Chapter 1
Noah
Siya iyong TOTGA ko.
I mean, magiging TOTGA in the future.
Ayaw ko man sang-ayunan, araw-araw niya iyong ipinagduduldulan sa akin. Hindi kami puwede. Ayaw niyang makipagrelasyon sa akin. Wala siyang oras para sa pag-ibig.
Pero hindi naman tumatanggi kapag ipinagmamalaki ko siyang boyfriend ko sa ibang tao.
Ang labo rin, eh. Pero naiintindihan ko pa rin ang pinanggagalingan niya. Dahil pareho lang naman naming alam ang kahahantungan ng lahat ng 'to.
"My love ko, pansinin mo naman ako," nagtatampo kunwaring pagpapapansin ko kay Noah.
Katulad ng nakasanayan, wala na naman siyang pakialam at hindi man lang ako tinapunan nang tingin. Tahimik lang niyang ipinagpatuloy ang pagbabasa ng isang aklat habang katabi ako.
"Hindi ako tatahimik sige ka. Guguluhin kita," banta ko pa.
"Kanina ka pa nagsasalita," inosente niyang puna.
"Noah, naman," nakangusong sabi ko. Kung hindi lang talaga ako sanay sa ugali niya, baka totoong nagtampo na ako.
"What? Eh, totoo namang kanina ka pa nagsasalita?" balewala niyang tugon.
Napanguso na lang ako lalo. Masyadong prangka si Noah para pangarapin kong maging sweet siya sa akin.
I've known him since he was five while I was six years old and was attending my first grade of primary school. Best friends kasi ang Mommy ko at si Tita Lirio, mommy niya, kaya naging malapit din kami sa isa't isa.
Noon pa man ganiyan na siya talaga, prangka kung magsalita. But he's a sweet guy, an expressive and appreciative one. Iyong tipong lahat ng petsa ay tanda niya at may nakahanda siyang sorpresa.
Taon-taon din, walang palya, kung bigyan niya ako ng bulaklak tuwing birthday ko. He even gifted me a thousand of red roses styled with beautiful dandelions. Kaya hindi na ako nagulat nang isa araw nagising na lang ako ng gusto ko na siya.
But he doesn't feel the same way.
And it's okay.
"Noah," basag ko sa katahimikan na pumagitna sa amin.
"Hmm?" walang-lingon niyang ungot bilang sagot sa akin.
"Tell me, my love ko."
"Ano?" tanong niya, hindi pa rin ako tinatapunan nang tingin.
I doubt he's even interested in what I am about to say.
"Ayaw mo na ba akong kausap, Noah? Naririndi ka na ba sa boses ko?" seryoso kong tanong.
Nakita kong bahagya siyang natigilan ngunit gano'n din kabilis na naagapan niya at muling bumalik ang kaniyang kilos sa normal. "Nagbabasa ako, Mada," kalmado niyang tugon gamit ang maliit at parang isang bata na boses.
Nag-indian seat ako sa grey nilang sofa at nakisilip sa binabasa niyang hindi ko naman maintindihan.
Nasa sala kami ng bahay nila Noah. Wala ang Mommy at Daddy niya, may inaasikaso para sa lipad nila sa susunod na linggo patungong Germany. Wala rin si Nadia dahil may pasok sa school. Busy kasi iyon dahil baby thesis season nilang mga Grade 11.
The house doesn't feel empty though with only the two of us. Sa laki kasi ng bahay nila, halos nag-e-echo na ang boses ko kapag malakas na nagsasalita. It's a modern house that speaks dearly of their wealth. Mostly, glass, gray, at itim ang tema ng bahay nila.
Sa harap namin ay may pabilog at clear na babasaging lamesa kung saan nakapatong ang ilang pirasong libro ni Noah. May katabi rin iyong halaman na nakalagay sa puting paso.
May fire place pa nga sila, eh, na made out of something like a television screen just for the vibe. Hindi ako sigurado kung ano ang tawag doon. Hindi rin naman TV dahil parihaba ang kaniyang sukat. May frame pa iyon na kulay itim at may malalaking pasong laman ang buhay na buhay na mga halaman.
Sa ibabaw no'n ay ang wall mounted na 55 inches TV na galing pa sa mamahaling korean brand. Sa pader sa pinakataas ng TV ay may dim lights na madalas nilang gamitin tuwing gabi.
I shifted my position to have a better look at him who was still busy reading. "May sasabihin pa naman sana ako, my love ko," malambing kong sabi pagkaraan ng panandaliang katahimikan.
"Ano?" Hindi niya pa rin inaalis ang kaniyang tingin sa librong binabasa niya.
Malapit na talaga ako magtampo.
"Kung ako na lang tiningnan mo, sumaya ka pa," biro ko.
"Simula five years old ako ikaw na ang nakikita ko," kaswal niyang pambabara sa akin.
"Forever na 'to, hindi mo alam?" Sinundan ko iyon ng tawa sa pag-aakalang gagaan ang paligid namin.
But I knew it was a wrong choice of words when I heard his reply.
"Hindi naman iyan totoo," matabang niyang kontra sa sinabi ko.
"Ang KJ mo talaga kahit kailan, my love ko," pilit na pinasaya ang boses na sagot ko.
Hindi niya pa rin ako pinansin. Umiling lang siya na para bang ang pahiwatig ay malapit na akong mahibang
Humaba ang nguso ko at maingat na lang siyang niyakap patagilid. Siniguro kong hindi siya masasaktan sa yakap ko kaya gano'n na lang ang pag-iingat ko.
"Hindi ako papel," walang buhay niyang komento sa yakap ko.
Napabungisngis ako. Para akong kiniliti sa tagiliran dahil sa kilig sa nais niyang iparating. "Sus, hindi mo na lang sabihin na higpitan ko ang yakap ko sa 'yo. Masyado kang pabebe my love ko."
Napailinga siya sa akin. "Hindi ako pabebe. Masyado ka lang maingat. Hindi naman ako basta-basta mababalian na lang ng buto."
"Nag-iingat lang ako, my love ko. Ayaw kong masaktan ka," nakangiting saad ko.
"Hindi ako masasaktan, Mada," kalmadong pagbibigay niya ng diin.
Payat kasi Noah. As in buto na lang halos ang katawan niya. Mabagal din siya kumilos kaya madalas lang na nakaupo.
At the age of 17, he only weighs approximately 62 pounds where his peers would have an average of 142 pounds.
Kaya hindi niya ako masisisi kung bakit OA ako kung mag-ingat. Kung puwede nga lang na ako na rin ang magbihis kay Noah, ginawa ko na. Kaso hanggang pagsusuot ng bonnet ay medyas lang ang nagagawa ko para sa kaniya.
"Noah," malambing kong sambit na naman sa pangalan niya.
"Ano?" mapagpasensya niya pa ring tugon.
Kahit kailan talaga hindi kayang magalit ng taong 'to. Kung ako sigueo ang nasa kalagayan niya na tahimik na nagbabasa at may sariling mundo, baka napikon na ako.
"May na ngayon," paalala ko.
"Anong mayro'n kung May na?"
"Punta tayo sa Great Image bukas, pa-picture tayo. Tapos papagawan ko ng sintra board version kay Anghel," yaya ko.
Panandalian kong nanakaw ang atensyon niya mula sa librong kaniyang binabasa. Ngunit 'di rin nagtagal nang muli niyang ipinagpatuloy ang pagbabasa.
"Ayaw kong magpalitrato," tanggi niya.
Parang may kumurot sa puso ko dahil sa kaniyang naging sagot. Agad din akong pinanghinaan ng loob. Nilo-look forward ko pa naman kasi ang buwan na ito dahil yearly kaming nagpapakuha ng litrato.
Idagdag pa na buwan ng Mayo ngayon kung saan maraming espesyal na okasyon para sa kaniya, sa pamilya niya, at sa aming dalawa.
Pero sa isang banda, naiintindihan ko rin siya. Alam ko naman ang rason maliban sa ayaw niya. Hindi niya kasi gustong makita ang sarili niyang imahe sa maraming dahilan.
"Sige na, Noah," pilit ko. "Yearly naman natin ito ginagawa kaya anong pinagkaiba?"
"You know very well how different this year is, Mada," he answered using his cryptic words.
"Noah naman, huwag namang ganyan," mahinang bulong ko.
Tumahimik na naman siya. Hindi ko na rin siya ginulo pa at nakuntento na lang na nakayakap sa kaniya.
Out of all the years I've spent with him, I am more eager to have our photos together taken this year.
Wala lang, alam ko kasi na makakaramdam ako ng matinding panghihinayang kung palalampasin ko itong taon na 'to.
"Papuntahin ko na lang si Anghel dito. Siya na lang mag-picture sa atin," suhestiyon ko, nagbabakasakali pa rin. "Singit tayo sa fully-booked na schedule no'n. Papayag iyon for sure. Sama na rin natin sila Tita Lirio at Tito Alaric. Pati na rin si Nadia," tukoy ko sa parents at nakababata niyang kapatid.
Freelance photographer si Angel, na madalas kong tawaging Anghel. Kaibigan ko siya simula Grade 7 kaya for sure suportado no'n ang plano ko.
"Tapos ipaalam kita kay Tita. Road trip tayo sa malapit lang. Tapos pahangin sa Burnham, gano'n," excited kong dugtong.
Tahimik pa rin siya at hindi nagsasalita. Marami na naman sigurong iniisip lalo na sa kondisyon niya. Hindi ko naman siya ilalagay sa alanganin at alam kong nag-iingat lang siya.
It's just that, we all knew what's coming in the next coming days and months. Hopefully we could prolong it for another year.
Kaso walang makakasagot.
Walang nakakaalam ng mangyayari.
Maingat kong hinigpitan ang yakap ko sa kaniya. "Ipagmamaneho kita. 'Di ba iyon ang promise ko sa 'yo? Na kapag may hawak na akong lisensya, ako ang magiging driver mo?"
"Mapapagod ka lang," tanggi niya sa akin.
"Sus, life goal kong maging driver mo. At ano ka ba naman, Noah, masaya akong dalhin ka sa kahit saang lugar na gusto mo," pagpapagaan ko ng loob niya.
Isa iyon sa mga motivation ko sa buhay kaya pinagsikapan ko ang matutong magmaneho at magkalisensya. Mahilig kasi sa mga tanawin si Noah at iyon ang way of recharging niya kapag napapagod na siya.
Sunsets, sunrise, mountains, calm sea, or green grasses, anything simula to that gives him peace of mind. That's why I promised him to be his driver to any place he wanted to be.
Alam ko kasing sasaya siya ro'n kaya sinikap ko. Mabuti na lang talaga at hindi gano'n kahirap ang pinagdaanan ko at anytime magagawa ko na ang goal ko na dalhin siya kung saan niya gusto.
Naramdaman ko ang paghawak ng magaan ni Noah sa braso ko. "Tulungan mo akong maghanap ng bonnet kung gano'n."
Lumawak ang ngiti ko kasabay nang pagkalunod sa pakiramdam na tila ba may humaplos na mainit na kamay sa puso ko. "Oo ba! Ihahanap kita ng pinakamagandang bonnet nagawa ko para sa iyo."
"Kailangan presentable tayo kahit papaano," pagbibigay niya ng rason.
"Kahit naman anong porma mo guwapo ka pa rin naman sa paningin ko," nakangising sagot ko sa sinabi niya.
"Malabo, Mada, sobrang labo," tangi niya, naiiling pa.
"Mas alam mo pa sa paningin ko." Pabiro ko siyang inirapan.
Gustong-gusto ko ngang nakikita iyon. Ang totoo niyan, ang cute ni Noah sa paningin ko. He's looks so unique, cute, and handsome.
Noah wears these big and thin-framed round glasses to help him improve his eyesight. He is bald, with hints of veins popping on the surface of his head. He also has almost faded eyebrows paired with his wrinkled skin.
Ang totoo niyan, ang nipis na lang ng balat niya na para bang balat ng isang matanda. Kahit nga ang ngipin niya ay madali na lang matanggal ngayon.
People see him as an old young man in literal terms because of physical differences. And no one, not even Noah, could deny that.
May kurot lang talaga sa mga puso namin na makita siya sa ganitong kalagayan.
"Mada," muling sambit niya sa pangalan ko.
"Yes, my love ko?" tanong ko, hindi siya nililingon.
"Kung ginagawa mo 'to para sa akin, huwag na. Hindi mo kailangang itigil ang mundo mo para lang sa isang katulad ko. Okay lang ako."
Awtomatiko ang aking naging pag-iling bilang pagtanggi sa mga salita ni Noah. "Masaya ako sa ginagawa ko, Noah. Isa pa, hindi pa natin natatapos ito, oh. Ang dami pang unchecked." Hinarap ko sa kaniya ang phone ko kung saan naka-flash ang checklist na ginawa namin pareho. "Tingnan mo, nasa pangsampu pa lang tayo. Marami pa tayong dapat na gawin," wika ko.
"Maurice Dawn," Noah called carefully using his small and thin voice.
I know how much he dislikes his own voice. But for me, I would definitely love to hear it over and over again.
Minsan ko na ngang pasikretong ni-record ang boses niya para lang gamitin bilang alarm clock. Ang sarap kasi sa tainga na pakinggan ang pangalan ko gamit ang boses niya. Parang napakaespesyal kong tao.
Noah has this soft, almost whispering, child-like voice. It was thin, small, yet sweet at the same time. May pagkapaos din siya dahil may mga time na sinasadiya niyang lakasan ang boses niya para marinig namin siya.
Kaya kapag tinatawag niya ako, o kahit na sino sa amin, ang tamis at inosenteng pakinggan. Like it was a name that he treasures and safekeeps from the harshness of the world.
"Imposible naman ang ibang nakasulat diyan," naiiling niyang tugon.
"KJ mo talaga, my love ko," nakanguso kong reklamo sa kaniya. "Kaya natin iyan. Ikaw lang naman itong may ayaw."
"Paano naman naging kaya? May nakalistang kasal diyan, Mada." Inilingan niya ako na para bang isang malaking kalokohan iyon.
"Eh 'di, pakakasalan kita ka-18 mo. Ilang buwan na lang naman," pilit ko.
"Mada—"
"Joke lang," agad kong putol sa sasabihin niya. "Alam ko naman na wala kang balak."
Nag-iwas ako ng tingin at binalingan na lang notes ko na binabasa ko kanina.
We used to talk about marriage even at a young age. Pero noong mag-sixteen years old ako habang fifteen naman siya, biglang nag-iba ang ihip ng hangin.
Slowly, naramdaman ko ang paglayo ng loob niya tungkol sa bagay iyon.
Still, I understand.
Lahat naman kasi ng bagay may hangganan.
————————————————————————————————————————————————————
You might be wondering kung bakit may chapter 1 na ang AWID, eh, hindi pa tapos ang AFFC. Naniniwala kasi ako sa timing at sign ni Lord. Kaya here it is, the first chapter of AWID. Hope.you enjoyed. :)
— with endless love and appreciation,
aerasyne
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top