43: The Antagonist

WARNING: Some scenes may be sensitive. Act of violence ahead. Be warned.

CHAPTER FORTY-THREE
The Antagonist

DEVYN

"ANONG IBIG MONG sabihin na kinuha?!" galit na tanong ko.

Napatingin sa akin sila Mom at Dad, maging si Kuya, nang marinig ang pagalit na boses ko habang kausap ang nasa kabilang linya. Ngunit kahit ang galit na iyon ay hindi ko tuluyang maramdaman sa puso ko dahil mas nangingibabaw doon ang takot sa mga posibileng mangyari kay Bliss.

"Mali ako nang narinig, diba? Tell me, Isa!"

Muling umigting ang kaba sa puso ko nang pumailanlang ang iyak niya mula sa kabilang linya. "M-may humintong k-kotse pagkalabas niya ng coffee shop. T-tapos b-bigla na lang siyang k-kinuha," takot at nag-aalalang sabi niya matapos ay nasundan ng hikbi.

"Fuck! Papunta na ako," sabi ko at mabilis na pinatay ang linya.

Nasa akto na ako nang paglabas ng kuwarto ngunit napahinto ako sa paghakbang nang hinawakan ni mom ang braso ko at ipinaharap sa kaniya. "What's happening, son?"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang itinawag niya sa akin. I longed for that. I longed for her love to come back. I longed for a mother.

Kahit na isang taon lang kung maituturing ang naging malamig na pagtrato niya sa akin dahil sa mga kagaguhan na ako rin naman ang may gawa. Kahit na gustuhin ko man na ibalik ang oras pabalik sa araw na iyon at pigilan ang sarili na makagawa ng pagkakamali ay hindi ko na magagawa.

Kung kaya lang. Kung may kapangyarihan lang ako, pero wala. Hindi man magandang pakinggan, at kahit na gaano kagago sa pandinig ng iba, lalaki ako. Nagkamali at nagpadala sa tukso. Hindi ko itatanggi ang bagay na 'yon. Na minsan sa buhay ko ay nakagawa ako nang pagkakamali na nagresulta sa sanga-sangang problema.

Na nagresulta sa galit ni Mom sa akin. And even if I repeatedly asked forgiveness to her, it always end up with her being angrier at me. I thought it was a hopeless case. Me and my mom reconciling. But the impossibility became possible when Donovan woke up after being in coma for a year. What happened was like an answered prayer.

"Son," muling pagtawag niya.

Mariing napalunok ako at mabilis na naipasada ko ang kamay ko sa buhok ko upang payapain ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. It feels so damn good to hear that again. "Bliss was abducted," I said, making me feel the tension and fear again.

"What?!" halos magkakasabay na sabi nilang lahat.

"I don't know what happened yet. Pupuntahan ko muna si Isa."

Nang makita ko silang tumango ay mabilis na umalis na ako sa kwarto na 'yon. Sa kabila ng kaba at takot na nararamdaman ko ay sinikap kong maging maingat sa pagmamaneho. Mahigpit ang magkakahawak ko sa manibela habang binabaybay ang daan kung saan ko iniwan si Bliss kanina. Hindi ako puwedeng mapahamak lalo na ngayon na nasa kapahamakan siya.

Kanina pakiramdam ko ay napakabilis nang biyahe noong kasama ko siya sa parehong daan na tinatahak ko. Pero ngayon ay tila ang ilang minutong biyahe ay naging oras na ngayon. Kahit anong bilis ang pagpapatakbo ko ay tila mas lumalayo lang ang destinasyon ko.

Mas naging doble ang kaba sa puso ko nang sa wakas ay abot tanaw ko na ang lugar. May mga police mobile na nakakalat sa labas ng coffee shop. Ang mga police officer ay kani-kaniya ng pakikipag-usap sa mga tao sa loob. Si Isa ay kausap din nang isang officer. Ang takot na nakikita ko sa mukha niya ay mas nagpapadagdag lang sa kaba na nararamdaman ko.

Be safe, baby.

"Isa."

Mabilis na nag-angat siya ng tingin sa akin matapos ang mahinanag pagtawag ko na 'yon sa kaniya. "Devyn! Si Bliss," naiiyak na sabi niya. Pabuntong hininga ko siyang hinila para ikulong sa mga bisig ko para pakalmahin siya. "They took her."

"We will find her," I said convincing not just her but also myself.

Nawala ang atensyon ko kay Isa nang may lumapit sa amin na isang officer at nagsimula na magtanong ng kung anu-anong impormasyon na sa tingin nila ay puwedeng makatulong sa imbestigasyon. That's when it hit me.

The fear in Bliss' eyes when she saw the woman on the car that night, how she trembled in fear. Hindi ko nakita kung sino ang babae na iyon na kinakataktan niya dahil natatakpan siya ni Bliss nang gabi na iyon. Pero ang takot na nakita ko sa kaniya ang siyang hindi ko malimutan. Kung puwede lang na tumakbo siya nang mga oras na iyon ay paniguradong ginawa na niya, ngunit mas nangibabaw ang takot niya, pinipigilan siya sa anumang pagkilos.

"There was a woman," wala sa sariling sabi ko na nagpatigil sa tangkakang pag-alis ng pulis.

"Sinong babae, Sir?" masugid na tanong ng pulis na para bang 'yon ang sagot sa problema nila.

"I don't know her name. Pero malaki ang posibilidad na siya nga ang may gawa nito."

"It's Ruby!" Isa shouted. Mabilis na nilingon namin siya ng mga pulis. Kumawala siya sa mga bisig ko at tumingin sa mga pulis na punong pag-asa na sana ay mahanap na si Bliss. "It was Ruby, the one who bullied her when she was in high school."

"Check the cctv of the place. Check for the plate number of the car who took the victim." utos ng isa na sa tingin ko ay ang lider ng grupo. "Guerrero, check for the background of this Ruby."

Naging mabilis ang pagkilos ng mga pulis. Ang iba ay bumalik sa mobile nila habang ang iba naman ay pumasok sa establesimiento upang marahil ay tingnan ang cctv footage ng lugar katulad na lang din ng utos ng pinakalider nila.

Ang iba naman ay naiwan sa labas at kani-kaniya nang pasok sa mga police mobile nila habang naghihintay ng utos para sa mga susunod nilang hakbang. Hindi sapat ang kaaalaman na nagkaroon na kami ng lead sa kung sino ang may pakana. Hindi ko pa rin mahanap ang kapayapaan sa akin lalo na at alam kong nasa kapahamakan ang buhay ng babaeng mahal ko. The more time that will last, the more that Bliss would be in danger. We need to move fast.

Sa nanginginig na kamay ay kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko at mabilis na tinawagan ang Mom ni Bliss. Hindi pa man umaabot sa apat na ring ay narinig ko na ang pagsagot niya sa kabilang linya.

"Tita."

"What is it, Devyn? May problema ba?" tanong niya nang walang bakas ng kahit anong maihahalintulad sa nararamdaman ko ngayon.

"Tita, someone took Bliss Audrey," walang babalang sabi ko.

Marahas na naisuklay ko sa buhok ko ang kamay ko nang ilang ulit upang magawang pakalmahin ang sarili. Mas lalo lang dumoble ang kaba at takot sa dibdib ko dahil sa histerya na naririnig ko mula kay Tita. Nagpatong-patong na ang takot at guilt sa puso ko. Mas lalo lang lumalala sa bawat segundong alam kong hawak si Bliss ng masasamang tao.

I badly wanted to punch myself right at this moment. Dapat hindi ko na siya hinayaan na mag-isa. Dapat nagpumilit ako na maihatid siya hanggang sa masiguro ko ang kaligtasan niya. I should've done a proper job protecting her as her boyfriend but what did I do? I left her! I failed her.

Puro kamalian na lang ba ang kaya kong gawin sa buhay ko? Wala na ba akong magagawang tama?

"Where's my daughter, Devyn?!"

I feel like someone is choking me hard when I heard Tita Vanessa's voice broke. Hindi ko man nakikita, alam ko na nagwawala na siya ngayon sa takot para sa kalagayan ng anak. Hindi maikukumpara ang takot na nararamdaman ko sa nararamdaman nila.

"Let's go, Vanessa," kalmadong utos ni tito sa asawa. "Send us the location, son. We'll be there."

"Yes, tito."

Agad ba sinend ko sa kanila ang kasalukuyang kinaroroonan namin matapos maputol ang linya. Sinunod kong tinawagan ang pamilya ni Kervin upang maipalaam sa kanila ang nangyayari. Alam kong hindi ito ang tamang oras para maalaman niya lalo na at may sarili rin siyang problema. Pero alam ko na karapatan niya rin iyon bilang kaibigan at kapamilya ni Bliss Audrey.

Hindi ko alam kung mapapatawad ko ba ang sarili ko sa oras na may mangyaring hindi maganda sa kaniya. Hindi ko alam kung sa oras na makaharap ko ba siya ay may karapatan pa ba akong manatili sa buhay niya gayong ilang beses ko na siyang binibigo. At bibiguin pa sa mga susunod na yugto ng buhay naming dalawa sa oras na malaman niya ang nagawa namin ni Isa noon.

Palagi akong pinangungunahan ng takot tuwing pumapasok sa isip ko ang mga posibleng reaksyon niya, pinupuno ako ng takot at pagsisisi. Takot na baka nang dahil sa pagkakamali na iyon ay mawala siya sa akin. Na baka sa pagkakataon na malaman niya ay hindi ko na siya magawang bawiin. Na baka hindi ko na maisalba ang relayon namin.

At pagsisisi. Dahil nagpadala ako. Dahil hinayaan ko na diktahan ako ng init ng katawan at nakalimot sa mga bagay na siyang dapat ay alam ko. Napalamon ako sa kmunduhan na hindi ko na inisip na masasaktan ang kapatid ko. Pagsisisi na nagpakagago ako.

Hindi ko alam kung mgagawa ko pa ba na kumbinsihin si Bliss Audrey na manatili sa buhay ko sa pangalawang pakakataon gayong alam ko na may taong mas kaya siyang bigyan ng importansya at mas alam ang halaga niya. Alam ko na napakalaki kong hangal sa ginawa kong paggamit sa kaniya. Ilang beses na iyong naipamukha sa akin ni Kervin, maging ni Ken nang minsang komprontahin nila ako nang magkaiba ang araw.

Alam kong hindi ako karapat-dapat para sa kaniya, kay Bliss, pero hindi ko siya kayang pakawalan. She saved me, not just me, but also my sanity, my life, and my whole being. I was on the verge of giving up. That day that I met her was the day that I planned for me to end my life.

I already have a place, and things that I will be using to end my life. I was just waiting for thw sunset but she was like a light to filled thw darkness in me. She was given to me, she was like an angel who was sent from the heaven to save me.

And I failed to see that the first time. I failed to value that moment when I first laid her my eyes. But gradually, I fell deeply in love with her. At natagpuan ko na lang ang sarili ko sa isang buhay na kasama siya. At isang buhay sa hinaharap na kasama siya hanggang sa pagtanda.

"We got the location!" Nagising ako sa malalim na pag-iisip nang mangibabaw ang tinig na iyon ng pulis. Napatayo ako ng tuwid kasabay nang mabilis na kilos nila palapit sa direksyon namin ni Isa. "It's near the Golden Palace."

"I'll come with you, sir," magalang na sabi ko, puno ng determinasyon na may magawa para masagip ang babaeng buhay ko.

Mukhang nakita naman iyon ng pulis kaya marahan siyang tumango bilang sagot. "You will follow our command, Sir. We don't want to have any casualty in this operation."

Magalang na tumango ako at binalingan si Isa. "Go to the hospital, alright?" Dumaan ang takot sa mga mata niya. "It will be fine. Kuya's there, no need to worry."

"Okay," takot pa ring sagot niya.

"Also tell Tita Vanessa and Tito Brandon to just go to their house. Bliss' location is close, tell them."

Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya tumango na lamang siya ulit bilang sagot. Isa-isa na kaming nagsisakayan sa mga sari-sariling sasakyan. Sa pangunguna ng police mobile na lulan ang pinakalider ng grupo ay binagtas namin ang daan patungo sa Golden Palace, ang high-end subdivision kung saan kami residente nila Bliss Audrey.

Hold on tight, baby. And please be safe. I will still see you from the end of the altar.

BLISS AUDREY

Devyn used me. Devyn almost had sex with my friend. I have caused Ken's pain. And now, my nightmare is slowly resurfacing with my hunter wanting to kill me.

Another painful slap and I think that both of my cheeks would be numb. Hindi ko na kailangan pa na magsalamin para malaman na namumula at namamaga na ang dalawang pisngi ko. Ngunit sa kabila no'n, sa kabila ng pisikal na sakit na kanina ko pa natatanggap mula sa kaniya ay hindi tumigil sa pagkilos ang mga kamay ko upang makawala sa maghigpit na lang pagkakagapos na ginawa niya at ng mga kasamahan niya.

Hindi na ako nagulat kanina nang tanggalin nila ang piring ko at sila ang mabungaran ko. Ano pa nga bang bago kung hindi lang naman ito ang unang beses na ginawa nila ang bagay na ito. Ang pahirapan ako sa pisikal na paraan. At ang mas saktan sa bawat salita na binibitawan nila.

Ang malaking pagkakaiba lang sa noon at ngayon na nauwi kami sa ganitong tagpo ay hindi tulad noon na hinihiling ko na lang na mamatay. Ngayon ay may dahilan na ako upang mas gustuhin ang mabuhay pa.

I am not just talking about him. I am talking about my family. Gusto kong bumawi sa lahat ng mga pagkakataon na hindi ko napahalagahan ang pagmamahal nila. Gusto kong ipakita sa kanila ang pasasalamat ko sa pananatili nila sa buhay ko sa kabila ng paulit-ulit kong pagkulong sa sarili ko at pagtulak sa kanila palayo.

And I also want to live a life free from thinking about other people's judgements and criticism. Ngayon pa lang ako nagsisimula na mamuhay nang malaya. Hindi ko pa tuluyang naaramdaman na mabuhay na puno ng kumpiyansa. Kaya hindi ko hahayaan na wakasan na lang nila ang buhay ko sa ganitong paraan.

Nakaramdam ako ng kaunting kaginhawaan nang maramdaman ang bahagyang pagluwag ng tali sa mga kamay ko. Konti na lang, Bliss. Kaya mo 'yan.

"Hindi ko lang talaga maintindihan kung anong mayroon sa'yo na wala sa akin?" Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Isang tingin na punung-puno ng sarkasmo at panunuya. "Normal akong ipinanganak. Malayo ka sa pagiging normal, sa madaling sabi, abnormal ka," nandidiring dugtong niya matapos ay dinuraan ako sa mukha. "Hindi ko talaga mahanapan ng dahilan kung bakit mas nagawa ka niyang piliin kaysa sa akin?"

Ang malapot na laway niyang tumama sa mukha ko ay hindi ko na nagawang pansinin at pandirihan dahil naunahan na ako ng kalituhan sa mga sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"

Pilit na hinalukay ko sa isip ko ang mga pagkakataong nagkalapit kaming dalawa na puwedeng makapagturo sa akin ng mga tao na may koneksyon sa akin at kaniya. Pero wala akong matandaan maski isa. Ang tanging ala-ala lang na mayroon ako na kasama siya ay ang mga pagkakataon na sinasaktan niya ako sa pisikal at berbal na paraan.

Ngumisi siya sa akin. Ngunit kahit na anong pagpapanggap pa ang gawin niya ay hindi niya nagawang itago sa akin ang lungkot at hinanakit na nararamdaman niya. "Kapag ba pinatay kita, may posibilidad na kilalanin niya ako? Na makita niya ako?"

Mariing kinagat ko ang labi ko sa pagpipigil na humiyaw nang buhusan niya ng alcohol ang puno ng hiwa kong mga braso. Ngunit hindi pa siya roon nakuntento. Muli niya kinuha ang latigo at malakas na hinataw iyon sa harap ng katawan ko.

Nilunok ko ang lahat ng sigaw na gustong kumawala sa akin sa hapdi at sakit na lumapat sa katawan ko nang masugat na naman niya ang mga braso at pisngi ko. Ang damit kong kanina ay maayos pa ay gula-gulanit na. Ang hita ko ngayon ay lantad na matapos nilang punitin ang bestida na suot ko.

"Killing you would be a piece of cake. Kahit pa makulong ako, okay lang. Basta masiguro ko lang na hindi ka na humihinga."

Nanghihilakbot na tiningnan ko siya kasabay ng pagdagundong ng dibdib ko sa kaba nang makitang muli ang bagay na siyang ginamit niya noon upang markahan ako nang naaayon sa kagustuhan niya. Scalpel. Isang bagay na dapat ay ginagamit upang magligtas ng buhay ngunit ginagamit niya upang magresulta sa isang wakas.

Parang baliw na humalahak siya nang makita ang naging reaksyon ko. Ang ngisi ay hindi nawala bagkos ay mas lalo lang dumidilim sa bawat hakbang na ginagawa niya palapit sa akin. Nakakatakot. Nakaksubos ng lakas ngunit hindi ko makuha ang pagsuko na dati ay madali ko lang naman nahahanap sa puso ko.

Sa kabila ng matinding takot na nararamdaman at panginginig ng kamay ay ipinagpatuloy ko ang pagkalas sa lubid. Hindi alintana ang posible niyang gawin.

"Papatayin na lang kita." Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon sa sariling naisip. "Tama. Tama! Kapag namatay ka, ako na ang papalit sa puwesto mo. Makakapasok na ako sa buhay niya na hindi ko nagawa noon dahil sa presensya mo!"

Mas nag-umigting ang galit sa mga mata niya. Mas nagliyab sa kagustuhan na wakasan ang buhay ko. At mas bumakas ang gutom sa kagustuhan na saktan pang muli ako. Pinigil ko ang sumigaw nang tuluyan niyang hiwain ang bahagi ng lantad kong hita gamit ang maliit ngunit mapanganib na bagay na iyon.

Mabilis na kumalat ang dugo ko na animo gripo sa tuluy-tuloy na pag-agos no'n. Ang isang dangkal na hiwa na ginawa niya ay tila hindi pa sapat nang mas pahabain niya pa 'yon kasabay nang mas malalim na pagkakabaon ng matalim na bagay na 'yon sa laman ko.

Ngunit nalipat man sa kaniya ang dugo ko at kumalat man 'yon at dungisan ang sahig na semento, hindi pa rin siya nakunento. "Scream! I want you to scream! You should beg for your life like you used to!"

Mabilis na umalpas ang pinipigil na daing sa bibig ko nang imbes na mabagal na paghiwa ang gawin niya na siyang inaasahan ko, ay nauwi sa mabilis at marahas na pagtarak ng ilang ulit sa hita ko ang bagay na 'yon. Paulit-ilit na sumusugat na nagreresulta sa lawa ng dugo na ngayon ay pumupuno sa sa kinauupuan ko.

Umawang ang mga labi ko upang sumigaw sa sakit. Upang magmakaawa para sa sariling buhay. Upang humingi ng tulong. Pero tanging mahihinang daing lang ang namutawi roon. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat pagtarak na ginagawa niya. Ramdam ko ang malamig at matulis na bagay na iyon na humihiwa sa laman ko. At ramdam na ramdam ko na rin ang panghihina at unti-unting pagkaubos ng lakas kom

"Beg for your life! Beg! Beg! Beg!" histerya niya na tila nawala na sa katinuan.

Wala akong ibang nagawa kundi ang panoorin ang nagtatalsikan kong dugo na kung saan-saan na dumadapo sa bawat marahas ba pagsaksak na ginagawa niya sa magkabilang hita ko. Na unti-unti nang umaakyat patungo sa tiyan ko. Salit-salit. Marahas at puno ng hinanakit at galit. Sa kung para kanino ay hindi ko alam.

Ang luhang kanina ay napipigilan ko pa ay tuluyan nang kumawala nang sa wakas ay mapagod siya at huminto sa ginagawa. Napapagod napasalampak siya sa sahig at sa pagkagulat ko ay nagsimula na siyang humagulgol na parang bata.

Ang mga sugat na ginawa niya ay hindi ko na maramdaman dahil sa tuluyang pagkamanhid ng dalawa kong hita at buong katawan. Hindi ko alam kung sa oras ba na makahanap ako ng tiyempo ay magagawa ko pang makatakas at iligtas ang buhay ko. Hindi ko alam kung magagawa ko pa bang makalakad gayong para ng bukal ang pag-agos ng dugo sa dalawang hita ko.

Ngunit sa kabila ng pagsuko na unti-unting lumalamon sa pagkatao ko ay pilit na nagmatapang ako sa kabilang ng kirot na unti-unting humihigop sa natitira kong lakas. Gamit ang nanghihinang kamay ay muli kong ipinagpatuloy ang pagkalas sa lubid.

You need to live, Bliss Audrey.

"Bakit ba hindi ko magawang makapasok sa buhay niya? Dapat ko na bang hilingin na ipanganak na katulad mo?" Hilam ang parehong mata sa luha na nag-angat siya ng tingin sa akin. "Just die, will you? You don't even have a place in this world. You're just an unknown specie. You don't deserve to live. So, die, huh? Make it easy for me. Kill yourself."

Natigilan ako sa sinabi niya. Does she really look at my condition that worse? Like I don't even deserve to breathe the same air she breathes? "Does my condition invalidate my right for life? Huh, Ruby?" may pait sa boses na tanong ko. "Would everything be better if I die? Would it make a difference? Would my disappearance make you finally happy?" pabulong na tanong ko.

"YES!" mabilis na sagot niya, punung-puno nang pagsang-ayon. I would be the new apple of the eye! I would have the attention that I never got because of your existence!" sagot niya sa ngayon ay mas masigla ng boses. Na para bang nabuhayan siya ng pag-asa sa sinabi ko na iyon.

"You are wrong," mahinang sabi ko.

Napahugot ako ng malalim na hininga. Hindi dahil sa muling pagtalim ng tingin na ipinupukol niya sa akin kundi dahil sa wakas ay tuluyan ko nang natanggal ang pagkakatali ng lubid sa mga kamay ko. Kung paano ko nagawa ay hindi ko na alam. I just know that I need to survive. I want to survive.

"Hindi ako ikaw. At kahit pagbali-baliktarin natin ang mundo, hinding-hindi ka magiging ako," sabi ko na umani ng nagbabaga niyang tingin.

"And I loathe you for that!" muling sigaw niya. "Anak din naman ako! Sa kaniya rin naman ako nanggaling. Dugo at laman niya ako pero bakit hindi niya ako magawang matanggap katulad ng pantanggap niya sa kundisyon mo?!"

Natigilan ako sa anumang ginagawang pagkilos. Ang kaninang hind ko maintindihan na pahayag niya at ang galit niya para sa akin na binalot siya sa loob ng mahabang panahon ay unti-unting nagbibigyan ng linaw. Pero tutol ang isip ko na paniwalaan.

Umawang ang labi ko sa hindi pagkapaniwala sa narinig. "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.

"Anak niya ako, katulad mo," malungkot na sabi niya kasabay nang pagtulo ng luha sa mga mata. "Pero bakit hindi niya ako kinilala kahit na normal naman ako? Tapos ikaw na ganiyan ay natangap naman niya."

"Anong ibig mong sabihin, Ruby?!" galit na tanong ko, nag-aasam na mabigyang linaw ang mga kaguluhan sa isip ko.

"Anak niya ako. Dinala niya rin ako ng siyam na buwan sa sinapupunan niya. Pero nagawa niya akong abandonahin na parang hindi ako part ng pagkatao niya."

Marahas na umiling ako bilang pagtutol sa narinig. "No, hindi 'yan totoo. Nagsisinungaling ka lang! Why would my mom. She can't... My mom..."

Sarkastiko siyang tumawa habang nanunuyang nakatingin sa akin, animo naaawa sa kalagayan ko dahil sa mga katotohanang isiniwalat niya. "Your mom isn't perfect like how you see her. She isn't a pure soul. Panlabas na ganda lang ay mayroon siya pero sa kaloob-looban niya marami siyang itinatago. Anong pakiramdam na pinaglihiman ka? Anong pakiramdam na ang akala mong perpektong pamilya ay hindi naman pala?"

Hindi ko siya nagawang sagutin. Maski ang makapag-isip ay hindi ko nagawa dahil ang tanging nasa laman lang ng isip ko ay ang katotohanang kapatid ko si Ruby at itinago 'yon ni Mom sa akin. She is my sister, the person who made me experienced hell is actually my family.

Ang katahimikang bumabalot sa amin ay nawakasan ng malakas na tunog ng sirena ng mga pulis. Binalingan ko si Ruby ngunit wala ng pokus ang mga mata niya at nakatanaw na lang sa kawalan. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang maitulak siya palayo na nagsanhi upang mapahiga siya sa sahig.

Hindi siya gumawa ng kahit na anong kilos bagkus ay nanatiling nakahiga at nakatitig aa kisame. Wala na ang galit sa mga mata niya. Wala na ang pag-aasam na kumitil ng buhay. Wala na ang paghihiganti. Ang naroon na lamang ay ang pagsuko. Hindi sa laban na kaniyang sinimulan, kundi pagsuko para sa sariling buhay.

Sa kabila ng sakit na idinulot niya sa akin at sa kabila ng mga katotohanan na isiniwalat niya ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng pagkahabag para sa kaniya. Pinanood ko kung paano patuloy na dumaloy sa pisngi niya ang luha na sumisimbolo sa mga hiling na kailanman ay hindi niya nakuha.

"Sana ako na lang ikaw. Siguro sa gano'n ay naranasan kong mabuhay nang may ina na mag-aalaga sa akin. Na may ina na gagabay. At may ina na magmamahal sa akin ng higit pa sa buhay ko. Sana ako na lang ang nasa katayuan mo."

Naramdaman ko ang pagtulo ng sarili kong mga luha sa naririnig na panghihinayang at pag-aasam sa boses niya. Naiintindihan ko siya sa paraan na alam ko. Dahil minsan sa buhay ko ay humingi rin ako ng pagtanggap mula sa mga tao. Na minsan ko na ring hiniling na sana ay ipinanganak na lang ako sa katauhan ng iba dahil baka sakaling matanggap ako ng madla.

Pero hindi ko tuluyang maiintindihan ang sakit na siya ang nakararamdam. Dahil ang sakit na nararamdaman niya ay sumusugat din sa puso ko. Dahil hindi ko akalain na may ganoong katotohanang nakatago sa perpeksyon na nakikita ko sa ina ko.

Pikit mata na pinilit ko ang sarili ko na makatayo, pilit na iniignora ang awa para sa kaniya. Hindi madali. At mas lalong hindi lang sakit ang nararamdaman ko pagkatayo ko pa lang. Gusto ko na lang umupo muli dahil sa bawat hakbang na ginagawa ko ay mas nag-uumigting lang ang sakit at hapdi na nararamdaman ko sa magkabila kong hita maging sa sikmura ko.

Pero mas pinili ko ang lumaban. Na lunukin ang bawat hiyaw na gustong kumawala sa bawat hapdi na sumisigid sa bawat hakbang na aking ginagawa. At paunti-unti, nakakalayo ako sa lugar na isa na namang bangungot ang dala. Lugar na puno na naman ng masakit na ala-ala.

Malakas na buhos ng ulan ang sumalubong sa akin matapos mabuksan ang pinto ng lumang bahay na dati naming tinitirhan. Lugar kung saan nabuo ang pamilya namin na puno ng hagikhikan at pagmamahalan.

Ang lugar na siyang saksi sa pagmamahal na bumabalot sa pamilya namin noon. Ang bahay kung saan nabuo ang mga pangarap namin ng mga magulang ko. Ang tahangang dulot ay masalimuot na ngayon. Ang lugar kung saan tinapos ni Ruby ang paghihinagpis niya. Kung saan pinakawalan niya ang mga hinaing niya. Kung saan sa pangalawang pagkakataon sa gabi na 'to ay muli akong nasaktan.

Ang lugar kung saan... unti-unti akong nauubusan ng tapang na lumaban.

"Bliss! Baby are you there?" rinig kong mahina ngunit may riin na sigaw niya.

Unti-unting tumulo ang luha ko kasabay nang pagkabasa ng buong katawan ko nang tuluyan na akong sumuong sa malakas na ulan. Kung bakit ako lumabas sa kabila nang kaalaman na may tulong na na dumating ay hindi ko na rin alam. Siguro, dahil ayaw kong maniwala sa narinig. Siguro, dahil hindi ko gusto na pakinggan ang mga puwede niya pang sabihin. At siguro, dahil umaasa ako na kapag nilisan ko ang lugar na iyon ay mawawala na rin na parang bula sa isip ko ang mga nalaman ko.

Mahinang napatawa ako sa isang reyalisasyon. Pakiramandam ko ay naulit ang tagpo noon na umuuwi akong balot ng iba't ibang pintura sa katawan. Pakiramdam ko ay nakikita ko ang batang iyon na bersyon ko kung saan ang tangi ko lang problema ay kung paano aalisin ang pintura na ibinato nila.

Ngayon, sa parehong tagpo kung saan balot ako ng kulay hindi pintura kundi dugo, hindi ko maiwasan isipin na ang laki ng pinagkaiba ko sa batang iyon. Ngayon ay mas malalim na ang sugat. Mas marami nang magiging peklat. At mas malalim na ang pagkakabaon sa puso at isip ko ng nga nalaman ko sa iisang gabi lang. Ang nangyari sa pagitan nila Devyn at Isa. Ang sakit sa katotohanan sa likod ng galit ni Ruby sa akin na matagal na niyang dinadala.

Kaya ko pa ba? Bakit parang mas madali na sumuko na lang? Parang... ang hirap na.

Sa isang iglap na kasing bilis ng kisapmata na nawala ang kaninag tapang at laban na pinanghahawakan ko. Ang pisikal na sugat ay dumadagdag sa bigat na nararamdaman ko. Alam ko na sa mga oras na ito ay ligtas na ako mula sa kapahamakan.

Alam ko na sa mga oras na ito ay may tulong na naghihintay para sa akin. Alam ko na sa wakas ay tapos na.

Ang mainit na likidong dumadaloy mula sa hita at sikmura ko ay tinatangay ng ulan ngunit kasabay no'n ay unti-unti ko nang pagbitaw sa lubid na hinahawakan ko upang manatiling ilaban ang buhay. Tapos na.

"Bliss!"

Tumagos ang tingin ko sa kaniya bagaman maayos ko siyang nakikita. Nararamdaman ko ang bawat paghaplos niya sa balat ko ngunit hindi ko siya matingnan bagkos ay puro kadiliman na lang ang bumabalot sa mga mata ko.

Sa pinaghalo-halong pagod sa pisikal at emosyonal na aspeto ay tuluyan ko ng hinayaan ang sarili ko na manghina sa bisig ng taong mahal ko. Umaasa na sa kaniya ay makakuha akong muli ng dahilan para lumaban. Na muli kong piliin ang mabuhay.

Ang hirap...

"Baby, look at me. Please, Bliss. I need you here! Snap out of it!" Ramdam ko ang mahinang pagtapik niya sa pisngi ko na parang ginigising ako mula sa isang gising na bangungot. "Come on, love. Don't do this to me. Papakasal pa tayo. Nakaplano na ang proposal ko sa'yo. Oo mo na lang ang kulang. Huwag naman ganito."

Naririnig ko siya. Naririnig ko pero hindi ko magawang iproseso sa utak ko. Masyadong malayo sa pandinig ko ang boses niya. Napakahirap abutin.

Hindi ko na ata kaya...

"Bliss Audrey, baby. Wake up for me, please," pakiusap niya. "Mahal na mahal kita. Paano na ang proposal ko? Paano na ako? Mahal na mahal kita. Huwag kang bibitaw pakiusap. Nangako ka diba?" Narinig ko ang pagkabasag ng boses niya. "Nangako ka na hindi mo ako iiwan. Nangako ka, eh. 'Wag naman ganito..."

Save me...

"S-s-save m-m-m-e-e..." hirap at puno ng pakiusap na bulong ko. Humihingi nang pagsaklolo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top