Chapter 2

Dear you,
Happy holidays!

⋆。゚☁︎。⋆。 ゚☾ ゚。⋆

Mada


Dear Noah,

It's been 6,545 days since you graced this world with your life. Did you know that? Will we ever get to 10,000? Sarap siguro no? Hihi. Kidding!

I never knew I’d be this interested in counting the mornings I’d wake up to with you. Importante pala ang bawat araw, ‘no? Lalo na ang makasama ka.

Ang bilis nga ng panahon, eh. Pwede bang pause muna? Kahit ilang oras lang? Ready ko lang sarili ko. Baka kasi mabigla ako kahit na halos isang dekada na ang paghahanda ko.

My love ko… I love you!

°°°

“I’m dying, Mom.”

Naglaho ang masaya at malawak ba ngiti sa ‘king mga labi nang marinig ko ‘yon. I am about to open their front door when I’m stopped by what I heard.

Ngiting-ngiti pa ako. Napapayag ko na kasi sa wakas si Noah na lumabas at kumuha ng litrato.

Masaya pa ako. Dahil sa wakas, magagawa ko nang mag-ipon na naman ng memorya na kasama siya. Memoryang sigurado akong aking babalik-balikan kapag wala na siya.

Masaya pa ako, eh. Excited pa.

Masusugatan lang naman palang muli ang puso ko dahil sa mga salita niya.

“Nahihirapan na ako,” pagtatapat niya gamit ang nakasanayan ko nang maliit niyang boses.

Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng awa para sa kaniya. Noah sounded so desperate, almost short of breath in every word he’s saying.

His child-like voice sounded even more heartbreaking to me. Halos hindi ko na ‘yon marinig. Wala ng lakas. At maririnig mong hirap na talaga siya dahil sa kalagayan niya.

Wala ka na halos marinig sa boses niya. He’s high-pitched. But he sounded so frail.

“I’m not getting any better. It’s getting harder each day,” he continued softly.

“The more we should try, son,” Tita Lirio insisted. “We can have the best help in Manila. It will be much easier for you.”

“It’s not going to work. Nothing will work. Not anymore.” He sighed. “Tanggapin na lang natin, Ma. It’s been long overdue. I’m near the end.”

I can feel the weight of his words on top of my palm. Hindi lang dahil sa mga napili niyang salita kundi dahil buhay niya ang sentro nang usapan nilang mag-ina.

Akala ko, manhid na ang puso ko sa sakit. Akala ko, sanay na akong marinig ang mga ganitong klase nang pananalita niya. Akala ko, tanggap ko na.

Pero hindi pa rin pala.

It still aches the same way from more than a decade ago when I first realized and fully understood what his sickness is doing to him.

“Noah, mas mapapadali para sa ‘tin kung bababa tayo ng Maynila. Nandoon ang main doctors mo. At mas malalaki ang ospital do’n. Mas malapit sa airport. Para hindi ka na rin mahirapang sa pabalik-balik na biyahe,” paliwanag ni Tita Lirio.

“Manila is too scary, Ma,” he contradicted. May mga kasunod pa siyang sinabi na hindi ko na nagawa pang malinaw na marinig.

Tahimik akong naupo sa labas nang nakaawang na pintuan ng bahay nila. I crunched my knees, trying to ease the colds of the wind brushing against my skin.

Pero kahit pa anong klaseng ginaw pa ang maramdaman ko, wala pa ring tatalo sa lamig ng katotohanang malapit na kaming iwan ni Noah.

Matagal ko nang alam ang tungkol sa plano ni Tita na dalhin si Noah sa Manila. Naipaliwanag na rin sa akin ni Tita at pinaintindi sa akin ang dahilan. Pero masakit pa rin pala. May kirot pa rin. Para pa ring pinipilipit ang puso ko sa sakit.

To live miles away from him would be the death of me. To not see him everyday would feel like living like a corpse. Masyado ko nang nakasanayan na kasama siya sa araw-araw ng buhay ko. Kaya ang malayo sa kaniya ay duduro ng pino sa puso ko.

“Mas gusto ko dito,” dugtong pa ni Noah.

Muling nakaramdam ng buhay ang puso ko. Kusa rin akong napangiti.

Tama ‘yan, my loves! Dito ka lang!

“But, Noah.” Tita sighed. 

“I still have  a lot that I need to do—”

“Like what, Noah?” she cut him off. Frustration’s all over her voice.  “What else can you do in that state?”

Tumingala ko nang maramdaman ang panunubig ng mga mata ko. Tita sounded angry, but I know that her raising her voice is just a way for her to express her bottled up emotions.

Totoo naman, eh. Wala na siya halos kayang gawin. He’s weak. And he’s getting even weaker each day. At wala kaming ibang magawa kundi ang manood at magdasal na magkakaroon ng milagro at magbago ang tadhana niya.

Kaso… kahit lakarin ko pa nang nakaluhod ang buong mundo… pare-pareho naming alam ang kahahantungan ni Noah.

“I can still dream, Mom,” he answered faintly after a while.

Tuluyan nang naglandas ang luha sa magkabilang pisngi ko. Sa paraan nang pagkakasabi niya ay para bang may pag-asa pa. Na para bang madudugtungan pa ang buhay niya.

“I can still imagine. I can still try, even if it will take me every strength that I have, to smile and wait for the sun to shine,” he continued, voice cracking out of desperation to surpass his emotions.

I bit my lower lip hard to stop myself from bawling. 

How does he sound so hopeful yet his words are full of goodbyes?

While I… I’m starting to completely lose hope that I will still be with him for next few months.

“Ayaw mo na bang sumubok, Noah?” Malakas na humikbi si Tita.

Agad kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Maging ang paghinga ko ay lumalim na rin dahil sa muling pagbalong ng luha sa aking mga mata.

I’m starting to have difficulty breathing. But it’s harder to ride along every painful beat of my heart. Rinig ko ang bawat malakas na pintig no’n. At ramdam ko ang sakit na dala no’n.

It’s like standing in the middle of a thin glass floor from high up above. My heart’s full of fear. It’s also full of dear wishes. And it’s also filled with discouragement.

But more than all of that… it’s the pain that I immediately recognized. The pain of knowing how would you end up from falling from that high distance. Iyong klase ng sakit na alam mong kailanman hindi mababawasan.

You’ll learn how to live with it. But will never learn how to heal it.

“Wala ng extension, Ma. Ubos na,” mahinang sagot ni Noah. Kasunod no’n ay naramdaman ko ang pag-ubo niya. “We’ve already bargained with God a lot of times. Nasa hangganan na tayo.”

Hangganan…

Muli na namang gumuhit ang init ng mga luha ko. Hindi ko pa kaya.

Please… h’wag muna.

“Kaya, please, Mom. Pagbigyan mo ako,” pakiusap niya sa mababang boses. “Let me surround myself with peace while I breathe the last air of my life. Let me be surrounded by people. Not by machines to keep me alive. Because what I needed was no longer the medicine. I want to be with the people I love.”

“Ate…”

I looked up, cheeks soaked with tears, and saw Nadia. She’s crying too. More painfully than I do.

“Mamamatay na ba si Kuya?” halos hangin ang boses na tanong niya.

Sabay na nagbagsakan ang luha sa mga mata naming dalawa. Parehong nais iparating na nasaskatan kami para sa Kuya niya. Para kay Noah.

“Ayaw niya na ba sa amin? Hindi na ba niya kami gustong makasama?” Kumawala ang isang hikbi sa mga labi niya. Agad naman siyang nagtakip ng bibig para pigilan ang sarili sa tuluyang pag-iyak.

I gently pulled her closer to me and caged her in between my arms. Sa gano’ng posisyon ay sabay naming niyakap ang pinaghalong lungkot ang sakit para sa sitwasyon ni Noah.

I can feel her tears wetting my shirt. But I didn’t mind at all. Because it’s been long since I left it dry. Dahil kanina pa rin ako umiiyak.

“He’s still taking his medicine, Nadia. He’d still live,” I lied.

Ako mismo hindi rin sigurado sa mga salitang binitawan ko. Ngunit wala rin akong ibang alam sabihin para pagaanin ang loob niya.

I’ve long lost all of the comforting words I know. Dahil kahit sa sarili ko ay kulang na kulang ‘yon.

“But it’s not working anymore, Ate Mada. Hindi na siya lumalakas. Hindi na siya gumagaling. He’s been in and out of the hospital for more than a month now.” She pulled my shirt as she cried harder for the miseries of her brother.

Para siyang humuhugot ng lakas do’n. And I feel like doing the same thing. Hindi ko lang alam kung saan pa ako kakapit. I can’t crumble down in front of her. Dahil lalo siyang madudurog. Lalo siyang panghihinaan ng loob.

But what about me? How about me?

Si Noah na lang ang kinakapitan ko. Naniniwala akong kakayanin niya pa. That’s his promise to me. Na hindi siya bibitaw hangga’t kaya niya.

Hindi niya ako iiwan.

Pero paano ngayon? Paano ngayon na tuluyan na siyang nanghihina?

“We can still try, anak. For another year. We can still hope for another year. Just let us help you. Let us give you more life that you deserve,” Tita desperately pleaded.

“I’ve been very honest with you about how I feel, Mom.” Noah sighed deeply. “And trust me, Mom. It’s not gonna work anymore. Not for another month. Let alone another year.”

Akala ko ay wala nang mas dudurog pa sa akin maliban sa katotohanang malapit na siyang umalis. Subalit tila ba naging abo na ang puso ko sa huling mga salita niya.

I can feel my own heartbeat fading. My ears are now blocked from all external noise while my head got filled with Noah’s echoing voice.

Not for another month…

Maging ang paghawak ko sa balikat ni Nadia ay unti-unti na ring lumuwag. My hand started numbing and trembling for fear of what he might’ve been foreshadowing.

No… please.

“S-Stop saying that, Noah,” Tita’s voice cracked.

“Listen to the truth, Ma. Wala namang magbabago kahit pa itanggi mo,” maliit ang boses na tugon niya.

“The more that we need to try, Noah. Marami pa tayong bukas na babatiin. Marami pa tayong celebrations na ipagdidiwang nang magkasama. Ayaw mo ba?” may bahid ng lungkot na tanong ni Tita. Sa boses din niya ay maririnig mo na nagpipigil siya ng luha.

“We’ve been living this reality since the day I was born. Tanggapin na lang natin.”

He’s giving up…

I started crying in silence again. 

Kilala ko na si Noah simula pa pagkabata. Kaya kahit hindi ko siya nakikita ngayon, alam kong nakangiti siya. I can hear it with how he said those words. Because for him, honesty and acceptance is a form of encouragement you can give to yourself to face your tomorrows with a little braver heart.

And it’s breaking my heart knowing that this whole messed up situation has already left hearts broken yesterday, still breaking us each day, and will still break us for our tomorrows.

Gano’n kalupit ang mundo kay Tita.

Gano’n kalupit ang mundo kay Noah.

“Ramdam mo na rin naman ‘yan, Ma,” alo niya sa Mommy niya. “Alam ko, na ramdam mo rin. I’m barely hanging on a thin thread.” Muli siyang umubo. Ngunit sa pagkakataon na ‘to ay mas mahaba ang durasyon.

Doon ako nakaramdam nang pagkaalarma. Napatayo na rin ako at handa na sanang buksan ang pinto ngunit pinigilan ko agad ang sarili ko.

Sa huli, muli kong ibinaba ang nanginginig kong kamay sa gilid ko. Mahigpit kong nilamukos ang hema ng mahabang shirt na suot ko.

I don’t want to miss this moment. Kaya kahit gustong-gusto ko na siyang lapitan at alamin ang kalagayan niya, tiniis ko pa rin.

Noah rarely talks about himself and about how he feels. More often than not, he’s the constant listener. Gusto niyang nakikinig ng kuwento ng mga tao. Ayon kasi sa kaniya, nagagawa niyang makarating sa iba’t ibang destinasyon gamit ang kwento ng iba.

“But I'm still holding on.” He coughed again. “K-Kasi alam kong lumalaban ka pa para sa akin. Lumalaban pa kayo. But please… don’t take me away from this place.”

“Tell me one good reason why? Convince me, Noah. Please convince me,” pakiusap ni Tita.

Hindi na nakasagot si Noah. Katahimikan ang sunod na namayani sa pagitan nilang dalawa.

Akala ko nga ang hindi na siya tuluyang sasagot pa. Ngunit ang sunod niyang bitaw ng mga salita ay tuluyan nang dumurog sa puso ko.

Dahil sa unang pagkakataon… may bakas ng tuwa sa boses niya.

“Nandito sa Baguio si Mada.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top