36: Things About Bliss

A/N: Kinakabahan ako for this chapter! Whatever's written here is based on my research and my understanding. Hindi ako expert pagdating sa ganito. I've exerted effort researching about Bliss' condition. It's not perfect at paniguradong kulang sa detalye. I did everything for this chapter. Even before I wrote the story I've been researching about this. Please be kind on me. Feel free to message me if you see some corrections. I would gladly edit it. <3

Ps. Please remember that this is just a work of FICTION. FICTION. :)

CHAPTER THIRTY-SIX
Things About Bliss

"Bliss Audrey."

Mabilis na napahiwalay ako sa kaniya nang mangibabaw ang pamilyar na tinig na iyon na nagmumula sa likuran ko. Ken let out a deep sigh before finally letting me go. Hindi niya tinapunan ng tingin ang taong 'yon bagkus ay mariing inilapat ang paningin sa akin.

"Good night, Bliss," he said before lowering his head to give my forehead a goodnight kiss.

Napapikit ako ng mga mata sa intensidad na nararamdaman ko sa boses niya. Isabay pa na hindi ako komportable sa nararamdaman kong selos ni Devyn na siyang nagsalita kanina. Napahawak ako sa laylayan ng t-shirt ni Ken sa pag-asang kakalma ang puso ko kahit papaano.

Hindi naman lignid sa kaalaman ko kung gaano kaseloso si Devyn. Kahit nga ang kaibigan niya na si Kervin ay nagagawa niyang pagselosan, si Ken pa kaya? Alam ko at nararamdaman ko na nagseselos siya. Pero hindi ko magawang itulak palayo si Ken dahil ayaw ko nang saktan siya. Dahil alam kong sa oras na gawin ko 'yon ay magagawa ko na naman siyang saktan.

"Can I have my girl now?" Devyn asked.

Itinaas ni Ken ang dalawang kamay niya tandan ng pagsuko. "Relax, man. I meant no harm," he said in surrender.

Devyn opened his one arm as if inviting me into it. Nakayukong nagtungo ako sa direksyon niya. Agad na ipinalibot niya sa baywang ko ang braso niya habang ang paningin ay nakapako pa rin kay Ken. Marahang inangat ko ang kamay ko upang marahang haplusin ang pisngi niya nang sa gayon ay mababaling sa akin ang paningin niya.

"It's nothing," wika ko sa masuyong paraan upang panatagin ang kalooban niya.

Hindi siya nagsalita at nanatili lang na nakatitig sa akin. Kinuha niya ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya at ibinaba iyon at hindi na pinakawalan pa. Muling napatingin ako kay Ken na may masakit na ekspresyon sa mukha. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Devyn pero hinigpitan niya lang ang pagkakahawak niya roon upang hindi ko tuluyang mabitawan.

I felt a great pang of guilt as Devyn tighten his grip on my hand. It seems to me that he is reminding me of what he is to my life. Gusto kong kastiguhin ang sarili ko kung bakit pinipilit kong bawiin ang kamay ko gayong may karapatan naman siya na hawakan 'yon. Gusto kong pagalitan ang sarili ko kung bakit parang hindi ko binibigyan ng importansya ang lugar niya sa buhay ko.

Puno ng paghingi ng tawad na humarap ako kay Ken na ngayon ay malungkot ngunit puno ng pag-intindi na nakatingin sa akin. He smiled before turning around to get Olaf before giving it to me. Ako na sana ang aabot sa carrier nang maunahan ako ni Devyn.

Masyado akong nakokonsensya habang pinanonood ang pagtalikod ni Ken upang harapin ang sasakyan. Mula sa likod niya ay nakikita ko kung paanong naghalo-halo ang pagod ang matinding sakit na dinanas niya ngayong araw. Pigil na pigil ko ang luha sa mga mata ko upang huwag tuluyang kumawala habang pinapanood ang unti-unting paglayo ng sasakyan niya.

I'm sorry.

"I'm sorry, Devyn," mahinang usal ko.

"For what?" he asked.

Huminga ako ng malalim bago sinalubong ang mga mata niya. "If ever you felt jealous."

Matunong siya bumuntong hininga kasabay ng pagtingala niya sa madilim na kalangitan na tila kinakalma ang sarili niya. Nagsimula na akong maguluhan sa mga inaakto niya. Pakiramdam ko ay hindi lang ang mga nasaksihan ang bumabagabag sa kaniya. Sa nakikita ko sa kaniya ay pakiramdam ko ay mas may malalim pa siyang pinaghuhugutan pero hindi ko mawari kung ano.

Mariin siyang pumikit at mas humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. "You were out all day, Bliss Audrey," panimula niya. "I was trying to reach you out the whole day dahil nakokonsensya ako sa mga naging pagkilos ko kagabi. I wanted to make it up to you, but I just saw you with another man. What am I supposed to feel, Bliss Audrey?"

Nanatiling hindi ako nagsasatila. Natatakot ako na magkamali nang sasabihin lalo na sa estado ko ngayon. Isama pa na naguguluhan ako sa mga ikinikilos niya. This wasn't the Devyn that I knew. May iba sa kaniya. Pakiramdam ko ay bukod sa selos ay may takot din siyang nararamdaman.

This is far from how he reacted before towards Kervin. Nagseselos na siya noon kay Kervin pero hindi sa ganitong paraan. Hindi ko puwedeng sabihin na si Ken ang dahilan dahil ramdam kong higit na 'yon doon. I don't know if this is because of what we had talked about last night. Kung dahil sa sa naging usapan namin na hindi natuldukan bagkus ay nagsanga lang para sa panibagong palaisipan.

Nakikita ko ang pagtatalo sa mga mata niya. Ang pagragasa ng halo-halong mga emosyon na hindi ko na nagawang pangalanan pang lahat. Ang pagdaan ng selos na ilang sandal lang ay napalitan ng takot. Buhay na buhay din ang pangamba ngunit kakatwang nangingibabaw sa lahat ng mga iyon ang pagmamahal.

"I'm sorry. I kept my phone silent," pag-amin ko.

Masyado akong naging okupado sa mga nangyari kanina na hindi ko na nagawang pagtuunan ng pansin ang cellphone ko. Ni minsan ata ay hindi ko nagawang sulyapan iyon.

"You were that busy, huh?" malungkot na tanong niya na mas nagpadagdag sa konsensyang nararamdaman ko magmula pa kanina.

"I'm sorry. I just felt like I owe it to him," nakayukong sabi ko.

Napakagat ako ng mariin sa ibabang labi ko dahil sa pagsigid ng konsensya sa utak at sa puso ko. Kumapit ako sa braso niya at sa ginawa kong iyon ay nakuha ko ang buong atensyon niya. Bumaba ang tingin niya sa akin. Wala na ang selos ngunit ang ang takot ay naroon pa rin. Buhay man ang takot ngunit ang pag-intindi ay siyang nangingibabaw na ngayon.

Walang salita na hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap gamit ang isang braso. Ang isang kamay ay hawak pa din ang pinaglalagyan ni Olaf. Ikinuntento ko ang sarili ko sa pagkakapaloob ko sa bisig niya. Mahigpit na yumakap ako sa kaniya habang siya naman ay sumobsob sa leeg ko.

"Don't leave me..." puno ng pagsusumamo na sabi niya.

Tumango-tango ako bago nag-angat ng tingin sa kaniya. Ikinulong ko ang mukha niya sa pagitan ng mga palad ko. Marahang hinaplos ko ang pisngi niya habang puno ng pagsuyo na sinalubong ang mga mata niya.

"Mahal kita, Devyn."



"YOU MIGHT BE wondering why the child was born with this genetic disorder while when you look at the parents, they are both normal. Please remember class that OCA4 is inherited in an autosomal recessive manner which means that both of the parents are an obligate carrier of SLC45A2 gene." Gumawa ng sari-saring ingay ang mga kaklase ko dahil sa kalituhan na tinawanan lang ni Ma'am. "Let's breakdown everything," Mrs. Ramirez said turning her hear into my direction and smiled at me.

I took a deep breath as I look at Mrs. Ramirez who is now writing words on the white board using her black whiteboard marker. Words that I am very familiar with.

Autosomal Recessive Manner

Obligate Carrier

SLC45A2 gene

OCA4

"First, autosomal recessive manner. Kapag sinabi nating autosomal recessive manner, kailangan present sa dalawang parents ang faulty gene para magawang paipasa sa offspring nila ang sakit o disorder. Second, obligate carrier. An obligate carrier is an individual who carries the gene and is not at risk of developing the disorder. But their complexion may be light but less light than the affected child.

"SLC45A2 gene provides instructions for making a protein that is located in specialized cells called melanocytes. Itong mga cell na ito, sila ang ang responsable sa pag-produce ng pigment na tinatawag na, melanin. Melanin as we all know is the substance that gives color to the skin, hair, and eye color. Melanin can also be found in the light sensitive tissue in the retina, which is important for a person to have a normal vision."

Naramdaman ko ang tingin na ibinibigay sa akin ng kaklase ko. Gusto kong matawa sa mga reaksyon nila pero mas pinili kong panatilihing nakangiti ang mga labi ko. Eto na siguro ang unang pagkakataon na mapaguusapan namin ang ganitong klase ng aralin.

Hindi ako sanay. Nakakapanibago pero may kakaibang tuwa ako na nararamdaman. Pakiramdam ko sa paraan na ito ay magiging bukas ang mga mata at kaalaman ng mga tao sa totoong kalagayan ko. Sa totoong kondisyon ko. Nakakatuwa na sa ganitong paraan ay magagawa nilang intindihin ang kondisyon ko. Sa ganitong paraan, hindi man lahat ng tao, ay may mga iilan na maiintindihan ang kalagayan ko.

Sa ganitong paraan ay umaasa ako na mababawasan ang mga panghuhusga na matatanggap ko. Mga panghuhusga na hindi ko alam kung karapat dapat ko bang matanggap gayong wala naman akong ginagawang masama para maargabyado ang iba. Sa ganitong paraan ay sana kahit papaano ay maramdaman kong mabuhay sa isang komunidad, sa isang silid-aralan, na para bang normal lang ang lahat.

"OCA4 or Oculocutaneous Albinism type IV. People with this rare genetic disorder usually appear with a creamy white skin, silver white or light-yellow hair color, and a very light-blue eyes. They also have this what we call photophobia which is a sensitivity to bright lights. They mend it by wearing dark shades or rim hat. But rim hat is more preferable since nakakapapekto sa vision nila ang dark shades."

"Sa madaling sabi..." sabi ni Mason na binibitin ang mga salita.

Tuluyan na akong napatawa nang makitang lahat sila ay mga nakatingin na talaga sa akin. Even Veda and Mrs. Ramirez are now staring at me. Ang kaibahan lang ng mga uri ng tingin na ibinibigay nila sa akin, ang sa kanila Veda at Mrs. Ramirez ay puno ng pagmamalaki at pagtanggap. Habang ang sa mga kaklase ko naman ay may pangtanggap man na matagal ng naroon ngunit mas lamang ang gulat.

Hindi ba nila alam ang tawag sa kundisyon ko?

I was born with Oculocutaneous albinism type IV (OCA4). Mrs. Ramirez perfectly described my condition and physical characteristics. I need to stay out of the sun as much as possible. Dahil nga kulang sa melanin ang balat ko, the reason why I have a pale skin, ay mas prone ako sa skin cancer. At kung hindi ko mapipigilan ang lumabas ay kailangan kong gumamit ng sunblock na may 40-50+ SPF para mabawasa ang posibilidad na magkaroon ako ng skin cancer.

Malabo rin ang mata ko, I am near sighted. Kaya gumagamit ako ng transparent contact lenses at hindi ako nagsusuot ng shades to ease my photophobia. Dahil kung sunglasses ang susuotin ko ay lalabo lang lalo ang vision ko. Mayroon din ako Nystagmus which is the regular horizontal back and forth movement of the eyes. Pero magiging noticeable lang siya everytime na pagod ako, galit, or anxious. Pero kung normal lang ang nararamdaman ko ay wala.

Kailangan ko rin dumaan sa screening every six months para matingnan ang kalagayan ng balat ko. Hindi naman malala ang kaso ko. Pero kung dito ka sa Pilipinas nakatira, mapapansin at mapapansin ka talaga ng mga tao.

Kasi halos lahat ng tao nakasunod sa bawat galaw mo. Lahat may masasabi sa mga kilos mo. Kahit sa pananamit mo. 'Yon na kasi yung nature ng tao e. To judge someone even if they knew nothing about that person.

Pero minsan naisip ba natin what that person would feel upon hearing those criticism? Of course not. People refuse to see the effect of bad criticism to someone. Dahil ang importante lang naman para sa atin ay ang masabi natin ang mga bagay na mali sa isang tao. Na mapuna ang mga gusto nating punahin.

Kasi kahit naman anong gawing tama ng isang tao sa'yo kung ayaw mo sa kanya, ang mali lang niya at ang mali sa kaniya lang ang mapapansin mo. We just simply can't please everybody.

Pero sa nangyayari sa akin ay hindi lang masasakit na salita ang naranasan ko. Maging pisikal na pananakit ay ipinaramdam din nila sa akin. Hinawakan ko ang mahabang peklat na iniwan sa akin ni Ruby ng araw na iyon. Hindi lang siya dahil maging ang iba ay halos kaparehas lang din ang ginawa. Si Charm at ang kasama niya na sinabuyan ako ng pintura. Si Almira na pinaulanan ako ng bola. Wala mang naiwang peklat pero naiwan ang mga masasakit na ala-ala.

Itinuring nila akong malinis na puting papel. Malinis at puting kambas na pinintahan nila ng naaayon sa gusto nila. At isa ng patunay do'n ang peklat na hindi na magagawang burahin kahit pa lumipas ang mahabang panahon. Naroon na lang iyon. Nakatatak na sumisimbolo sa mapait na pangyayari sa buhay ko.

Thankful ako kasi nagkaroon ako ng chance na makasali sa isang organization at walang sinuman sa kanila ang hinusgahan ako sa kung ano ako. May matalik na kaibigan ako, Kervin, who treated me like a real sister. And of course, my parents who did everything to make me feel like I'm no different from a normal child.

And then, Devyn Braun came. Sa kanya ko lang tunay na naramdaman ang kalayaan na isipin ang mga bagay ng walang halong pagpapanggap. At the same time, kapag kasama ko siya, nagagawa kong mabuhayan ng loob dahil sa mga simple ngunit totoong salita niya.

"I have a question, Ma'am," taas-kamay na tanong ni Mason.

"Yes, Mason?"

"Posible po ba na magpakulay ng buhok? To fit it or to blend with the crowd?"

I was taken aback by his question. Hindi ko akalain na sa kaniya pa manggagaling ang tanong na iyon. Knowing Mason, hindi siya ang tipo ng tao na inderisado sa mga ganitong klase ng usapan.

"Why don't we ask, Bliss?" Ma'am suggested.

"Po?" naguguluhang tanong ko.

Mrs. Ramirez flashed a motherly smile towards my direction. Napalunok ako nang mapagtanto ang gusto niyang mangyari. Napalingon ako kay Veda nang lumapat ang mainit na palad niya sa kamay ko. Katulad ni Mrs. Ramirez, binigyan niya din ako ng magaang ngiti.

Muli akong napalunok para tanggalin ang bara sa lalamunan ko bago tumayo. Ngayon ko lang gagawin ang bagay na ito. Ang talakayin ng direkta ang tungkol sa kondisyon ko. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Everyone's eyes were fixed on my direction, following my every move. Pakiramdam ko ay marami silang gustong sabihin na mas pinipili na lang nilang sarilinin.

Ang masuyong paghaplos sa akin ni Mrs. Ramirez sa likuran ko ang nagpalakas ng loob ko. Pinuno ko ang dibdib ko ng hangin bago malakas na pinakawalan iyon. Ilang beses ko pang ginawa iyon bago tuluyang bumuka ang bibig ko para ilahad ang mga naging eksperyensya ko dahil sa pagiging ganito ko.

"At first, naisip ko, katulad ng sinabi ni Mason, na pakulayan ang buhok ko. It was when I was in my eight grade of my junior high school years when that thought crossed my mind. During those time ay paulit-ulit kong naranasan na masaktan sa pisikal na paraan dahil lang iba ako sa karamihan. They put gums on my hair. Shoot me with sticky tapioca pearls. Showered me paints to change my skin complection. But I never did it. I never forced myself to blend in with the crowd."

"Why?" mahina at sabay-sabay na tanong ng karamihan sa kanila.

Nginitian ko sila. "Because I felt like it would be an insult to everyone who has the same condition as I do."

Silenced enveloped the four-cornered room. Nakatingin lang sila sa akin pero hindi tulad kanina na puno ng gulat ang mga mata nila, ngayon ay puno na iyon ng matinding pagtanggap at pag-unawa. Karamihan sa kanila ay nakatingin sa akin habang ang iilan ay mga nakaiwas ang tingin sa akin.

Sila 'yong mga tao na hindi rin pinalampas ang isang araw na hindi ako tinitingnan ng may panghusaga. Sila 'yong mga tao noon na hindi kailanman inisip ang mga salita na lumalabas sa bibig nila para lang humusga. Sila 'yong mga tao na sa kabila ng edad ay hindi pa rin magawa ang tumanggap ng kapwa na iba sa malayo sa pagiging ordinaryo.

Pero ngayon ay hindi na sila ang mga tao na nakakasalamuha ko noon. Ngayon ay sa tingin ko ay bukas na sila sa pagtanggap. Bukas na hindi lang ang mga mata nila kundi maging ang mga isip at puso nila. Sana lahat ng tao ay maging ganito. Sana lahat ng tao ay mas piliin ang umintindi kaysa ang humusga. Sana.

I smiled and took the courage to continue my story. "I was bullied. People called me names. Walking bond paper, someone who takes gallons of glutathione, and I was even called an alien," I smiled bitterly upon remembering those moments in my life. "I was never understood by many. They just stared at me like my existence is a wonder. Like I do not belong, and I do not deserve to breathe the same air they breathed. People treated me like a canvas, an empty walking canvas.

"But instead of being painted beautifully with bright colors and with every stroke full of love. I was painted not just by the scars but also by the cut that their words caused in my heart. They painted me with no gentleness and full of ruthlessness with their weapon, their words. Instead of the bright colors I expected it to be, it turned out to be a color that represents the feeling that they caused me. It was pitch black. It was full of darkness.

"But what hurt me more is knowing that they are capable of judging a person even without knowing his or her condition, my condition. I am an albino. I have a color that is like a clean sheet of paper. I was not born like any normal kid. But hey, I survived."

Akala ko ay wala na. Na hindi na ako makakaahon sa mga emosyon na lumulunod sa akin. Akala ko ay hanggang doon na lang ako sa lugar kung saan ako nakakulong sa loob ng mahabang panahon. Lugar na wala akong makakapitan kundi ako lang. Ang sarili ko lang. Pero nagkamali ako nang isipin ko na hanggang doon lang ako. A rescue came, with a battalion of people on his back that pulled me back into my senses.

A hero came.

---
A/N: Again, thank you for reading. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top