38: Forward

CHAPTER THIRTY-EIGHT
Forward


"Are you at home, Kervin?" pigil ang hikbi na tanong ko matapos niyang sagutin ang tawag ko.

"Are you crying?" nag-aalalang tanong niya. "Where are you?"

Inilinga ko ang ulo para hagilapin ang puwede maging palatandaan kung nasaan ako. I ran away from Devyn who was rooted at the last place where I left him. Hindi na ako nag-abala na lingunin siya o ang alamin kung okay lang ba siya dahil mas lamang ang sakit na nararamdaman ko kaysa ang alalahanin siya. I just walked and walked until I don't know where I am anymore.

"I'm near Parson's hotel. Sa may convenience store. Puwede mo ba akong sunduin?" Nagsimula akong maglakad ulit habang ang bakanteng kamay ay walang humpay sa pagpunas ng masaganang luhang pumapatak mula sa mga mata ko.

Nakarinig ako ng pagkilos mula sa kabilang linya. Ang pagbukas ng pinto na nasundan ng mahinang tunog ng mga yabag hanggang sa unti-unting lumakas 'yon sa pandinig ko.

"Is that Bliss?" Mas naging sunud-sunod ang pagpatak ng mga luha ko nang marinig ang nag-aalalang tinig ni Ken na siya palang dumating.

"I need to fetch her, Kuya. Ikaw na muna ang bahala sa anak ko," tarantang sabi ni Kervin na mabilis na tinutulan ng bagong dating.

"Location?" Ken asked and my best friend immediately gave him the location I gave him earlier. "Stay here with your son. Ako na ang bahala."

"No, no Kervin!" mabilis na pagtutol ko sa kabila ng mga naririnig kong paghakbang sa kabilang linya, hakbang na nagmamadali at papalayo. "Ako na lang mag-isa ang uuwi. Tell your brother that I'm fine. Stop him, Kervin, please," naiiyak na pakiusap ko.

Kervin sighed. "Too late, Bliss. He's on his way."

Matunog akong napahikbi kasabay ng walang patid na pagtulo ng mga luha ko dahil sa panibagong bugso ng mga emosyon. "God, I'll hurt him more, Kevin. He'll be hurt more," sabi ko sa pagitan ng paghikbi.

"I know, Bliss. But you know how much my brother cares for you. And nothing can stop him from doing things that concerns you. Not me, and definitely not you." Bumuntong hininga siya ulit ngunit sa pagkakataon na ito ay payapa na hindi kanina na kababakasan ng pag-aalala. "Tell me what happened tomorrow. I'll go to your house. For now, go to that convenience store and wait for my brother," maawtoridad na utos niya. "And please, hush now, Babe."

Tumango-tango ako kahit na malabong makita niya 'yon. Ibinaba ko ang linya kasabay nang paghakbang ko patungo sa establesimiento kung saan ako susundin ng taong hindi malabong masaktan ko ngayong gabi.

Sa pagpasok ng imahe ni Ken sa isip ko ay sinikap kong burahin ang bakas ng luha mula sa mukha ko na hindi madaling gawin dahil hindi maampat ang pagpatak no'n. Mabuti na lang at waterproof ang makeup na ginamit sa akin kaya hindi magkakalat sa mukha ko at hindi ako magmumukhang nakakatakot.

I can't let Ken see me at this state for I know that it'll hurt him more. He gave up. He gave me up to a man who just hurted me a few minutes ago. At ayaw kong makita si Ken na mahirapan dahil lang sa maging ganito abg kinalabasan ng kuwento namin ni Devyn na nagsisimula pa lang pero nagbabadya na ang katapusan.

Nang makarating sa lugar ay pinili kong maupo sa isa sa mga upuang nakakalat sa labas. At doon, muling nanumbalik sa akin ang mga nangyari kanina. Pinuno ng mga pangyayari ang isip ko ng maraming katanungan. Kung bakit, paano, kung paano humantong sa ganito. Hindi ko alam kung magagawa ko bang bigyan ng linaw ang lahat ng 'yon gayon isang tao lang ang alam kong may kakayahan na sagutin ang mga 'yon.

Hindi ko maiwasan na maisip na ito ang dahilan kung bakit tila problemado si Devyn noong mha nakalipas na araw. Pero may kung anong nagsasabi sa akin na may las higit pa rito sa mga bagay na nalaman ko. Pero wala na akong makapa sa puso ko ngayon na kagustuhang alamin ang mga bagay na 'yon.

I've already had too much for one night. Pagod na akong mag-isip. Sawa na akong umiyak. Pero hindi pa napapagod ang puso ko na masaktan.
Kumalat ang liwanag sa pigid nang unti-unting lumapit ang isang itim na sasakyang nasisiguro kong pag-aari ni Ken.

Imbes na tumayo at salubungin siya ay nanatili ako sa kinauupuan ko at hinintay na lang siya na lapitan ako. I remained silent and waited for him. Inaasahan ko na na magtatanong siya at mag-uusisa paro nang magsalita siya ay hindi ko na napigilan ang mapangiti sa kabilang pait na ipinaranas sa akin ngayong gabi.

"Donut?" tanong niya.

"Choco butternut will do."

He smiled faintly at me. "In a minute."

The moment that he turned his back on me was the exact same moment thaty tears escaped my eyes once again. Hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko sa sakit na nakita kong dumaan sa mga mata ni Ken habnag kaharap ako na pilit niyang pinagtatakpan gamit ang mga ngiti niya.
Pinamasdan ko siya hanggang sa makapasok siya sa loob.

At nang masiguro kong okupado na ang atensyon niya ay unti-unti akong tumayo at tahimik na umalis sa lugar na 'yon. Him being with me while me hurting for another man isn't just right. It will hurt him. And I don't want to inflict more pain in him. I don't want to be the cause of his sufferings.

Pero malupit ang tadhana sa akin sa gabing ito dahil nang makalayo ng ilang metro mula sa pinanggalingan ko ay tumambad sa akin ang lalaking ginamit ako. Ang kaninang pagod at takot na nakita ko sa kaniya nang mabungaran ko siya aya agad napalitan nang kaginhawaan nang rumehistro sa kaniyang ako ang kaharap niya.

"Thank God you're safe," nahahapong pahayag niya habang ang dalawang kamay ay nakatukod sa magkabilang tuhod bilang suporta sa pagod niyang katawan.

Malalim ang bawat paghinga niya at tagaktak ang pawis sa noo at buong katawan niya. Basa na rin ang suot niyang polo at bitbit na lang ang amerikanang kanina ay suot niya.

"Anong ginagawa mo rito?" walang emosyong tanong ko.

Totoo pala talaga na kapag nasaktan ka, mawawala ang lahat ng rasyonale mo at ang mangingibabaw na lang sa'yo ay ang sakit na idinulot ng taong pinagkatiwalaan at minahal mo.

I never thought that I'll be capable of using this kind of tone, a voice void of any emotion. I have never imagined myself acting like this. But love can make you do things that you have never imagined. Thing that you thought is impossible but in just a matter of second you're actually doing unimaginable things.

Just like how Devyn made me step out of my shell. Just like how he taught me to believe in myself. And just like how he taught me how to coat myself with the cold for me to be unable to feel anything.

"I ran after you. I was worried something might happen," hingal pa ring sagot niya. "Please, let's talk. Let me explain. Please."

He tried to reach for my hand but I was quick to take a step back. "Tell me that it wasn't your intention. Sabihin mo sa akin na nilapitan mo ako dahil gusto ko akong kilalanin at hindi para gamitin." Sarkastiko akong napangiti nang mabilis na naging mailap ang mga mata niya. "I dare you to prove me wrong. Then I might be able to give you the talk you wanted."

Imbes na magsalita at magpaliwanag ay nanatiling tikom ang bibig niya. At sa bawat segundong lumilipas na binabalot kami ng katahimikan ay siya ring unti-unting pagkatunaw ng yelong bumabalot sa puso ko na nagbigay daan upang muling sumigid ang sakit sa puso ko.

Malakas at masakit ang bawat pagpintig no'n na umaabot na sa puntong sumasakit na ang dibdib ko. Pero hindi tulad noon na dahil sa galak ngayon ay dahil na sa sakit na idinulot ng ginawa niya. Sino ba naman ang gustong gamitin ka? Ang gamitin ang kondisyon mong buong buhay mong kinagalitan para lang sa personal na dahilan.

I've been hating myself being an albino and I hated the fact that I was born with this condition. I was deprived of living a normal life and I experienced the cruelty of life. And here I am making a fool out of myself when I thought that someone would accept and love me for who I am. Ang laki kong hangal na naniwala ako pero eto ang sampal na kapalit no'n. Ginamit ako.

I can't help it but to hate my condition more that it caused me so much pain right now. I can't stop myself from blaming this goddamn condition that never failed to give so much pain in my heart. Mas masakit lang ngayon dahil galing pa sa pinagkakatiwalaan kong tao ang sakit. Mas doble ang sakit ngayon dahil umasa akong iba siya sa mga taong nanakit sa akin noon.

They way that they hurt me might be in different way they hurted me would never leave my memory. It hurts to feel like he lifted you up to the highest only to be dropped like an unworthy trash when he let go of his hold on you.

"You know that I love you, right? Right, baby?" umaasang tanong niya habang paunti-unting tinatawid ang pagitan naming dalawa.

"If you'll ask me the same question hours ago I'll probably say yes. Pero ngayon na ganito? Ano sa tingin mo ang isasagot ko?"

Lumaylay ang balikat niya kasabay nang unti-unting pagbaliktot ng tuhod niya hanggang sa naging isa 'yon sa lupa. Sa pangalawang pagkakataon sa gabi na 'to ay lumuhod siya sa harap ko, nagsusumamo. "Mahal kita, Bliss Audrey. Mahal na mahal kita. Ginawa ko lang naman 'yon dahil kailangan kong pumasa sa pagkakataon na 'to. Hindi ko sasabihin na hindi ko sinasadiya dahil gago ako at nilapitan kita mg may intensyon."

Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ng lalaking alam kong kasabay ko ring nasasaktan ngayon. Naramdaman ko ang kamay niyang lumapat sa likod ko.

"You're a shit, Devyn," galit na wika ni Ken. "But I know you enough to know that you'll work your ass off just to be forgiven." Napatingin ako sa kaniya at gano'n din siya sa akin. He smiled a me before returning his gaze to Devyn who's still kneeling in front of me. "Give this girl a break. It has been a long night for her."

"Let me talk to my woman, Kuya Ken. Please," pakiusap niya na hindi pinakinggan n huli.
"No, Devyn. Get your shit together and face her again once you're fine."

"I need to talk to her! Why do you even care?! Why are you even here?!" Napaatras ako sa galit na pagsigaw niya.

I was taken aback. This is the first time that he shouted. At hindi ko maikakailang naapektuhan ako sa ginawa niya. Ramdam ko ang pinipigil na galit. Tumatagos sa akin ang pagsusumamo. At nakikkta ko ang hirap sa luhaan niyang mga mata. Pero wala na akong lakas na pakinggan siya ngayon. Nagmistula akong mga butil ng buhangin sa isang talaorasan na unti-unti nang nauubos hanggang sa wala nang butil na natitira roon.

Pikit ang dalawang mata na tinalikuran ko siya at pumaloob sa bisig ni Ken na nakaabang sa akin. Narinig ko ang matunog niyang pagbuntonghininga bago ko kinabig papalapit sa kaniya.

"Bakit ako nandito?" Mahina siyang napatawa kasabay ng paghigpit ng pagkakapulupot ng isang braso niya sa baywang ko. "I am her to rescue the woman that I love whom you hurted for your selfish reason. I'm taking her. You go and fix yourself."

Narinig ko pa ang pagtutol ni Devyn na hindi ko na nagawang pansinin nang alalayan ako ni Ken para isakay sa sasakyan niya. And there and then, I left the man that I love.

"WHAT'S MY FAVORITE constellation?" tanong ko habang tanaw ang madilim na kalangitan na pinaliwanag ng mga bituin at ng buwan.

Ken drove me home, but didn't left immediately. Inaya niya akong mag-stargazing na matagal-tagal na rin simula noong huli naming ginawa. We both love thw night sky amd we enjoy stargazing. Nawala lang nitong huli dahil sa pag-alis niya at sa rami ng ginagawa naming dalawa.

Nakahiga kami sa hood ng sasakyan niya at parehong dinadama ang lamig ng paligid. Pinahiram niya rin ako ng jacket na siyanh ipinagpapasalamat ko dahil naibsan ang lamig nararamdaman ko dahil sa suot ko.

"Basic." Nakangising itinuro niya ang maliit na hugis tabong mga bituin. "Small deeper."

"Why?" nangingiting tanong ko.

"Dahil mahirap siyang hanapin kahit na madalas naman siyang nasa kalangitan lang. Pero sa tuwing nahahanap mo, sobrang tuwa mo kasi ang cute niyang tinitingnan," paliwanag niya na tamang-tama sa dahilan ko.

"You know me well, why can't I just love you?" Mapait na napangiti ako matapos ay tiningnan siya. "Why can't my heart choose you?"

Marahang kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop 'yon. Ilang minuto lang na nakapako ang paningin niya roon, tila mangha na magkalapat ang kamay namin. Maingat na dinala niya 'yon sa bibig niya at makailang ulit na hinalikan bago pinakawalan.

"My brother knows you best, why not him?" tanong niya pabalik.

"Because he's my best friend. He's my brother," mahinang sagot ko.

"And you see me as your brother, too, Bliss." Mabilis na nag-iwas ako ng tingin nang maramdaman ang pagkawala ng takas na luha mula sa mga mata ko. "You see, I wasn't born to be your leading man. I was destined to be a man who will love you from afar."

Ang isang segundong katahimikan ay nasundan nang nasundan hanggang sa hindi ko na nabilang kung ilang minuto na kaming binabalot ng katahimikan na dalawa. Tahimik na nakatingin lang ako sa kalangitan habang dinadama ang panandaliang kapayapaan.

Dahil alam ko na sa oras na mapag-isa ako ay muli na naman akong lalamunin ng mga tanong at walang katapusang sakit at lungkot.

"Bliss," pagtawag niya.

"Hmm?" walang lingong sagot ko.

"On a scale of one to ten, gaano kasakit ang ipinaranas niya?"

"What?" naguguluhang tanong ko.

"Rate it."

"I don't know. 8? 9?"

"On a scale of one to ten, gaano ka kasaya noong kasama mo siya?"

Natahimik ako, hindi dahil sa kawalan ng isasagot kundi dahil alam ko na agad ang sagot. Naiiling na binalingan ko si Ken nang matanto ang gusto niyang iparating sa nga simpleng tanong na ibinato niya.
Masuyo niya akong nginitian habang inaalis ang mga takas na buhok na tumatabing sa mukha ko.

Mataman niyang pinakatitigan ang bawat anggulo ng mukha ko na para bang ito ang unang pagkakataon na nagkalapit kami ng ganito.
Naroon sa mga mata niya ang paghanga at pagmamahal. Ngunit naroon din ang sakit at panghihinayang. Malungkot ko siyang nginitian na malugos niyang sinuklian ng totoong ngiti bagaman nahahaluan ng kaunting pait.

"Your answer is ten, right? Or higher than that." Hindi ako sumagot ngunit hindi rin ako naglakas loob na tumutol. Dahil alam kong tama siya at alam niya sa sarili niyang walang mali sa sinabi niya. "Grabe ang sakit, diba? Pero mas grabe 'yong saya." Natawa siya, isang totoong tawa. "That's how love works, Bliss. It will definitely hurt. Walang garantiya na kung ako man ang mahalin mo ay hindi ka na masasaktan. Love is bound to hurt you but it will also give you an unexplainable happiness.

"Gustuhin mo man na mahalin ako. Piliin mo man na magmahal ng ibang tao. Masasaktan ka at masasaktan dahil ganiyan maglaro ang pag-ibig. Sasaktan ka bago ibigay sa'yo ang totoong saya. The only thing that I sure about is, the happiness that you feel when you're with him cannot be replaced by another man. Because you love him truly."

Unti-unting nasusugat ang puso ko sa sakit sa bawat bigkas niya ng salita. He's convincing me to believe in my love for another man knowing that he's breaking his own heart. Hindi ko alam kung bakit kailangan maging ganito kakomplikado gayong hindi ko naman hiniling ang alinman sa nga 'to.

"Why me, Ken? Hindi ko naman hiniling na maging ganito. Hindi ko gusto na saktan ka. I am nothing but a flawed woman yet you loved me for who I am." Umiling-uling ako sa kawalan bago siya binalingan. "I don't deserve any of these. I don't deserve your love."

"You being an albino doesn't make you any less of a person." Puno ng suyo niyang hinaplos muli ang mukha ko habang matiim na nakatitig sa mga mata ko. "You're a masterpiece, Bliss Audrey Laure. Your existence is remarkable. And you deserve every good thing in this world."

Nag-ulap ang paningin ko sa mga luhang mabilis na pumuno roon at ilang sandali lang ay sunud-sunod na nagbagsakan 'yon at walang patid na tumulo. His words, his powerful words.

Napayakap ako sa kaniya ng mahigpit at sa dibdib niya ibinuhos ang halo-halong pakiramdam na lumukob sa akin sa gabi na 'to. Hindi ko alam kung bukas ay magiging maayos na ba ang lahat. Kung sa pagdilat ng nga mata ko para sakubungin ang bagong umaga ay wala na ang sakit.

Walang kasiguraduhan pero kaya ko nang harapin at labanan. A painful night shouldn't be a hindrance for me to face the beauty of tomorrow. Masakit ngayon, maaaring masakit pa rin bukas at sa mga susunod pang bukas, pero kakayanin ko. Kakayanin ko para sa sarili ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top