Chapter 14
"Merry Christmas, Mabel!" Nakangiti si Tita Stella nang binigay niya sa akin ang regalo niya.
Excited niyang pinabukas sa akin 'yon dahil gusto niyang makita ang reaksiyon ko pag nakita ko ang regalo. Kaya naman pinagbigyan ko na siya dahil alam kong sa mga ganitong bagay nasisiyahan si tita. Mapagbigay kase talaga siya, gustong gusto niyang nakikitang masaya ang mga binibigyan niya.
At pagbukas ko...isang brown leather bag! Ang ganda!
"This is so beautiful, tita! Thank you po!" pasasalamat ko.
"That's Stella McCartney, it's 1,400 dollars and vegan!" pagmamalaki niya. She became vegan two years ago and hanggang ngayon naman ay na-maintain niya—silang dalawa ni Ate Luisa na nagsimula naman three years ago.
Pagkatapos non ay si Ate Luisa naman ang nagbigay—dalawang pajama set na of course, vegan as well. At huli ay si Tito Louis na nagbigay ng limang sash ng hot chocolate na tinawanan namin. Nagalit pa sa kaniya si tita, ang kuripot daw talaga niya. Pero para sa akin ay ayos lang naman dahil hindi rin naman ganoon kamahal ang mga binigay ko sa kanila.
I gave tita and ate a matching dress dahil alam kong gustong gusto nila iyon. Tapos ay mug naman ang binigay ko kay tito. Sabi nga nila, partner daw yung regalo namin sa isa't isa.
"Ikaw hijo, where's your gift for Mabel?" tanong ni tita, nakataas ang kilay at patigilid na nakatingin sa amin.
"I...I already gave her my gift."
LIE. Wala pa siyang binigay sa akin. Pero hindi na lang ako nagsalita at binigay sa kaniya ang regalo ko. Isa 'yong anklet na kapareha ng binigay kong bracelet noong pumasa siya sa board exam.
"T-thank you." Isusuot niya dapat sa pulso niya kaya kinuha ko 'yun sa kaniya.
Lumuhod ako at inabot ang paa niya. Sinuot ko 'yon sa kanan niyang paa.
Pagkaangat ko ng tingin ay nakita ko ang gulat sa kaniya. Habang ang pamilya naman niya na walang ideya ay mga nakangiti.
Tumayo na ako at umupo sa tabi ni Luigi para ituloy ang kwentuhan kasama sila tita. Tapos ay tinuloy namin iyon hanggang sa lunch. Ang sabi ni tita ay bagong luto daw ito, hindi left-over sa kinain nila kagabi noong Noche Buena. Nang tinanong ni tito kung saan niya nilagay yung natira, ipinamahagi raw niya sa mga kapitbahay.
Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan, pumunta na kami sa kani-kaniyang kwarto. Gusto pa nga akong isama ni tito sa indoor garden niya sa taas dahil nahilig siya sa mga halaman ngayon. Pero tumanggi ako dahil kailangan kong sulitin ang mga natitirang oras ko sa linggong ito.
Pagkapasok namin sa kwarto ni Luigi, dumeretso kaagad siya sa kama at humilata. Naabutan ko siyang nakapikit, ang kanang braso niya ay nakapatong sa noo habang ang palad naman ng kabilang kamay ay sa tiyan.
"Mukhang antok na antok ka?" Umupo ako sa dulo ng kama.
"Yeah. Hindi ako pinatulog ni Pearson, he was so talkative," inis niyang reklamo habang nakapikit pa rin.
Natawa ako dahil mukha siyang teenager na nagrereklamo sa sleepover niya. He looks adorable whenever he's carefree and childish. Very different from his cold and indifferent personality he was showing me these past months.
"He talked about SABEL all night," dagdag niya. Minulat niya ang mga mata niya at tinignan ako.
Tatawa dapat ako dahil naimagine ko si Son na in love na in love habang nagkukwento nang naalala ko ang pinag-usapan namin ni Kuya Mikel kagabi.
"Ikaw, Mabel? Nasa tamang tao ka ba?"
Napatulala ako nang narinig ko iyon mula kay kuya. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o guni-guni ko lang. O kung mali lang ba ang pagkakaintindi ko?
"Ha?"
"Nasa tamang tao ka ba, Maria Isabelle?" Humakbang siya ng isa kaya napaatras naman ako.
"O-oo naman, kuya. Ang saya kaya namin ni Luigi!" Sinubukan kong pasiglahin ang boses ko at pinilit ngumiti pero parang palpak.
"Mabel, kung meron ka mang problema, pwede mong sabihin sa'kin."
"A-ayos lang naman talaga ako kuya," pilit ko. Medyo inis pa dahil ayaw niyang maniwala!
"Pansin kong ilag kayong dalawa mula kanina, at halatang problemado ka rin. Hindi lang ako nakapansin, pati na rin si Bianca at Sabel." Mula sa pagkakahalukipkip ay nilagay ni kuya ang mga kamay niya sa baywang. "At nakita ko rin kanina ang pagsusungit ng mokong na 'yon nang lagyan mo ng spaghetti ang pinggan niya." Bakas ang inis kay kuya, magkasalubong ang mga kilay niya at medyo nagngitngit ang mga ngipin.
"Wala lang 'yon, kuya. Pagod lang kami sa biyahe." Yumuko ako dahil ayaw kong mahuli niya akong nagsisinungaling, kahit pa mukhang bistado na talaga ako.
"Mabel," malumanay na tawag sa akin ni kuya. Hinawakan niya ang baba ko at inangat ang tingin sa kaniya. Malamlam ang buo niyang mukha lalo na ang mga mata niya na minsan ko lang makita.
"Kung hindi ka pa handang magsabi, sige, ayos lang. Pero tandaan mo, lagi akong nandito kung kailangan mo ng makakausap at masasandalan."
"Parang nalungkot ka? Gusto mo ba ikaw lang ang bukambibig ni Pearson?"
Napatingin ako kay Luigi nang nagsalita siya, nawala sa iniisip ko kanina.
"Ha?"
Inirapan niya lang ako at bumalik na sa pagkakapikit. Tinaas pa niya ang comforter at kinuha ang isa pang unan para yakapin bago tumalikod sa akin.
"Bakit ba lagi mo na lang issue si Son?"
"Because you like him!" sigaw niya pero hindi masyadong malakas dahil nakatakip sa unang ang mukha niya.
Hindi ka sana makahinga!
Demonyo sa isip, shut up.
"Paano mo naman nasabing gusto ko siya? Edi sana siya na lang sinagot ko noon?" Tinaas ko sa kama ang mga paa ko at umusog palapit sa kaniya.
"Oh, bakit hindi siya yung sinagot mo?" Tinanggal niya ang unan sa mukha at humarap sa akin. Umupo pa nga siya at mukhang nanghahamon—parang bata.
"Bakit ko siya sasagutin kung ikaw yung gusto ko?" sagot ko sa kaniya. "Kung ikaw ang mahal ko?" Nag-finger heart pa ako at kumindat.
Nanlaki naman ang mga mata niya doon at bumagsak ang panga. Natulala pa siya sa akin sandali pero nang nagtagal ay bumalik siya sa pagkakahiga at pumikit ulit na parang walang nangyari. Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kaniya kaya nakita kong minulat niya ulit ng konti ang mga mata niya para tignan ako. Nag-finger heart ulit ako kaya mabilis siyang pumikit at tumalikod sa akin.
Tumatawa akong umalis sa kama at tinignan ang gamit niya. Ito talaga ang balak ko ngayong araw, dito ko gustong simulan ang plano ko. At nang nakita ko na ang hinahanap ko sa book shelf niya, kinuha ko 'yon at dinala sa kama para tignan.
Pinakatitigan ko ang brown cover na may disenyo ng calculator, numbers, gear, accounting books, hard hat stickers, at mga puso. Nanginginig ang mga kamay ko nang haplusin ko ang nakasulat doon sa pinakagitna.
LUIGI X MABEL
FORVER!
Kahit hindi ako magaling sa arts at calligraphy, I tried my best to make it look...decent yet playful. Maayos naman ang lettering ko, nag-doodle pa nga ako sa loob ng bawat letters para cute. Sa pagkakaalala ko, ilang bese ko 'tong inulit kase ang pangit talaga eh. Kung hindi lang ako tinuruan ni Jojo, baka ang pangit nito ngayon.
Nang buksan ko, ang unang bumungad sa akin ay ang picture naming dalawa nung birthday ko, nung sinagot ko siya. It was our first picture together as a couple!
"Gihigugma tika, Mabel! Ang akong kasingkasing anaa ra kanimo."
Sobrang higpit ng yakap niya sa'kin, parang ayaw na akong pakawalan. Kaya gumanti ako ng yakap at nilagay ang ulo ko sa gitna ng dibdib niya.
"I promise, Mabel. I won't hurt you. I'm not going to be like your dad, I promise." Hinalikan niya muna ang pisngi ko bago ako pinakawalan at kinuha ang cellphone niya.
We did a lot of poses, some were quirky, while some were sweet.
But this picture was our favorite one because it was so candid. Tinatawanan ko siya noon dahil nakita kong namumula ang mga mata niya at naluha pala doon sa confession. Kaya ang isa kong kamay ay nakatakip sa bibig ko at nakapikit ang mga mata. Habang siya naman ay nakangiti lang habang nakatingin sa akin. And then, he accidentally clicked the volume button and captured our genuine emotions.
"Grabe, halatang in love na in love ako sa'yo rito." Tinawanan pa niya ang hitsura niya sa picture.
"Ang gwapo mo kaya!" It's true, sobrang gwapo ng side view niya. Kitang kita sa anggulo ang panga niya at matangos na ilong.
"Siyempre, dapat gwapo ako! Eh ang ganda ganda kaya ng girlfriend ko, oh! Tawang tawa na nga pero ang ganda pa rin!" Tinuro niya ako sa picture at zinoom pa ang mukha ko!
February 13, 2017
"Our First Picture as a Couple!"
Iyan ang nakasulat sa ibaba ng picture. At sa ibaba noon ay ang description, it was mainly about what happened sa picture na 'yon. At nilagay ko rin doon yung pakiramdam ko sa moment na 'yon.
"It was my most special birthday, Langga!"
Bago pa ako maluha ay nilipat ko na sa mga susunod pang page. Doon ko nilagay ang iba pang pictures namin that day. Mahina pa akong natawa nang nakita ko yung picture kung saan nilagay niya ang dila niya sa pagitan ng likod ng bibig at gilagid niya kaya nagmukha siyang unggoy. Gwapong unggoy.
Nilipat ko na ang page bago ko pa siya mapuri ng sobra at magwapuhan. Kaso gwapo pa rin siya sa sumunod na litrato, eh!
February 14, 2017
"Our First Valentine's Day Date"
Sa pagkakaalala ko, hindi ko inexpect na magde-date pa kami nung Valentine's Day kase parang ginawa na rin naman namin 'yon nung birthday ko. Kaya naman nagulat na lang ako nang nag-text siya nung umaga at sinabihan akong susunduin niya ako para mag-dinner sa labas.
"Where are we?"
Nilibot ko ang paningin sa buong lugar—napakaganda! Parang kaming nasa sinaunang panahon dahil parang bahay siya noong Spanish colonization. Akala ko nga kanina bahay siya ng mga ninuno ni Luigi. Pero habang papalapit kami at nakita ko ang mga tao, napagtanto kong restaurant siya.
"Nasa Cebu City pa rin naman tayo, 'di ba?" paninigurado ko pa dahil parang hindi ko pa 'to nakita.
"Yeap! We're in Circa 1900," sagot niya. Inalalayan niya ako habang paakyat kami sa napakataas na hagdan.
Lalo akong namangha nang nasa tapat na kami ng pinto, at napanganga na lang ako nang nakapasok na kami. Grabe, parang talagang nasa 1900's kami! Mula sa decorations, tables, at ilaw!
Mabuti na lang medyo naayon itong suot ko—white polka dot dress. Kung hindi lang ako napilit ni Leigh at Sabel na ganito ang suutin ko, baka mukha akong babaeng nag-time travel from modern world!
Inaya na kami papunta sa pandalawahang pabilog na lamesa sa gilid, malapit sa may bintana. Kaya konti na lang ay maghanap na ako ng azotea para mag-ala Maria Clara.
"Ang ganda naman dito," mangha kong komento habang tinitingnan pa rin ang paligid.
"I'm glad that you liked it."
Pagkatapos naming umorder ng pagkain, nagkwentuhan na naman kami. Hindi ko nga alam pero hindi kami naubusan ng topic kahit pa ang tagal naming nag-usap kahapon. Ang dami niya kasing tanong.
"Paano mo nga pala nalaman ang lugar na 'to?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin pa rin sa labas at nilalasap ang malamig na hanging panggabi.
"It was ate's suggestion," sagot niya. "Sa totoo lang kase, I don't have any idea about dates na ganito. So I asked a lot of people if they know a beautiful and romantic place. Napuntahan na raw ni ate and she said na masarap ang food at maganda ang ambience. When I checked it on the internet and looked for reviews, maganda naman."
Patuloy pa rin kami sa kwentuhan kahit nung dumating na ang unang meal namin for that night—Porcini, Shitake, & Forest Mushroom Soup. And grabe, ang sarap!
"Did you like it?" Nakaabang pala siya sa akin at hindi pa niya tinikman ang sa kaniya.
"I love it!" sagot ko bago ko tinuloy ang pagkain.
Pagkatapos noon ay dumating na ang mga susunod pa naming pagkain. At siyempre, masasarap din kaya nabusog talaga ako. Ang dami pang kwento at tanong ni Luigi kaya hindi rin ako nainip.
"You know what, hindi pa rin ako makapaniwalang girlfriend na kita." Nakapalumbaba siya habang nakatingin lang sa akin.
"Paano kita mapapaniwala?"
Uminit ang pisngi ko nang ngumuso siya. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako uminom ng wine. Para kung asarin man niyang namumula ako, may idadahilan ako.
"Mabel," tawag niya sa akin.
Pagkaangat ng tingin ko, ngumuso na naman siya at tumango ng isang beses.
"Tumigil ka nga, Luigi. Nakakahiya," bulong ko. Inikot ko ang tingin sa paligid, ang daming tao! Karamihan sa kanila ay couple at may ilang magbabarkada at mayroong isang buong pamilya. Tapos yung sa tapat pa namin sobrang sweet na middle-aged na couple, feeling ko mag-asawa. At napanganga na lang ako nang nag-kiss sila!
"See? Okay lang 'yan, Mabel. Cheeks lang naman eh, pleeeaaaseee." Ngumuso siya at pinalamlam ang mga mata. Tapos dalawang kamay na ang pinangalumbaba niya. Ang cute.
Kaya tumango na lang ako at nilapit ko ang pisngi ko sa kaniya. Hinintay ko ang paglapit ng labi niya sa akin pero wala, kaya nilapit ko pa ng konti. Pero pagkatapos ng ilang segundo ay wala pa rin, humarap ako para sana magreklamo. Kaso, ang dimunyu, hinalikan ako sa labi!
Napalayo kaagad ako sa kaniya at sinuway siya, "Luigi!" Hinampas ko ang braso niya nang tumawa lang siya.
Tiningnan ko ang paligid at may dalawang couple na nakatingin sa amin. Yung isa ay matanda lang ata sa amin ng ilang taon, yung babae ay parang nagpipigil ng kilig habang yung lalaki naman ay nag-thumbs up lang. Tapos nang ilipat ko sa matandang couple, umiiling-iling naman yung babae at bumulong naman yung lalaking ng, "Mga kabataan talaga."
"Ang harot mo," bulong ko sa kaniya, masama pa rin ang tingin.
"At least, sa'yo lang maharot." At kung ano naman ang kinahina ng boses ko, 'yon naman ang kinalakas ng pagkakasabi niya.
Narinig ko tuloy na impit na tumili yung babae kanina at tumawa nang mahina yung kasama niyang lalaki!
Sa hiya ay humarap na lang ako sa bintana at hindi na nagsalita pa. Tinakpan ko rin ang mukha ko ng buhok ko dahil baka makita pa ako ng iba at matandaan nila ang mukha ko. Baka sa susunod na makita nila ako, ang maalala nila ay ako yung babaeng hinarot ng isang napakagwapong lalaki sa Circa 1900.
Nakakahiya, nasa ganitong klaseng lugar pa naman kami tapos ang landi! Paano na ang Maria Clara moment ko?
"Mabel. Uy."
Kanina pa niya ako tinatawag pero hindi ko siya pinansin. Inom lang ako nang ng tubig para kumalma ako—sa hiya at sa kilig! Dahil sabihin ko mang nainis ako sa ginawa ni Luigi, nakakakilig pa rin.
"Mabel, sorry na. Promise hindi na mauulit. First Valentine's Date natin tapos galit ka."
Dahil doon ay napatingin ako sa kaniya, na-guilty naman ako ng konti kahit na siya ang may kasalanan. Lalo pa akong na-guilty nang nakita ko siyang naka-pout at bagsak ang mga balikat. Tapos namumula pa yung mga mata niya at namuo pa yung luha na pinunasan niya kaagad.
"S-sorry na. Kausapin mo na'ko, please."
"Tara na, uwi na tayo."
Yun lang ang sinabi ko at tumayo na ako. Nang nasa may hagdan na ay inalalayan niya ulit ako pababa. Deretso lang ang tingin niya sa bawat baitang habang ako ay sa kaniya nakatingin. Grabe, kahit gabi at hindi sobrang liwanag, kitang kita pa rin ang kagwapuhan niya.
At nang nakasakay na kami sa sasakyan, nilagay niya ang seatbelt ko. Kaya habang ginagawa niya 'yon, hinalikan ko siya sa pisngi ng tatlong beses.
Gulat siyang tumingin sa akin, nalalaki ang mga mata at laglag ang panga. Kaya natawa ako at niyakap siya ng mahigpit. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at tumingin sa labas. Pagkatapos ng ilang segundo at nakabawi na siguro siya sa pagkakagulat, niyakap na niya ako pabalik.
"Sorry talaga, Mabel, hindi na mauulit." Suminghot pa siya at naramdaman kong nabasa ang balikat ko. "Hindi na ako gagawa ng mga bagay na ikakagalit mo at ikakasama ng loob mo. Promise talaga!"
"Sorry rin kase I acted that way," paghingi ko rin ng tawag dahil alam kong hindi rin maganda ang inakto ko kanina.
"I love you, Mabel."
"I love you...Langga."
Hindi ko na napansin na tumulo na pala ang luha ko kaya nabasa ang page na 'yon. Kaya lalong sumama ang loob ko at tuluyan nang naiyak. At bago pa mabasa ng sobra yung scrapbook, sinara ko na 'yon at tinabi.
Pero hindi ko inasahang may hahawak sa baba ko at inangat 'yon. Ang bumungad sa akin ay ang namumulang mga mata ni Luigi. At nang punasan niya ang mga luha ko, lalo akong naiyak at bumilis ang pagbuhos ng luha ko.
Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya nang mahigpit at umiyak sa balikat niya. Hindi ko ring napigilang humikbi, nang tumagal ay lumakas. Lalo na nang hagurin niya ang likod ko at narinig siyang sumisinghot din.
"Sabi mo kahapon sabay nating titignan ang scrapbook," bulong niya.
"T-tulog ka, eh."
Napabuntonghininga siya. "Bakit sinara mo agad?"
"Ang...s-sakit, eh. Ang sakit-sakit." Medyo nakaramdam na ako ng pananakit sa mata at ulo, pero parang hindi pa rin ako naubusan ng luha kahit pa andami nang tumulo.
"Sayang. On the next page, was the picture when I treat you a bowl of ice cream."
Mukha siguro akong naglalakad na bangag na zombie dahil sa hitsura ko ngayon. Bangang na zombie? Meron bang ganon? Hindi ba parang mukha na talagang bangag ang mga zombie?
Oh 'di ba, bangang talaga ako ngayon, eh.
"Come on, Langga. Saan mo gustong magpunta?" masiglang tanong sa akin ni Luigi, nilaro pa ang mga braso ko.
"Kahit saan." wala sa sarili kong sagot.
"Kahit sa kwarto ko?" pang-aasar niya.
Tinignan ko lang siya ng masama at tumango. At nang napagtanto ko ay parang nabuhusan ako ng malamig na tubig! Yawa, bakit ako tumango?
"Wala ka nga sa sarili mo." Umiling-iling siya bago niya ako hinatak palabas ng university.
Pagkasakay ko ng kotse niya ay sumandal kaagad ako at sa labas lang tumingin. Daldal siya nang daldal pero wala naman akong maintindihan sa mga sinabi niya. Ang nasa utak ko lang ay ang midterm namin kanina at ang nanganganib kong scholarship.
Hindi ko man nga namalayang sa mall pala ang punta namin. Kaya nang pumasok kami sa isang ice cream parlor, ganon na lang ang pagtataka ko.
"Kain ka ice cream, para gumaan pakiramdam mo." Bumalik si Luigi na may dalang dalawang bowl ng ice cream!
At dahil mukhang nakakatakam, kinain ko agad pagkabigay niya pa lang sa akin ng kutsara. Subo lang ako nang subo hanggang sa naalala ko na naman yung exam kanina.
"Luigiiiiiii! Yung scholarship ko! Pano kung bagsak nga pala ako kanina tapos hindi ko naabot yung grades. Mawawala ang scholarship ko. Pag nawala 'yon, hindi na ako makakapag-aral. Pag hindi na ako nakapag-aral, wala na akong futuuuuure!"
Ngumawa ako sa loob ng ice cream parlor habang tuloy pa rin ako sa pagsubo ng ice cream.
"Tama na muna 'yan, baka mabilaukan ka naman." Nilayo niya sa akin yung bowl ko.
At dahil sa inis ko ay yung sa kanya ang kinuha ko at kinain. Umiling-iling lang siya pero bandang huli ay tinawanan niya lang ako at inakbayan.
"Hindi naman siguro mawawala yung scholarship, makakabawi ka pa naman sa finals,eh," pagpapalakas niya ng loob ko.
"Pero kung bagsak nga nyan ako sa midterm, konti na lang ang space ko para magkamali sa mga susunod na activities at finals. Baka mawalan ako ng time sa'yo." Sa totoo lang, isa rin 'yon sa mga inaalala ko.
Alam ko rin namang kaya ko pa namang bawiin 'yon. Ang kaso, kakailanganin ko ng maraming time para mag-aral. Baka pag ganon, wala na akong oras para samahan si Luigi. Wala na akong time para sumabay sa kaniya sa pagkain, o ang makipag-text man sa kaniya.
"Ayos lang sa akin 'yon, ano ka ba? Tsaka sasamahan naman kitang mag-aral kung kaya ko. Alam ko kung gaano kaimportante ang pag-aaral mo, Mabel. Kaya suportado kita lagi whatever it is." Niyakap niya ako at hinalikan sa ulo.
"Talaga? Hindi ka magtatampo pag hindi ako naka-reply sa text mo?" hamon ko sa kaniya.
"Kailan pa ako nagtampo sa'yo pag nakalimutan mong mag-reply sa akin? 'Di ba nga dati ayos lang sa akin kahit ma-seenzone lang?" Hinagod-hagod niya ang balikat ko at hinalik-halikan sa ulo.
"Eh siyempre hindi pa naman tayo non! Malay ko ba kung nagpapa-impress ka lang.
Tinawanan niya lang ako at hinalikan ulit sa ulo ng isang beses bago nagsalita.
"Basta ito ang tandaan mo, Mabel. I'll always be by your side, whatever happens. We always have each other pag may problema tayo, okay?"
"Naaalala mo pa 'yon?" Nagulat ako na hindi pa pala niya nakalimutan 'yon, kase the way he acted, parang may amnesia, eh.
"Yes."
"Eh yung sinabi mo sa akin noon, naaalala mo pa ba?"
Ilang sandaling nanahimik. Ang pagsinghot lang namin ang rinig at ang tunog ng air con. Akala ko hindi na siya sasagot...but his answer made my tears roll down my face once more.
"I'm sorry. I'm so sorry, I was not able to fulfill my promises, Mabel. I'm sorry."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top