45: The Comeback

CHAPTER FORTY-FIVE
The Comeback


Napangiti ako sa malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Ang payapang huni ng mga ibon na bumubuo ng isang malamyos na musika ay naghahatid ng kapayapaan sa puso ko at insalis ang mga masalimuot na ala-ala na hanggang ngayon ay buhay sa isipan ko. Ang tuwa at lungkot ay sabay kong naramdaman sa reyalisasyon na iyon. Sa buong buhay ko ay ngayon ko pa lang ata totoong naramdaman ang ibig sabihin ng salitang kapayapaan.

Kapayapaan.

Masarap pala talaga sa pakiramdam na mabuhay sa isang lugar na wala kang inaaala na mga bagay. Na wala kang inaalalang mga bagay na puwedeng ibato sa'yo ng iba. 'Yong malaya ka na gawin ang mga bagay na gusto mo na hindi iniintindi ang tingin ng mga tao. Masarap pala talaga na mabuhay ng malaya at payapa.

Ang puting kapaligaran ay nagbibigay laya sa akin na makaramdam ng seguridad na hindi na ako mahihirapan kailanman. At hindi na ako masasaktan ng sinuman.

Napakapayapa.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase na kuluwalhatian sa buong buhay ko. Na hindi na ako matatakot sa mga puwedeng ibato sa akin ng bukas dahil alam kong sa lugar na ito ay wala ng makakapanakit sa akin. Na sa lugar na ito ay purong saya na lang ang mararamdaman ko. Na sa lugar na ito ay hindi ko kailangan na hanapan ng lugar ang sarili ko. Dahil alam ko na ano mang kulay ng balat ko ay matatanggap ako rito.

Sa muling pag-ihip ng hangin ay tuluyan na akong nakaramdam ng laya. Paglaya mula sa mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko na hihilingin na balikan pa. Laya mula sa gapos na pumipigil sa akin na makaramdam ng tunay na ligaya. At least sa ngayon, makukuha ko nang maging masaya, na walang sakit na dinadala. Walang mga pang-iinsulto mula sa mga tao at walang mga nanunuyang tingin na nakalapat sa akin. At least, sa lugar na 'to, pantay ang lahat ng tao.

"Masaya ka ba sa pananatili mo rito?" tanong ng isang malamyos na tinig na humahaplos sa puso ko at tumutunaw sa takot na matagal nanirahan doon.

"Opo!" magiliw na sagot ko. "Ngayon lang po ako nakaramdam ng ganitong klase ng kaligayahan. Ng ganitong klase ng kalayaan. 'Yong parang nakawala ka sa kulungan na matagal mong kinakasadlakan. At ngayon nga po ay nandito na ako sa isang paraiso kung saan pantay-pantay lang ang lahat," mahabang lintaya ko habang ang mga mata ay sinusundan ng tingin ang mga taong malayang nakikihalubilo sa iba.

Mga taong magkakaiba man ng pinanggalingan. Mga taong magkakaiba man ng antas sa buhay. Mga taong magkakaiba man ng kulay ang balat ay hindi nakitaan ng panghuhusga para sa mga taong kaharap.

Napangiti akong muli at kinawayan ang isang batang nakaputi na animo isang manika na nagliliwanag ang buong katawan sa sobrang payapa ng buhay na nararanasan niya sa lugar na ito. Patalon-talon siyang naglakad palayo sa direksyon ko habang nakasunod sa pila ng mga tao na tinatahak ang daan patungo sa dulo ng liwanag.

"Susunod ka ba sa kanila? Sa amin?" tanong ng tinig na 'yon.

Nahati ang puso ko, hindi makahanap ng eksaktong sagot sa tanong niya. "Kapag ho ba sumama ako sa inyo, may pag-asa pa po ba na makabalik ako?" tanong ko pabalik bagaman hindi ko siya nakikita mula sa kinatatayuan ko.

"Hindi na," sagot niya na walang bahid ng lungkot bagaman ang sagot niya ay nagpakurba sa isang maliit na ngiti sa mga labi ko sa malungkot na paraan.

"Hindi na lang ho muna siguro. May ibang pagkakataon pa naman po siguro para rito," nakangiting tugon ko. "Sa ngayon ho ay mas pipiliin ko muna na harapin ang mundong walang kasiguraduhan para makasama ang mga taong mahal ko."

Hindi ko man nakikita ang sariling mga mata ngunit alam kong iba ang naging kinang no'n sa labis na kasiyahan nang lumitaw ang imahe ng mga taong importante sa akin ngayon. Mga taong sa kabila ng mga sakit na hindi sinasadyang naidulot sa akin ay mahal ko pa rin. Mga taong sa kabila ng ilang ulit kong pagtataboy ay mas pinili na paulit-ulit na umintindi at humingi ng tawad sa mga pagkakamaling nagawa.

"Kung 'yan ang desisyon mo, Audrey, naiintindihan ko," wika niya at mula sa kung saan ay lumabas ang isang ginang.

Katulad ng mga taong pinanonood ko kanina ay nakaputi rin itong bistida. Ang ginang na halos kaedaran lang ni Mom ay masuyo akong nginitian bago humakbang ng isa paatras.

"Maging malaya ka, anak. Magpatawad ka. Maging tunay kang masaya," sabi nito na hindi na ako binibigyan ng pagkakataon na makapagsalita pa nang magtuluy-tuloy siya ng atras hanggang sa, katulad ng iba, ay nagpasakop siya sa dulo ng liwanag.

Naiwan akong mag-isa habang ang kaninang mga taong pumupuno sa lugar ay tuluyan nang nawala. Ngunit sa kabila ng kalungkutang nararamdaman ko sa paglisan nila ay hindi ko makuhang malungkot ng lubusan. Lalo na at alam kong sa panibagong lugar na pupuntahan nila ay madudugtungan ang kapayapaan na matagal na nilang inaasam.

Kung gugustuhin ko ay puwede akong sumama sa kanila. Puwede kong piliin ang buhay na walang problema at puro saya lang. Isang buhay na wala akong ibang iisipin na bukas.

Pero kung kaakibat naman no'n ay ang malalayo ako sa mga taong mahal ko ay walang pagdadalawang isip na pipiliin ko ang umalis. Pinili kong harapin ang hindi perpektong mundo at ipagpalit ang isang paraiso.

Ipinikit ko ang mga mata ko habang minememorya ang buong lugar. Ang lugar na puno ng puting mga kagamitan at liwanag na nanggagaling kung saan-saan. Isang puting lugar na siyang naghahatid ng kapayapaan sa loob at isang simbolo na pantay-pantay ang lahat ng tao. Bawat tawa na pinagsaluhan, bawat palitan ng ngiti, bawat kwento, at bawat pagpapakatotoo. Lahat ng iyon ay inipon ko sa isip at puso ko.

Napadilat ako ng mga mata nang mula sa likod ay yumakap sa akin ang mga bisig niya. "Ready to go?" marahang tanong niya, tinatantya ang nararamdaman ko.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago ako tumango. "Let's go."

Ngunit imbes na umalis ay ipinaharap lang niya ako sa kaniya. Sinakop ng mainit na mga palad niya ang pisngi ko at mariing tumitig sa mga mata ko. "Are you for real?" he asked as if he's been daydreaming.

Umukit na naman ang isang ngiti sa mga labi ko. Ang puso kong kanina ay malumanay na tumitibok ay napalitan ng mabilis na pagpintig bilang simbolo ng pagmamahal ko sa kaniya. Umangat ang mga kamay ko upang sakupin din ang magkabilang pisngi niya matapos ay nginitian siya ng puno ng galak. "I am real, Devyn. Ilang beses ko pa bang dapat sabihin 'yan?" natatawang tanong ko matapos ay pinatakan ng mabilis na halik ang labi niya.

Napapikit siya ng mariin at inilpat ang sariling noo sa akin. Sa simpleng kilos niyang 'yon ay nagawa kong maramdaman ang sinseridad niya. Ang nag-uumapaw na pasasalamat sa panibagong pagkakataong ipinagkaloob sa aming dalawa. Marahang humahaplos sa pisngi at panga ko ang isang kamay niya habang ang isa naman ay dumausdos pababa papunta sa baywang ko nang sagayon ay magawa niya akong hapitin palapit sa kaniya.

Hindi ko siya masisisi sa inaakto niya ngayon. Akala ko rin wala na. Akala ko rin ay hanggang doon na lang ako. Akala ko ay katapusan na. Na sa wakas ay mawawakasan na ang mga paghihirap ko, kapalit ang buhay ko.

I've already lost too much blood at that time. Mula sa mga sugat na ginawa ni Ruby simula pa lang ng nasa kotse kami hanggang sa halos patayin na niya ako sa pagsaksak ng paulit-ulit sa hita at tiyan ko. I thought I would really die.

But the dangerous part about that incident is, I've lost my will to live. I've lost my will to fight. Noong una ay desidido akong mabuhay. Na alam kong gagawin ko ang lahat para magawa ko siyang takasan. But when she dropped her revelation right in front of me, that's when I lost it.

Gusto ko na lang ang sumuko. Ang magpadala sa sakit at hayaan ang sarili ko na tuluyan nang magpasakop sa kadiliman. Even if I asked to be saved, I knew to myself that only I can save myself.

It was a very hard battle to continue living. It was hard for me to absorb things, to give forgiveness. It was so hard for me to take all the truths that bombarded me in just a night. But because I am just a human, I chose to let go of the hate and forgive those who have sinned.

And God is so good! He let me have the courage to fight back! And it feel so good to be back in their lives. To be back in his heart.

"I love you," sinserong aniya at mabilis na kinantilan ng halik ang labi ko. "I love you. I love you. I love you so much, my love."

I smiled warmly at him. "As I love you, baby."

He beamed at me when I said that endearment of his. "You just made my heart skips a beat."

Ang pag-iinit ng pisngi ko ay bumaba hanggang sa leeg ko nang dahil sa pag-amin niya na 'yon. Pinaningkitan ko siya ng mga mata upang maitago ang kilig na naghuhumiyaw sa akin dahil sa mga kilos niya.

"Corny mo," nakangiwing sabi ko.

"Mahal ka naman."

Doon na ako napangiti nang tuluyan. "Mahal din kita, huwag kang mag-alala."

Isa pang halik ang iginawad niya sa akin bago muling tinanaw ang tanawin sa likurang bahagi ko. "Saan na sila ngayon tutuloy?"

"Sa Palawan," nakangiting sagot ko nang maalala na naman ang mga mukha ng mga taong naging parte ng panibagong buhay na ipinagkaloob sa akin.

Muli akong humarap sa isang palapag na puting gusaling kanina ay tinatanaw ko. Ang liwanag na nagmumula sa maraming bumbilya na nakapalibot sa entrada nito ay unti-unting namatay hanggang sa tuluyan ng balutin ng kadiliman ang kapaligiran.

Maging ang pangalan ng gusali ay namatay na rin at nawalan ng buhay. Pero alam ko na hindi lang dito magtatapos ang kapayapaang hatid nila. Na katulad nang tulong na nagawa nila sa buhay ko ay mas marami pa silang buhay na maisasalba. Na hindi lang matatapos sa iisang lugar ang hatid nila na kapayapaan sa mga taong katulad ko noon na magulo ang takbo ng isip.

Paradise of Hope.

They live through their name. They live in accordance with their mission, and that is to save people like who have gone through a lot. Paradise of Hope is a place who accommodates people with unstable mental and emotional health.

Katulad ko noon na hindi ko alam kung sino pa ba sa paligid ko ang puwede kong matakbuhan. I've kept myself locked and hidden for months. I never opened up to anyone because of the suffocating truth that was revealed to me. But yes, God is really good because I survived.

Ang babaeng kaninang kausap ko ay ang head ng organization. She's Doctora Faith Roman. She's been counseling me for the past nine months. At ngayon nga ay nakatakda na silang lumipad patungong Palawan upang doon manatili hanggang sa mga susunod na taon. Doctora believes that being surrounded by nature would help people to have a more peaceful mind than being on the city where toxicity of people is everywhere.

Kanina, ang tinutkoy niya na pagsama ko sa kanila ay kung gusto ko bang ipagpatuloy ang counseling ko. Sa Palawan nga lang. And I disagreed. Oras na para bumalik ako sa buhay na tinalikuran ko noon habang nananatili ako rito bilang tahanan. Sa loob ng siyam na buwan ay dito ako nanatili. Sa loob ng mga buwan na iyon ay madalang ko lang makita ang mga magulang at kaibigan ko.

I chose to heal myself first and foremost before I can be with them. And this is this moment.

"Your parents are waiting for you in your house. Ready?"

What he said made my heart beats unsteadily. Sa buong durasyon nang pananatili ko rito ay hindi ko na sila hinayaan na dumalaw sa akin. I wanted to have time for myself and my healing. Bagaman tutol sila at gusto akong makasama ay nirespeto nila ang desisyon ko at hinayaan akong gawin ang gusto ko.

"Yes," sagot ko sa kabadong boses. "You'll be with me, right?"

He reassuringly smiled at me. "Of course."

Mataman ko siyang tiningnan. Silently asking God what good thing I did in my life for Him to give me a man like Devyn. A man as good as him. Hindi siya perpekto. May mga pagkakamali rin siyang nagawa sa buhay niya. Nagawa niya na rin akong saktan ng hindi iisang beses lang. Nagawa niya na rin akong paiyakin.

But despite all of that, this man didn't fail to ask for forgiveness every chance he get. Devyn paid his sins not just once, he did it multiple times by depriving himself with the things that will make him happy.

We are all human. It's inevitable to commit mistakes. Nasa tao na lang 'yan kung paano niya tatanggapin ang mga pagkakamaling nagawa niya. Kung paano siya gagawa ng paraan upang ang mga pagkakamali ay maitama.

"How did I have you?" I asked dreamily, not believing that I have him in my life.

Lumawak ang pagkakangiti ko nang kumislap sa mga pinipigilang luha ang mga mata niya. "Don't make me cry, baby."

Napatawa ako. "Touch ka na no'n?" biro ko.

Malalim siyang huminga bago ako hinila ng bahagya papalapit sa kaniya. His one hand made its way to my nape while the other automatically snaked around my waist.

"Hindi mo alam ang takot ko na mawala ka sa akin nang araw na 'yon. Hindi mo alam kung paanong paulit-ulit ko sinisi ang sarili ko dahil sa nangyari sa'yo. Kung hindi sana ako nagpabaya, hindi mangyayari ang bagay na 'yon," puno nang pagsisisi na sambit niya.

"There are things that are bound to happen. Pigilan mo man, mag-ingat ka man, mangyayari pa rin ang mga bagay na dapat mangyari. And what happened to me was like a way for me to know a secret that my parents had been keeping away from me. At kahit masakit man na malaman na nagawa nilang maglihim sa akin ng gano'n kaimportanteng bagay. Hindi ko man lubusang maintindihan ang mga rason nila. It's still a good way to end everything about that once and for all."

"You're really an angel," he whispered.

"Kasi maputi ako?" natatawang tanong ko.

Umiling siya. "Because no matter how people treat you so bad, you didn't feel angry at them. Because no matter how people around you commit mistakes that hurt you, you always choose to give them forgiveness."

"Because it's inevitable for people to judge. For people to commit mistake. For people to throw criticisms. For people to keep secrets that will eventually hurt the person they love. And I am just a human, too. I need to live with that fact."

"Even if it caused you a year in your study."

Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya. What happened really did caused me a year. Kaya imbes na sa pasukan ay third year collage na ako, babalik ako sa second year dahil hindi ko nagawang matapos ang previous Academic Year.

Nakakalungkot pero wala naman na akong magagawa ro'n. It was partly my decision to stop, and a bigger part of it was because of what happened. Hindi ko alam kung magagawa ko bang magpatuloy noon sa kabila ng mga nangyari sa akin. Hindi ko alam kung magagawa ko bang umakto na okay lang ako at parang walang nangyari.

I woke up not knowing what I should do. The pain and anger were the only thing that I have in my mind. My whole being was in chaos. I was not thinking straight and I had lost my purpose. I was too broken just to even wake up and face the reality of life. I was too hurt to even want to continue living.

Mabuti na lang at nahanap ko si Doctora Faith sa unang beses na nagdisesyon akong muling harapin ang mundo matapos na ikulong ang sarili so loob ng ilang buwan sa bahay. That's when everything started to work out with my life. That's when things slowly got better until where I am now.

Doctora made me realize things. She made me see what happened on a different perspective. Nilinaw niya sa akin ang mga bagay na malabo para sa akin. Hinilom niya ang sugat sa puso ko at ang galit na nakatanim doon. Tinuruan niya akong tumanggap ng mga katotohanan at higit sa lahat, ginabayan niya ako para matutong magpatawad.

"Saglit lang naman 'yon. Ang mahalaga ay makakapagpatuloy ako," sabi ko sa kaniya matapos ang ilang sandali.

"I'll always be here for you," madamdaming sabi niya.

"I know that."

Hindi ko inaasahan na bababa ang mukha niya upang sakupin ang mga labi ko. Mas lalong hindi ko inaasahan na patatagalin niya ang halik na 'yon. Binalot ako ng kaba at hiya nang matantong nasa pampublikong lugar kami at naghahalikan.

But my thoughts were washed away by the wind when he deepened the kiss. Every gentle stroke of his lips on mine tells me how much he missed me. The deep kiss he's giving me makes me feel the hardship he had gone through during the times that there was no assurance if I would still come back.

He pulled me closer to him the same time I felt him gently bit my lower lip. A soft moan escaped my mouth because of that unexpected sensation he's giving me. I can feel his love with the kiss we are sharing. I can feel the love that was intensified by the thing that had happened between us.

But even before I got lost to his kisses, I was the one who broke it. Kahit naman kasi gabi na ay may mga tao pa rin ba nagagawi sa kinaroroonan namin.

Kapwa kami hinihingal nang tuluyan nang bitawan ang labi ng isa't isa. He rests his forehead on mine while while I felt his hand on my waist gripped on it tight. It's as if to me that he is still afraid that I would disappear. That I would leave him. But I will not. Not a chance.

"OH GOD... Bliss, anak!" Lululuhang lumapit sa akin si Mom na garalgal ang boses dahil sa pag-iyak at matinding galak na dahil marahil sa pagbabalik ko mula sa siyam na buwang paglayo.

Alangan na nginitian ko sila dahil sa ilang sa matagal na hindi pagkikita na sinaahan pa ng mga hindi magandang pangyayari ngunit ang isinukli nila ay mainit na pagtanggap. Isa-isang lumapit sila sa akin at dinaluhan ng yakap hanggang sa lahat na sila ay yakap ako. Mabilis na nag-ulap ang paningin ko at nilukob ng init ang puso ko na dulot ng pagtanggap at pagmamahal na ipinapakita nila.

"We're glad to finally have you back, anak. Thank you for coming back," sabi ni Dad sa sinserong tinig. "I love you, my princess."

"I love you, too, Dad. And Mom. Sorry for keeping my distance with you," nahihiyang pahayag ko na magkapanabay nilang inilingan.

Isa-isang lumayo ang kumpol ng taong kanina ay nakayakap sa akin. Sila Ate Nida at Yaya Rita ay tumungo sa kusina habang si Veda at Isa ay naupo sa sofa. Maging ang pamilya ni Kervin ay doon tumungo.

"Thank you sa pagsalubong," naiiyak na sabi ko.

"We are more thankful to you for choosing to come back." Mabilis na nakalapit ako kay Kervin na siyang nagsalita at mabilis na yumakap. "I miss you, by the way," bulong nita sa tainga ko.

"I miss you, too. And Maxim." Kumalas ako sa kaniya. "Let's eat."

"I miss you, three," singit ni Veda sa usapan.

"Four," Isa said.

Nilapitan ko silang dalawa at sabay na niyakap bago iginaya patungo sa dining area. And as we start to eat our meal, my heart is slowly feeling the warmth and contentment that only they can give me.

Naging masaya ang kaunting salu-salo sa pagitan ng pamilya at malalapit na kaibigan namin. Gustuhin man nilang magtagal pa ay hindi na nangyari dahil sa rami rin ng ginagawa ng iba.

And now, I am left alone with Devyn once again.

"Paano kaya kung hindi na ako bumalik, 'no?" wala sa sariling tanong ko. "Ano na kayang mangyayari?"

Ilang beses ko na rin 'yong naisip nang mga panahon na wala sila sa tabi ko. Noong mga panahon na nananatili ako sa Paradise of Hope. What would have happened if I didn't had the courage to come back?

Nang mga panahon na 'yon na nakaratay ako sa kama ng halos isang buwan, naririnig ko sila. Narinig ko ang lahat ng sinasabi nila. Ang bawat iyak, ang bawat hagulgol, ang bawat paghingi ng tawad, at ang bawat pakiusap nila. Lahat ng 'yan ay naririnig ko. Naririnig ko sila pero hindi sumasapat para mabigyan ako ng lakas na bumalik.

But that one night when Devyn said something to me pulled me back to life. Parang mahika na biinigyan ako no'n ng lakas para muling lumaban sa kabila ng takot na muling harapin ang mundo na walang kasiguraduhan.

"If you find it hard to come back, then let go, baby. But I promise you this one thing, Bliss Audrey. Even if you choose to stay there in paradise. If you find peace in there that's making it hard for you to choose this cruel world. I would still marry you. Even if I wouldn't hear you say, "I do" and you wouldn't have the strength to put the ring on my finger. I would still bring you to the altar. I will marry you. That's how much I love you, baby."

I can hear the longing and pain in his voice when he was saying those words to me. He was pleading for me to come back. And he magically did.

"I heard you, Devyn," mahinang bulong ko.

"Hmm?"

Hinila niya ako papalapit sa kaniya na para bang hindi sapat ang lapit namin sa isa't-isa. Medyo ilang man sa posisyon namin ay ipinagsawalang bahala ko na lang. Pareho kaming nakahiga sa duyan sa garden ng bahay namin. Ang duyan na kakasya man kaming dalawa ay naging maliit dahil sa malaking bulto niya.

Ang isang braso niya ay ipinaunan niya sa akin at nakaakap sa akin. Ang bakanteng kamay naman niya ay hawak isang kamay ko na nakalapat sa dibdib niya sa may parte ng puso niya. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso niya na siya ring bilis ng tibok ng akin.

Ang tibok ng puso namin ay iisa. Pareho ang itinitibok at tila iisa. Ngumiti ako nang sabay kong maramdaman ang bilis ng tibok ng puso niya sa bilis ng tibok ng sa akin.

"You said you will marry me. Kahit na hindi na ako gumising. Pakakasalan mo pa rin ako"

Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko. "I will, Bliss. Mahal na mahal kita, Bliss Audrey."

"Mahal na mahal din kita."

Muling namang napuno ng luha ang mga mata ko dahil sa intensidad ng pagmamahal ko sa kaniya. At ang intensidad ng pagmamahal na nararamdaman ko mula sa kaniya.

"Stand up for a while. I need to show you something."

Nagugulahang sinunod ko ang utos niya. Sa marahang pag-alalay niya ay umalis ako sa pagkakahiga at tumayo sa gilid ng duyan. Tumayo rin siya at humarap sa akin habang hawak ng mahigpit ang kamay ko. Naguguluhan na tingnan ko siya nang hindi pa rin siya nagsasalita at nakatingin lang sa akin ng ilang segundo.

He gently pulled me with him when he went to the wooden bench on the side of the garden. He let me sit there while on the other hand, he cascades front of me on one knee while still holding my hand. He kissed both of it and stared deeply into my eyes.

"What is it, Devyn?" I asked in confusion.

"I know that you hate tattoos even if you're not saying anything about it."

Napangiwi ako sa sinabi niya. I don't really like tattoos. Although it's a work of art that expresses one's feelings, I just really can't be fond with it. But that was before Devyn came into my life. At katulad ng pag-intindi niya sa pagmamahal ko sa pagtutula ay nakuha ko ring intindihin nang paunti-unti ang ganitong klase ng pagpapahayag sa sarili.

Wala namang masama sa mga gano'ng bagay. Nasa tao lang 'yan kung ano ang pinakamabisang paraan para sa kaniya upang mailabas niya ang mga bagay na nagpapahirap sa kaniya. Katulad ko na pinili ang larangan ng pagsusulat ng tula. Ang iba ay pinipili ang pagsusulat ng mga nobela.

Katulad ng iba na mas gustong lagyan ng tinta ang katawan. Katulad ng iba na sa buhok kumukuha ng kumpiyansa. O sa pagsusulat ng kanta. O sa kahit ano pa man. Madali mang tanggapin ng madla o hindi. Ang mahalaga ay mailabas mo ang mga nararamdaman mo kaysa sa humantong sa mga maling desisyon.

"I've got new tatts."

Nagsalubong ang kilay ko. "Saan?"

And to my surprise, he removed his shirt right in front of me. Nanlalaki ang mga mata na mabilis na pinasadahan ko ng tingin ang katawan niya ngunit agad ding inangat sa mukha niya.

I don't wanna look down. Alam ko naman na maganda ang pangangatawan niya. Hndi man katulad ng iba na babad na babad sa gym at batak na batak ang mga muscle sa katawan. Pero alam ko na maganda pa rin ang pangangatawan niya. At may abs.

Ipiniling ko ang ulo ko para alisin ang huling lumabas sa isip ko. "Magdamit ka nga!" asik ko.

He chuckled and cup my face which I am sure is as red as tomato now. "Hindi mo makikita kung magdadamit ako."

"Anong ibig mong sabihin?"

Naguluhan ako nang ngumit siya sa akin at unti-unting pinakawalan ang mukha ko. Hinayaan niya ako sa mabagal na pagbaba ko ng tingin mula sa mukha niya papunta sa katawan niya. And tears finally escaped my eyes when I realized why he strip half naked in front of me.

"Devyn," lumuluhang sabi ko.

My hand automatically went up to trace his new tattoo. My tears continued to flow from my eyes as I looked at my smiling face which is now tattooed on his chest, the part where his heart was located.

My heart started to beat loudly in so much happiness to what I am seeing. Naiiyak na nag-angat akong muli sa kaniya. at bumungad sa akin ang isang ngiti na puno ng pagmamahal.

"W-why?" tanong ko.

He pulled me into his arms. And I automatically wrapped my arms around him and hugged him tight. "Para kapag nawawalan ka na naman ng tiwala sa sarili mo. Kapag hindi mo na naman mahanapan ng importansya ang sarili mo, titingnan mo lang iyang tattoo na 'yan para makita mo kung gaano ka kaganda. At kung gaano ka kahalaga. Kung gaano kita kamahal. This tattoo will be a reminder to you that you do not need to be perfect. You just need to be you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top