Chapter 15

Pagkarating ko sa Pavilion ay hinanap ko na kaagad ang iba pang officers. Hindi ko alam kung ano ang trip ni Son at dito niya kami gustong i-meeting. Ang tagal ko pa namang naghintay doon sa office, at tsaka ko lang malalaman na hindi pala doon?

Bakit ba kase ang tamad kong mag-back read sa group chat namin? Sariling katangahan ko rin naman, sinisi ko pa kay Son.

Pero, mas sensible naman kase na mag-meeting sa office kaysa sa Pavilion 'di ba? So siya pa rin talaga ang may kasalanan!

"Bakit ka late?" Kasungitan pa agad ang binungad niya sa akin, kita na nga niyang hingal na ako.

"Nakipagkita siguro sa jowa niya, pres. Hmp!" sabat pa ni Adi!

Tumili tuloy ang iba at inasar pa ako! Loko-loko talaga ang Adi Boy na 'to!

"Hindi, ah! Akala ko kase sa office yung meeting! Imbento ka talaga, Adi Boy!" depensa ko sa sarili ko nang stable na ang paghinga ko.

At dahil sa pagtawag ko sa kaniya ng Adi Boy, siya naman ang inasar ngayon ng ibang officers, lalong lalo na si Jojo! Tumatawa tuloy akong umupo sa tabi niya at dumila nang tignan niya ako ng masama.

"Tama na 'yan, tama na 'yan. Kailangan na nating magseryoso sa meeting." Lahat naman kami ay nanahimik nang nagsalita na si Son.

Kailangan daw naming maghanda para sa Year End celebration. At kaya raw sa bagong renovate na Pav kami nag-meeting ay dahil ang gusto ng admin ay dito ang maging sentro ng selebrasyon. In other words, gusto lang nilang ipagmayabang na may maganda silang napagawa rito sa school.

Gaya sa mga nakaraang events ay tutulong naman daw ang ibang orgs kaya wag na raw kaming magreklamo. Pero nakakainis talaga eh, hindi ko maiwasang magreklamo. Hindi na talaga ako tatakbo sa susunod na taon!

"Kung hindi ka na tatakbo, hindi na rin ako tatakbo," imporma sa akin ni Jojo.

"Ako rin!"

"Same."

"Bakit ba sa'kin nakadepende kung tatakbo pa kayo next acad year?" Sinamaan ko ng tingin ang tatlo bago ako naglakad kasabay nila.

Baka kase gusto pala nilang tumakbo tapos biglang atras sila kase ayaw ko na. Hindi ko rin naman sila pinipigilan at inaaya, 'di ba?

"Nakakatamad na rin naman kase!" reklamo ni Adi.

"Tsaka nakakapagod, ang daming pinapagawa." Umirap pa si Jojo at inayos ang pagkakasabit ng bag niya sa balikat.

"Same."

Napatingin kaming lahat sa kaniya dahil mula kanina puro lang siya same.

"Wala ka na bang ilang sabihin kundi 'same'?" naiinis na tanong ni Jojo kay Albie.

"Sinabi niyo na kase lahat, ano pa bang sasabihin ko? Tsk!" Kinamot niya ang ulo niya bago kami iniwan.

Kami namang tatlo na gulat ay napatulala saglit at sinundan muna ng tingin ang papalayo niyang pigura bago kami sumunod. Kanina pa iritable ang isang 'yon, ano naman kaya ang trip niya sa buhay?

"Ako rin hindi na tatakbo next acad year."

Napalingon kaming tatlo kay Son nang nagsalita siya. Seryoso lang siyang nakatingin sa amin, walang emosyon.

"Ha? Bakit?" Takang taka ako dahil kung tama ang pagkakaalala ko, gusto pa niyang magsilbi for one last time.

"Dahil ba hindi mo na makikita ang kagandahan ko, pres? Ano ka ba, papakita pa rin naman ako sa'yo." Inipit ni Jojo sa tenga ang buhok niya at pabebeng ngumiti.

"Kagandahan?" Nilapit ni Adi ang mukha niya sa mukha ni Jojo at malokong sinuri. "Saan banda?"

"Hoy, Adi Boy! Ito!" Nilagay ni Jojo ang kamay niya sa ilalim ng baba niya. "This is what you call beauty! Kagandahan! Kadiosahan! Kaguwapahan!" Nilapit pa niya ang mukha niya sa bawat pagsabi niya nung tatlong salita.

"Pag kayo nag-kiss, mandidiri talaga ako," sabat ni Albie.

Dahil doon ay mabilis na lumayo sa isa't isa ang dalawa, parang bang diring diri sila. Nagtago sa likod ni Son si Adi at sa likod ko naman si Jojo. Bumulong pa siya sa akin na protektahan ko raw siya sa masamang espiritu. At mabuti na lang ay hindi 'yon narinig ni Adi, kung hindi ay bangayan na naman for sure!

"Tumigil nga kayo, parang kayong mga bata," saway sa kanila ni Son.

"Opo, tatang," pang-aasar pa ni Adi kaya tinulak siya ni Son.

"As I was saying, hindi na ako tatakbo dahil pagod na ako and I want to focus sa huling taon ko sa college."

Tumango-tango naman kami sa dahilan niya kasi relate kami. Ganoon din ang nasa isip namin kaya ayaw na namin.

"Pero, sasali ako sa Makakalikasan Org. Gusto niyo bang sumali?"

At napapayag nga kami ni Son na samahan siya sa pagsali sa org na 'yon. Ang sabi kase niya ay wala naman daw masyadong ginagawa doon bukod sa paglilinis at pagtatanim. Hindi naman daw madalas gawin kaya for sure maluwag daw ang schedule namin kung ganon.

"Sali din ako!" Ngumuso si Luigi at niyakap ang braso ko.

"Eh 'di ba may org ka na?" pagpigil ko sa kaniya, kanina pa niya ako kinukulit, eh.

"Kaya ko naman ang dalawang org. At tsaka sabi nga ni Son, wala naman masyadong ginagawa doon."

Tinignan ko lang siya at tinaasan ng kilay kaya lalo pa siyang ngumuso at hinigpitan ang kapit sa braso ko. Hanagod-hagod pa niya sa braso ko ang pisngi niya, parang aso.

"Sige na, sige na. Ikaw ang bahala," pagsuko ko, alam ko namang hindi 'to titigil kung hindi ko siya pagbigyan.

"Yeheeeeey! I love you talaga, Langga!" Nanggigigil niya akong hinalikan ng maraming beses sa pisngi.

***

"Hello! Welcome to our first org meeting, Makakalikasans!"

Pagkatapos kong isulat ang pangalan, year and section, at signature sa attendance sheet ay pinasa ko na agad 'yon kay Luigi. Tumingin ako sa harap at nakinig sa sinasabi ng presidente ng org na ito.

Introduction lang naman niya as the president and ibang officers. Tapos ay kinwento pa nila ang history ng org at ang reason kung bakit ito nabuo—dahil sa bagyo. Pagktapos ay nag-discuss din sila about sa environment, yung mga issues and ways para maisalba ang planeta.

"And as stewards of our dear planet, we are tasked to take care of it. So, here's our proposed activities for this semester!"

At pagkasabi niya non ay ang paglitaw naman ng calendar ng org namin sa buong semester sa screen. At halos malaglag ang panga naming anim nang nakita namin ang activities na balak nilang gawin.

Every other week ay may meeting na may kasamang general cleaning sa buong campus. Once a moth ay mayroon kaming planting projects, dito sa school and other adopted places outside the campus. Pagkatapos ay magbibigay pa kami ng seminars about sa environment, climate change, and proper waste disposal sa mga kalapit na barangay.

"Akala ko bang konti lang ang ginagawa rito?" tanong ko kay Son na nasa tabi ko lang.

"One of the feedbacks from our dear USC President last school year was lack of on the ground activities! So there you go!"

Napatingin kaming lima kay Son na saktong nasa pinakagitna naman. Ang sama ng tingin naming lahat dahil siya pala ang may kasalanan kung bakit ang daming gawain ngayon!

At kahit ramdam niya ang masasama naming tingin ay hindi niya kami pinansin. Pero nakita kong lumunok siya dahil gumalaw ang adam's apple niya.

"And now, we have him as our member! Ano ang masasabi mo, Mr. Pearson Carlos?"

"G-good job!" Nanginginig niyang inangat ang mga gilid ng labi niya at nag-thumbs up pa talaga!

Good job pala, ah? Mas sumama ang tingin naming lima sa kaniya. Pero nang ibalik niya sa amin iyon ay pare-pareho kaming natakot! Binalik namin sa harap ang tingin at hindi na ulit namin siya pinansin.

***

Pagkatapos ng dalawang meeting na puro discussion about environment ay nagsimula na kami sa on the ground activities namin. Okay naman ako doon sa discussion, marami akong natutunan.

At kung nung una ay sumali lang ako para konti lang ang gawin, ngayon ay gustong gusto ko nang pangalagaan ang kalikasan lalo na nang nalaman ko ang epekto ng pagsasawalangbahala rito.

Kaya naman hanggang sa bahay ay ginawa ko ang mga natutunan ko. Kagaya ng pag-segregate ng mga basura, pagbawas at paggamit ng alternatives sa plastic kagaya ng paper bags, pagbili ng mga less waste na gamit, at pag-reuse and recycle ng mga gamit.

At ngayon naman ay kasalukuyan akong naiinitan dahil kahit tirik na tirik ang araw ay kailangan naming walisin ang ilang lugar sa campus! Ito raw ay magsisilbing tulong sa kalakisan at sa mga minamahal naming janitors. Pero mabuti ring may ibang students na sumali at tumulong kahit na hindi naman sila members. Kaso ay karamihan sa kanila mga babae, sumali lang ata ang mga 'to dahil kina Luigi!

"Bakit nakabusangot ang Langga ko?" Lumapit sa akin si Luigi at sinuot sa akin ang ball cap niya.

"Ang pawis mo! Ang dami mo kasing tinulungang babae doon." Pinunasan ko ang pawis niya gamit ang bimbong nakasabit sa balikat niya.

"Hindi naman, konti lang. Sige, ikaw na tulungan ko ngayon," depensa niya. Ngumuso pa siya at hinawakan ang kamay ko.

"Kaya kong mag-isa," tanggi ko kahit kanina ko pa siya gustong hilain mula sa mga babaeng 'yon.

"No, I'll help you," pilit niya at kinuha ang sakong dala ko. "Huwag ka nang magselos, ikaw lang ang love ko kahit ilan pa ang tulungan ko."

"Sino naman ang nagsabing nagseselos ako?" tanggi ko.

Tinalikuran ko na siya at nagsimula na sa pagwawalis. Habang siya naman ay nakasunod sa akin para dalhin ang sako na lalagyanan ng mga basura.

"Yiiii! Hindi ba?" pang-aasar pa niya.

Inirapan ko lang siya at hindi pinansin kaya tinawanan niya ako. Inasar niya ako nang inasar pero nung naasar naman ako ay todo suyo siya. Ang gulo talaga niya palagi, parang bang maninira siya ng isang bagay para may ayusin ganon? Ay ewan.

"Oh ano, love birds? Maayos na ba kayo diyan?" asar sa amin ni Jojo na nakasakay sa walis na parang mangkukulam. Sa likod naman niya ay yung tatlong lalaki na pare-parehong may dalang sako.

"Grabe, pinanganak ka ba para magwalis? Konti na lang higupin mo na yung kalat at pwede ka nang maging vacuum," pang-aasar sa kaniya ni Adi. Ang mga dala kase nilang sako ay mga nawalis ni Jojo.

"Anong sabi mo, Adi Boy? Pasalamat ka nga tagabuhat ka lang ng sako!" Tinanggal niya walis tingting sa pagitan ng mga hita niya at umaktong hahampasin si Adi.

"Aish! Kanina pa kayo nagbabangayan, tumahimik nga kayong dalawa!" saway sa kanila ni Albie.

"Kesa naman ikaw na kanina pa nakababad sa cellphone! Sino ba ka-text mo diyan, ha?" Dumungaw si Adi sa cellphone ni Albie kaya iniwas niya kaagad. Pero nakita naman ata ng matanglawin nung isa base sa reaksiyon.

Nanlaki ang mga mata niya at bumagsak ang panga. Pagkatapos ay tiningnan niya si Albie na nanlalaki rin ang mga mata, pero hindi sa gulat kundi dahil sa pagbabanta. Kaya napalunok si Adi bago nilipat ang tingin sa akin. Kaya naman nagtaka ako lalo.

"Oy ano yon? Porn ba?" usisa ni Jojo at lumapit sa dalawa.

Pero lumayo na si Albie at nilagay sa kumpol ng mga basura yung sakong dala niya. Habang si Adi naman ay panay ang iwas kay Jojo, ayaw sagutin ang mga tanong niya. Habang ako naman ay takang taka dahil pakiramdam ko ay may kaugnayan ako sa nakita ni Adi.

"Hindi kaya picture mo ang tinitignan ni Albie?"

Napaitlag ako nang bumulong si Luigi. Nagtataka ko siyang tiningnan kaya napagtanto kong nakatingin din siya kanina kina Adi at Albie. Nang lumipat naman kay Son ang tingin ko ay sa aming dalawa naman siya nakatingin.

Anong meron? Bakit kami nagtitinginan?

Kailangan kong malaman ang sagot!

"Magsasabi ka ng totoo o ipagkakalat naming Adrian Boy ang buo mong pangalan?!"

Iniikutan namin ngayon si Adi habang siya ay nakatali sa isang upuan sa gitna. Kadiliman at gumegewang na ilaw na nakasabit sa taas ang kulang, mukha ng torture na ang ganap namin dito.

"Magsalita ka!" sigaw ulit ni Jojo.

"T-teka lang! Bakit ba ako ang inuusisa niyo ngayon? Dapat si Albie!" Nanginginig sa kinauupuan niya ngayon si Adi, parang ngang maiihi na siya eh ang banta lang naman ni Jojo mula kanina ipagkakalat niya ang buo niyang pangalan.

"Sumibat na, eh! Kaya ikaw na lang dahil nakita mo naman!"

"E-eh..." Tiningnan na naman niya ako kaya lalo akong naguluhan. "Mas maganda siguro kung sa kaniya mismo manggaling?"

"Oh sige, pero bakit ka tumingin kay Mabel?" tanong ni Luigi.

"Tungkol ba sa kaniya yung nakita mo?" dagdag ni Son.

Tinignan niya ako ng matagal, bubuka ang bibig niya tapos sasara ulit. Parang may gustong sabihin pero hindi niya magawang sabihin! At dahil kilala ko siya bilang madaldal, lalo akong kinabahan dahil hindi niya magawang makapagsalita!

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na napakasama ng nakita niya. At kung tungkol nga sa akin 'yon, ano naman kaya ang ginawa ni Albie? Hindi kaya ginamit niya ang identity ko para gumawa ng illegal na transaksiyon? Oh no!

"H-hindi tungkol kay Mabel." Deretso siyang nakatingin sa akin pero yumuko bago niya sinabing, "Pero malapit sa kaniya."

Malapit sa akin? Ano raw? Malapit? Anong malapit? S-sinong malapit? Sino?

"LEIGH BELLE?!"

***

Nilagpasan ko lang si Leigh nang nakasalubong ko siya sa may pinto nang palabas ako sa kwarto namin. Dumuretso ako sa sala at doon ko sinuot ang mga sapatos ko.

"Eto ang baon. Pinaghanda ko rin si Luigi." Binigay ni ate sa akin ang dalawang lunch box.

"Thank you, ate!" Kinuha ko 'yon at nilagay ko sa backpack ko kung saan nakalagay ang ilang visual aids para sa pagtuturo namin mamaya.

Nang naisuot ko na ang mga sapatos ko, sakto namang dumating si Luigi. Kaya tumayo na ako at lumabas na para makaalis na kami. Halatang antok pa siya kaya hindi kami nakapagkwentuhan masyado nang papunta kami sa sakayan ng jeep. At nang nakasakay naman na kami, pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko at natulog.

"Hindi mo pa rin ba pinapansin si Leigh?" tanong niya habang nakapikit pa rin.

"H-hindi." Matagal bago ako nakasagot sa kaniya. Alam ko kasing sasawayin na naman niya ako at pagsasabihan.

"Ilang araw na ang lumipas, kaya kausapin mo na siya. Baka this time, since humupa na ang emosyon, mas magkaintindihan kayong dalawa."

Napaisip ako doon sa sinabi niya, iyon lang nga ang inisip ko hanggang sa nakarating na kami sa school. Mula roon ay ginrupo na kami, siyempre magkakasama kaming anim kahit pa hindi rin kami nagpapansinan ni Albie.

Pagkatapos magsam-sama ng magkakagrupo ay pinasakay na kami sa kani-kaniyang van na magdadala sa amin sa mga assigned barangays namin. Kami ay pupunta sa Barangay Binaliw sa Talamban. At dahil sobrang aga ng call time namin na alas sais, karamihan sa amin ay natulog sa sasakyan kagaya lang ni Luigi. Habang ako naman ay nakatingin lang sa labas—puro puno!

"Hindi pa rin ba kayo nag-uusap?" tanong ni Adi sa amin sa kalagitnaan ng katahimikan.

"Ayaw niya akong kausapin," sagot ni Albie habang nakapikit pa rin.

Tinignan naman ako ni Adi Boy, nanliliit ang mga mata niya na parang bang sinasabing ako ang may sala. Kaya hindi ko siya pinansin at pinatong na lang ang ulo ko sa ulo ni Luigi para matulog din.

Hindi naman talaga ako nakatulog kaya narinig ko ang chismisan ng tatlo. Noong una ay yung issue pa namin ang pinagkwentuhan nila pero bandang huli ay napunta rin sa pangalan ni Adi kaya nag-asaran na naman sila. Kaya ayan, nagising tuloy yung ibang kasama namin sa sasakyan at pinagalitan sila.

Pagkarating namin doon ay pinaderetso kami sa barangay hall. Sinalubong kami ni Kapitana, ng ilang konsehal at tanod. Pagkatapos ay pinaderetso kami sa canteen nila at pinag-almusal muna kami. Meron pala silang hinandang lugaw at tinapay, kaya kahit na kumain na ang ilan sa amin sa bahay, kumain pa rin kaming lahat dahil nakakahiya naman kung ignorahin lang naman ang hinanda nila. Pagkatapos noon ay pinahanda na nila ang mga gamit namin para masimulan na ang morning session.

Sampu kami sa grupo, ang lima ay sa umaga habang sa hapon naman ang natira. Sa subgroup ay may dalawang magsasalita habang ang tatlo naman ay ang bahala sa visual aids.

Sa morning session ako at kasama ko si Son, Luigi, at dalawa pang babae na hindi namin ka-close. Si Son at yung isang babae ang magsasalita, habang kami naman ni Luigi at nung isa pang babae ang gumawa ng visual aids.

Si Luigi ang nagdikit ng mga manila paper at kartolina at ako naman yung nagputol ng tape. Yung isa naman ay nagsulat ng ilang salita sa blackboard.

"Yung totoo, galit ka pa rin ba kay Leigh?" Binuksan ulit ni Luigi ang topic tungkol doon.

Kaya napaisip ako. Galit pa nga ba ako kay Leigh? Papansinin ko naman siguro siya kung maayos na ako, 'di ba? Pero, gustong gusto ko na rin talaga siyang kausapin, eh. Nakakainis lang kase talaga siya, tapos kung ano-ano pa pinagsasabi niya!

"Pansin ko lang na you're extra protective when it comes to your siblings, lalo na sa sisters mo. I mean, nakita na kitang nagalit pero hindi katulad nung nangyari last week. Which means, you truly love your sister." Sa dinidikit lang nakatuon ang mga mata ni Luigi, pero ang buong atensiyon niya ay nasa pinag-uusapan naming dalawa. Tabingi pa nga yung nadikit niya, eh.

"Tabingi." Tinuro ko kung saan yung parteng kailangan niyang itaas para magpantay.

Inayos niya iyon bago siya humarap sa akin. Nginitian niya ako at tinaasan ako ng kilay.

"Don't change the topic."

"Hay! Siyempre, mahal ko 'yon. Hindi naman ganoon ang reaksiyon ko kung hindi." Sinamaan ko siya ng tingin bago ako tumalikod para sana kunin ang huling kartolina pero niyakap niya ako para pigilan.

"Then, talk to her. Make her understand your point. Pero, understand her side as well. Huwag mong tiisin na hindi kausapin ang mga taong mahal mo, mahirap 'yon. At, ayaw kong nahihirapan ang Langga ko." Hinalikan niya ako sa pisngi bago niya ako pinakawalan.

Humarap ako sa kaniya at hinawakan ang dalawang kamay niya. Nginitian ko siya bago ko piningot ang pisngi niya. Medyo tumambok ang pisngi niya ngayon at nagkalaman. Hindi ako sigurado kung dahil ba ang dami niyang kinain o kasama sa pagdevelop ng katawan.

"Thank you, Langga. Lagi mo talaga akong tinutulungan, pati na rin sa mga ganitong bagay. Your advices put some senses into my mind."

"Siyempre, Langga. Ako pa ba?"

Nagtawanan kaming dalawa bago namin tinuloy ang ginagawa. Pero siyempre hindi 'yon nakatakas sa mga kasama namin kaya inasar nila kami nang inasar. Pero hinayaan ko na lang, mas inisip ko na lang kung paano ko kakausapin si Leigh pag-uwi ko mamaya.

Paano na lang kaya ako kung wala si Luigi?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top