na nagsoot siya ng braces noon. "Ayos lang 'yon! Pero...hindi na kase ako makapag-send ng friend request sa'yo, kaya ikaw na lang ang mag-send, hehe!"

Ha?! Ganon ba 'yon?

Dahil kasalanan ko rin naman kung bakit na-delete yung request, kukunin ko na sana ang cellphone ko para magsend. Nakakahiya naman kase, baka sabihin niya paimportante ako. O kaya naman baka isipin niyang sinadya ko talagang i-delete iyon at mapapatunayan niya lang pag tumanggi ako. Kaso...

"Mabel, kanina ka pa namin hinihintay sa office." Biglang dumating si Son at tumayo sa tabi ko. Taas noong tinignan ng sersyoso si Luigi, hindi ko masabing nananakot at nagbabanta siya dahil ganiyan talaga ang itsura niya pag president mode siya. Hindi rin siya ganoon katangkaran kaya kailangan talagang pataas siyang tumingin, ehe.

"H-ha? May meeting ba?" Tinignan ko ang cellphone ko para tignan kung may text ba siya o chat pero wala naman. Nang tignan ko siya'y pasimple niya akong pinanlakihan ng mga mata kaya alam kong kailangan kong sumakay sa kung anong sinabi niya. "H-hindi ko pala nabasa."

"If you will excuse us, we still have a USC meeting. Let's go." Hindi na hinintay pang magsalita ni Son si Luigi at hinila na niya ako papuntang office. Pero bago kami makalayo nang tuluyan ay narinig kong sumigaw si Luigi.

"Yung friend request, ha! See you around!"

Napatingin ako sa paligid dahil siguradong maraming nakarinig doon. At totoo nga, naglipat-lipat sa amin ang mga tingin ng mga tao sa paligid nang tumingin ako. Nakakahiya baka isipin ng ibang tao nagpapakipot ako, lalo na at mukhang kilala siya rito. At sa mukha ba namang 'yan? Baka isipin ng iba na ang arte-arte ko!

Pagtingin ko kay Son ay nakataas ang kanang kilay niya, nanghihingi ng explanation kung anong ibig sabihin ni Luigi. Wala naman akong choice kung hindi ikwento, napakachismoso talaga ng isang 'to.

Kinwento ko ang lahat bukod doon sa part na ni-stalk ko pa yung profile ni Luigi. Baka makaisip siya ng ibang ideya kagaya ni Sabel.

"Don't send him a friend request," utos niya.

"Ha?! Bakit?"

Nanliit ang mga mata niya at nilapit ang mukha sa akin. "Don't tell me...may balak ka talagang i-accept ang friend request nya kagabi?"

"H-ha? W-wala ah!" Umiling ako nang umiling. "Wala!"

"Hmmm? Kaya huwag mong sendan ng friend request."

"Eh...nakakahiya naman kung hindi. Tsaka friends lang naman sa facebook, hindi naman big deal yon," pagdadahilan ko. Hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil mahuhuli at mahuhuli niya ako, sa tagal naming magkakilala ay basang basa na nya ang bawat kilos ko.

"Paano kung hindi lang pagiging facebook friends ang gusto non?" Humakbang siya palapit, parang nanghahamon ng away. Nalito naman ako sa sinabi niya dahil parang napaka-imposible naman nung pinaparating niya. "Obviously, pinopormahan ka non."

"Pano mo naman nasabi?"

"Lalaki rin ako, Mabel. Alam ko ang mga ganyang galawan, lalo na at ang bilis at agresibo."

"May mga lalaki rin namang mababagal, ah!"

Napabuka ng konti ang bibig niya at nanlaki ang mga naliliit niyang mata kanina. Napaiwas siya ng tingin sa akin at ilang segundo ring nanahimik bago tumikhim at nagsalita muli.

"Basta, binabalaan kita. Wala talaga akong tiwala sa Luigi na 'yan." Umiling-iling pa siya bago naunang naglakad.

Hindi naman siguro.

***

Mabuti na lang at tumulong na sa amin ang ibang officers ngayon at may mga volunteers din kaya gumaan na ang trabaho sa ticket booth. Ang iba naman ay abala sa ibang hinandang activities na gaganapin na pinangunahan ni Son kaya wala siya rito ngayon. Na-approve na raw kase ang proposals namin kaya naman todo kilos na kami ngayon. Siguradong mas marami na nyan kaming gagawin dahil tatlong linggo na lang ay Univ Week na.

"Lunch." Inabot sa akin ni Albie ang styro na lalagyanan ng lunch namin—fried chicken and rice. "Kain ka na, ako na muna diyan." Nakangiti niya akong inalalayang tumayo at dinala doon sa sinet naming malaking table sa likod ng ticket booth. Pagkatapos ay iniwan nya na ako at umupo sa upuan ko kanina.

Sinimulan ko nang kumain at tinignan ang cellphone ko kung nagreply na ba si Tita Macey. Papatayin ko na dapat nang nakita kong wala pa pero naalala ko bigla yung tungkol doon sa friend request at ang sinabi ni Son kanina. Nagdadalawang isip ako kung sesendan ko ba o hindi dahil sa babala nga kanina.

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo?" Bigla na lang dumating si Jojo. Galing siya sa klase nila, may surprise long quiz daw kase sila kaya kailangan nya talagang pumasok kahit tinatamad siya.

"Kumusta ang long quiz?" Nilihis ko na agad ang usapan.

"Ay wow, juwa ka dai?" biro nya habang nilalabas ang lunch box. "Syempre wala akong alam, di naman ako nakikinig don." Halos tumirik ang mga mata niya kakairap, mukhang 'di maganda ang resulta ng long quiz niya. Kaya nagulat ako nang bigla niya akong nginitian ng mapang-asar. "Pero ang gusto kong marinig ay chismis. So bakit ilang minuto kang tulala dyan sa cellphone? Sa malayo pa lang kitang kita na kita."

"Basta! T-tungkol lang sa bahay," pagdahilan ko na lang. Ayaw kong buksan yung topic tungkol kay Luigi dahil siguradong aasarin nya lang ako.

Nagkibit-balikat na lang siya at tinuon na lang sa pagkain at pagra-rant tungkol sa mga prof niya ang pansin niya. Hindi ko na nga nakuhang makapagsalita dahil tuloy-tuloy siya. Paano pa kaya kung wala pang laman ang bibig niya, baka 1,000 words per second ang nasabi niya. Napailing-iling na lang ako habang nagpipigil ng tawa.

"Ay by the way, bigay mo pala sa akin ang email mo. Doon ko na lang isend yung pdf files na hiningi mo kay ate. Dalawa yon 'di ba?" Niligpit niya na ang pinagkainan niya habang ako ay kanina pa ang pahinga para bumaba ang kinain.

"Oo. Yung Law on Business Organizations tsaka Financial Accounting and Reporting," sagot ko. Buti na lang at nabuksan ang topic na 'to dahil nawala na sa isipan kong nanghingi nga pala ako nito sa ate niya. Next sem ko pa naman ito kailangan pero maganda na ring maaga kong makuha para masimulan ko na ring basahin sa sem break.

"Isulat mo rito ang email address mo." Inabot nya sa akin ang binder notebook nya at nakabukas ang pinakilikod na page ng dulong notebook. Nakita ko tuloy ang ilang doodles nya at may FLAMES pa.

Napailing-iling na lang ako nagpigil ng tawa. Hindi ko akalain na sobrang crush nya si Savenn at nag-flames pa talaga siya. Feeling elementary student lang? Natatawa kong sinulat ang email address ko.

[email protected]

***

"So ano na nyan ang balak mo, fren?" tanong sa akin ni Mimi habang hinahagod ang likod ko.

Hindi ako matigil sa kaiiyak dahil sa nakita ko kanina. Nakabukas man ang mga mata ko o nakapikit, kahit saan man ako tumingin, yung tagpo pa rin sa restroom ang nakikita ko. Parang sirang plakang umuulit-ulit sa pandinig ko ang bawat ungol at mabibigat na paghinga, parang isang litratong nakatatak sa isipan ko ang itsura ni Luigi. At hindi ko ring maiwasang isipin kung ano pa ba ang mga nagawa nila sa mga nagdaang panahon. Kung sa isang public restroom nga ay umabot sila sa ganoon, paano pa sa mga private places?

"Tinatanong pa ba 'yan? Hiwalayan mo na yung gagong 'yon!" Nanggigigil naman si Nisha. Sinusuklay-suklay pa niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya, konti na lang nga ay sabunutan niya na ako. Pero laking pasasalamat ko pa rin sa kaniya dahil kung wala siya kanina...hindi ko alam kung ano na ang kalagayan ko ngayon.

Iyak lang ako nang iyak sa loob ng cubicle, hindi alam kung ano bang gagawin ko. Ni mag-isip parang hindi ko na kayang gawin. Parang mas gugustuhin ko na lang mamatay para wala akong maramdaman. Dahil hindi ko kaya...parang bumalik ang sakit at mas dumoble pa, parang mas humigpit ang pagkakakuyom ng mga palad sa puso ko.

"Mabel?! Mabel nandiyan ka ba?"

Narinig ko na lang ang mga katok ni Nisha kaya lalo akong napahagulgol. Tama siya, Luigi is...cheating on me. He's cheating on me! Ang kaisipang iyon ang naging trigger para maiyak pa ako lalo.

"Mabel! Diyos ko! Buksan mo 'tong pinto!" Nakita kong tumatalon-talon si Nisha kaya tumingala ako at nakita ko siyang nakadungaw sa akin. "Giatay! Sabi ko na nga ba ikaw 'yan! Akala ng mga dumadaan may multong nagpaparamdam!" Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya pero nahiya naman ako dahil napagkamalan akong multo!

Binuksan ko na ang pinto ng cubicle at hinayaan siyang makapasok. Lumuhod siya sa harap ko at tsaka ako niyakap nang mahigpit. Sinabi pa niyang huwag akong umiyak pero lalo lang akong naiyak doon. Kaya ginantihan ko siya ng yakap at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Dahil sa naramdamang pagod, sa kaniya ko naisipang magpahinga.

Pagkatapos niya akong hayaang umiyak, pinunasan niya ang mukha ko gamit ang panyo niya. Sinuklay niya pa ang buhok ko at inalalayang tumayo. Pagkakita ko sa salamin, imbes na mukha ko ang makita ko'y mukha ni Luigi kanina ang nandoon kaya nagbadya na naman ang mga luha. Pero pinigilan ko na, gusto ko nang makaalis na lugar na ito.

"Ayaw ko na rito, umalis na tayo," pagmamakaawa ko, halos lumuhod na kahit alam kong pagbibigyan naman ako ni Nisha. Sadyang gustong gusto ko nang makaalis dito dahil hindi ko kaya...hindi ko kayang makita pa ang lugar na ito.

"Oh M&MS." Inabutan ako ng chocolate Mimi. Tinanggap ko at kinain dahil paborito ko 'to, tsaka baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko.

"Kailan mo hihiwalayan 'yon? Text mo na! Sabihin mo gago siyang animal! GIATAY, PATYON KO ANIMAL NA YON!" Mas tumaas pa ata ang altapresyon ni Nisha kaysa sa akin, halos ibalibag na niya yung upuan dito sa apartment ni Mimi.

"Haist! Hayaan mo munang mag-isip si Mabel para makagawa siya ng desisyon." Itong isa naman ay mahinahon lang.

"Wala ng isip-isip! Harapang gagohan na 'yon! Nako, sabi ko na sa'yo mana yon sa gago niyang kaibigan, eh!" Napatayo na si Nisha kaya hinila ko pa siya paupo at pinakalma. Oo, siya pa ang pinapakalma ngayon!

"Huwag mo munang ihalo yung ex mo rito, oki? Ang kailangn ni Mabel ngayon ay suporta."

Mabigat na hinga ang ginawa ni Nisha at pinagpatuloy na ang pagkain. Ako naman ay napatingin sa cellphone ko nang nakita ko siyang umilaw. Nang buksan ko ay email pala. Wala sana akong balak buksan iyon dahil akala ko trabaho—ayaw ko munang isipin 'yon ngayon. Pero nang nakabasa ako ng pamilyar na pangalan, binuksan ko na.

Josephine Dakay <[email protected]>
to me and 4 others

Pupunta ba kayooooooo?

--------------forwarded message--------------

From: Marky Borromeo <[email protected]>
Date: Mon, Oct 6, 2021 at 2:36 PM
Subject: MAKAKALIKASAN GRAND REUNION 2021
To: xxxxxxxxx

Greetings, our Dearest Makakalikasans!

Our planet has been deteriorating for several years now, as the result of ignorance and apathy towards our environment. A lot of calamities and natural crises had happened, in the entire world, and Cebu was not an exception.

In August 2011, a sudden heavy rainfall washed the northern part of Cebu City, affecting the neighboring Barangays. It even resulted in a landslide in Sitio San Antonio, Barangay Bacayan, and 47 families lost their homes which fell on the river. This was caused by an intertropical convergence zone, said by the weather bureau.

This took a huge toll on every cebuanos' life and started the realization of the importance of our environment. With that, our dear alumni started the initiative of establishing an organization in taking care of our planet. Then, Makakalikasan Org was approved as an official organization in the Academic Year 2012-2013.

And to celebrate its nearing #DECADEsary, the current officers and members are inviting you for a GRAND REUNION and CELEBRATION, happening in our university's pavilion on December 26, 2021 at 8:00 am. We are earnestly hoping for your attendance!

Respectfully,
Marky Borromeo
Makakalikasan Org 2021-2022 President

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top