47: The Finale

CHAPTER FORTY-SEVEN
The Finale


"Ano ba talaga ang ginagawa natin dito, ha?" ulit na tanong ko sa dalawang babaeng kasama ko.

Parehong nakaangkla ang mga braso nila sa magkabilang braso ko. Si Veda ang sa kaliwa habang si Isa naman ang nasa kanan. Hindi ko talaga alam kung saan nila ako balak na dalhin. Bigla na lang silang nag-aya na umalis.

Kasama rin namin sila Devyn at Donovan pero parehong nasa likod lang namin at hinahayaan kaming mga babae na pangunahan ang buong araw na ito. Walang reklamo na sumusunod lang sila kahit saan kami magpunta. Na sila Veda at Isa lang din naman ang nagdedesisyon dahil nagpapatinanod lang ako sa kanila.

Naguguluhan na nilingon ko si Devyn sa likuran ko. May misteryosong ngiti na naglalaro sa mga labi niya na hindi ko maarok kung ano. Mas lalo lang akong naguluhn ng sa kabila ng pagkibit-balikat niya ay hindi maampat ang ngiti na gustong kumawala sa mga labi niya.

"Bliss! Punta tayo ro'n!" masayang sabi ni Veda na ang tinutukoy ay ang Blue Magic store na katapat lang namin.

"May choice ba ako?" nakangiwing tanong ko.

Mas lumawak ang ngiti ng dalawa at sabay na umiling. "Wala."

Napapailing na nagpahila ako sa kanila nang magpatuloy sila sa paglalakad. Mabilis na nakakuha kami ng atensyon pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa loob ng store. Ang mga tingin ng tao ay nakasunod sa amin. Ang iba ay napatigil pa sa paghahanap ng mga mabibili.

Hindi naman na bago para sa akin na makakuha ng atensyon. Kahit noon pa man na binabalot ko ang sarili ko para itago ang balat ko ay pinagtitinginan na ako. Mas lalo lang talaga ngayong araw dahil pinilit ako ng dalawa na makipag-cool off sa mga hoodie ko at pinilit na magsuot ng dress.

And it's not just a simple dress. It's as if I am attending a homecoming with the dress, they want me to wear. Pinipigilan ko lang talaga na huwag makaramdam ng ilang lalo na at hindi naman gano'n ka-akma ang suot ko dito sa mall. Hindi ko lang makuha na tumanggi dahil sa sobrang ligalig ng dalawa at alam kong hindi ako titigilan hanghang hindi ako pumapayag.

They made me wear a pastel pink lace and tulle skater dress. It is sleeveless and the upper part has pink small butterflies embroidered on it together with small pink beads. The rest of the dress, from the waist part up to the last hem of it that rests just above my knee, is made out of the softest and lightest fabric that made the dress easy to wear.

The girls also made me wore a white 4 inches heels with a gold butterfly on the back part of it. Just like what I wore on the day Devyn asked permission to court me. They just let my hair fall and only put a light makeup on my face. Simple, pero elegante.

Ang nakapagtataka lang, ako lang ang kuntodo porma sa aming lahat. Naka-dress man ang dalawang babae, pero simple lang kung ikukumpara sa suot ko. Kaya hindi nakapagtataka na mas marami kaysa sa nakasanayan ang nakukuha kong atensyon.

Imbes na makaramdam ng ilang ay ngumiti na lang ako sa ilang sa kanila bago pasimple hinila ang dalawang babae sa direksyon na wala masyadong tao. "Anong gagawin natin dito?" mahinang tanong ko.

"May bibilhin tayo malamang."

Napasimangot ako sa sinabi na 'yon ni Veda. "Sabi ko nga po."

"'Ayun, Veda!" Napa-angat ang tingin ko kay Isa nang kulang na lang ay sumigaw siya habang may itinuturo sa mataas na estante. "Can you get it for me, Donovan?" tanong niya sa lalaki na ang tinutukoy ay and kulay puti na katamtaman ang laki na teddy bear.

Umarko ang isang kilay ko sa hindi mabalanse na kaisipan. Isa is not the type of woman that would like teddy bears or stuff. She's boyish and likes manly stuffs most of the time. Madalang lang din siyang magsuot ng dress na mas lalong nakadagdag sa pagtataka ko dahil nakasuot siya ng bestida ngayon.

And I can't even imagine her holding a cute teddy bear. So unlikely of her.

"Here." Inabot ni Donovan ang teddy bear kay Isa na agad naman nitong kinuha.

Ngunit imbes na kipkipin iyon para sa sarili niya ay ibinigay niya 'yon sa akin. "Bakit sa akin mo binibigay?" nagtatakang tanong ko.

She pressed the teddy bear ang placed it right beside my ear. At sa pagkagulat ko ay may pamilyar na boses na nagmula roon.

"Please say yes," the manly voice said that sounded so familiar to me.

Nagtatakang tiningnan ko si Isa. Ngumiti lang siya at mas inilapit pa ang teddy bear sa akin hanggang sa mawalan na ako ng pagpipiliin kundi ang kuhanin 'yon. Akmang hihilahin na ulit nila ako palabas ng lugar nang mapahinto ako sa paglalakad.

"Hindi pa tayo nagbabayad," paalala ko sa kanila.

"Nabayaran na ni Devyn," sagot ni Isa at nagpatuloy na sa paghila sa akin palabas.

Mas namuo ang pagtataka at kaguluhan sa isip ko dahil sa sinabi niya na 'yon. Sigurado ako na hindi pa nababayaran ni Devyn ang teddy bear. At mas nasisiguro ko na ni minsan ay hindi siya lumapit sa counter para magbayad. Sa buong durasyon nang pananatili namin doon ay nasa entrada lang siya. Kaya paanong nabayaran ni Devyn?

Natabunan ang pagtataka na 'yon nang pagkaaliw nang sunod na dinala nila ako sa arcade ng mall. At sa punto na 'yon ay tila mga nakawala sa hawla ang dalawa. Ang mga nakakunyapit na mga braso sa akin ay nawala na dahil natuon na ang atensyon nila sa paglalaro.

Maraming tao sa lugar. Mga bata na kasama ang mga magulang. Mga magkasintahan, mga estudyante, at iba pa. Ngunit sapat na ang mga laro sa paligid upang hindi kami, ako, makakuha ng atensyon.

Sa gilid ng lugar kung saan may waiting area para sa mga magulang na hinihintay na matapos sa paglalaro ang mga anak nila ay nakakuha ako ng puwesto para maupo at magpahinga. Agad na sumunod naman si Devyn sa akin habang si Donovan naman ay sumunod sa dalawa na paniguradong nagliliwliw na ngayon.

"Tired?" tanong niya.

Mabilis na ngumiti ako sa kaniya bagaman totoong my kaunting pagod na ako na nararamdaman. Ilang stores na rin kasi ang napasukan namin kanina pero wala naman kaming binibili. Tanging ang teddy bear pa lang ang nabibili namin talaga.

"Medyo lang," sagot ko.

"Hindi pa tayo puwedeng umuwi."

Nagtataka ko siyang tiningnan. "Bakit hindi pa?"

Muli na namang sumilay ang kaninang mapaglarong ngiti na nakita ko kanina. "You'll know later."

"Sabihin mo na kaya? Tapos uwi na tayo."

He chuckled softly before pulling me closer to him. My eyes dropped down from his face to his hand that is holding mine. And just like what he does everytime he holds my hand, he intertwined it with his.

And just like how that action usually affects me, my heart started beating loudly and wildly. Hindi na ako magtataka kung umabot 'yon sa pandinig niya. At kung mangyari man 'yon ay hindi ako mahihiya. Dahil alam ko na bawat tibok no'n ay sumisimbolo ng pagmamahal ko sa kaniya.

Until now, hindi ko pa rin makuha na paniwalaan na kasama ko siya sa buhay ko. Na mayroong tao na katulad niya na ibinigay sa akin para paulit-ulit na ipaalala ang importansya ko. I felt like all the pain that I had gone through had been paid off ever since he came.

I feel like I am nowhere near my old self now. Hindi ko na mahanap sa sarilk ko ang dating ako na palaging sumusugat sa puso ko. Hindi ko pa rin makuhang paniwalaan na makakaya kong malampasan ang buhay ko kung saan akala ko habang buhay na akong mananatili roon. And it feels so good to finally live my life now.

A life where there's no more hiding. A life where I can be me. And a life where I can walk around at a crowded place without thinking what other people would think of me. A life where I am... free.

And I am thankful that even if I shut myself out for months and stayed away from them, they were still there to give me warm hugs to celebrate my comeback. At sobrang laking pasasalamat ko sa kanila, sa pamilya ko, kay Kervin, kay Isa at Veda, sa pamilya ni Devyn, at kay Devyn mismo. Dahil ang kinakatakot ko noong nagdesisyon akong umalis ng ilang buwan ay hindi nila hinayaan na mangyari.

Ang kinakatakutan ko na baka wala na akong babalikan kapag nagdesisyon akong bumalik ay hindi nangyari. Dahil nandoon pa rin sila. Matiyagang naghihintay hanggang sa kaya ko na ulit.

"Sa tingin mo magiging okay lang ako?" tanong ko maya-maya.

"Anong ibing mong sabihin?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at doon ipinakita ang kaba na nararamdaman ko para sa hinaharap na haharapin kong mag-isa. "I will be left alone."

I heard him sigh. "You'll be fine. Nandito lang naman kami."

Ako naman ngayon ang napabuntong hininga. Hindi ko naman gusto na mag-isip ng kung ano. Sadyang kusa siyang pumapasok isip ko. Devyn is working now as an HR Manager at Parsons Hotel. Isa is incoming fourth year student. Veda and Kervin is incoming third year. While I am still on my second year. Nakakpanghinayang oo, pero ito ang ibinigay sa akin kaya dapat tanggapin ko.

"I'll just take mid-year classes para mabilis. What do you think?"

"No need to rush, baby."

"Huwag kang maghahanap ng iba habang nagtatrabaho ka, ha?" parang batang bilin ko sa kaniya.

Gusto kong mapangiwi sa naging tono ng boses ko. I sounded like a child afraid for her candy to be taken away from her. Pero hindi ko lang kasi mapigilan. I just love him so much that I don't want someone to take him away from me.

"Sa'yo lang ako, Bliss Audrey. Sa'yo lang ang puso ko."

"NO WAY, ISA! Why woukd you even think of that!" mahinang reklamo ko sa kaniya habang pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Yes way, Bliss. Uupo ka lang naman diyan. Wala namang masama," balewalang pagpipilit niya sa akin.

Napapantastikuhang tiningnan ko siya sa sobrang hindi pagkapaniwala sa mga naririnig ko sa kaniya. Hindi ko alam kung saan niya hinugot ang ideya na paupuin ako sa bagay na 'yon gayong nasa lugar kami na maraming tao. At alam ko na sa oras na sundin ko ang gusto niya ay makukuha at makukuha namin ang atensyon ng mga tao.

Muli kong tiningnan ang bagay na tinutukoy niya. At mas lalo lang akong nakaramdam ng hindi pagsang-ayon nang matingnan ko ang kinalalagyan no'n. Nasa pinakasentro 'yon ng first floor ng mall, ang lugar kung saan kadalasang may nagaganap ng event.

May pabilog na espasyo roon na binabakuran ng mga bulaklak na kulay rosas na mula sa pinakamaliit papataas sa magkabilang gilid. Mula at sa harap ay gumagawa iyon ng ilusyon na parang isang korona. Ang sahig ay may kulay pulang pabilog na carpet din. At ang agaw atensyon sa lahat ay ang kulay puting silya na pamilyar sa akin.

Kung magbibigay kahulugan ako sa mga nakikita ko ay iisipin ko na ang puting upuan na 'yon na parang ginawa para sa mga reyna ay ang kaparehong upuan na ginamit ko nang araw na 'yon. Gawa sa malambot na materyal ang upuan at sandalan maging ang magkabilang hawakan. Ang gilid ay nababalutan ng kulay ginto na nagpapahiwatig kung gaano kaimportanteng tao ang uupo roon.

Abo't abot ang pagpipigil ko kay Isa sa pagtulak sa akin sa palapit doon ngunit mas nanaig ang kagustuhan niya hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa bagay na 'yon habang siya naman ay unti-unting umaatras.

"H-hoy! Saan ka pupunta?" histerya ko na hindi naman niya pinakinggan.

Ngunit mabilis na tinangay ng hangin ang kaguluhang nararamdaman ko nang makita ko ang pamilyar na tao na unti-unting naglalakad palapit sa direksyon ko.

Mula sa likod niya ay nasusundan ko ng tingin ang pagtutok ng mga cellphone ng mga tao sa direksyon namin. Ngunit maging ang pagtuunan sila ng pansin ay hindi ko nagawa nang ilang saglit lang ay nakaharap ko na siya.

"Can you still remember me?" he asked.

Mariing tinitigan ko ang mukha niya habang inaalala kung saan at kailan nagkrus ang landas namin. Ang ngiti niya sa akin ay pamilyar ngunit ang pangalan ay hindi ko matandaan. Pinasadahan ko siya ng tingin hanggang sa dumako ang paningin ko sa camera na nakasukbit sa leeg niya. And that thing made me remember him.

"Ikaw 'yong kumuha ng litrato ko," wala sa sariling sambit ko.

His smile grew wider. "Yes, I'm Ulick. And I want to give you something."

Nagtatakang inabot ko ang parisukat na bagay na inabot niya. Nababalutan 'yon ng pulang wrapper ngunit mayroon na akong ideya kung ano 'yon. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit niya ako binibigyan ng ganito.

"Open it."

Sa kabila ng matinding kalituhan ay kusang kumilos ang mga kamay ko upang buksan ang bagay na 'yon. And it didn't take that long for my tears to cloud my vision when I finally reveal the thing that was hidden beneath it.

My heart clenched with the overwhelming feeling brought by the thing he gave me. No, it wasn't just a simple thing. It was a treasure. A masterpiece. Every beat of my heart speaks for the words that I can't verbalize because of the emotions this treasure brought me.

At hindi ko alam kung magagawa ko bang isatinig ang pasasalamat ko na 'yon. Hindi ko alam kung may salita ba na sasapat para maiparating kung gaano ako nagpapasalamat sa bagay na ibinigay niya.

I'm afraid that I may not be able to thank him enough. I'm afraid that my words wouldn't really express my gratitude for him.

It was a canvas where my face was painted. And what made it more beautiful is the fact that I was smiling at the painting, far from who I was during my childhood years. And the painting was... alive. I was alive. Far from the darkness of the life I had before. And the painter did a great job putting emphasis on my condition by painting the background deep brown paint, highlighting the creamy white color of my skin.

With my eyes full of tears, I gave him a questioning look. And I'm glad that he understood me. Dahil alam ko na sa oras na magsalita ako ay magbabagsakan ang mga luha sa mga mata ko.

"My girlfriend was the one who painted that. It was her last masterpiece." He smiled, a sad one. At hindi ko na kailangan maging mataino kung bakit gano'n ang nakikita kong ngiti sa mga labi niya. She died. "She's just like you."

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan tanong ko.

"She also has albinism. She also experienced the same experiences you had, I knew that for sure. But you differ in one thing," he said. And that moment I saw how his eyes glistened with painful tears. "You are tougher than she is. You had the courage to fight. While she, even if she had me, chose to let go of her life."

Mabilis na nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko sa sinabi niya. Ang sakit na naririnig ko sa boses niya ay sumusugat din sa puso ko. I don't know if I should feel thankful for the people who helped me walk through the pain. I don't know if I should feel thankful for the life I have or if I should feel sorry for the life that was cut short because of the cruelty of our reality.

Naiintindihan ko na si Dad noong sinabi niya ang ikinakatakot nila ni mom noon kung sakaling malalaman ng publiko ang kundisyon ko. Naintindihan ko siya noong gabi na 'yon ngunit mas naiintindihan ko na siya ngayon. Life can really be cruel. It is harsh and it is dangerous for everyone. Especially to those people who were born like me.

The lack of consideration of people. The misjudgments, all the said criticisms, and all forms of bullying. Those are lethal weapons that can take away the life of a person. Ang nakakalungkot lang, kahit na alam na ng iba ang epekto no'n sa kapwa nila ay tila hindi iyon sapat para tumigil sila.

On our case, albinism. People may see us as an alien. They will surely call us name. They will definitely treat us without an ounce of care. But there are some people, who would see us... as an angel. Pero mas lamang ang una.

Kahit na harapan nang ipinapakita sa kanila ang epekto ng mga maling ginagawa ay patuloy pa rin silang sumisige at hindi nadadala. People need to know when to stop. When to reflect on their wrongdoings and when to apologize. When to step back. Because not everyone has a strong mentality. Hindi lahat ng tao kayang magbingi-bingihan sa mga bagay na paulit-ulit na ipinapamukha sa kanila. Hindi lahat ng tao ay handang ilaban ang buhay kung ang hiling ng iba ay huwag na lang silang himinga.

Sa isang simpleng galaw. Sa isang simpleng masakit na salita. Sa simpleng insulto. Buhay ang maaaring maging kapalit. Kaya sana, matutunan ng mga tao na sarilinin ang mga panghuhusga nila kung hindi talaga nila mapigilan ang may mapuna. Sana sa sarili nilang paraan ay pigilan nila ang sarili nila na makasakit sa kapwa. It wouldn't harm them to care for other people. It wouldn't take a second in their life to ignore the things that they consider as someone's flaw.

People need to learn how to accept and respect.

"You almost save her." Muli niyang nakuha ang atensyon ko. "Pinakita ko sa kaniya ang litrato mo na kuha ko mula sa pet café na 'yon. She was at first shocked. But later on, the urge for her to know you took over. She stalked you on all social media platforms, but she didn't find any. But when that incident happened, the time where you were abducted, that's when we knew that you have fought the same battle. Magkaiba man ng paraan, magkaiba man ng mga salita na ibinato, magkaiba man ng pagkakataon, pero iisa lang ang idinulot sa inyong pareho.

"She was also bullied. Her batchmates would strip her naked in the middle of the field then they would shoot her with paint balls. Those people doodled her body with coal and wrote nasty things. It was a different fight. It was a different battlefield. And the result was also different. She was younger and more vulnerable.

"She did try to fight the urge for her to end her life. Kaya ka niya ipininta. Ang sabi niya, siguro sa pagpinta niya sa'yo ay baka lumakas ang loob niya na ilaban pa ang buhay. Sinubukan niya. But when she finished painting you, when she let go of the paintbrush, and when she had the final stroke, she also let go of her life."

My heart constricted with so much pain as I heard the story of his girl. Pakiramdam ko ay nakikita ko ang sarili ko sa katauhan ng nobya niya. Kusang naikukumpara ko ang mga napagdaanan ko sa mga bagay na naranasan ng girlfriend niya.

Pero katulad ng sinabi ng lalaki na kaharap ko, magkaiba kami ng laban. Magkaiba kami ng hirap na napagdaanan. At nakalulungkot lang na hindi niya nagawa na manatili hanggang dulo. She has a bright future ahead of her life. But people cut her wings too early because of their selfish judgements and own satisfaction.

Marahan na ibinaba ko ang painting niya sa mismong upuan at tumayo para humarap sa kaniya. I feel sorry for him. Ramdam ko ang pagmamahal niya para sa babae kahit na ngayon ko pa lang naman talaga siya nakikita. But I feel more sorry towards the girl.

"She's in good hands now."

"I know."

Tinitigan ko ang mga mata niya. I badly wanted to hug him right now. And I didn't stop myself from doing it. I hugged him, so tight that it would make him feel encouraged, hopefully.

"I don't know the right word to say to comfort you. But I know you'll be fine someday," mahinang bulong ko.

Hindi siya nakasagot agad. Ngunit matapos lang ang ilang minuto ay naramdaman ko ang pagganti niya ng yakap. Ang luha ay muli na namang umagos sa magkabilang pisngi ko nang maramdaman ko ang mahigpit na yakap niya.

At sa yakap na 'yon ay ramdam ko pagmamahal niya para sa namayapang nobya. Nararamdaman ko ang pangungulila niya sa babae. At sa higpit ng yakap na 'yon ay muli na namang rumagasa ang mga luha sa mga mata ko.

"I'll be fine. I should be, for her," he said, convincing himself.

Kagat ang ilalam ng labi na tumango ako habang pilit na pinipigilan ang mapahikbi. Ilang minuto pa kaming nanatili sa gano'ng tagpo. Ako na tahimik na binibigyan siya ng lakas habang siya naman ay nanghihiram ng lakas sa akin.

Naputol lang 'yon nang mangibabaw ang isang malamyos na kanta na pamilyar sa akin. Umalis ako mula sa pagkakayakap kay Ulick at iginala ang paningin sa paligid. Mas dumami na ang tao ngayon kumpara kanina.

Maging sa pangalawa at pangatlong palapag ay may mga nakadungaw na rin sa direksyon naming dalawa at nanonood sa mga nagaganap. Marahan na pinisil ng lalaki ang kamay ko bago dahan-dahan na umalis sa harapan ko.

And to my surprise, I saw Ken holding a microphone while looking directly into my eyes.

"Hi, snow white," he said through the microphone giving everyone the chance to hear what he's about to say

"Ken."

Ken smiled tenderly at me. He is two meters away. Sa kabila ng layo niya ay nararamdaman ko ang kakaibang tuwa na nararamdaman ko mula sa kaniya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may nagbago sa kaniya.

Sa kabila ng kaunting bakas ng kalungkutan na nakikita ko ay nangingibabaw ang tuwa na nakikita ko. Hindi ko alam kung alin ba sa dalawang emosyon na 'yon ang nangingibabaw. O kung pilit lang talaga niyang pinagtatakpan ang lungkot na nararamdaman niya.

Pilit na ngumiti ako sa kaniya. Ilang buwan na ang lumipas, hindi ko alam kung nandoon pa rin ba ang nararamdaman niya sa akin. O kung sa kabila ng mga panahon na 'yon ay nananatili pa rin siya sa lugar kung saan ko siya iniwan. Sa lugar kung saan mag-isa siyang nagmamahal at mag-isa ring nasasaktan.

"I hope you're doing fine." Tumango ako bilang sagot bagaman hindi direkta ang pagtatanong niya. "Well, uh... I'm fine too."

Napangiti ako nang mapakamot siya sa batok niya at bahagya ring namula ang pisngi at batok bilang simbolo ng hiya na nararamdaman niya.

"I just wanted to say that you're one of the greatest things that had happened in my life. You made me realize the things that were new to me. You made me want to be a better man. You've made me want to protect you and shield you away from anything that will hurt you. You've made me strive hard to be a successful man. You've made me dream of the future... with that someone. You're getting my words, right?"

Luhaang tumango ako sa kaniya. He was talking about someone that he loves. A future with the person that he wanted to spend the rest of his life with. A future with me. But we both knew that we weren't meant for one another.

"But above all that, you've made me want to continue living my life and be worthy of the life that God has let me borrow. Sa bawat araw na nakikita kita, palaging pinaaalala no'n sa akin na kailanman ay hindi ko dapat sukuan ang buhay. Dahil ikaw, ang taong sobrang dami ng pinagdaanan, ay hindi pinili ang sumuko kailanman. You continued living despite all the challenges that were thrown at you. Sigruo dumaan na sa isip mo ang pagsuko pero kailanman ay hindi kita nakitaan ng hakbang para isakatuparan ang bagay na 'yon. And that alone is a punch to my face that I should value life more."

But I was not meant for him. Na mayroong tao na nakaraan para sa kaniya. At mayroong tao na nakalaan para sa akin. Pero hindi ako mapapagod na magdasal sa Kaniya na mahahanap din ni Ken ang talagang nakalaan para sa kaniya.

I was thinking of my life as something so unworthy. Na wala akong silbi at hindi ako kailangan sa mundo. That the world would still turn even without my existence. People would still breathe. Flowers would still bloom. Birds would still fly. Pero hindi ko kailanman inisip na magiging ganito ang epekto ko sa iba. Na magiging ganito ang pananaw nila dahil lang sa akin.

"Please be happy now, Bliss. Welcome all the happiness that should've been given to you long time ago. Be free." Inalis niya ang mikropono sa kamay bago muling nagsalita. "I love you."

And with that words he turned his back against me and never looked back. Pero alam ko na kahit pinagmamasdan ko ang likod niya na unti-unting lumalayo ay hindi magbabago ang kung anong mayroon sa aming dalawa. We would still be the Bliss and Ken that we used to be.

Muli na namang nanaig sa akin ang kalituhan sa mga nangyayari nang may babaeng hindi ko kilala ang bigla na lang tumayo sa harap ng mikroponong nakalagay sa stand na mabilis na nailagay ng staff pagkaalis ni Ken.

Ang babae ay kumaway sa akin habang may malapad na ngiti sa labi. "Hi ate! Alam ko na hindi po natin kilala ang isa't isa. Pero gusto ko lang po sabihin sa iyo ang ang tapang-tapang mo pong tao. Hindi lang po dahil sa mga balita na napanood ko noon. Kundi dahil sa kabila ng kaibahan mo po ay nagagawa mong hindi matakot na iharap ang sarili mo sa publiko. Siguro po matagal na ensayo ang ginawa niyo para tuluyang mabuo ang kumpyansa mo po sa sistema mo."

Tumigil siya sa pagsasalita at bahagyang tumingala na animo nagpipigil ng luha. At sa muling pagsalubong niya sa mga mata ko ay hindi na niya napigilan pa ang pagtulo no'n.

"Ate, dahil sa nakikita ko sa'yo ngayon. Dahil po sa tapang ninyo ay nagkakaroon na rin po ako ng tapang para sa sarili ko. Dahil po sa inyo ay mas nagkakaroon ako ng lakas ng loob na ipahayag sa sarili ko po. Maraming salamat ate sa pagiging matapang. Sa pagiging ikaw."

Pinunasan ko ang luha na kumawala sa mga mata ko at ibinuka ang dalawang braso upang anyayahan siya sa isang yakap. Mabilis na yumakap siya sa akin at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak.

Ang sarili kong mga luha ay hindi ko na rin napigilan pa dahil sa sobrang hindi pagkapaniwala sa mga narinig ko sa kaniya. Hindi ko alam kung paano niya nasabi ang mga mga bagay na 'yon. Hindi ko alam ang lihim sa likod ng kwento niya, ngunit nasisiguro kong katulad ng ako noon, ay takot din siya na mahusgahan ng iba.

Buong buhay ko ay palagi kong nakikita ang kundisyon ko bilang isang malaking balakid para sa isang matiwasay na buhay. Palagi kong nakikita ang sakit ko bilang isang malaking insulto para sa mga magulang ko. Walang araw na nagdaan na hindi ko kinaiinisan ang sarili ko at ang kundisyon ko.

Pero hindi ko alam na dahil din sa sakit na mayroon ako ay magagawa kong magbigay ng lakas ng loob sa kanila. Na ang sakit na halos isumpa ko na ay magagawa pa palang buhayin ang namamatay na kumpiyansa ng iba.

"Maraming salamat," sabi ko sa kaniya matapos ay ginawaran siya ng mahigpit na yakap.

"Maraming salamat din po ate. Dahil sa mga katulad mo ay nagkakaroon ako ng kumpyansa na huwag matakot na ipakita sa iba kung sino ako. Maraming salamat at sana po ay maging masaya kayo."

Hindi na niya ako binigyan pa ng pagkakataon na makapagsalita dahil mabilis na nakaalis siya sa harapan ko.

Pumailanlang ang isang malamyos na tunog na ginagawa ng gitara. At sa oras na mismo na 'to ay muling nanumbalik sa isip ko ang mga naging kaganapan noong sa unang beses na naglakas-loob akong ipahayag ang sarili ko sa publiko.

Ang tunog na iyon ng gitara ay nagdudulot ng magandang ala-ala na mananatiling buhay sa isip ko hanggang sa pagtanda. Musika. Ang siyang naging kasangkapan niya sa pagbibigay sa akin ng lakas ng loob lalo na noong mga panahon na hindi ko mahanapan ng pagtanggap sa sarili ko.

Kung ako ay sa tula idinadaan ang paglalabas ng saloobin na nakabaon sa puso ko. Siya naman ay ekspertong nahahanapan ng kanta ang mga bagay na gusto niyang sabihin sa akin.

Devyn.

Crowded hallways are the loneliest places

For outcasts and rebels

Or anyone who just dares to be different

Mabilis na nagbagsakan na naman ang luha sa mga mata ko sa mga unang linya pa lang na 'yon na kinanta ni Devyn. Siya na ngayon ang nakatayo sa likod ng mikropono, kumakanta ng mula sa puso. Direkta siyang nakatingin sa mga mata ko habang patuloy na naglalaro ang mga daliri sa gitara.

Dalawang metro ang layo niya sa akin ngunit ang intensidad ng titig niya ay tumatagos sa mga mata ko. The intensity of his stares is seeping not just through my eyes, but it also pierces through my soul, deeper than what it did through my heart. His stares, making my heart feels like dozens of kittens were rumbling inside of it.

And you've been trying for so long

To find out where your place is

But in their narrow minds

There's no room for anyone who dares to do something different

Oh, but listen for a minute

Ang paos, malalim at baritong boses niya ay nagpaparamdam sa akin ng sinseridad ng bawat bitaw niya sa linya ng kanta.

"Devyn," mahinang usal ko sa pangalan niya.

Ang mga luha ay muli na namang bumuhos dahil sa sobrang tagos na mga linya ng kanta na alam kong hindi lang niya kinakanta para sa akin kundi para sa lahat ng tao na kapareho nang pinagdaanan ko.

Trust the one

Who's been where you are wishing all it was

Was sticks and stones

Those words cut deep but they don't mean you're all alone

And you're not invisible

Hear me out,

There's so much more to life than what you're feeling now

Someday you'll look back on all these days

And all this pain is gonna be invisible

All invisible

"Oh God..." Natutop ko ang bibig ko nang mula sa kung saan ay lumabas si Veda na may dalang placard na kasing laki ng 1/8 illustration board na may apat na letra na nakasulat. Ayaw kong pangunahan pero ang puso ko na mismo ang nagsasabi na tama ang nabubuong ideya sa isip ko.

So your confidence is quiet

To them quiet looks like weakness

But you don't have to fight it

'Cause you're strong enough to win without a war

Sunod na lumabas si Isa at tumayo sa tabi ni Veda, unti-unting kinukumpirma ang ideya sa utak ko.

Oh, and never be afraid of doing something different

Dare to be something more

Devyn took a step forward leaving the mic and singing the song now, for my ears only to be heard.

But just like what happened at the auditorium the crowd started to take over the song, singing the rest of the lyrics creating the sweetest melody that my ears had ever heard. And their voice is piercing through my soul, making me feel so worthy. Lifting up the people who have never find value for themselves.

"I love you so much, Devyn," humihikbing sambit ko sa kawalan ng salita na puwedeng sabihin sa kaniya. Ngumiti siya sa akin ng sinsero habang patuloy na kumakanta.

Sa pagkagulat ko ay bahagyang dumilim ang ilaw sa buong mall na mabilis na napalitan ng ilaw ng nanggagaling sa mga flashlight ng cellphone ng mga tao. Lumuluhang inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar and I cried harder when I saw the support that people are giving us.

These labels that they give you

Just 'cause they don't understand

If you look past this moment

You'll see you've got a friend

Waving a flag for who you are

And all you're gonna do

Yeah, so here's to you

And here's to anyone who's ever felt invisible

Donovan and Kervin came out at the same time holding a placard the same as Veda and Isa are holding, making the whole phrase full. And making my heart beats so loudly with so much love for this man in front of me.

Sa likod ng mga tao na 'yon ay ang mga magulang ko. Ang mga magulang ni Devyn. Ang buong pamilya ni Kervin kung saan buhat ni Ken si Maxim. Isang pasada pa ang tingin na binigay ko sa dagat ng mga tao na nagbibigay ng kakaibang liwanag sa buong lugar.

Marahan na ibinaba niya ang gitara sa gilid ng upuan bago ako tuluyang hinarap. Sa sobrang buhos ng emosyon sa akin dahil sa mga nakikita ko sa harapan ko ay nanlambot ang tuhod ko.

Mabilis na naalalayan niya ako bago pa man ako tuluyang sumadlak sa sahig. Ngunit ang itayo at ay hindi niya nagawa. Sa ganoong posisyon, baluktot ang tuhod na nakaupo sa sahig ay ikinubli ko ang mukha ko sa mga palad ko at doon nagpatuloy ng iyak.

"Baby..." masuyong pagtawag niya na mas lalo lang nagpa-iyak sa akin.

Hindi ako nakasagot bagkos ay nagpatangay lang ako sa ragasa ng emosyon. Nawalan na ako ng pakialam sa mga nanonood. Kung ano na ba ang itsura ko o kung ano na ba ang tingin nila.

Hindi na importante ang alin sa mga 'yon dahil ang nangingibabaw na lang sa akin ay nag-uumapaw na tuwa.

"B-bakit may ganito?" humihikbing tanong ko.

Sinikap niya na alisin ang kamay ko na tumatabing sa mukha ko na mabilis naman niyang napagtagumpayan. He took over the job of wiping my tears away. But my tears don't know how to stop.

"You know that I love you, right?" tanong niya habang patuloy pa rin sa pagtuyo ng luha sa mga pisngi ko.

"A-alam ko."

Tinayo niya ako at inalalayan sa pag-upo sa upuan na nasa likuran ko. Mabilis na hinalikan niya ako sa noo bago muling umatras pabalik sa harap ng mikropono.

"Bliss Audrey," madamdaming sabi niya. "Meeting you is something that I would be forever grateful for. Dumating ka sa buhay ko sa hindi sinasadyang pagkakataon. It feels like destiny is making its own way for me to have a hold of you. But I didn't realize that immediately. Nagkamali ako, nakagawa ako ng mga bagay na mali man para sa paningin ng nakararami ay kailanman hindi ko makuhang pagsisihan. Because I know that what I did would open the eyes of other people. But I am still sorry for doing that behind your back."

I smiled at him and nodded my head. Letting him know that he was already forgiven.

"Remember the puzzle? The one we did for hours?" Tumango ako. "It was my idea. And I know that right at that moment I knew that I wasn't just using you. That it wasn't just a simple gesture to lift you up. Na hindi na lang siya basta para sa mga bagay na kailangan ko mula sa'yo. You might not believe this but right there and then I pictured myself at the end of the altar, waiting for you as you take you time taking small steps to reach me.

"Life has never been so good to you. Hindi iisang beses na nakaranas ka nang pananakit mula sa iba, at sa iba't ibang paraan. Hindi iisang beses na nakita ko kung paano ka matakot na humarap sa ibang tao hindi lang dahil sa maaari nilang sabihin sa'yo kundi maging sa kadahilanan na ayaw mong idamay ang ibang tao sa mga maaari nilang ibato sa'yo.

"You are that selfless, Bliss Audrey. That despite your own pain, your own battle, and the countless night you cried your heart out, you would still think of other people first before yourself. At nakalulungkot sa parte namin na mga nagmamahal sa'yo na makita ka na ikinukulong ang sarili mo para lang hindi kami masaktan. But we don't want that. We don't want your selflessness. We want you to be you."

Nilingon ko ang pwesto nila Mom at Dad. Tumango sila sa akin bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Devyn. I even saw mom wiped her tears before I took my eyes away from them.

"You are my epitome of a real beautiful woman. Someone who is brave enough to accept her flaws. You are someone who is willing to embrace her flaws and value it as if it's a precious jewel that is worthy to be treasured. Someone who wouldn't change anything just to fit in, just to blend. Someone who is a constant reminder that beauty is not just something that can just be seen by the naked eyes. Someone who created another meaning of beauty, a beauty that should be felt and a beauty that touches a heart. Someone who possesses a beauty that stands out. Someone who screws standards by being herself, by being you. And that's why I love you."

Iniwan niya ang stand at kinuha ang mikropono mula roon. Habang nakapako ang mga mariing titig sa akin ay tinawid niya ang pagitan namin. I gulped multiple times to help the loud beating of my heart to subside. But it didn't help at all. Because the next thing that he did just made my heart beats more loudly ang wildly than it already is.

Natutop kong muli ang bibig ko sa pagpipigil na kumawala ang hikbi doon. In front of me is the man that I love. The man who possesses the characteristics and the habits that I am not really fond of. But despite that, he still managed to make his way into my heart and chose to resides there.

The man who made me realize my worth. The man who made me see my flaws as uniqueness. The man who made me feel valued. The man who doesn't get tired reminding me of how beautiful I am. And the man that I love and will love for the rest of eternity.

In front of me, Devyn slowly cascades on one knee. Holding a white velvet box with a beautiful ring on it.

"Bliss Audrey. Siguro iniisip ng iba na masyado pa tayong bata, na masyado pang maaaga para sa ganito. But I want you in my life. I want you to be the mother of our future children. I want you to be the one whom I would first see in the morning." Mariing tinitigan niya ako kasabay nang pagtulo ng luha niya sa mga mata niya. "Let's get married. Marry me, Bliss Audrey."

Sa kabila ng mga nanlalabo kong mga mata, tiningnan ko ang mga kaibigan at pamilya ko. Si Veda na hawak ang salitang Will ay patuloy din sa pagbagsakan ang mga sariling luha. Si Isa na hawak ang salitang You ay nakasubsob na sa dibdib ni Donovan at doon umiiyak. Si Donovan, na Marry naman ang hawak, ay nakangiting nakatingin sa amin habang marahan na tumatango.

And Kervin, who is holding the word Me, is nodding his head with his tears flowing from his eyes. Lumakas ang pag-iyak ko sa nakikita kong emosyon sa mga mata niya. There's so much happiness in his eyes. Happiness that was intended for me. At kahit hindi siya magsalita alam ko kung ano ang mga bagay na gustong sahihin ng puso niya.

Na masaya siya para sa akin. Dahil iyon lang naman ang hinihiling niya noon pa man. Ang kaligayahan ko. Alam niya ang mga bagay na sobrang sumugat sa pagkatao ko noon. Saksi siya sa bawat araw na uuwi ako na hindi ko na halos makilala ang sarili ko. He was the first man, aside from my dad, who dried my tears and comforted me. He was the very first man who entered my life. And he is someone who would always have a huge part of my heart.

Isang beses ko siyang tinanguhan bago muling binalingan ang lalaking matiyagang naghihintay ng sagot ko. Ngumiti ako sa kaniya at masuyong tinuyo ang mga luha niya.

"Mahal na mahal kita, Devyn. And yes, I will marry you. Kahit kailan at kahit saan."

Another batch of tears escaped his eyes as he took the ring out of the box and slowly slid in on my ring finger. Manghang tinitigan ko iyon na perpekto ang pagkakagawa at saktong-sakto sa palasingsingan ko. The ring band is thin and is surrounded by small diamonds making it shine. Sa pinakagitna ay korteng korona na pinapatingkad ng kulay mapusyaw na asul na dyanmante. It's so beautiful.

Mula sa singsing umangat ang mga mata ko kay Devyn nang marahan niyang pahiran ang luha sa mga mata ko. And just like what I think can be seen in my eyes, his eyes are glowing with so much happiness and love.

"Wala nang bawian, ha?" masuyong sabi niya.

Tumango ako sa kaniya. "Walang bawian."

He nodded his head in approval before closing the distance between us. He encircled his one arm around my waist while the other one reached for my cheek to guide it in a perfect angle for a kiss. And in front of everyone who witnessed his proposal, he sealed it with a kiss.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top