Chapter 19
"What a coincidence! Nandito rin pala kayong dalawa?" Nakangisi si Rom at nakahalukipkip habang nakatingin sa aming dalawa ni Luigi. Mayabang siyang naglakad palapit sa amin at hinila ang upuan sa tabi ni Luigi at doon umupo.
"Ang sweet naman, may date." Si Meraki naman ang umupo sa tabi ko.
"Oy, tumayo nga kayong dalawa diyan! Sa ibang stall na lang tayo kumain." Tinapik ni Venn yung dalawa pero ni isa sa kanila ay walang tumayo.
"Bakit pa tayo lilipat? Sabayan na lang natin sila dito." Sumandal pa si Meraki at pinatong pa ang siko niya sa sandalan ng upuan ko.
"Oo nga, Venn. Sabi nga nila diba, 'the more the merrier'!" Binuka pa ni Rom ang braso niya para ipakita yung 'more' at maloko siyang tumawa pagkatapos.
Napailing-iling si Venn at sumusukong umupo sa tabi ni Rom. Habang si Luigi naman ay sa malayo lang nakatingin, nagngingitngit ang mga ngipin. Tapos nang ibalik ko ang tingin sa katabi niya, magkabulungan sila Venn na mukhang napipikon na habang yung isa naman ay pangisi-ngisi lang. At nang tingnan ko ang katabi ko, kinuha niya ang isa kong Nigiri at kinain 'yon.
Sa kilos pa lang nilang apat, alam kong may kakaiba, alam kong may mali. At sa sinabi ni Rom kanina, sa tingin ko rin ay may alam sila kina Luigi at Alisson. At ngayon ko lang napagtanto, oo nga naman, sino pa nga ba kasasabwatin ni Luigi kung hindi ang mga kaibigan niya?
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sila nandito ngayon? Imposibleng coincidence lang 'to, taliwas sa sinabi ni Rom kanina dahil sa tono pa lang ng pananalita niya, halatang sarkastiko lang siya. Hindi kaya si Luigi? Pero kung siya nga ang nagsabi, bakit parang galit siya ngayong nagpunta ang tatlong 'to?
"Ang lalim naman ng iniisip mo, Mabel? Kasinglalim ba 'yan ng pagmamahal sa'yo ni Luigi? AYIIIIIIII!" Kiniliti ni Rom sa tagiliran si Luigi kaya nainis naman yung isa.
Malakas na tumawa sina Rom at Meraki dahil doon. Nag-apir pa yung dalawa! Eh sa table namin, silang dalawa lang yung masaya. Kaming tatlo, problemado. Napaisip tuloy ako, naka-drugs kaya ang dalawang 'to?
"Pwede bang umalis na kayo? Ang gugulo niyo, eh!" Mukhang napuno na si Luigi. Nanlilisik ang mga mata, umiigting na panga, at bumabakat na mga ugat sa leeg at braso.
Si Meraki mukhang natakot, pero si Rom nagawa pang tumawa nang malakas at pinalo-palo pa yung lamesa.
"Chill ka lang, Lui! Wala naman akong sinabing masama, ah?"
"Umalis na tayo, Rom. Tara na." Tumayo na si Meraki at sinenyasang tumayo si Rom.
"Ha? Aalis na tayo? Hindi pa man tayong nakakakain."
"Rom." Nagbabanta ang boses ni Venn.
"Kami na lang ang aalis kung ayaw niyo."
Tumayo kaagad ako nang sabihin 'yon ni Luigi dahil gusto kong lumayo sa kanila, lalo na kay Rom. Dati pa talaga akong hindi komportable sa kaniya kaya palagi ko siyang iniiwasan, lalo na nung nagtagpo kami sa elevator.
Napailing ako at agad sumunod kay Luigi nang tumawa pa siya. Hindi na niya alam kung ano pa ang nakakatawang biro sa nakakainis na. Lumagpas siya sa linya, tapos hindi pa siya maawat.
"Ano bang nangyari kay Rom?" tanong ko kay Luigi nang magkasabay na kami.
"Ewan ko ba don, lumuwag na naman ang turnilyo." Umiling-iling si Luigi habang sa baba nakatingin, mukhang may iniisip. Muntikan pa nga siyang may mabangga kung hindi ko lang siya hinila.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya nang napansin kong hindi siya sa pinagparkingan namin papunta.
"Let's look for..." Inikot niya ang tingin sa paligid. "Dessert!" Tinuro niya yung stall at nauna nang naglakad doon.
Agad naman akong sumunod dahil marami ang tao sa parteng 'to, baka mawala pa siya sa paningin ko. Karamihan din kase sa stalls dito ay halos puno, pati yung dessert stall na balak puntahan ni Luigi ay marami rin ang customer. Buti nga at may nahanap pa siyang mauupuan namin dahil puno talaga, ang init nga eh.
"What do you want?" tanong niya sa akin.
"Isang slice na lang ng vanilla cake."
Tumango lang siya at tumayo na para bumili. At dahil marami-rami ang tao, alam kong matatagalan siya kaya nilabas ko ang cellphone ko para maglibang. Binuksan ko ang instagram at pinicturan ko ang paligid para i-story.
Pagktapos noon ay nag-scroll na ako sa mga posts ng iba, karamihan naman ng finollow ko ay mga artista kaya puro sila ang nakita ko. Pero may nakita rin akong ilang pictures sa reunion kanina. Nanghinayang tuloy ako ng konti dahil wala kami ni Luigi sa group pictures, pero okay na rin dahil magkasama kami ngayon.
At habang busy ako sa pagtingin sa pictures kaninang reunion, bigla na lang may nag-pop sa taas.
Leigh Custodio
Leigh Custodio replied to your story: HOY!!!!
Ano naman kaya ang problema nito ngayon? Bakit kase pag nagcha-chat 'to may suspense, di kaya sabihin kaagad kung ano yung gusto niyang sabihin? Binuksan ko pa ang chat niya para magreply at tanungin dahil alam kong hinihintay niya pa 'yon kahit kating kati na siyang magsabi.
[Bakit?]
Wala pang ilang segundo ay nag-reply na kaagad siya.
[PASALUBONG!]
Tinanong ko kung anong gusto niya.
[DONUUUUUTSSS!]
[Tsaka milktea hehe]
Napairap ako pero natatawa rin dahil sa kaniya.
[THANK YOUUUU HEHEZ]
[Kasama mo ba si kuya luigi?]
Siguradong magpapalibre nyan din siya kay Luigi kaya niya natanong. Mautak ang isang 'to, eh.
[AYIIIIIII!!!]
Natawa ako sa kagagahan niya pero kunwari nainis ako.
[Sira!]
[KILIG KA NAMAN KUNWARE KA PA!]
Umiiling ako habang natatawa sa kakulitan niya. Minsan nakakalimutan kong dalaga na nga pala siya dahil ganito pa rin siya umakto. Hindi man kase nag-mature ang gaga!
[Bahala ka diyan]
Balak ko na sanang tigilan ang pakikipagkulitan sa kaniya kaso nag-reply pa.
[😜😜😜😛😛]
Natatawa akong umalis sa convo namin at bumalik sa pag-scroll ng pictures. Pero nawala rin kaagad 'yon pagka-scroll ko pa lang. Dahil nakaramdam ako ng kaba, takot, at galit. Parang nananadya talaga ang babaeng 'to!
aly.henry Finding my love here in Cebu!💓
Iyan ang caption niya sa picture niya—selfie niya habang kumakain sa isang stall dito sa Sugbo Mercado! Alam ko dahil sa mga lamesa at upuan pa lang, dito talaga 'yon. At nadaanan din namin ang stall na 'yan kanina, three stalls away lang dito.
Paano naman kaya nalaman ng babaeng 'yon na nandito kami? Sinabi ba ni Luigi? All along ba, nirereport niya sa babae niya kung ano ang mga ginawa namin? Yung mga sinabi ko sa kaniya, mga pinagdaanan namin, at mga pinuntahan namin?
At kung nandito siya ngayon, siguradong may balak gawin ang babaeng 'to. Nakaramdam tuloy ako ng kaba dahil baka guluhin na naman niya kami. Dahil ramdam kong unti-unti na kaming naaayos ni Luigi, at baka ngayong nandito siya, masira na naman ang lahat. Baka mapunta lang sa wala ang lahat ng nangyari sa loob ng apat na araw at hindi ako papayag.
"Mabel?"
Napaigtad ako nang may humawak sa balikat ko. Muntikan ko pang ibato sa kaniya ang cellphone ko dahil bukod sa gulat, may galit ding nabuo sa loob ko.
"Are you okay?" nag-aalala niyang tanong sa akin.
Tinanguan ko lang siya at sa harap ulit tumingin. "Anong ginagawa mo rito? Nasaan yung dalawa?"
"Pinauwi ko na sila." Umupo siya sa harapan ko.
Pinakatitigan ko siya, sinubukang suriin at alamin kung may alam ba siya rito. Pero mukhang nailang naman siya sa pagtitig ko at napaiwas siya ng tingin.
"M-may problema ba?" tanong niya nang subukan niya ulit tumingin sa akin.
"Meron, napakalaking problema." Hindi ko alam pero nagawa kong sabihin sa kaniya ang totoo kong nararamdaman.
Nagulat ako sa sarili ko dahil nakasanayan ko nang sabihin na maayos lang ako. Pero hindi ko na siguro nakayanang magpanggap pa. Hindi ko na maitago lang sa loob ko ang nararamdaman ko. Dahil sumosobra na talaga!
Nagulat din siya sa sagot ko, hindi niya rin siguro inasahang magiging deretso ako. Pero bakit pa siya nagtanong kung ganoon lang din?
"B-bakit? Anong p-problema?"
Hindi mapakali ang mga mata niya, hindi makatingin nang deretso sa akin. Tapos pinaglalaruan niya ang mga kamay niyang nasa taas ng lamesa. Bakit mas kabado pa siya sa kaibigan niya?
"Hindi mo ba talaga alam?" Tinaas ko ang dalawa kong kilay, pinakatitigan ang mga mata niya para mahuli ko kung magsinungaling man siya. Madali lang naman basahin si Venn.
"What do you...m-mean?" Napapikit siya nang mautal na naman siya dahil sinusubukan niyang pigilan, kanina pa.
Bago ko siya sagutin, tiningnan ko ang pila sa bilihan dahil kanina pa si Luigi at wala pa rin siya. At kaya naman pala, dahil wala siya doon. Hindi kaya nagkita sila ni Alisson? Hindi malabo dahil malapit lang siya kanina.
Nanlabo na lang ang paningin ko nang nanubig ang mga mata ko. Kaya naman nagulat si Venn nang humarap ako sa kaniya. Kumuha kaagad siya ng panyo at pinunasan ang mga luhang dumaloy sa mukha ko.
"Alam mo ba ang lahat ng 'to, Venn?" lakas-loob kong tanong.
Napatigil siya sa pagpunas ng luha ko at unti-unti niyang binaba ang kamay niya sa lamesa. Napayuko siya at napabuntong-hininga bago ulit inangat ang tingin sa akin at tumango.
"Yung kay Alisson? Yung totoong dahilan kung bakit kami umuwi ng Cebu?"
Tumango siya ng dalawang beses.
"Kaya ka rin ba nandito? Para makapag-usap silang dalawa?" Nakaramdam ako ng inis nang napagtanto 'yon.
"Ha?" Napalapit ng konti ang mukha niya sa akin, nanlalaki ang mga mata at napanganga.
"Hindi mo alam na nandito si Alisson?" paninigurado ko.
"Umuwi si Alisson?" Medyo napalakas ang pagkakasabi niya kaya natakpan niya ang bibig nang napagtanto niya yon.
"Umuwi? Cebuana 'yon?"
"She was our blockmate, Mabel. Siya yung...kulot na pinagselosan mo noon?"
Napatigil ako nang sabihin niya 'yon, napatulala ako habang nakatingin pa rin sa kaniya. Pinilit kong isipin yung mga tagpong nakita ko si Luigi dati kasama yung babaeng kulot. Nung nakasalubong ko sila habang papunta kami sa library. Nung balak ko siyang kausapin nung nag-away kami.
Noong nag-away kami!
"Si Aly? Siyempre kaibigan ko 'yon, wala namang masama kung kasama ko siya 'di ba? Wala namang malisya 'yon!"
Siya nga! Nagbago lang nga ang buhok niya at pumuti, pero siya nga. Ngayon ko lang nalaman dahil hindi ko na rin naman masyadong inisip yung babaeng kulot na 'yon dati.
"K-kailan pa 'to nagsimula?"
Ilang sandali siyang nanahimik, mukhang nagdadalawang isip kung sasabihin niya ba sa akin o hindi. Bubuka ang bibig niya tapos sasara ulit, yuyuko tapos iaangat ang ulo para tingnan ako. Pipilitin ko pa sana siyang magsalita pero napatahimik ako nang sumagot siya.
"Since last year...November pa."
Ganoon na katagal? Lagpas isang taon na niya akong niloloko? Kayata! Pisteng animal!
"She's Rom's cousin kaya dati pa namin siya kasa-kasama sa barkada. But last year...something happened. And I'm so sorry at ngayon ko lang sinabi sa'yo, I'm sorry dahil pinagtakpan namin siya. We even gaslighted you, manipulated you. Ang dami naming ginawang kuwento, ang dami nilang ginawa magkalabuan lang kayo. But believe me, Mabel, I am so guilty with what we've done, I am so guilty for fooling you. I-I'm so sorry...s-sorry..." Tuloy-tuloy ang pagluha niya, nanginginig din siya habang umaamin.
Ako naman ay nilukob na ng galit dahil sa mga nadagdag na impormasyon. Pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil ayaw kong gumawa ng eksena rito. Bukod sa maraming tao, wala naman si Luigi. Siya dapat ang makausap ko tungkol dito. Pero...pagkatapos na lang siguro ng natitira pang tatlong araw? Bakit ba hindi ko magawang magalit ng tuluyan?
"Aasahan kong hindi mo sasabihin kay Luigi ang mga napag-usapan natin," pakiusap ko sa kaniya. Hinawakan ko pa ang kamay niya na nagpagulat sa kaniya.
"Ano ba ang pinag-usapan niyo at hindi ko dapat malaman?"
Sabay kaming napatingin ni Venn sa gilid, napaangat ng tingin kay Luigi. Mayroon siyang dalang tray na may vanilla cake, egg pie, dalawang milktea, isang iced coffe—yung isa naka-plastic habang yung isang milktea at iced coffee ay hindi—at isang maliit na paperbag na hindi ko alam kung ano ang laman.
Nang ibalik ko sa mukha niya ang tingin, mas nakaramdam ako ng takot at kaba. Biglang natabunan ang galit at gulat na naramdaman ko sa mga rebelasyon kanina. Dahil iyon sa mga nanlilisk niyang mga mata, mukha siyang makakapatay sa tingin niyang iyon. Tapos ay pahigpit din nang pahigpit ang hawak niya sa tray, lalo nang nalipat ang tingin niya sa kamay namin ni Venn.
Kaya mabilis kong binawi 'yon nang napagtanto kong doon siya nakatingin. Tinago ko ang kamay ko sa ilalim ng lamesa. Napayuko pa ako na parang ako ang may ginawang kasalanan at hindi siya.
"Mabel?!" Lalo akong napayuko dahil parang kulog na dumagundong ang boses niya.
"It-it's not what you think, Luigi. Ano—" sinubukang mag-explain ni Venn.
"Shut up!" Pagputol ni Luigi sa kaniya.
Padabog niyang nilapag ang tray kaya natumba ang lahat ng laman non. Tinayo niya kaagad yung milktea na nakaplastic at yung paperbag tsaka niya binitbit. Tiningnan niya muna kami ng masama bago siya umalis, mabibigat ang mga hakbang.
Tumayo ako kaagad para sundan siya. Tinawag ako ni Venn pero hindi ko siya pinansin, pati nga yung mga nagchismisan at inakalang ako yung nag-cheat sa amin hindi ko pinansin. Ang nasa isip ko na lang ngayon ay maabutan si Luigi.
"Luigi! Sandali!"
Natabunan na siya ng mga tao kaya hinanap ko pa siya nang nakalabas ako doon. At nang nakita ko naman siya ay napakalayo na ng nalakad niya! Ang bilis kase ng bawat hakbang niya tapos ang hahaba pa. Kaya tumakbo pa ako para lang maabutan siya.
"Luigi!" Hinila ko ang kamay niya nang naabutan ko.
"What?!"
Napaatras ako dahil sa takot. Isa sa mga ayaw at kinakatakutan ko ay ang mga sigawan, lalo na pag galit at nag-aaway. Dahil ang dami kong naaalalang masasamang pangyayari noong bata ako. At ang nakikita ko ngayon kay Luigi, yung mga mata niya, ekspresyon niya, ang kabuuan niya, si papa ang nakikita ko.
Nanginig ako dahil sa naisip at nanubig na naman ang mga mata ko. Pagkatapos ay naramdaman ko na lang na tuloy-tuloy umagos ang luha ko. Kaya nawala ang masamang tingin ni Luigi. Sinubukan niya akong lapitan at hawakan pero lumayo ako.
"B-bakit ang labas ako pa yung mali? Bakit parang ako pa yung may kasalanan?" Pinunasan ko ang luha ko pero hindi talaga tumigil kaya hinayaan ko na lang.
"Then explain what I saw and heard earlier. Wasn't that cheating?" Bumalik ang expression niya kanina.
Siya pa talaga ang malakas ang loob mang-akusa? Sa lahat ng ginawa ko para sa relasyong 'to, ako pa ang nasabihang manloloko.
"Hindi! That's not cheating! What's cheating is making out in a public restoom at BGC even though you already have a girlfriend! That! That's cheating!" Napataas ang boses ko dahil hindi ko napigilan sa sobrang lakas ng emosyong nasa loob ko ngayon.
Napatigil siya nang sabihin ko 'yon. Ang mga mata niyang nanlilisik ay biglang nanlaki sa gulat. Ang panga niyang nakaigting ay nalaglag.
"Now, who's cheating, Luigi?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top